All Chapters of ABDUCTED: The Story of Forced Marriage: Chapter 21 - Chapter 30
45 Chapters
Chapter 19 : Asher's Gaze
DAHAN-DAHANG iminulat ni Raven ang kaniyang mga mata at ang pamilyar na kisame ang namulatan niya, ngunit agad din siyang napapikit dahil sa pagkasilaw sa maliwanag na paligid.Pinakiramdaman niya ang sarili, ang kaniyang katawan. Mas mabuti na ang kaniyang pakiramdam ngayon, hindi na siya nanlalata at nahihilo.Si Asher, bigla itong pumasok sa alaala niya dahilan upang imulat muli ang kaniyang mga mata."Raven!" tawag ng pamilyar na boses sa pangalan niya pero hindi niya nagawang tugunin."Raven!" tawag pang muli sa pangalan niya na sa pagkakataong iyan ay tatlong boses na magkakasabay.Dahan-dahan niyang dinala ang tingin sa mga tumatawag sa kaniya.Saglit siyang natigilan bago napaiyak nang makita niya ang kaniyang mga magulang at ang kaibigan na si Loraine.Tinangka niyang bumangon pero pinigilan siya ng dextrose na nasa kaniyang kamay.Napatingin siya roon habang ang mga magulang niya ay dumulog sa kama na kaniyang kinahihigaan at sabay na dumukwang para yakapin siya.Muli ay nat
Read more
Chapter 20 : Stolen Kiss
NAKARAANMALAYO na ang nalalakad nila Asher at Raven sa gitna ng madawag na kagubatan. Dumidilim na ang paligid at nagsimula nang mag-ingay ang mga kuliglig at paniki. Malamig na rin ang simoy ng hanging yumayakap sa kanila."Napapagod na ako, Asher!" padaing na reklamo ng dalaga sa kaniya.Iniligid niya ang tingin at nakita niya ang isang malaking puno ng kahoy."Doon tayo." Hinawakan niya sa siko ang dalaga at iginiya palapit doon.Mataas ang mga ugat ng punong iyon at kahit papaano ay maaari nilang mapagkublihan.Magkatabi silang naupo sa pagitan ng mga ugat ng puno. Dama nila ang malamig na lupa na basa sa hamog.Sa bungad pumuwesto si Asher para kahit paano ay maprotektahan niya ang dalaga.Kapwa lang sila tahimik at nakikinig sa huni ng mga kuliglig at paniki sa paligid.Tiningnan niya si Raven at nabanaagan niya ang pagod na nakalarawan sa maamo nitong mukha. Dinig niya ang paghingal nito.Inalis niya ang tingin sa dalaga at tumitig sa ibang direksyon. Nakita nila ang nag-iisang
Read more
Chapter 21 : Nude Painting
INIHINTO ni Asher ang kotse niya nang magpula ang traffic lights. Napabuntong-hininga siya at tila nanlalatang napasandal sa backrest ng kinauupuan niya. Hindi niya maiwaksi sa kaniyang isip ang ginawa niyang paghalik kay Raven kanina, maging ang pulso niya ay nananatili pa ring mabilis. Wala sa loob na sinapo niya ang kaniyang dibdib. Nasa ganiyang ayos siya nang mapatanaw sa napakataas at nagliliwanag na building sa di-kalayuang distansya. Iyon ang Golden Kingdom Resort and Casino na pag-aari ni Karl Alcaraz, tanyag ito at isa sa mga pinakamatataas na gusali sa bansa, nahahati sa dalawang gusali ang casino at nasa pagitan ng mga ito ang malawak na dancing fountain. Minsan na siyang nakapasok sa marangyang casino na iyon noon, at talaga namang nakamamangha sapagkat mayaman ito sa kalakaran. High-end poker rooms, exclusive villas with full butler service, a golf course , fine dining restaurants and bars plus its world class ambiance are some of the luxurious experiences that p
Read more
Chapter 22 : The Confession
