Lahat ng Kabanata ng ABDUCTED: The Story of Forced Marriage: Kabanata 31 - Kabanata 40
45 Kabanata
Chapter 23 (Part 7)
KALUSKOS sa talahib ang ikinagising ni Raven. Nang mga oras na iyan ay mataas na ang sikat ng masiglang araw sa silangan, at kalat na ang liwanag sa kapaligiran. Akmang babalikwas siya ng bangon ng bigla siyang pigilan ni Asher. "Sshhh..." anas nito saka hinawakan ang kaniyang kanang kamay. Tinitigan niya ang binata sa mga mata pababa sa labi nito na bahagya nang tuyo. Patuloy ang mga kaluskos sa talahib hanggang sa marinig nila sa paligid ang ingay ng mga taong-gubat. Humigpit ang hawak nila sa isa't isa. Tahimik siyang napaiyak sa takot. "Don't move..." bulong nito sa hangin saka sumenyas na sa mga mata nito lamang siya tumingin. Tumangu-tango siya habang nakatitig sa mga mata nito. "It's okay... " bulong muli nito sa hangin. Nasa bingit sila ng kapahamakan ng mga sandaling iyan, ngunit ang titig nito ay nagbibigay ng lakas ng loob sa kaniya para maniwalang hindi pa sila matatapos doon. Unti-unting lumalapit ang kaluskos sa kinaroroonan nila habang patuloy sa pagsasalita a
Magbasa pa
Chapter 23 (Part 8)
NAGPATULOY sila sa paglakad ng magkahawak ang mga kamay. Tinumbok nila ang landas na sa tingin ni Asher ay tamang direksiyon. Matapos ang mahabang paglalakad ay sinapit nila ang ilog gaya ng inaasahan ng binata. Nakadama na ng pagod si Raven kaya humiling siya kay Asher na baka p'wede silang magpahinga roon sa gilid ng ilog at sumang-ayon naman ito. Inalalayan siya nitong maupo sa tipak ng makinis na bato bago ito naupo sa tabi niya.Itinusok niya sa lupa ang gulok. Tumingin siya sa binata at nakita niyang malayo ang tanaw nito. "Asher," untag niya rito. Tumingin ito sa kaniya at hinintay ang sasabihin niya. "Kung...palarin tayong makaalis ng buhay rito sa isla, ano ang bagay na una mong gagawin?" seryosong tanong niya sa binata. Saglit itong natigilan na wari'y nag-iisip, hindi ito nagsalita at kapagkuwan ay iniiwas ang tingin sa kaniya. She thought she'd asked the wrong question, so his temper of mind quickly changed.Napakurap siya at nakagat ang ibabang labi bago iniiwas
Magbasa pa
Chapter 23 (Part 9)
MALAYO na ang nalalakad nila Asher at Raven sa gitna ng madawag na kagubatan.Dumidilim na ang kapaligiran at nagsimula nang mag-ingay ang mga kuliglig at paniki sa paligid. Malamig na rin ang simoy ng hanging yumayakap sa kanila.Nagreklamo na sa matinding pagod si Raven kaya naman pinagbigyan niya itong makapagpahinga.Sa ilalim ng malaking punong-kahoy sila sumilong at nagkubli. Doon na rin sila nagpalipas ng gabi.Ginising sila ng masungit na panahon kinaumagahan. Dulot ng ginaw na hatid ng malamig na simoy ng hangin, nakalimot sila at nauwi sa mainit na pagniniig.At ang punong iyon ay naging saksi sa maalab nilang pagtatalik sa kabila ng masungit na panahon, sa kabila ng mapanganib nilang kalagayan doon.Habang lingid sa kaalaman nila, ay mayroong isang pares ng mga mata na nakamasid sa kanila.Kuyom ang mga kamao ng taong ito at naglalagablab ang puso sa matinding panibugho.Maaari po nating balikan ang Chapter 20 : Stolen Kiss para mabasa ang buong eksena nito._____________K
Magbasa pa
Chapter 23 (Part 10)
