All Chapters of Chaotic Switch : Chapter 11 - Chapter 14
14 Chapters
10: Doubts
Ilang linggo na akong nandito sa pamilya Aguirre pero wala pa rin akong lead kung aksidente nga ba ang nangyari sa magkapatid na ‘to o isang foul play.Dumadagdag pa sa problema ko ngayon ang Azriel na ‘yon. Naiinis ako sa palaging pagbuntot niya sa’kin. Akala ko ba ayaw niya kay Mikha? Palagi na lang niyang dahilan ‘yong attempted kidnapping sa’kin noong nakaraan.Tapos problema ko pa ang pagiging malapit sa kanya ng mga naging babae ko. I hate to see them adoring that jerk like the way they did to me. At ang pinakanakakainis sa parteng ‘to?Nagmumukha akong obsessed girlfriend! Dahil lang pinagbabawalan kong makipag-usap si Azriel sa ibang babae, akala nila nagseselos ako sa kanila.Sinuntok ko ang study table ko at ibinagsak ang katawan ko sa kama. Pinagsusuntok ko ang mattress ko habang mangiyak-ngiyak.I feel so frustrated. Paano na ako makakabalik sa tunay kong katawan nito?“Lady Mikha?”
Read more
11: Trial
Paano ko kaya pabubuksan ‘yong kaso ni Ate Madeline nang hindi nalalaman ng pamilya Aguirre? Siguro naman matutulungan ako ni Azriel tungkol sa bagay na ‘to.Papatunayan lang niya sa’kin na wala siyang kuwenta kung sakaling hindi.Nasa bathroom ako ngayon ng kuwarto ko at nakababad sa bathtub na puno ng maligamgam na tubig.Nakita ko naman ang repleksyon ko sa malinaw na tubig. Napaisip naman ako kung paanong nangyari na napunta ako sa katawan ng babaeng ‘to matapos kong malunod sa swimming pool?Natigilan ako sandali para mag-isip. Paano kung lunurin ko ulit ang sarili ko para makabalik ako sa dati kong katawan?Nakatingin ako sa tubig habang pinag-iisipan itong mabuti. Subukan ko kaya?Pero paano kung matuluyan na ako at paggising ko nasa kabilang buhay na ‘ko?Ngunit hindi pa rin ako nagpatalo sa pangamba kaya’t sinubukan ko pa rin. Sinubsob at inilubog ko sa tubig ang mukha ko.Ilang sandali lang ay nahirapan na akong huminga. Hindi ako aahon kahit pa mawalan na ako ng malay.Unti
Read more
12: Almost
Madilim ang paligid at halo-halo ang boses na naririnig ko. Hindi ko rin maigalaw ang katawan ko. Nasaan ba ako? Sino ba ‘tong mga naririnig ko.Ilang sandali pa ay parang may naaaninag ako na taong nakatingin sa’kin. Bigla naman akong kinabahan nang mapagtanto kong pamilyar siya sa’kin.Tama, naalala ko na. Siya ‘yong walangyang humampas sa ulo ko ng bote ng alak kaya nalaglag ako sa pool at nalunod. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung ano bang atraso ko sa taong ‘to at ginawa niya ‘to sa’kin.Hindi ko man masyadong maaninag ang mukha niya pero pamilyar ang hilatsa ng buhok niya at hugis ng katawan.Mayamaya lang ay may naririnig akong beeping sound na parang galing sa isang machine.Naramdaman ko na ang talukap ng mga mata ko at dahan-dahan ko itong idinilat.“How’s my grandson, Doc?”Pamilyar ang boses na ‘yon. Naaaninag ko na rin kung sino ang taong ‘yon na nakatayo sa tabi ko.“Apo? Mikhail? Gising ka na ba?”Nandilat ang mga mata ko nang makita ko si Lolo Jorge. Na
Read more
13: Two in One
Pinapasok kami ni Domeng sa isang kuwarto na walang ilaw ngunit mga kandila ang nagsisilbing ilaw dito sa loob. Wala ring bintana sa silid na ‘to at puno ito ng mga weird na bagay na mukhang ginagamit niya sa faith healing.Nakaupo lang kami rito ni Giovanni sa isang mahabang upuan na gawa sa kahoy at may kaharap kaming mesa na gawa rin sa kahoy.Pagkatapos ay naglagay si Domeng ng isang palanggana ng tubig sa mesa, at kumuha naman siya ng incense burner pot na may kadenang hawakan.Bigla niya itong iniugoy sa harap namin ni Giovanni kaya naman napaubo kami dahil sa sobrang usok na inilalabas nito. Napapapikit din kami dahil masakit ang usok nito sa mata.Pero patuloy pa rin itong ginagawa ni Domeng habang bumubulong ng orasyon.Mayamaya lang ay ibinaba niya ang incense at kumuha siya ng kandila. Ipinatak niya ito sa palangganang may tubig na nasa mesa. Pinapanood lang namin ni Giovanni ang kanyang ginagawa.Nang matapos si Domeng ay hinipan niya ang apoy sa kandila upang mamatay. Pag
Read more
PREV
12
DMCA.com Protection Status