Mag-log inTahimik ang buhay ni Kit hanggang sa lumipat ang nakakainis na lalaki sa tabi ng unit niya. Gabi-gabing may maingay na kalabog at mga halinghing ang umistorbo sa tulog niya. Nang di na makatiis, sinugod niya ito at sinita. Ang mas nakakainis, pati siya ay nilalandi nito. Sa malas, akalain ba niyang ito rin pala ang naging modelo para sa raket na tinanggap niya. Right at that moment, alam na ni Kit na magiging impiyerno ang mga linggong magkakatrabaho sila ni Aiden. She was not prepared for it. Definitely not. Pero hindi pala doon matatapos ang kanyang problema. Kinaumagahan matapos siyang maglasing isang gabi, nagising siya sa kama ng lalaking kinaiinisan.
view moreTALAGANG sumugod si Kit sa venue ng presscon ni Aiden. Nakasuot siya ng hoodie at shades para hindi siya makilala ng media at ng mga fans ng binata na naroon din. Pagdating doon ay kanina pa nagsisimulang magtanong ang press kay Aiden. Napangiti si Kit habang pinagmamasdan ang binata. He looked handsome and dashing as usual, pero bakas ang lungkot sa mga mata nito. Kinagat niya ang pang-ibabang labi. Alam niyang siya ang dahilan ng lungkot na iyon, at gusto niyang makabawi sa binata sa ginawa niyang pag-iwan dito sa ere. “So Aiden…” sabi ng isang reporter, “Gusto lang namin talagang makumpirma, once and for all… Ano ba talaga ang meron sa inyo ng photographer na si Kit Ramirez?” Biglang nagbulungan ang mga tao sa loob, at nakakarinig rin ng mga nega
Nang malaman ni Aiden na umalis si Kit sa condo unit nito ay wala na siyang nagawa. Hindi niya naman masisisi ang dalaga sa paglayo nito.Dahil sa sobrang pagkamiss sa dalaga ay tinungo niya ang bakante nitong unit. Natatandaan niya pa ang password ni Kit, kaya pumasok na siya agad sa loob. Dumiretso siya sa kwarto ng dalaga, at nakapikit niyang ibinagsak ang katawan sa kama nito. Kahit papaano ay alam na ni Aiden na madidiskubre rin ng lahat ang tungkol sa kanila, kaya hindi na nagulat pa ang binata nang bigla na lamang bumitaw si Kit sa kung anuman ang namumuo sa pagitan nilang dalawa. Hindi siya galit, at sa halip ay nasasaktan siya para sa babaeng minamahal dahil alam niyang doble ang sakit na nararamdaman nito ngayon.Nagmulat siya ng mga mata nang marinig ang tunog ng cellphone niya. Nang makitang ang kapatid na si Aivi ang tumatawag ay bumuntong-hininga muna siya bago iyon sagutin.“O, Aivi. Napatawag ka. Ma
MAGMULA noong kumalat ang balita tungkol sa namamagitan sa kanilang dalawa ni Aiden, walang araw na hindi ginulo si Kit ng mga fans nito. Kung hindi siya binubully sa social media ay pinapadalhan naman siya ng mga ito ng patay na daga, basura, at kung anu-ano pang nakakadiri. Malaki rin ang naging epekto nito sa trabaho niya. Marami ang umiwas na mag-hire sa kanya, dahil sumusugod ang mga galit na fans ni Aiden para lang i-harass at guluhin siya. Maswerte lamang talaga siya at kapitbahay niya si Aiden at mahigpit ang security sa tinitirhan nila, kaya hindi basta nakakapunta ang mga fans ng binata sa kanilang condo unit. Pero kahit ganoon ay binabagabag pa rin si Kit ng mga ito sa pamamagitan ng pagtawag at pagtetext sa kanya ng masasakit na salita. Binoblock niya naman ang mga ito, pero sadyang hindi ata nauubusan ng mga magagamit na phone number ang mga fans ni Aiden.
MAGMULA noong magtapat siya ng nararamdaman para kay Kit, pakiramdam ni Aiden ay mas nagkaroon ng direksyon ang buhay niya. Kung dati ay panay ang pakikipag-flirt niya sa kung sinu-sinong babae, ngayon ay kay Kit na lamang nakatuon ang kanyang oras at atensyon. At dahil espesyal si Kit sa lahat ng mga babaeng nakilala niya, sa kauna-unahang pagkakataon ay talagang naghirap at nag-effort ang isang Aiden Lazaro para sa isang babae. Dagdag challenge pa ang fact na si Kit ang babaeng iyon, at hindi ito kagaya ng ibang mga babae na nakilala niya, that is why she deserves special attention. Pero para maging kumpleto na ang pagseseryoso niya sa babae, kailangan niya nang baguhin ang lifestyle na meron siya. Magmula
“ANONG oras ba balak dumating ng model natin ngayong araw? 8 AM ang call time, hindi ba? It’s freaking 9 AM! I don’t have the whole day to wait for him!” naiinis na sabi ni Kit. Ayaw na ayaw niya kasing pinaghihintay siya, lalo na kapag related sa trabaho ang gagawin. “Sorry talaga, K
Buong akala ni Kit ay magpapatuloy na ang katahimikan sa buhay niya, pero ilang araw lamang ang lumipas ay bumalik na naman ang dating ingay na nagmumula sa unit ni Aiden. Pinalampas niya ang unang gabing naulit ang mga ingay, pati na ang pangalawa. Subalit nang sumapit na ang pangatlong gabi ay hin
KAHIT late na natulog si Kit, maaga pa rin siyang nagising, kaya tuloy parang binibiyak na ang ulo niya sa sobrang sakit. Sumasakit kasi ang ulo niya kapag nakukulangan siya sa tulog. Agad siyang lumabas para bumili ng gamot sa pinakamalapit na drugstore, pagkatapos ay du
Buong akala ni Kit ay magpapatuloy na ang katahimikan sa buhay niya, pero ilang araw lamang ang lumipas ay bumalik na naman ang dating ingay na nagmumula sa unit ni Aiden. Pinalampas niya ang unang gabing naulit ang mga ingay, pati na ang pangalawa. Subalit nang sumapit na ang pangatlong gabi ay hin
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.