HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)

HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)

last updateLast Updated : 2022-10-23
By:  JewiljenCompleted
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
34 ratings. 34 reviews
84Chapters
64.9Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

Bata pa lang ay alam na nilang ipinagkasundo silang dalawa ni Sky. Pareho na nilang tanggap iyon. Ang musmos na puso niya ay hindi na makapaghintay na dumating ang araw na siya'y magiging ganap na Mrs. Razon. Ngunit nagbago ang lahat nang umeksena sa buhay nila ang pinsan niyang si Audrey. Pinapayagan ng mga magulang nila ang makipagrelasyon muna sa iba hangga't hindi pa dumating ang takdang araw na iaanunsiyo ang pormal nilang engagement. Pilit na itinatago ng dalawa ang relasyon nila pero alam na alam ng puso niya ang katotohanan. Wala rin naman siyang karapatang pigilan iyon kahit nasasaktan na siya. Naganap pa rin ang kasal nila ni Sky kahit pa nga alam niyang may iba itong mahal. Nagrebelde ang batang puso niya na naging dahilan ng paglayo ni Sky ng pitong taon. Sa pagbabalik nito ay nagulat na lang siya nang ianunsiyo ng asawa ang nalalapit na kasal nito sa first love nitong si Audrey. Paano nga ba niya hahadlangan iyon gayong nalaman na lang niyang peke pala ang kasal nila? Dala-dala niya ang apelyido nito sa loob ng ilang taon kahit wala naman pala siyang karapatang tawaging Mrs. Braillene Razon.

View More

Chapter 1

KABANATA 1

Matagal na tinitigan niya ang sarili sa salamin. Kanina pa siya nakapagbihis at ready nang pumunta sa party pero hindi maalis-alis ang kaba sa dibdib niya.

Ilang taon na nga ba mula nang huli niyang nakita si Sky?

Wala siyang natanggap na imbitasyon para dumalo sa welcome party ng lalaki pero pupunta pa rin siya. Sa katunayan, mula nang malaman niyang babalik na ito sa Pilipinas ay inihanda na niya ang sarili sa araw na iyon.

Hindi naman siguro siya pagbabawalang pumunta kahit hindi imbitado. After all, siya pa rin si Mrs. Braillene Dominique Razon.

Pitong taon na ang lumipas nang lumipad patungong Europe ang asawa niya. Sa pitong taong iyon ay wala naman siyang natanggap na na kung anuman mula rito para ipawalang bisa ang kasal nila.

Alam niyang kasalanan niya ang lahat. Lagi niyang idinidikdik sa utak na bata pa siya nang mga panahong iyon. Ngayon ay nag-mature na siya. Ilang beses na niya sanang napagdesisyunang sundan ang lalaki sa Europe pero natatalo siya lagi ng hiya at kaba. Hindi nito sinasagot ang mga tawag niya. Sinubukan niyang sulatan ito pero laging bumabalik ang mga sulat niya sa kanya nang hindi man lang nabubuksan.

Siguro naman ay sapat na ang pitong taong hinayaan niya ito. Sana naman ay mapatawad na siya ng asawa niya.

Hindi niya ipinaalam sa mga magulang na dadalo siya. Alam niyang pipigilan lang siya ng mga ito. Hindi kaila sa lahat ang dahilan ng paglayo ni Sky. Huminga pa siya nang malalim saka pinatatag ang sarili.

Buo na ang desisyon niyang ayusin ang kasal nila. Nakahanda siyang gawin ang lahat sa abot ng makakaya niya bumalik lang sila sa dati.

Alam niyang kanina pa pumunta sa bahay ni Sky ang mga magulang. Malapit na malapit ang pamilya nila sa pamilya ni Sky. Kaya nga napagkasunduan ng mga ito ang kasal nilang dalawa mula nang ipinanganak siya. Lumaki siya na nakatatak na sa utak na balang araw ay ikakasal sila ng lalaki.

Si Sky ay matanda sa kanya ng limang taon. Wala naman sanang problema ang lahat dahil pareho nilang tanggap na sa sarili ang nakatakdang kasal kahit no'ng mga bata pa sila. Nagbago lang iyon nang kupkupin ng mga magulang niya ang naulilang pinsan niyang si Audrey.

Natigilan na naman siya. Wala na rin siyang balita sa pinsan niyang iyon mula nang...

Ipinilig niya ang ulo at ayaw niyang isipin ang mga bagay na makakapagpahina lang ng loob niya. Sinipat niya ang suot na wedding ring. Never niya iyong inalis sa daliri niya. Iyon kasi ang isang bagay na nakakapagbigay ng lakas sa kanya.

Kasal siya kay Sky. Hindi siya mawawalan ng pag-asang ipaglaban ang kasal nila hangga't hindi naman gumagawa ng hakbang ang lalaki na maalis ang karapatan niya rito bilang asawa.

Kung tutuusin ay ibang-iba na ang hitsura niya sa dating Braillene na pinakasalan nito. Kaka-eighteen lang niya noon nang ikasal silang dalawa gaya ng orihinal na napagkasunduan ng kanilang mga pamilya. Napangiti pa siya nang mapakla nang maalala ang gabi bago ang nakatakdang kasal nila.

Lumayas siya sa mismong gabing iyon. Ayaw niyang matuloy ang kasal nilang dalawa dahil nagrerebelde ang puso niya. Saka naman bumalik sa alaala niya ang inosente at magandang mukha ng pinsang si Audrey.

