All Chapters of Dark Desires I.I Dark Temptation: Chapter 31 - Chapter 40
53 Chapters
Chapter 30
NAMANGHA si Lyxelle sa gara ng opisina ni Raziel. Halos hindi siya makapagsalita sa high class nitong opisina. Mababait din ang mga empleyado nito dahil binabati ng mga ito si Raziel. Halos walang katapusang batian ang nangyari bago sila nakarating sa opisina nito."Sa iyo ba ang building na ito?" hindi mapigilang tanong niya rito.  "Ang dami mo namang mga empleyado." Mahinang tumawa si Raziel. "I do have some side businesses but unfortunately, the building isn't mine.""Umuupa ka lang dito? Magkano isang buwan?"Natawa na naman ito. "Umuupa nga ako rito. My friend own this building. And almost all of my friends are renting here for their offices.""You sure have a lot of friends.""Yeah, well..." nagkamot ito ng batok. "It all started from our grandparents. Magbabarkada sila, tapos iyong friends ang mga anak nila. At `yong mga anak ng mga anak nila naging magkakaibigan din.""Mukhang magulo yata iyon ah,"
Read more
Chapter 31
KAHIT hindi maganda ang pakiramdam ni Lyxelle ukol sa pagbisita niyang ito, binigyan pa rin niya ng ngiti si Aldin nang pagbuksan siya nito ng pinto. Pero kaagad ding nalusaw ang kaniyang ngiti nang makita ang hitsura ng binata. "Aldin?" nag-aalalang tanong niya rito. "Ayos ka lang ba? Bakit ganiyan ang hitsura mo?" Umiling ito. "Okay lang ako. Medyo mahirap lang nitong mga nagdaang araw dahil wala ang kapatid ko. Pasok ka muna." Pumasok siya sa pintuan at ipinalibot ang tingin sa kabuuan ng bahay nito. Medyo magulo ang mga bagay-bagay doon. Mukha ngang nahihirapan itong mag-isa. Mas matindi ang naging injury ni Aldin pero bakit siya itong nawalan ng memorya? Hindi naman sa gusto niya itong ma-amnesia pero dapat hindi siya nagkaroon ng amnesia. Kaya naman siguro niya ang kaunting bugbog sa katawan, hindi ba? "Gusto mo ba ng maiinom?" tanong ni Aldin sa kaniya. "Tubig na lang, please." Tumango ito at pinag-ipis siya ng
Read more
Chapter 32
PABAGSAK na naupo si Raziel sa kaniyang upuan. Tatlong madugong meeting na kailangang naroon siya. Kung hindi lang kailangan ang presensiya niya, si Alexiel sana ang pina-attend niya. Pero isa pang tamad ang isang iyon. Pinakaayaw pa naman nito ang mga meeting.He cracked his neck left and right and closed his eyes. Magpapahinga lang siya sandali bago siya magpunta sa site kung saan kasalukuyang ginagawa ang isa pang branch ng restaurant nila. Kailangan niyang i-check ang progress dahil minsan may mga tauhang tatamad-tamad kapag walang nangangasiwa.Nakauwi na kaya si Lyxelle? Pag-uwi niya sigurado siyang marami itong tanong sa kaniya. Lalo na sa weird na inasal niya kanina. Gusto niiyang ipakita rito ang kaniyang opisina para alam nito kung saan siya hahanapin kung sakaling may mangyari. Naisip na rin naman niya kung sakaling makita ito ng ibang barkada niya pero hindi rin naman niya akalain na makikita ito kaagad ni Terrence.Napakamot siya ba
Read more
Chapter 33
