Masuk"Sino ka para pigilan akong pumasok sa gusaling ito?" sabi nung babae. “Wala kang karapatang pumasok dito, patay ka sa isip ng asawa mo. Ako na ang mahal niya ngayon.” Sagot ng babae. “Babawiin ko ang akin. Hindi ako papayag na kunin mo lahat ng meron ang asawa ko.” Galit na sabi ng babae. Masaya ang mag-asawang Taylor. Isang araw ay nagbakasyon sila sa isang isla kasama ang kanilang magandang anak. Sumakay sila sa yate kasama ang kanilang Yaya. Sa hindi inaasahang pagkakataon bago sila makarating sa isla ay may masamang panahon, bumuhos ang malakas na ulan at humampas ang malalakas na alon. Sinubukan ng mister na iligtas ang kanyang asawa at ang kanyang anak ngunit dahil sa alon ay nabitiwan niya sila. Habang ang kanyang asawa at anak ay agad na tinulungan ng kanilang Yaya. Ngunit dahil sa malalakas na alon ay bumagsak silang dalawa ng kanyang anak. Nahulog ang mag-ina, ngunit kumapit ang babae. Tinulungan siya ng Yaya na bumangon ngunit sinamantala ng kanyang Yaya ang sitwasyon dahil sa kanyang masamang intensyon. Sa halip na ipagpatuloy ang pagtulong sa kanyang amo na asawa, inalis niya ang kamay ng kanyang amo na asawa sa pamamagitan ng paghawak nito sa tubo hanggang sa mawala ito at tuluyang nahulog sa dagat ang mag-ina. Makalipas ang ilang araw, natagpuan ng isang estranghero na mangingisda ang bata na umiiyak. Inakala ng lalaki na nag-iisang anak ang nandoon, kinuha niya ang bata ngunit paglingon niya ay nakita niyang walang malay ang ina ng bata ay nilapitan niya ito at tinulungan. Nang magising ang babae ay wala siyang naalala, hanggang sa naisipan ng dayuhang mangingisda na bigyan siya ng pangalan at sinabing asawa niya ito at anak nila ang bata. Paano niya maipaghihiganti ang kanyang karapatan bilang isang legal na asawa?
Lihat lebih banyakNang makauwi na sina Jacob at Jenny sa bahay nila ay nag-aantay pala ang ina nila sa may sofa.“Saan kayo galing? Wala ba kayong mga trabaho?”“Ma, day off namin ngayon kaya puwede kaming umalis kung gustuhin namin,” sagot ni Jenny.“May nagbalita sa akin na pumunta kayo sa hospital para bisitahin si Dina at may isang pasyente doon na binisita ninyo. Sino naman siya?”“Mama ng kaibigan namin, Ma, masama ba kung dalawin namin ang mama ng kaibigan namin?” sagot uli ni Jenny.“Siguraduhin niyo lang na wala kayong tinatago sa akin at pag nalaman ko lang ay hindi na talaga kayo makakaalis sa bahay na hindi nagpapaalam sa akin.”“Ma, may isip at edad na kami, pati ba naman lakad namin, kailangan ninyong manghimasok. Alam namin ang ginagawa namin,” sagot ni Jacob.Nagalit si Evelyn sa sagot ni Jacob. Pakiramdam niya wala nang galang ang mga anak niya simula nang lumaki ito. Biglang nag-walk out naman sina Jenny at Jacob papasok sa bawat kwarto nila. Hindi na nila pinakinggan ang ina nila sa m
Hindi na nga nakapagpigil si Jenny at nagsimula na siyang magtanong kung sino si Carina na pinag-usapan nila. Hindi naman kasi sinabi sa kanila ng kanyang ina na may asawa pala ang stepfather nila dati noong bata pa sila. Diretso na siyang nagtanong sa auntie niya kasi alam naman niyang hindi aamin ang kanilang ina.“Auntie, sino po ba si Carina? Totoo bang asawa ni Papa si Carina?”“Yes, Jenny, asawa na ng Papa mo si Carina. Hindi ba nabanggit o naikwento ng ina ninyo o ng papa ninyo tungkol kay Carina?”“Hindi po, wala kaming alam kung sino si Carina.”“Si Carina ang legal wife ni Loid. May isa silang anak; ang pangalan naman ay Carmela. Matagal na silang nawawala at naniniwala akong hanggang ngayon ay buhay pa sila. At sana nga tama ang hinala ko. Oh! Evelyn, hindi ka ata mapakali. May gumagambala ba sa isipan mo?”“Puwede ba, Jesselle, tama na? Masyado ka nang nanghihimasok sa buhay namin; pati ang mga bata ay nagkukuwento ka ng mali.”“Oh! Talaga lang ba, Evelyn, mali ba talaga an
