All Chapters of Marry Me, Mr. CEO: Chapter 51 - Chapter 60
132 Chapters
Kabanata 26.1
Ilang araw na lang ang meron si Mia para sa paghahanda niya sa birthday ni Aiden. Hindi naman siya itong celebrant pero kinakabahan siya. Minsan ay iniisip niya ring huwag na lang ituloy pero sa tuwing naiisip niyang alam ni Ace na may plano siya para kay Aiden baka magtaka naman ito kung hindi niya itinuloy.Tila pagod na naupo sa sofa si Mia, hindi niya kasi alam kung magugustuhan ba ni Aiden ang gusto niyang mangyari gayong nasanay itong wala ng nangyayari sa araw ng kaarawan niya.“Bahala na, kung hindi niya magustuhan edi hindi at kung nagustahan naman edi salamat.” Aniya pa, may plano na siya, lakas ng loob na lang ang wala siya dahil kinakabahan siya sa pwedeng mangyari sa araw na yun. Paano kung masira iyun? Imbis na memorable baka mas lalo niyang hindi magustuhan ang birthday niya. Napabuntong hininga na lang si Mia.Naupo si Stella sa tabi ni Mia na malalim na naman ang iniisip.“Iniisip mo na naman ang gagawin mo sa birthday ni Sir Aiden? Bakit ba kasi pursigido ka dun kun
Read more
Kabanata 26.2
“I don’t need what you have dahil una pa lang siya na ang nagpumilit na pumasok sa buhay ko. Aanhin mo ang kayamanan mo kung ni minsan hindi ka napansin ni Aiden. I don’t want to be rude but you started it. Walang wala man ako sayo, nasa akin naman ang atensyon at pagmamahal ng isang Aiden Hernandez. Subukan mong ipagmalaki sa kaniya ang mga sinasabi mo, kapag naagaw mo ang atensyon niya then congrats. Excuse me Ma’am.” sarkastiko nitong saad saka niya nilampasan si Samantha na bahagyang nakanganga ang bibig niya. Napangisi na lang si Mia, sinimulan niya kaya tatapusin niya.Maling oras na binangga niya si Mia dahil wala ito sa mood, malas niya dahil naubos ang pasensya niya ngayong maghapon dahil baka kung meron pang natitira, baka hindi niya na lang ito pinansin pa at nilampasan niya na lang.Inis na nagpapadyak sa sahig si Samantha.Lumipas pa ang ilang araw at hindi nagpakita si Mia kay Aiden. Kinakabahan siyang baka nagsumbong ang hipokreta na yun, siya na naman ang mali.Mabilis
Read more
Kabanata 27.1
Pumasok pa silang lahat ng umaga pero pare-pareho ng hindi nagpakita pagsapit ng tanghalian. Sa pangununa ni Mia ay pasekreto silang nag-ayos sa isang resort, balak lang sana nila itong gawin sa isang simpleng lugar pero ipinilit na ni Ace na sa kaniya na ang lugar. Nahiya rin naman si Mia dahil kung sila sanay sa kahit saang lugar pero ang mga magulang o pamilya ni Aiden ay hindi, kaya pumayag na rin sila sa huli tutal wala naman silang pera para sa pambayad ng renta sa resort.Ang ibang kaibigan ni Mia ay abala nang nagluluto, habang siya naman at si Ace ay inaayos ang pwepwestuhan nila mamaya. Kahit pwede naman silang umorder na lang ng pagkain nila ay mas gusto ni Mia na ramdam mo talaga yung effort, yung mas pinaghirapan.Kunot noo nang naglalakad si Aiden dahil kahit isa sa mga kaibigan ni Mia ay wala siyang makita, maging si Mia na kanina pa niya hinahanap ay hindi niya makita.“Where the hell is she again?” inis niya na namang tanong, tinawag niya si Raoul para ito na ang magh
Read more
Kabanata 27.2
