Nang makauwi na sina Jacob at Jenny sa bahay nila ay nag-aantay pala ang ina nila sa may sofa.“Saan kayo galing? Wala ba kayong mga trabaho?”“Ma, day off namin ngayon kaya puwede kaming umalis kung gustuhin namin,” sagot ni Jenny.“May nagbalita sa akin na pumunta kayo sa hospital para bisitahin si Dina at may isang pasyente doon na binisita ninyo. Sino naman siya?”“Mama ng kaibigan namin, Ma, masama ba kung dalawin namin ang mama ng kaibigan namin?” sagot uli ni Jenny.“Siguraduhin niyo lang na wala kayong tinatago sa akin at pag nalaman ko lang ay hindi na talaga kayo makakaalis sa bahay na hindi nagpapaalam sa akin.”“Ma, may isip at edad na kami, pati ba naman lakad namin, kailangan ninyong manghimasok. Alam namin ang ginagawa namin,” sagot ni Jacob.Nagalit si Evelyn sa sagot ni Jacob. Pakiramdam niya wala nang galang ang mga anak niya simula nang lumaki ito. Biglang nag-walk out naman sina Jenny at Jacob papasok sa bawat kwarto nila. Hindi na nila pinakinggan ang ina nila sa m
Read more