Napabuntong hininga na lang si Mia, bakit ba iniisip niya na naman ang tungkol sa business deal ni Aiden na hindi niya nakuha. Hindi niya naman kasalanan kung bakit mas pinili nitong umuwi.“Pero ako pa rin ang dahilan kung bakit siya umuwi, ugh! Ang sakit sa ulo.” Halos nasstress niya ng wika, masaya naman siyang nag-aalala talaga sa kaniya si Aiden pero siya naman ngayon ang nakokonsensya dahil sa business deal na yun.“Bakit nagtatrabaho ka na? Maayos ka na ba?” tanong sa kaniya ni Kirsten ng magkita sila.“Mas lalo akong magkakasakit kapag wala akong ginagawa. Hindi sanay ang katawan ko sa kakahiga na lang at walang gagawin.”“Alam ba ni Sir Aiden ang tungkol dito?”“Oo naman, ilang araw niya akong binantayan sa penthouse para lang hindi ako magtrabaho dapat lang na payagan niya na ako.” irap niyang saad kapag naaalala niya ang ginawa ng Boss niyang pagbabantay sa kaniya na akala mo bata.“Iniisip lang namin yung tama mo sa ulo, baka mamaya mabinat.” Nag-alala pa rin niyang wika.
Lumabas na siya ng cr saka bumalik sa ginagawa niya, iniiwasan niya na lang na hindi makita ang mga kaibigan dahil panigurado naman, magtatanong sila kung anong nangyari sa pisngi niya. Baka mag-alala lang ang mga ito lalo na si Stella. Sinubukan niyang iwasan ang mga kaibigan hanggang sa magkita na lang sila sa cafeteria para kumain ng tanghalian.“Hoy, saan ka galing?” salubong na tanong kaagad sa kaniya ni Stella. Wala naman na rin yung pamumula ng pisngi niya.“Saan pa ba? Malamang nandito lang sa hotel. Saan pa ba ako pupunta?”“Bakit hindi ka namin makita?”“Naglilinis ako ng mga kwarto, makikita mo ba ako nun e nasa loob ako.” pagsisinungaling niya, nagtataka man si Stella ay hindi niya na iyun pinansin. Baka hindi lang talaga siya sanay na hindi makita si Mia kapag nagtatrabaho sila. “Kumain na nga lang tayo.” Wika ni Mia saka sila umorder ng mga kakainin nila.Lahat sila ay tahimik sa loob ng cafeteria, salubong ang mga kilay ni Stella na nakatingin kay Mia. Mukha kasing n
“Ano ba? Bitawan mo nga ako?!” inis na inaalis ni Mia ang pagkakahawak sa kaniya ni Aiden pero pilit pa rin siyang hinihila ni Aiden palabas ng restaurant. Binitawan niya na lang si Mia nang tuluyan na silang makalabas.“Hindi ba at sinabi ko sayong magdidinner tayong dalawa? Bakit si Ace ang kasama mo?!” hindi niya mapigilang sigaw, kanina pa siya naghihintay tapos makikita niyang iba ang kasama ni Mia. Hilaw na natawa si Mia saka niya sinamaan ng tingin si Aiden.“Bakit ikaw? Hindi ba at si Samantha rin naman ang kasama mo? Bakit mo pa ako tinext kung may kasama ka naman na pa lang iba?!”“I am with her every day, kailangan ko pa bang sabihin sayo yun kung alam mo naman na ang tungkol sa bagay na yun? Ano na lang ba ang iisipin ng iba kung kayo ni Ace ang palaging magkasama?”“Oo, business partner mo siya and I am just your fiancée in name. Ano na lang din ba ang iisipin ng iba sa’kin Aiden? Tutal kayo rin naman yung palaging magkasama ni Samantha bakit hindi na lang siya ang magpan
Pagkalipas ng ilang minuto ay bumukas ang pintuan ng penthouse at pumasok si Aiden. Nakita niya naman si Mia na nakahiga, ang akala niya ay tulog ito kaya tinitigan niya ito sa mga mata subalit pareho pa silang nanigas sa mga pwesto nila ng magsalubong ang mga tingin nila. “Am I dreaming?” tanong pa niya sa sarili niya, mabilis na umiwas ng tingin si Aiden saka naupo sa kabilang sofa at ibinaba ang mga pinamili niya. Bumangon naman si Mia para tingnan kung totoo ba si Aiden. “Anong ginagawa mo rito?” tanong pa ni Mia, alam niyang hindi siya nananaginip. Tiningnan ni Aiden ang mga namamagang mata ni Mia. “Did you cry?” malumanay niyang tanong, iniwas ni Mia ang paningin niya dahil halata pa rin ang pamamaga ng mga mata niya. “Ano ba kasing ginagawa mo rito? Alam ko namang ikaw ang may-ari ng penthouse pero wala na ba akong privacy? Papasok ka kung kailan mo gusto.” “I just want to say sorry Mia,” tipid na ngumiti si Mia. “Wala naman akong magagawa, diyan ka lumaki, kinalakihan mo