Nabalitaan ni Evelyn na sumama si Loid kay Patrick sa hospital, kaya naman ay pumunta rin siya doon. Habang nasa lobby si Evelyn, nakita niya si Alfred na papasok sa isang private room. Nagtaka siya kung bakit nandoon si Alfred. Ang alam lang niya ay nag-day off ito dahil may emergency daw sa bahay nila. Sinundan niya si Alfred. Nakita niya sa may salamin ng pintuan ang isang babae. Pamilyar sa kanya ang babae. Biglang tumibok nang malakas ang puso niya. Hindi niya masyadong maaninag ang mukha ng babae, pero iba na ang pakiramdam niya. Alam niyang may asawa si Alfred, pero hindi alam kung ano ang pangalan nito.Nagulat naman si Evelyn nang biglang hinawakan siya sa baywang ni Karen.“Ate, anong nangyari? Parang nakakita ka ata ng multo?”“Ha? Karen, tingnan mo nga iyang nasa loob ng room na ito. Iyong babaeng nakatalikod na dinadalaw ni Alfred, parang si Carina, di ba?”“Ano? Patingin nga,” tiningnan naman ni Karen ang babaeng nakahiga habang nakatalikod ito.“Ate naman, paanong mabubu
Umakyat na sina Carmela at Alfred sa taas para maghapunan kasama si Carina, habang napapansin naman ni Carina na medyo tahimik ang dalawa at walang kibuan na para bang may pinag-usapan silang seryoso na hindi niya alam.“Anong pinag-usapan ninyo sa baba? Bakit tahimik kayong dalawa?” tanong ni Carina.“Wala namang mahal. May tinanong lang si Carmela sa akin, pero okay na, nasagot ko na naman siya.”Hindi na nagsalita si Carmela, sapagkat nandoon pa rin ang disappointment na nararamdaman niya sa kanyang stepfather. Bigla namang sumakit ang ulo ni Carina. Namimilipit siya sa sakit, kaya naman hindi nila natapos ang hapunan. Dali-daling kinuha ni Carmela ang gamot na kanya na nasa kwarto nila. Habang nagtataka si Alfred kung anong nangyayari kay Carina.“Ma, anong nangyari? Wait lang, kunin ko lang ang gamot mo,” nag-alalang sabi ni Carmela at patakbo siyang pumunta sa kwarto.“Carina, anong nangyari sa iyo?” naguguluhang tanong ni Alfred.Hindi na nagsalita si Carina dahil dinadamdam niy
Nakarating na sa opisina si Loid, nagulat ang lahat nang staff na empleyado doon nang makita siyang paparating. Dali-dali nilang inayos ang mga kalat sa mesa nila. Dumiretso siya sa kanyang opisina at nakita niya doon ang kanyang kaibigan at business partner na si Anthon. Si Anthon dela Cruz ay naka
Kinakabahan na nga si Alfred at bakit hindi sumasagot si Ana. Habang nawalan naman nang gana si Ana na sagutin ang tawag ni Alfred sa kanya dahil sa masyado siyang nag alala sa bata kung ano na ang nangyari dito. Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na ang doctor, dali-dali siyang lumapit sa doctor
Isa iyon sa masayang araw para sa akin. Nararamdaman ko ang saya sa aking puso, napangiti na lamang ako habang nakita ko si Alfred. Tinitigan ko si Alfred, may itsura pala ang lalaking ito. Hindi ko alam ang nararamdaman ko parang nahuhulog ata ang puso ko sa kanya. Ngunit alam kung hindi puwede kas
Patuloy pa rin ang patak nang luha ni Dina. Hindi niya alam kung anong nararamdaman niya, galit siya kay Patrick dahil bago pa lang sila nagkaayos at ayon nagkaproblema na naman. “Dina..Dina..teka lang, ano bang nangyayari sa iyo?” hindi naririnig ni Dina ang tawag ko.Kaya binilisan ko nalang ang pa












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasan