All Chapters of HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon): Chapter 41 - Chapter 50
84 Chapters
KABANATA 41
Sky's POVKanina pa siya gising pero hindi pa rin siya umalis ng kama. Matagal na nakatitig lang siya sa magandang mukha ng babaeng himbing na himbing ang tulog sa tabi niya.Maingat na hinahaplos niya ng kamay ang pisngi nito. Dahan-dahang inilapit niya ang mukha rito para dampian ito ng halik sa mga labi. Mabilis na inilayo niya ang mukha nang kumilos ito at umungol nang mahina.Ayaw niyang magising ito agad. Linggo kasi no'n at pareho silang walang pasok.Tuwing weekdays ay laging nagigising nang maaga si Braille para makapagluto ng almusal nila. Naa-appreciate niya ang lahat ng effort nito. Ginagawa nito ang lahat para maging ulirang asawa kahit sa batang edad nito.Ando'n uli iyong guilt. Hindi iyon nawawala dahil alam niyang niloloko niya ito pati na ang mga magulang niya. Nahihiya siya na pati ang parents ni Braille ay kinuntsaba niya sa fake na kasalan nila.No'ng mga panahong iyon ay nag-aalala nga talaga siya. Hindi lang para kay Braille kundi pati na rin sa sarili.Naluluno
Read more
KABANATA 42
Mula nang malaman niyang nasa kompanya nina Sky si Audrey, at araw-araw na nagkikita ang dalawa ay hindi na talaga siya matahimik.Ayaw niyang pagdudahan ang lalaki pero hindi niya maiwasan lalo pa't alam niyang may history ang mga ito. Ang mas nakakabahala kasi ay hindi lang naging fling ni Sky si Audrey. Minahal nito ang pinsan niya or baka nga mahal pa.Hindi pa nga tumungtong ng six months ang paghihiwalay ng dalawa kung ang pagbabasehan niya ay ang unang buwan na hindi na nagagawi sa bahay nila si Sky.Baka mapapanatag ang loob niya kung nagpatuloy ang regular na tawag ni Audrey sa kanya, pero simula nang nagkita sila sa opisina ni Sky ay hindi na rin ito tumatawag.May dapat ba itong ika-guilty?Sinubukan niyang tawagan ito para kumustahin kunyari. Sinagot nga nito one time ang tawag niya para lang sabihing busy ito sa pinapagawa ni Sky dito.Ano kaya ang pinapagawa na iyon? Siyempre, related sa trabaho, inis na sagot ng utak niya.Hindi naman nakatulong ang isiping iyon para m
Read more
KABANATA 43
Itinigil niya nang tuluyan ang pag-inom ng pills sa takot na baka mapaano pa ang baby kung sakaling nakabuo nga sila ni Sky.Hindi niya alam pero parang iniisip na niya agad na may laman na ang sinapupunan niya. Ang pakiramdam na iyon ang nagbibigay ng saya sa kanya lately.Malapit nang matapos ang sem. Malapit na ang graduation ni Sky. Ni hindi na nga nasundan ang mainit nilang gabi dahil lagi itong umaalis ng maaga at gabi na kung umuwi.No'ng una ay iniintindi niya kahit naiisip niya si Audrey na laging nakikita ni Sky sa opisina. Pero lately ay parang naiirita na siya na ewan. Laging mainit ang ulo niya kahit pinapaalam naman lagi ni Sky na hindi ito makakauwi agad.Hindi na nga siya gumigising nang maaga para magluto. Para ano pa? Eh, lagi siyang nagigising na wala na ang lalaki sa tabi niya. Sa gabi naman ay hindi na rin siya naghahanda ng dinner. Kapag ginugutom siya ay umoorder na lang siya.Naghalo ang sama ng loob niya at galit. Hindi niya naman iyon masabi kay Sky dahil par
Read more
KABANATA 44
