"RAVEN!" tawag ni Asher sa kaniya nang makita siya.Halos liparin nito ang distansya sa pagitan nila."Ayos ka lang ba, Raven? Anong nangyari sa'yo?" magkasunod nitong tanong nang makalapit.Hingal na hingal ito, wari'y galing sa napakalayong pagtakbo.Bakas sa mukha nito ang pag-aalala nang makita ang nagdurugo niyang noo."Asher, mamaya—" naputol siya sa pagsasalita nang bigla siya nitong kabigin at niyakap ng mahigpit.Halos hindi siya makahinga. Damang-dama at dinig na dinig niya ang pagtibok ng puso nitong napakabilis.Lumayo ito at nag-iwan ng hiblang distansya pagkaraan, ikinulong nito ang mukha niya sa nanlalamig at nanginginig nitong mga palad. Maluha-luha itong pinakatitigan siya."Bakit ba labis mo akong pinag-alala, Raven!?" may hinanakit sa tono nito."Asher, we—" pinutol na naman nito ang sasabihin niya sa pamamagitan ng mariing halik sa kaniyang labi, tila nangigigil. Ngunit sinikap niya itong itulak palayo sa kaniya."Raven!?" naguguluhang tanong nito."Asher, kailanga
NAKAUPO sa gilid ng hospital bed si Asher at nakatulala sa puting dingding.Nasa private room siya ng isang ospital, doon siya dumiretso matapos niyang magtungo sa himpilan ng pulisya at mag-file ng police blotter. Hindi niya alam kung sino ang pangahas na nagtangka sa buhay niya na nagawang makapuslit agad bago pa makadalo ang iba niyang kasama sa simbahan kanina. Hindi niya nakita ng hantaran ang mukha nito dahil sa full facemask na suot nito.Subalit hindi siya dinaraya ng kaniyang mga mata, natitiyak niya sa pigura nito na isa itong babae.Gustuhin man niyang pagbayarin ito sa ginawang kapangahasan ay wala siyang magawa. He could not identify any suspect who possibly did this to him.Hindi niya maaaring basta na lang tukuyin o pagbintangan si Kayden dahil lamang sa komplikadong isyu sa pagitan nito at ni Raven.Isa pa ay hindi naman nila naipa-blotter nitong nakaraang araw ang tungkol sa pagtakas ni Raven buhat sa poder nito sapagkat plano na nilang magsampa ng kaso sa piskalya.
KANINA pa nakatulala si Raven sa labas ng bintana roon sa kaniyang silid.Matapos nilang magpa-blotter sa mga police kanina ay pinasya niyang bumalik na lang sa mansion at magpahinga imbes na dumiretso sa ospital kung saan naroon si Asher, sapagkat pakiwari niya ay pagod na pagod siya sa nangyari.Okupado ang isip niya nang mga kaganapan kanina, iniisip niya si Kayden bagay na ipinagtataka niya sa kaniyang sarili.Dapat ay matuwa siya sa nangyari sa asawa ngunit hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nababalisa siya at inaalala ang kalagayan nito sa mga sandaling iyan.Wala sa loob na nasapo ni Raven ang impis pa rin niyang puson kung saan naroon ang munting buhay na ipinunla ni Kayden.Tiyak alam na nito na buntis siya kaya marahil ay nagpipilit itong makausap siya.Napabuntong-hininga siya.Si Kayne, kumusta na kaya ito sa poder ng mga Alcaraz pagkatapos ng ginawa niyang pagtakas? Alam na kaya nito na magiging kuya na ito?Oras-oras niya itong naiisip, nababahala siya para rit
"SHE saved my life nang araw na iyon," wika ni Asher sa malungkot na tono buhat sa kaniyang likuran. Sinundan pala siya nito papunta sa preparatory kitchen.Patungo siya roon upang magtimpla ng juice para rito at sa kasama nitong si Nowanna na naiwan sa sitting room.Natigilan siya sa paghakbang at kagat-labi na nilingon ito bago dahan-dahang pumihit paharap dito.Nakarating kay Asher ang nangyari kahapon at matapos nitong dumaan sa presbytery pagkalabas sa ospital ay dumiretso ito roon upang kumustahin siya at ang baby na nasa sinapupunan niya.Ngunit hindi niya inaasahan na naroon ito hindi para lang kumustahin siya kun'di upang balikan ang nakaraan at ipaalam sa kaniya kung sino at paano ito nakaligtas sa tiyak na kamatayan matapos nilang iwan. "So, I'm supposed to thank her." Iyan ang mga salitang nahagilap niyang sabihin sapagkat guilty siya at unti-unting binabalot ng pagsisisi ang puso niya."Hindi," kaagad nitong salungat sa kaniya. "Ako ang dapat magpasalamat sa kaniya. Tin