KALALABAS ni Kayden buhat sa walk-in closet nang marinig niya ang katok sa pinto. Pahinamad siyang sumulyap doon. "Come in." Sinabayan niya ng paglakad palapit sa bedside cabinet at kinuha ang cellphone niya sa ibabaw niyon, tapos ay inilagay sa bulsa ng kaniyang pantalon. Lumikha ng ingay ang dahon ng pintuan nang bumukas iyon at muling lumapat. Pinakiramdaman niya ang kung sinong nakatayo roon at hinintay na lumakad ito palapit sa kaniya habang hinihila niya ang drawer sa harap niya. Napatitig siya sa baril na naroon, akmang dadamputin na niya iyon nang matigilan dahil sa mabagal na mga yabag sa marbled floor. Hindi iyon yabag ni Kayne, maging ng kaniyang ama o kahit ng cleaner niya roon sa kaniyang kuwarto. Awtomatiko siyang lumingon at nakumpirma ang hinala niya. Ang heels ni Athena ang lumilikha ng ingay sa marmol na sahig. Huminto ito halos dalawang dipa ang layo buhat sa kinatatayuan niya. Tinitigan niya ito sa mga mata habang hinahagod nito ng tingin ang kaniyang kabuuan
Read more
Chapter 23 : Flashback
PAGKARAAN ng mahabang sandali ay lumabas sila ni Asher sa pinagkukublihan nila at tinugpa ang salungat sa direksyong nilandas ng tatlong kalalakihan.Ngunit hindi pa man sila masyadong nakakalayo ay nakasalubong na nila ang isa sa mga humahabol sa kanila.Halos takasan siya ng hininga dahil sa abot-langit na takot lalo na nang agad nitong itutok kay Asher ang hawak na baril."Ilagay mo sa'yong ulo ang iyong mga kamay," matigas na utos nito kay Asher.Nag-aalangan pang sinunod ng binata ang utos nito habang pasimpleng sumusulyap sa kaniya, pinakikiramdaman siya."Asher!" Nanginginig ang boses na sambit niya sa pangalan nito."Nandito sila!" sigaw ng lalaking ito habang lumalapit sa kanila.Walang anu-ano'y hinampas nito ng hawak na baril sa mukha ang binata na agad napahandusay sa forest floor at tila nawalan ng malay."Asher!" patiling tawag niya rito.Mabilis siyang lumapit dito para daluhan ito subalit agad siyang nilapitan ng lalaki at hinatak palayo sa binata."Get off me!" gigil
Read more
Chapter 23 (Part 2)
HINDI niya alam kung ilang oras na ang nakalipas buhat nang makatulog siya.Pero nang imulat ni Raven ang mga mata ay medyo maliwanag na ang kapaligiran.Naririnig na rin niya ang huni ng mga pang-umagang ibon sa paligid na animo'y nag-aawitan.Ang lamig na tiniis niya nang nagdaang magdamag ay naibsan nang bahagya ngayon.Ang kirot sa mga sugat sa talampakan ay nananatiling nandoon, habang hindi na masyadong masakit ang napilay niyang paa at tiyak hindi na siya masyadong mahihirapang lumakad.Sinubukan niyang gumalaw upang magbago ng puwesto pero natigilan siya.Parang may kung anong pumigil sa kaniyang pagkilos.Kinapa niya ang baywang at ang braso ni Asher ang kaniyang nahawakan doon.Napalunok siya ng laway at awtomatikong nawala sa normal ang pulso.Noon lang niya napagtanto na nakayakap pala sa kaniya ang binata, at iyon marahil ang dahilan kung bakit ang ginaw na nararamdaman niya sa magdamag ay naibsan.She'd wished to feel his embrace again many times over the last few years,
Read more
Chapter 23 (Part 3)
HALOS liparin ni Asher ang kinaroroonan niya nang makita nitong ibinababa na ng pangahas ang saplot niya sa ibabang bahagi ng kaniyang katawan.Nang ganap itong makalapit ay ubos lakas nitong hinataw ng suntok sa leeg ang abalang lalaki.Timbuwang ito sa tabi niya at hindi ito binigyan ng pagkakataon ni Asher para makabawi pa, agad itong umibabaw dito."Hayop ka! Hayop ka!" galit na galit na sigaw ni Asher habang binabayo ito ng suntok sa mukha at hindi tinigilan hanggang sa magmumog na ito ng sariling dugo at mawalan na ng malay.Tahimik siyang umiiyak habang nakatitig kay Asher.Humihingal ang binata nang huminto.Tiningnan siya nito bago siya nilapitan at masuyong inayos ang bahagya ng nakababang saplot sa kaniyang ibabang katawan.Kapwa hindi sila makapagsalita habang nakatitig sa isa't-isa. Sa mga mata nito ay naroon ang guilt. Guilt dahil siguro iniwan siya?Nagulantang siya nang makita ang lalaking may hawak na sanga ng kahoy sa likuran ni Asher, at bago pa man siya makasigaw