Nagising siya dahil sa mumunting halik na nararamdaman niya sa iba't-ibang parte ng mukha niya. Umungol siya at dumapa dahil antok na antok pa siya."Wake up, sleepy head. Nakapagluto na ako." Napangiti siya nang marinig ang malambing na boses ni Sky. Nasa tenga niya ang bibig nito."Nagluto ka? Inaantok na tanong niya na nakapikit pa rin.Nagtataka siya dahil ando'n pa rin ang lalaki at nagluto pa. Nasanay kasi siyang nagigising na wala na ito. Nag-iiwan lang kasi ito ng text sa kanya na nagsasabing umalis na ito at huwag niyang kalimutang mag-breakfast."Yep. Kaya bumangon ka na para sabay na tayong kumain." Bulong nito saka siya hinalikan sa leeg nang mabilis.Idinilat nga niya ang mga mata. Mukhang nag-eeffort na si Sky ngayon. Mabuti naman pala at nasabihan niya ito ng saloobin niya no'ng isang gabi.Alam niyang magiging mas busy na ito dahil graduation na nito sa Sabado.Nang tumihaya siya ay sumalubong agad sa kanya ang nakangiting mukha ni Sky. Nakaligo na pala ito at nakapag
Read more
KABANATA 45
Two days na lang at graduation na ni Sky. Hindi rin niya maintindihan ang excitement at kaba nito sa tuwing nababanggit ang araw na iyon. Sa bahay nila gaganapin ang party. May pakiramdam siyang malaking party nga iyon gaya nang nabanggit ni Audrey.Pagkatapos ng graduation ni Sky ay saka naman gaganapin ang house blessing nila. Mabuti na nga lang at umaga ang graduation ng asawa.Nakabalot na rin ang regalo niya rito. Para masiguro ay plano niyang bumili ng pregnancy kit sa araw na iyon. Baka naman kasi ay totoo na ang hinala niyang buntis nga siya.Ang sabi ni Sky ay kailangan nitong magpa-decorate sa bahay nila para sa party. Sa condo muna sila tutuloy ng lalaki hanggang sa graduation day.Gusto raw nitong ma-surprise silang pareho sa ayos ng bahay kaya't ayaw nitong ando'n sila habang busy ang mga kinuha nitong magde-decorate. Nagtataka man dahil mukhang bongga nga ang party na gaganapin ay nahaluan din iyon ng excitement.Kaya nga gusto rin niyang makumpirma kung buntis siya pa
Read more
KABANATA 46
Parang gripong hindi maawat-awat ang pagbalong ng mga luha niya habang nakatitig sa mga larawang nasa phone ng ina."Hindi ko akalaing ang pagrerebelde mo dati pa ay makakagawa ng ganyang klase ng bagay. Ano pa ang mukhang ihaharap ko kay Janese at sa pamilya niya? Iniingatan namin ang pagkakaibigan namin hanggang sa maging isang pamilya na rin kami. Ikaw lang pala ang sisira no'n." Panay ang hagulgol ng ina niya habang yakap-yakap ng daddy niya.Bakit umabot sa gano'n ang galit ni Brandon sa kanya?Nasa limang larawan ang pinadala sa social media account ng Mommy niya through personal message. Ipinagpasalamat niya na lang na hindi iyon pinost kung saan makikita ng lahat.Ang mga nasa larawan ay sila ni Brandon na nakahiga sa kama. Nakapikit siya na naka-expose ang mga balikat habang natatakpan ng kumot ang katawan. Kahit sino'ng makakakita ay mag-iisip na wala siyang saplot sa ilalim ng kumot na iyon.Si Brandon ay nakahiga rin sa tabi niya at walang damit pang-itaas. Nakapikit din i
Read more
KABANATA 47
Dalawang pregnancy kit ang hawak-hawak niya. Pareho ang sinasabi ng mga iyon.Buntis nga siya sa anak nila ni Sky!Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Sa dinami-dami ng emosyong iyon, nangingibabaw ang saya niya.Bumalong muli ang mga luha niya. Ang magiging anak nila ni Sky ang sa tingin niya ang makakasalba sa relasyon nila."Wow... C-congrats, I guess." Alanganing sabi ni Audrey na titig na titig din sa pregnancy kit na nasa kamay niya."I really need to talk to Sky. Maybe he will listen now lalo na kung malalaman niyang magkaka-baby na kami.""Wait. Don't do anything yet. Let me take you home. at do'n natin pag-usapan iyan." Sumang-ayon naman siya sa pinsan niya. Sa bahay ng mga magulang niya sa Maynila siya dinala ni Audrey. Alam niyang hindi na roon tumutuloy ang babae pero katulad niya ay may susi pa rin ito ng bahay nila.Walang ibang tao roon dahil umuwi na ng Tarlac si Manang Lolita mula nang wala nang nakatira sa bahay nila."Now tell me, ano
