All Chapters of The Playboy Next Door: Chapter 21 - Chapter 23
23 Chapters
Chapter 21
MAGMULA noong kumalat ang balita tungkol sa namamagitan sa kanilang dalawa ni Aiden, walang araw na hindi ginulo si Kit ng mga fans nito. Kung hindi siya binubully sa social media ay pinapadalhan naman siya ng mga ito ng patay na daga, basura, at kung anu-ano pang nakakadiri. Malaki rin ang naging epekto nito sa trabaho niya. Marami ang umiwas na mag-hire sa kanya, dahil sumusugod ang mga galit na fans ni Aiden para lang i-harass at guluhin siya.               Maswerte lamang talaga siya at kapitbahay niya si Aiden at mahigpit ang security sa tinitirhan nila, kaya hindi basta nakakapunta ang mga fans ng binata sa kanilang condo unit. Pero kahit ganoon ay binabagabag pa rin si Kit ng mga ito sa pamamagitan ng pagtawag at pagtetext sa kanya ng masasakit na salita. Binoblock niya naman ang mga ito, pero sadyang hindi ata nauubusan ng mga magagamit na phone number ang mga fans ni Aiden. 
Read more
Chapter 22
Nang malaman ni Aiden na umalis si Kit sa condo unit nito ay wala na siyang nagawa. Hindi niya naman masisisi ang dalaga sa paglayo nito. Dahil sa sobrang pagkamiss sa dalaga ay tinungo niya ang bakante nitong unit. Natatandaan niya pa ang password ni Kit, kaya pumasok na siya agad sa loob. Dumiretso siya sa kwarto ng dalaga, at nakapikit niyang ibinagsak ang katawan sa kama nito. Kahit papaano ay alam na ni Aiden na madidiskubre rin ng lahat ang tungkol sa kanila, kaya hindi na nagulat pa ang binata nang bigla na lamang bumitaw si Kit sa kung anuman ang namumuo sa pagitan nilang dalawa. Hindi siya galit, at sa halip ay nasasaktan siya para sa babaeng minamahal dahil alam niyang doble ang sakit na nararamdaman nito ngayon. Nagmulat siya ng mga mata nang marinig ang tunog ng cellphone niya. Nang makitang ang kapatid na si Aivi ang tumatawag ay bumuntong-hininga muna siya bago iyon sagutin. “O, Aivi. Napatawag ka. Ma
Read more
Chapter 23
TALAGANG sumugod si Kit sa venue ng presscon ni Aiden. Nakasuot siya ng hoodie at shades para hindi siya makilala ng media at ng mga fans ng binata na naroon din. Pagdating doon ay kanina pa nagsisimulang magtanong ang press kay Aiden. Napangiti si Kit habang pinagmamasdan ang binata. He looked handsome and dashing as usual, pero bakas ang lungkot sa mga mata nito. Kinagat niya ang pang-ibabang labi. Alam niyang siya ang dahilan ng lungkot na iyon, at gusto niyang makabawi sa binata sa ginawa niyang pag-iwan dito sa ere.               “So Aiden…” sabi ng isang reporter, “Gusto lang namin talagang makumpirma, once and for all… Ano ba talaga ang meron sa inyo ng photographer na si Kit Ramirez?”               Biglang nagbulungan ang mga tao sa loob, at nakakarinig rin ng mga nega
Read more
PREV
123
DMCA.com Protection Status