"WHAT the hell?!"Sinalakay ng kaba ang dibdib ni Raziel nang makita ang magulong bahay ni Aldin. Kanina pa siya kumakatok sa pinto nito pero walang sumasagot, kaya sinubukan niyang buksan ang pinto. Nagulat siya nang malamang hindi iyon naka-lock.Hindi siya makapaniwala sa nakita sa loob ng bahay nito. Naging alerto naman kaagad si CL sa kaniyang tabi. May hindi magandang nangyari. May mga patak ng dugo sa sahig, kung kanino? Ayaw iyon isipin ni Raziel.Nasa gilid din ng pintuan ang nakatagilid na wheelchair ni Aldin pero wala roon ang binata. At sa tantiya ni Raziel, hindi makakalakad ng walang wheelchair ang lalaki.Kusang kumilos ang kaniyang kamay upang i-dial ang numero ni Lyxelle. The second he waited for the ring felt like eternity and he almost jumped out of his skin when he heard the ringing inside the house. Nagkatinginan sila ni CL.Mabilis na nakita niya ang cellphone ni Lyxelle. May crack iyon sa gilid pero gumagana
Read more
Chapter 34
HINILOT ni CL ang kaniyang noo. Siya ang nahihilo sa ginagawang pabalik-balik na lakad ng kaibigan niyang si Raziel. Hindi tuloy siya makapag-concentrate sa tinititigang mga papeles. Kanina pa niya ito sinasaway pero hindi naman ito nakikinig. Kapag sinaway niya uli ito, siguradong mamadaliin lang siya nito sa paghahanap ng bakas para malaman nila kung nasaan na ang asawa nitong si Lyxelle. Naiintindihan niya ang frustration nito pero mas lalo lang bbabagal ang pag-iimbestiga niya dahil sa ginagawa nito. Inis na tiningnan niya ang pinsang si Francis. "Ilipat mo nga ng ibang kuwarto ang damulag na iyan." Tiningnan nito si Raziel. "Well, I can unnderstand him." Sinimangutan niya ang pinsan. "At sa tingin mo hindi ko naiintindihan ang nararamdaman ng isang iyan?" Kinusot niya ang buhok. "Just put him in the next room. Sumasakit ang ulo ko sa ginagawa niyang pagbubutas ng karpet ko." Nagkibit-balikat si Francis at hinila si Raziel
Read more
Chapter 35
A few hours ago…Antok na antok si Lyxelle kaya hinayaan niya ang sariling matulog. Wala naman sigurong gagawin sa ngayon ang mga kidnappers. Ilang araw na silang pinapabayaan ng mga ito, hanggang sa puntong hindi na sila hinahatiran ng pagkain.Nararamdaman niya ang unti-unting pagbagsak ng kaniyang ulo kaya inaayos niya iyon. Paulit-ulit ang ganoon kaya hinayaan niya ang sarili na bumagsak sa sementadong sahig. She finally felt comfortable enough to let herself fall into slumber.But it only took a few minutes before she was awakened. Napakislot siya nang may marinig na mga yabag. Hindi niya pinansin iyon noong una pero papalapit sa kanila ang mga yabag kaya napilitan siyang magbukas ng mga mata, at makiramdam sa paligid.Sinulyapan niya si Aldin kung gising ba ito. Nakapikit ang mga mata ng binata kaya hindi sigurado si Lyxelle kung gising din ba ito o nakikiramdam lang din sa paligid.Napakislot siya nang marinig ang pagkalansin
Read more
Chapter 36
TUMILAPON si Raziel lupa dahil sa lakas ng pagkakasuntok sa kaniya ni Francis. Halos mahilo siya sa tama nito, awtomatiko ring lumipad ang kaniyang kamay sa kanyang panga para i-check kung kompleto pa ba ang mga iyon."Dammit, Francis!"Utak ang gamitin mo kung gusto mong makita pang buhay ang dati mong asawa." gigil na bulyaw nito sa kaniya.Nakapamulsa lang si CL sa isang gilid habang hinihintay silang matapos, he flip him the bird. Mga kaibigan nga naman.Marahas na pinunasan niya ang dugo sa gilid ng kaniyang labi, sa lakas ng suntok ni Francis ay nakagat niya ang sariling labi. Naaasar na tinapunan niya ito ng tingin. "Nakakadalawa ka na ha. Namimersonal ka na yata eh.""Focus on Lyxelle, not your fears. Sasama-sama ka sa amin, magiging sagabal ka naman pala. Sana pinatulog na lang kita ulit kanina."Nagtagis ang kaniyang mga bagang. He will not let it happen na hindi siya sasama sa pagliligtas kay Lyxelle. Baka may hindi magandang mangyari kapag hindi siya tumulong sa pagligtas.