Ilang taon niyang hindi naramdaman ang pagiging masaya pero ngayon tila ba naalala niya na kung paano maging masaya. Mahigpit ang yakap na iginawad niya kay Mia, hindi dahil sa pagpapanggap o kung ano mang kasunduan nila pero dahil masaya siya, masayang masaya sa nagagawa sa kaniya ni Mia na hindi nagagawa ng mga taong mas inaasahan niya.Mabilis na pinalis ni Aiden ang pumatak na mga luha sa mga mata niya, ayaw pa rin niyang ipakita ang tunay niyang nararamdaman o kahit kahinaan man lang.“Thank you, thank you so much Mia. I can’t explain how happy I am, how? How did you know about my birthday at,” kumalas sa pagkakayakap si Aiden saka niya muling tiningnan ang mga magulang niyang nandito rin. “Paano mo sila napapayag sa ganitong plano?” pagtutukoy niya sa mga magulang niya. Kung sila nga kinalimutan ang kaarawan ng sariling anak tapos here they are, isa sa mga nandito.“Hindi na yun mahalaga, ang importante ay nandito sila at kompleto kayong lahat. Gusto ko lang naman na matupad mo
Read more
Kabanata 28.1
May ngiti sa labing bumangon si Mia, naalala niya ang ilang mga pinag-usapan nilang dalawa ni Aiden kagabi. Mga bagay na hindi naman mahalaga pero mas nakilala nila ang isa’t isa. Nung una gustong gusto niya ng matapos ang pagpapanggap nilang dalawa pero ngayon, hihintayin niya na lang siguro kung kailan sasabihin ni Aiden na tapos na sila.“Good morning sunshine!” sigaw pa niya ng igilid niya ang mga kurtina sa bintana, maging ang umaga ay napakagandang pagmasdan. Hindi na siya nakakapagduty ng gabi dahil mas gusto raw ni Aiden na umaga na lang siya. Para kapag sakaling kailangan siya nito mabilis na lang siyang tatawagin. Kahit na pagod na siya kagabi at late na umuwi, pakiramdam niya kumpleto pa rin ang tulog niya.Kumekembot-kembot pa siyang nagluluto. Matapos niyang maggayak ay lumabas na rin siya ng penthouse, halos magulat pa siya ng makita niya si Olivia.“Good morning, Ma’am.” nakayuko niyang bati, tinaasan lang siya ng kilay ni Olivia saka nilampasan. Napabuntong hininga na
Read more
Kabanata 28.2
Mabilis namang nagsitabi ang mga empleyado na nakakasalubong niya at nagtatakang nakatingin kay Mia na wala ng malay.“What happened, Sir?” tanong ng isang lalaking siyang nagmamanage sa elevator. Mabilis na binuksan ng lalaking ito ang isang elevator na gagamitin lamang sa panahon ng emergency para dire-diretso ang pagbaba.Hindi nakasagot si Ace dahil nag-aalala na siya kay Mia, nanginginig ang kamay niyang buhat buhat ang dalaga lalo na at walang tigil ang pagdaloy ng dugo mula sa ulo niya.“Mia, please wake up. Wake up for me please, I’m begging you.” halos maluha niya ng aniya, nagmamakaawang imulat ang mga mata nito subalit wala na talagang malay si Mia.Nang bumukas ang elevator ay mabilis niyang itinakbo si Mia at nasa unahan niya naman ang lalaking bumukas ng elevator para patabihin ang mga empleyado at mga guest na nakaharang sa daanan. Nang may huminto na taxi sa harap ng hotel ay dito na siya sumakay, wala na siyang panahon para puntahan pa ang kotse niya lalo na at medyo
Read more
Kabanata 29.1
Maagang nagising si Mia, tinitingnan ang pwesto ng mga kasama. Talagang seryosong hindi umuwi yung dalawang lalaki at nanatili rito sa hospital. Si Stella ay nakatulog sa gilid ni Mia, si Ace ay sa sofa natulog habang si Aiden naman ay nakaupong natulog.“Hindi ba ‘to mangalay sa pwesto niya?” tanong ni Mia, parang siya itong nahihirapan sa pwesto ni Aiden, nakayuko ang ulo at nakahalukipkip ang mga kamay sa dibdib. Napadaing na lang siya ng makaramdam siya ng pagkahilo at ng biglang sumakit ang sugat niya sa ulo.Dahan-dahan siyang bumangon dahil masakit na ang katawan niya sa kakahiga.“Hey,” paos pang wika ni Aiden nang maramdaman niya ang paggalaw ni Mia. Inalalayan niya ito sa pag-upo saka naupo sa tabi ni Mia. “Are you okay now?” namamaos pa ang boses dahil sa bagong gising pa ito, namumula pa rin ang mga mata.“Hmmm, umuwi na lang sana kayo kesa sa nangalay kayo sa mga pwesto niyo.” Mahina niyang saad dahil tulog pa ang dalawa nilang kasama.“No, it’s okay. Hindi rin naman kami