Read more
KABANATA 48
Malaki ang bagong bahay na nabili ni Audrey sa Tagaytay. Hindi na siya nagtaka na nakabili ito ng gano'n kamahal na property dahil lahat ng naiwan ng mga magulang nito ay nailagay na sa pangalan ng pinsan niya. Ang mga napagbentahan ng naiwang bahay at lupa ng Mama at Papa ni Audrey sa Australia ay naibigay na rin sa babae.Tahimik na tahimik ang paligid. Magandang bakasyunan nga ang lugar na iyon. Mas nagiging hungkag naman ang pakiramdam niya.Hindi rin magtatagal si Audrey doon. Bibisitahin lang daw siya nito every now and then dahil babalik agad ito ng Maynila kinabukasan. May kinuha naman itong makakasama niya sa bahay, si Manang Guada. Nagpapaanak din daw ang may edad nang babae kaya't ito ang kinuha nitong katiwala sa bahay na magiging kasama niya.Laking pasasalamat niya sa pinsan dahil sa kabila ng nangyari sa kanilang hindi maganda dati ay ito pa ang dumamay sa kanya sa panahong wala siyang malalapitan.Tumawag siya sa daddy niya para sabihing nasa bahay-bakasyunan na siya n
Read more
KABANATA 49
Ngayon lang niya naramdamang nag-iisa lang talaga siya. Sumasabay yata sa nararamdaman niya ang lagay ng panahon sa araw na iyon.Hindi niya alintana ang mga patak ng ulan habang nananatili siyang nakatayo sa harap ng puntod ng anak.Sa Tarlac niya pinalibing ang anak para malapit sa kanila. Gusto niyang madalaw ito lagi. Masakit na masakit sa kanya na kailangang ipalibing niya agad ito. Ni walang nakakaalam at nakikiramay sa pagluluksa niya maliban kay Manang Guada.Nasa tabi niya ito kanina at siyang nagpapayong sa kanya kaso sa lakas ng hangin ay bumaliktad ang payong. Inaya siya nitong magpasilong muna pero hindi siya umalis sa kinatatayuan niya. Inutusan niya na lang itong iwan muna siya. Walang nagawa ang matandang katiwala kundi pumunta sa ilalim ng malaking kahoy at pinagmamasdan na lang siya.Ang agos ng mga luha niya ay sumasabay sa mga patak ng ulan. Basang-basa na siya pero wala siyang pakialam.Naaawa siya sa anak. Hindi man lang alam ni Sky na isinilang niya ang anak n
Read more
KABANATA 50
Present Time...Ayaw pa sana siyang iwan ng mga magulang nang makauwi na sila sa bahay ng mga ito sa Maynila. Himala ngang wala nang luhang dumadaloy sa mga mata niya mula nang umalis sila sa bahay ni Sky.Mas lalo lang ikinabahala ng mga ito ang pananahimik niya. Kung hindi pa niya sinabing pagod na pagod siya at gusto niyang mapag-isa ay baka tabihan pa siya ng ina hanggang sa pagtulog.Unti-unting may namumuong galit sa dibdib niya. Ang tagal niyang nagpakatanga, umaasang magiging maayos din sila ni Sky kahit ilang taon na ang lumipas.Kahit siya ay awang-awa sa sarili. Sinayang niya ang pitong taong iyon sa paghihintay sa wala. Kung hindi ba naman siya nuknukan ng katangahan ay sana hindi na niya pinaabot kahit isang taon ang paghihintay sa lalaki.Gusto niyang magalit sa mga magulang. Bakit hinayaan siya ng mga ito na magmukhang tanga?Saksi ang mommy at daddy niya sa pagiging positibo ng pananaw niya kahit ni minsan ay hindi na nagparamdam si Sky sa kanya.Sa kabilang banda ay n
Read more
PREV
1
...
34567
...
9
DMCA.com Protection Status