Read more
Chapter 37
RAZIEL's heart almost burst out of his chest when he found the man CL punched to sleep standing in the open doorway with his gun pointing directly at them. Tumalikod siya habang pasan si Lyxelle para saluhin ang bala kung sakali mang si Lyxelle ang babarilin nito. Gun shot was fired that made his ear ring, he stumbled forward, but managed to grip Lyxelle tightly. It took him a few seconds to realize that he was fine. Napatingin siya sa direksiyon ni CL. Mahigpit na nakakapit sa likod nito ang isa pang babae. Umuusok ang nguso ng baril nito. Napatingin siya sa kalaban, nakabulagta na ito sa sahig. CL brushed his hair backwards. "Damn." Niyuko niya si Lyxelle. Wala pa rin itong malay. Hinarap ni CL ang umiiyak na babae. "What's your name?" Nanginig ang labi ng babae, mukhang na-trauma ito sa mga nasaksihan. "Nicole." "Okay, Nicole. Sundin mo ang iuutos ko, hmm?" Hinintay nitong tumango ang dalaga. "Good. Kapag lumabas na tayo ng pinto, dumikit ka lang sa likod ko, okay? Huwag na
Read more
Chapter 38
Kahit ano'ng gawin ni CL na pagkumpara sa mga resulta ng imbestigasiyon ay hindi niya mahanap ang koneksiyon ng unang pagkawala ni Lyxelle at ang pagkakakidnap nito. Hindi naman ibig sabihin ay may koneksiyon ang dalawa, it could be pure coincidence, but CL's gut instinct was saying that the two incidents are connected. His gut instinct was what kept her alive as an agents, so he trusts it. "Pero wala pa ring maalala si Lyxelle, at walang kasigaraduhan kung kailan babalik ang memorya niya," bulong niya sa sarili habang nakakunot ang noong nakatitig sa medical certificate ng dalaga. "Kailangang madaliin ang imbestigasiyon ito." Dahil kung hindi baka mas dumami pa ang maging biktima ng mga demonyo. Nicole, Venice and Lyxelle's face popped up in his head. Ibinagsak niya ang dalawang kamay sa mesa. Hindi niya gusto ang mga nadidiskubre sa sindikatong ito. Habang tumatagal ay pabata ng pabata ang biktima ng mga ito. Kumuyom ang kaniyang mga kamao nang maalala ang bangkay ng babae sa i
Read more
Chapter 39
"WHAT the heck happened?" Iyon ang bulalas ni Alexiel nang pumasok ito sa private room ni Lyxelle. Kasunod ng kapatid niya ang kanilang magulang. Halata ang pag-aalala sa mukha ng kaniyang ina. Lumapit ang kaniyang ina kay Lyxelle at sinuri ito bago siya hinarap. "Ano ang nangyari, Raziel?" "We still don't know the details, mom. Lyxelle was too tired to talk about it." Tumango ang kaniyang ina at muling hinarap si Lyxelle. Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok sa mukha ni Lyxelle. Naramdaman niya ang mabigat na kamay ng kaniyang ama sa kaniyang balikat. "Magpahinga ka muna. Halatang wala ka pang tulog. Kami na muna ang magbabantay kay Lyxelle. Tatawagan ka na lang namin kapag nagising na siya." "But..." "Don't worry, anak." sabi ng kaniyang ina. "Babantayan naming maigi si Lyxelle. Huwag kang mag-alala." Tumango siya. He could trust his family to look after Lyxelle. He knew that. Alam din niya na kailangan na niya ng pah
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status