Matapos hakutin ni Mia ang mga gamit niya ng pasekreto ay hindi siya pumasok ng hotel. Nakiusap siya kay Miss Cruz na magleleave siya for three days na pinagbigyan naman nito.“Sigurado ka ba talaga rito? Aalis ka ng tatlong araw?” Tanong ni Stella habang tinutulungan si Mia na ayusin ang mga gamit niya. Nginitian ni Mia si Stella para naman mabawasan ang pag-aalala nito sa kaniya.“You don’t have to worry Stella, I’ll be okay. Maybe, I just need time to think. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Funny, right?” natatawa niyang wika pero nanatiling seryoso ang mukha ni Stella. “Nakakatawa lang dahil kung sino pa yung minahal ko ng maraming taon, mabilis ko lang nakalimutan pero yung taong nakasama ko lang saglit, pagpapanggap pa, mas nasasaktan pa ako sa kaniya kesa kay Jaxson.” Naiyuko niya ang ulo niya saka siya bumuntong hininga.“Tama na, okay na yun. Huwag mo na siyang isipin, magfocus ka na lang kung paano mo siya kakalimutan. Alam kong mabilis na lang yun gaya nang ginawa
“May hinihintay po ba kayo Ma’am? You can try our couple set.” tanong ng babae kay Mia. “Wala po akong hinihintay, I want to order Chicken Tzatziki Bowls, Asian Pepper Steak at salt & pepper pork chops na lang.” “Noted Ma’am, we will serve your order in 10 minutes. Thank you, Ma’am,” ngumiti na lang din si Mia. Tiningnan na muna niya ang paligid niya dahil simula nang magpunta siya rito ay naka-off din ang cellphone niya dahil gusto niya talagang bigyan ng oras ang sarili niya. Sa loob ng dalawang araw ay nakaramdam siya ng saya at ginhawa. Dapat pala matagal niya ng ginawa ito. Masaya rin kayang mapag-isa, makakapag-isip ka ng maayos at mabibigyan mo ng oras ang sarili mo kesa sa may kasama ka. “Enjoy your food Ma’am,” wika ng lalaking nagserve ng pagkain niya. “Thank you,” aniya, tiningnan niya ang mga pagkain na inorder niya. Medyo may kabigatan sa bulsa pero okay na rin dahil mukha namang masarap ang pagkain nila dito, itsura pa lang. Ito ang kauna-unahan niyang bumili ng pagk
Hilaw na tumawa si Mia saka napailing, hinarap niya ng maayos si Aiden. Mababasa mo na ang lungkot sa mga mata niya pero ayaw niyang paniwalaan lahat.“Enough, will you? Please Aiden, I want to live peacefully. Tama na, huwag mo na akong pahirapan pa. Gulong gulo na ako at huwag mo ng dagdagan pa.” napakunot ng noo si Aiden dahil naguguluhan siya sa sinasabi ni Mia. Nagpunta siya rito para aminin ang nararamdaman niya para sa dalaga. Sa maliit na panahon na nagkasama sila, maraming nagagawa si Mia na hindi pa nagagawa ng iba kay Aiden.“I don’t understand,” aniya.“Ano ba ang hindi mo maintindihan? Nahihirapan na ako Aiden, sinabi mo ng tama na, ihinto na natin but why are you here? What are you doing here? Umaasa na naman ako, umaasa na sana totoo na lang lahat ng ipinapakita at ipinaparamdam mo sa’kin.” Umiiyak niya ng saad, masakit pa rin, bakit ba ganito kasakit, akala mo nakikipaghiwalay ka sa taong mahal na mahal mo pero hindi kayo pwede. Mapait siyang ngumiti saka niya pinalis
“Why would I? Napakaganda ng panahon Aiden at natatakot akong pagdating ng araw kamuhian ko ang dagat, kamuhian ko ang ganitong lugar.” Makahulugan niyang aniya, hindi nakasagot si Aiden at nakatingin lang din siya sa lawak ng karagatan at ilang mga turistang naglalakad sa dalampasigan.“Please stay Mia, stay no matter what happened. Stay with me kahit masakit.” nakikiusap niyang saad, gusto niyang manatili, gustong gusto niya, gusto niyang makasama si Aiden pero paano? Saan siya kukuha ng lakas ng loob para lumaban kung ito lang siya, ganito lang ang buhay niya at walang maipagmamalaki. Paano niya ipaglalaban ang taong gusto niya kung maraming hadlang sa paligid nila? “Maging sapat sanang dahilan mo ang pagmamahal mo sa’kin para manatili ka. Maging sapat nawa ako Mia.” Dagdag pa niya, tipid na ngumiti si Mia at dahan-dahang tumango.Bakit hindi niya subukan? Hindi naman nila malalaman kung hindi nila susubukan. Kung mahirap man, kakayanin naman nila yun kung sabay silang lumalaban, k