Pagkatapos ng welcome party ay nag-usap sina Evelyn at Loid bago matulog.“Loid, wala ka bang napansin o nakitang babae na umattend sa welcome party ng mga bata?” tanong ni Evelyn.“Wala naman, at hindi ko na napansin kung sinu-sino ang mga bisita natin. Halos kasama kasi ang mga magulang ng kaklase nilang sina Jacob at Jenny. Pero may isang babae kanina na nahimatay sa labas at bigla naman itong inalalayan ni Danilo,” sagot naman ni Loid.“Oh! Talaga? Nakita mo ba kung sino iyong babae?”.“Hindi, kasi mabilis niyang kinuha at inalalayan papuntang sa sasakyan niya. Ang alam ko, dinala niya kaagad sa hospital.”“May balita ka ba sa kanya?”“Tinawagan ko si Danilo; sabi naman niya, okay na raw ang babae. Siyanga pala, bakit mo naman naitanong? Kilala mo ba siya?”“Ahhh! Hindi, naitanong ko lang. Kasi parang iyong babae ay mistress ni Danilo, kasi di ba asawa niya iyong babaeng buntis.”“Ano?! Si Dina ba ang tinutukoy mo?”“Oo, siya nga!.”“Nahihibang ka na ba?! Si Danilo ay kapatid ni Di
Read more