Read more
Kabanata 29.2
“Let’s eat, you need more nutrients para mapabilis ang paghilom ng sugat mo.” inalalayan ni Aiden si Mia na makababa ng kama niya, wala naman ng masyadong nakakabit sa katawan niya bukod sa dextrose.“Parang bigla tuloy akong nagutom sa mga pagkain niyo pero mauubos ba natin ‘to?” naupo na rin si Stella sa tabi ni Ace. Halos mapuno ang lamesa nila dahil sa mga pagkain na dala ng dalawa.“Ito kainin mo, sabi nila mapapabilis ang paghilom ng sugat dahil dito.” anas ni Aiden habang naglalagay siya ng pagkain sa pinggan ni Mia.“Ayos lang, ako nang gagawa.” Kukunin niya sana ang kutsara kay Aiden pero hindi niya ibinigay, ipinagpatuloy ni Aiden ang paglalagay ng pagkain kay Mia at nang matapos siya ay naupo na rin ng maayos at naglagay na rin sa pinggan niya.“Grabe, ang sasarap naman ng mga dala niyo. Masisira diet ko nito eh.” Pagdadaldal ni Stella.“Mas maganda kaya sa babae ang chubby. Sa tingin niyo ikinasexy niyo na yan?” pang-aasar sa kaniya ni Ace, napairap na lang si Stella sa ka
Read more
Kabanata 30.1
Napabuntong hininga na lang si Mia, bakit ba iniisip niya na naman ang tungkol sa business deal ni Aiden na hindi niya nakuha. Hindi niya naman kasalanan kung bakit mas pinili nitong umuwi.“Pero ako pa rin ang dahilan kung bakit siya umuwi, ugh! Ang sakit sa ulo.” Halos nasstress niya ng wika, masaya naman siyang nag-aalala talaga sa kaniya si Aiden pero siya naman ngayon ang nakokonsensya dahil sa business deal na yun.“Bakit nagtatrabaho ka na? Maayos ka na ba?” tanong sa kaniya ni Kirsten ng magkita sila.“Mas lalo akong magkakasakit kapag wala akong ginagawa. Hindi sanay ang katawan ko sa kakahiga na lang at walang gagawin.”“Alam ba ni Sir Aiden ang tungkol dito?”“Oo naman, ilang araw niya akong binantayan sa penthouse para lang hindi ako magtrabaho dapat lang na payagan niya na ako.” irap niyang saad kapag naaalala niya ang ginawa ng Boss niyang pagbabantay sa kaniya na akala mo bata.“Iniisip lang namin yung tama mo sa ulo, baka mamaya mabinat.” Nag-alala pa rin niyang wika.
Read more
Kabanata 30.2
Lumabas na siya ng cr saka bumalik sa ginagawa niya, iniiwasan niya na lang na hindi makita ang mga kaibigan dahil panigurado naman, magtatanong sila kung anong nangyari sa pisngi niya. Baka mag-alala lang ang mga ito lalo na si Stella. Sinubukan niyang iwasan ang mga kaibigan hanggang sa magkita na lang sila sa cafeteria para kumain ng tanghalian.“Hoy, saan ka galing?” salubong na tanong kaagad sa kaniya ni Stella. Wala naman na rin yung pamumula ng pisngi niya.“Saan pa ba? Malamang nandito lang sa hotel. Saan pa ba ako pupunta?”“Bakit hindi ka namin makita?”“Naglilinis ako ng mga kwarto, makikita mo ba ako nun e nasa loob ako.” pagsisinungaling niya, nagtataka man si Stella ay hindi niya na iyun pinansin. Baka hindi lang talaga siya sanay na hindi makita si Mia kapag nagtatrabaho sila. “Kumain na nga lang tayo.” Wika ni Mia saka sila umorder ng mga kakainin nila.Lahat sila ay tahimik sa loob ng cafeteria, salubong ang mga kilay ni Stella na nakatingin kay Mia. Mukha kasing n
Read more
PREV
1
...
45678
...
14
DMCA.com Protection Status