Read more
Chapter 23 (Part 4)
"A-ASHER is that you?" ulit niya.Kahit pa nga hindi siya sigurado kung sinundan nga ba siya nito ay nagbabaka-sakali siyang ito ang lumilikha ng kahit na anong kaluskos sa paligid.Subalit wala pa rin siyang natanggap na tugon.Kinabahan na siya kaya agad siyang tumayo at dahan-dahang umatras palayo.Noon biglang lumundag malapit sa kaniya ang malaking bayawak.Nagulat siya at napakaripas ng takbo sa tubig.Hindi siya tumigil hanggang sa makalayo roon.Humihingal siyang huminto sa pagtakbo at pilit na kinalma ang sarili habang tahimik na idinadalangin na sana ay nasa paligid lang si Asher.Kahit sinabi niya na hindi na siya lalapit pa rito, piping idinadalangin ng puso niya na sana ay nasa malapit ito.Halos mabingi siya sa mabilis at malakas na tibok ng kaniyang puso, nadarama rin niya ang pangangatog ng kaniyang mga tuhod dahil sa labis na takot.Hindi pa man siya tuluyang kumakalma ay muli siyang napapitlag nang makarinig ng kulabsaw sa tubig.Akmang tatakbo siya pabalik kung saan
Read more
Chapter 23 (Part 5)
NAITAKIP ni Asher ang palad sa bibig ni Raven matapos nilang masilip kung saan nagmumula ang ingay na kanilang naririnig. Napaluha siya sa labis na takot at halos mag-collapse matapos makita kung ano iyon. Nasaan ba silang lupalop ng mundo at bakit nakikita nila ang ganoong kaganapan na akala nila ay sa isang palabas lamang nangyayari? Isa iyong grupo ng mga taong-gubat, kaiba ang diyalektong gamit ng mga ito at hindi nila maunawaan. Naka-grupo ang mga ito at tila naroon upang sumaksi sa isang iudicum iudicium kung saan ang akusado ay ang mga lalaking humabol sa kanila, na naroon at nakatali ng patayo sa bawat tulos ng kawayan sa lupa, nakapaikot ang mga ito at isa-isang sinisilaban kahit pa nga ang ilan ay mayroon pang buhay. Nakakikilabot ang sigawan ng mga lalaking iyon na sinasabayan ng mga taong-gubat ng animo'y mga wikang binibigkas sa isang ritwal. Nanatiling nakayakap ang kaliwang braso ni Asher sa baywang niya buhat sa kaniyang likuran, habang ang kanang kamay naman nito
Read more
Chapter 23 (Part 6)
NAKADAMA na ng pag-aalala si Raven nang makalipas na ang mahabang sandali ay hindi pa rin bumabalik si Asher.Nakatulog na siya sa paghihintay.Mababa pa ang sikat ng araw sa silangan nang umalis ang binata kanina pero ngayon ay bahagya na iyong pakubli sa kanluran.Binabaha ng pag-aalala ang kaniyang dibdib. Alam niyang sa kalagayan ng binata ay mahihirapan na itong ipagtanggol ang sarili, kaya idinadalangin niya sana naman ay walang masamang nangyari.Tinangka niyang bumangon pero agad siyang napadaing at muling napahiga nang maramdaman ang panlalata't pananakit ng buong katawan, kasabay ang humahapdi niyang sikmura.Napapikit siya at umusal ng panalangin bago sinubukang bumangon muli.Nang magawa iyon ay dumungaw siya sa ibaba.Tinanong niya ang sarili kung makakaya ba niyang bumaba roon kung susubukan niya, at hati ang tugon ng kaniyang isip.Tiningnan niya ang mga batong nakausli doon saka lakas-loob na sinimulang bumaba.Nakadarama siya ng labis na hapdi buhat sa mga sugat niya
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status