"RAVEN!" tawag ni Asher sa kaniya nang makita siya.Halos liparin nito ang distansya sa pagitan nila."Ayos ka lang ba, Raven? Anong nangyari sa'yo?" magkasunod nitong tanong nang makalapit.Hingal na hingal ito, wari'y galing sa napakalayong pagtakbo.Bakas sa mukha nito ang pag-aalala nang makita ang nagdurugo niyang noo."Asher, mamaya—" naputol siya sa pagsasalita nang bigla siya nitong kabigin at niyakap ng mahigpit.Halos hindi siya makahinga. Damang-dama at dinig na dinig niya ang pagtibok ng puso nitong napakabilis.Lumayo ito at nag-iwan ng hiblang distansya pagkaraan, ikinulong nito ang mukha niya sa nanlalamig at nanginginig nitong mga palad. Maluha-luha itong pinakatitigan siya."Bakit ba labis mo akong pinag-alala, Raven!?" may hinanakit sa tono nito."Asher, we—" pinutol na naman nito ang sasabihin niya sa pamamagitan ng mariing halik sa kaniyang labi, tila nangigigil. Ngunit sinikap niya itong itulak palayo sa kaniya."Raven!?" naguguluhang tanong nito."Asher, kailanga
Magbasa pa
Chapter 24: Unexpected
NAKAUPO sa gilid ng hospital bed si Asher at nakatulala sa puting dingding.Nasa private room siya ng isang ospital, doon siya dumiretso matapos niyang magtungo sa himpilan ng pulisya at mag-file ng police blotter. Hindi niya alam kung sino ang pangahas na nagtangka sa buhay niya na nagawang makapuslit agad bago pa makadalo ang iba niyang kasama sa simbahan kanina. Hindi niya nakita ng hantaran ang mukha nito dahil sa full facemask na suot nito.Subalit hindi siya dinaraya ng kaniyang mga mata, natitiyak niya sa pigura nito na isa itong babae.Gustuhin man niyang pagbayarin ito sa ginawang kapangahasan ay wala siyang magawa. He could not identify any suspect who possibly did this to him.Hindi niya maaaring basta na lang tukuyin o pagbintangan si Kayden dahil lamang sa komplikadong isyu sa pagitan nito at ni Raven.Isa pa ay hindi naman nila naipa-blotter nitong nakaraang araw ang tungkol sa pagtakas ni Raven buhat sa poder nito sapagkat plano na nilang magsampa ng kaso sa piskalya.
Magbasa pa
Chapter 25: Where is Kayden?
KANINA pa nakatulala si Raven sa labas ng bintana roon sa kaniyang silid.Matapos nilang magpa-blotter sa mga police kanina ay pinasya niyang bumalik na lang sa mansion at magpahinga imbes na dumiretso sa ospital kung saan naroon si Asher, sapagkat pakiwari niya ay pagod na pagod siya sa nangyari.Okupado ang isip niya nang mga kaganapan kanina, iniisip niya si Kayden bagay na ipinagtataka niya sa kaniyang sarili.Dapat ay matuwa siya sa nangyari sa asawa ngunit hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nababalisa siya at inaalala ang kalagayan nito sa mga sandaling iyan.Wala sa loob na nasapo ni Raven ang impis pa rin niyang puson kung saan naroon ang munting buhay na ipinunla ni Kayden.Tiyak alam na nito na buntis siya kaya marahil ay nagpipilit itong makausap siya.Napabuntong-hininga siya.Si Kayne, kumusta na kaya ito sa poder ng mga Alcaraz pagkatapos ng ginawa niyang pagtakas? Alam na kaya nito na magiging kuya na ito?Oras-oras niya itong naiisip, nababahala siya para rit
Magbasa pa
Chapter 26 : Parental Custody
"SHE saved my life nang araw na iyon," wika ni Asher sa malungkot na tono buhat sa kaniyang likuran. Sinundan pala siya nito papunta sa preparatory kitchen.Patungo siya roon upang magtimpla ng juice para rito at sa kasama nitong si Nowanna na naiwan sa sitting room.Natigilan siya sa paghakbang at kagat-labi na nilingon ito bago dahan-dahang pumihit paharap dito.Nakarating kay Asher ang nangyari kahapon at matapos nitong dumaan sa presbytery pagkalabas sa ospital ay dumiretso ito roon upang kumustahin siya at ang baby na nasa sinapupunan niya.Ngunit hindi niya inaasahan na naroon ito hindi para lang kumustahin siya kun'di upang balikan ang nakaraan at ipaalam sa kaniya kung sino at paano ito nakaligtas sa tiyak na kamatayan matapos nilang iwan. "So, I'm supposed to thank her." Iyan ang mga salitang nahagilap niyang sabihin sapagkat guilty siya at unti-unting binabalot ng pagsisisi ang puso niya."Hindi," kaagad nitong salungat sa kaniya. "Ako ang dapat magpasalamat sa kaniya. Tin