DINALA niya ang ama ni Kayden kasama ang abugado nito sa green garden nila sa backyard ng mansion, kung saan natatanaw ang malawak na rectangular pool.She believes that the cozy atmosphere here will contribute to the smoothness of their conversation."Raven," mahinang tawag ng ama ni Kayden sa pangalan niya nang makaupo na silang lahat sa garden chairs. "Alam kong walang kapantay ang sakit na naidulot sa'yo ng aking anak." Pagsisimula nito sa paksa nila. "Pero kung nasa katinuan lamang ang pag-iisip niya, he would certainly repent of his wrongdoings."Nakaupo ito kaibayo niya kaya madali sa kaniya ang mapamata rito matapos ang sinabi nito.Is he telling her that Kayden has lost his mind?Bigla ay naalala niya ang mga kalalakihang dumampot kay Kayden kahapon, sigurado siya, hindi psychiatric nurses ang mga iyon."Yes," tugon ng ama ni Kayden na wari ay nabasa ang iniisip niya. Narinig niya ang pagpalatak ng kaniyang ama kaya napatingin siya rito."Is he truly lost his mind, or is th
DAHAN-DAHANG bumukas ang pintuan sa silid na kinaroroonan ni Kayden, at sa mabagal na pagladlad ng dahon niyon ay ang unti-unting paghantad ng magandang mukha ni Raven sa kaniyang paningin.Awtomatikong bumilis ang pintig ng kaniyang puso at napaunat ang kaniyang likod sa pagkakaupo.Kaagad na nagtagpo ang paningin nila. Nakita niya sa mga mata nito ang magkahalong takot at pagkabahala habang hinahagod ng tingin ang kabuuan ng kaniyang mukha. Lumampas ang kaniyang tingin sa likuran nito at nakita niyang nakatayo roon si Atty. Galvez. Tumango ito sa kaniya bilang paalala.Iniiwas niya ang tingin sa mga ito at tumitig sa wall. Nagsimulang mamula ang paligid ng kaniyang mga mata, naiiyak siya.Narinig niya ang mabagal na paghakbang ni Raven palapit sa kaniyang kinaroroonan.Muli niyang dinala ang tingin dito na nang sandaling iyan ay titig na titig pa rin sa kaniya na para bang sinusuri siya.Habang nakabantay siya sa bawat pagkilos nito at ay dama niya ang matinding pananabik dito.G
PAGSAPIT ni Asher sa view deck ng mall ay kaagad niyang nakita ang coffee shop.Tanaw niya ang dim light sa loob ng coffee shop na nagbibigay ng comfortable and relaxing ambience doon.Nagpatuloy siya sa paglakad palapit sa coffee shop.Pagpasok pa lamang niya sa entrance ay agad na hinanap ng kaniyang mga mata ang ama ni Kayden.Hindi siya nahirapang makita ito dahil ilan lamang ang mga taong naroon. Mag-isa lamang ito sa table na nasa sulok katabi ang mga live green indoor plants at walang nakabantay na bodyguards. Napapaisip na talaga siya. Hindi siya nito inaya sa restaurant o kahit sa bar, mukhang masinsinan at nakagugulat ang kanilang magiging usapan.Nagpatuloy siya sa makisig niyang paglakad sa kabila ng suot niyang clergy priest polo. Nakuha niya ang atensyon ng ilan sa mga kababaihang naroon, ngunit dahil nakatuon ang kaniyang atensyon sa ama ni Kayden ay hindi niya napansin ang mga matang sa kaniya ay nakatuon.Hanggang sa sapitin niya ang kinaroroonan ni Karl Alcaraz. K
"OH, my God, Athena!" Umiiyak na salubong ni Myrtle sa kaniya pagbaba pa lamang niya sa kaniyang kotse na kapaparada sa garahe nito."What happened!?" nag-aalala at naguguluhang tanong niya rito habang mataman itong tinititigan.Dis oras na nang gabi pero tinawagan pa siya nito at nakiusap na puntahan niya roon dahil kailangan daw nito ng kasama.Kita niya ang panginginig ng mga kamay nito sa pagkakahalukipkip.Balisa ito at tila may kintatakutan.Ilang araw na itong hindi nagpapakita sa kaniya tapos ngayon ay bigla itong tumawag at nagkakaganito."I thought you weren't coming…" umiiling na sabi pa nito sa pagitan ng pag-iyak.Napabuntong-hininga siya kasabay ang pag-irap."Mag-usap tayo sa loob, Myrtle." Hinawakan niya ito sa braso at iginiya papasok sa loob ng bahay nito.Napaligid siya ng tingin sa living room nito nang mapansing tahimik doon sa kanilang pagbungad."Nasaan sila Sherly at Karlene?" tanong niya na ang tinutukoy ay ang mga kasambahay nito."Pinagbakasyon ko sila noong