Share

Chapter 13

SINADYA talaga ni Kit na umalis nang maaga para hindi niya makasabay sa elevator si Aiden. Buong weekend niya itong iniwasan, at ang huling pagkikita nila ay noong mahuli siya ng binata sa loob ng condo unit nito.

Subalit ngayong araw ay hindi nila maiiwasan ang magkita, dahil may schedule sila ng photoshoot sa Tagaytay. ‘Di bale. Ilang oras lang naman ‘to. Tiis-tiis lang, Kristina.

Nasa kalagitnaan ng pagmamaneho si Kit nang bigla na lamang tumirik ang sasakyan niya. Bumaba siya ng sasakyan at napamura dahil sa inis. “Sa lahat naman talaga ng araw, ngayon mo pa piniling magloko!” sigaw ng dalaga bago sinipa ang gulong ng sasakyan.

Napabuntong-hininga na lamang siya at napatingin sa kanyang wristwatch. Kung ipapaayos niya pa iyon ay matatagalan siya, at paniguradong late na siyang dadating sa location ng photoshoot sa araw na iyon. Napakamot na lamang siya sa sobrang frustration. “Bwisit naman eh. Bakit ba kasi – “

“Anong nangyari?”

Nilingon ni Kit ang pinanggalingan ng tinig, at
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status