Magbasa pa
Chapter 26 (Part 2)
DINALA niya ang ama ni Kayden kasama ang abugado nito sa green garden nila sa backyard ng mansion, kung saan natatanaw ang malawak na rectangular pool.She believes that the cozy atmosphere here will contribute to the smoothness of their conversation."Raven," mahinang tawag ng ama ni Kayden sa pangalan niya nang makaupo na silang lahat sa garden chairs. "Alam kong walang kapantay ang sakit na naidulot sa'yo ng aking anak." Pagsisimula nito sa paksa nila. "Pero kung nasa katinuan lamang ang pag-iisip niya, he would certainly repent of his wrongdoings."Nakaupo ito kaibayo niya kaya madali sa kaniya ang mapamata rito matapos ang sinabi nito.Is he telling her that Kayden has lost his mind?Bigla ay naalala niya ang mga kalalakihang dumampot kay Kayden kahapon, sigurado siya, hindi psychiatric nurses ang mga iyon."Yes," tugon ng ama ni Kayden na wari ay nabasa ang iniisip niya. Narinig niya ang pagpalatak ng kaniyang ama kaya napatingin siya rito."Is he truly lost his mind, or is th
Magbasa pa
Chapter 27 : A Father's Tears
DAHAN-DAHANG bumukas ang pintuan sa silid na kinaroroonan ni Kayden, at sa mabagal na pagladlad ng dahon niyon ay ang unti-unting paghantad ng magandang mukha ni Raven sa kaniyang paningin.Awtomatikong bumilis ang pintig ng kaniyang puso at napaunat ang kaniyang likod sa pagkakaupo.Kaagad na nagtagpo ang paningin nila. Nakita niya sa mga mata nito ang magkahalong takot at pagkabahala habang hinahagod ng tingin ang kabuuan ng kaniyang mukha. Lumampas ang kaniyang tingin sa likuran nito at nakita niyang nakatayo roon si Atty. Galvez. Tumango ito sa kaniya bilang paalala.Iniiwas niya ang tingin sa mga ito at tumitig sa wall. Nagsimulang mamula ang paligid ng kaniyang mga mata, naiiyak siya.Narinig niya ang mabagal na paghakbang ni Raven palapit sa kaniyang kinaroroonan.Muli niyang dinala ang tingin dito na nang sandaling iyan ay titig na titig pa rin sa kaniya na para bang sinusuri siya.Habang nakabantay siya sa bawat pagkilos nito at ay dama niya ang matinding pananabik dito.G
Magbasa pa
Chapter 27 (Part 2)
PAGSAPIT ni Asher sa view deck ng mall ay kaagad niyang nakita ang coffee shop.Tanaw niya ang dim light sa loob ng coffee shop na nagbibigay ng comfortable and relaxing ambience doon.Nagpatuloy siya sa paglakad palapit sa coffee shop.Pagpasok pa lamang niya sa entrance ay agad na hinanap ng kaniyang mga mata ang ama ni Kayden.Hindi siya nahirapang makita ito dahil ilan lamang ang mga taong naroon. Mag-isa lamang ito sa table na nasa sulok katabi ang mga live green indoor plants at walang nakabantay na bodyguards. Napapaisip na talaga siya. Hindi siya nito inaya sa restaurant o kahit sa bar, mukhang masinsinan at nakagugulat ang kanilang magiging usapan.Nagpatuloy siya sa makisig niyang paglakad sa kabila ng suot niyang clergy priest polo. Nakuha niya ang atensyon ng ilan sa mga kababaihang naroon, ngunit dahil nakatuon ang kaniyang atensyon sa ama ni Kayden ay hindi niya napansin ang mga matang sa kaniya ay nakatuon.Hanggang sa sapitin niya ang kinaroroonan ni Karl Alcaraz. K
Magbasa pa
PREV
12345
DMCA.com Protection Status