Hindi niya alam kung paanong nakarating kay Sky ang paglayas niya dahil natunton siya nito. Natuloy nga ang kasal nilang dalawa na hindi dinaluhan ni Audrey at alam niya kung bakit.

' Ako ang pinakasalan ni Sky. Ako ang may karapatan sa kanya,' taas-noong paalala niya sa sarili.

Nakaputing damit siya na lagpas tuhod ang haba. Kumikinang iyon kapag natatamaan ng ilaw. Pwede na iyong pumasang bridal gown kung susuotan niya pa iyon ng veil sa ulo.

Nakatira pa rin siya sa bahay na ipinatayo ni Sky para sa kanilang dalawa. Hindi siya bumalik sa kanila kahit ilang taon na itong hindi nagpaparamdam sa kanya. Wala siyang makapang galit para sa lalaki sa ginawa nitong pag-alis.

Kasalanan niya ang lahat.

Lumabas na siya ng kwarto bitbit ang maliit na purse bago pa magbago ang isip niya. Nakita niyang nakatayo na sa harap ng kotse ang matandang driver na si Mang Johnny. Pinagbuksan agad siya nito nang makita siya.

"Sa bahay po tayo ni Sky, Mang Johnny."

Nakita niya ang pagkagulat sa mukha ng matanda. Hindi siguro nito alam na bumalik na ng bansa ang dati nitong amo. Ngumiti lang siya nang tipid dito.

Ang lakas ng kabog ng dibdib niya habang nasa biyahe. Ano kaya ang magiging reaksiyon ni Sky kapag nakita siya?

Mahigpit ang kapit niya sa hawak na purse na parang doon umaamot ng lakas. Nakita niya ang maraming sasakyang nakaparada sa labas ng malaking bahay ni Sky. Bahay iyon ng asawa niya bago pa man sila ikinasal. Diyata't marami itong inimbitahang bisita at hindi man lang siya nasali sa mga inimbitahan nito?

Hindi na niya hinintay na pagbuksan siya ni Mang Johnny nang ihinto nito ang sasakyan. Sumasabay na siya sa mga panauhing papasok na rin sa gate. May mga bitbit itong mga sobre na ibinibigay sa isang guard na nasa bungad ng gate.

"W-wala akong invitation card," agad na sabi niya nang siya na ang nakatayo sa harap ng guard.

"Pangalan po?" magalang na tanong nito na kinuha ang isang logbook na may mga nakalistang mga pangalan.

"Braillene. Braillene Razon."

Nagtatakang napatingin ang guard sa kanya.

"Kamag-anak ninyo po si Mr. Razon?"

Naiilang na napapatingin pa siya sa ibang bisita na nasa likuran niya.

"A-asawa niya ako," hirap pa siyang sabihin ang katagang iyon.

Mas lalong napakunot-noo ang guard sa sinabi niya. May tinawagan ito at sinabi ang pangalan niya. Maya-maya ay pinapasok na nga siya nito nang hindi na nagtanong pa.

Si Sky kaya ang tinawagan nito para ipaalam na ando'n siya?

Napupuno ng mga palamuti at mga ilaw ang labas pa lang ng bahay nito. Ilang mesa at upuan ang nasa labas. Ang mga panauhin ay nagkanya-kanya na rin ng upo. Naghahanap siya ng mga pamilyar na mukha. Nakita niya ang mga magulang ni Sky na kausap ang iba pang mga panauhin.

Umiiwas siyang makita ng mga ito dahil baka tawagin siya. Matagal na niyang naayos ang relasyon niya sa pamilya ng lalaki. Ang mga magulang niya naman ay namataan niyang nakaupo malapit sa pwesto ng mga magulang ni Sky.

Nagkasya na lang siya sa pagtayo sa may bandang likod.

Maya-maya ay biglang nanigas ang likod niya nang makita ang pamilyar na tindig. Naka-formal attire ang lalaki at malaking-malaki ang ngiti sa mga labi nito. Napanganga siya habang nakatitig sa gwapong mukha ni Sky. Mas lalo yatang lumakas ang sex appeal nito after seven years na hindi niya ito nasilayan man lang.

Isa-isa nitong nilapitan ang mga panauhin. Nakita rin niya nang lapitan ng lalaki ang mga magulang niya. May sinabi ito sa mga magulang niya saka nito inilibot ang paningin na parang may hinahanap. Mabilis na nagtago siya sa likod ng lalaking nasa harap niya.

Akala ba niya ay handa na siyang harapin ito? Bakit parang gusto niyang kumaripas ng takbo at magtago na lang?

Pitong taon niyang hinintay ang pagkakataong ito. Pitong taon siyang tahimik na umiiyak at pinagsisihan ang mga naging desisyon sa buhay. Ang tanging hindi niya pinagsisihan ay ang pagpapakasal niya sa lalaki.

Isa iyong sugal na alam niyang hindi pa siya handang ipanalo sa batang edad niya. Ngayon ay kaya na niyang ibigay at gawin ang lahat para sa pinakamamahal na asawa.

Paano niya gagawin iyon kung ang pagharap pa lang dito ay hindi na niya magawa? Bigla siyang natauhan kaya't umayos siya ng tayo.

Siya si Braillene Razon.

Ngayong gabi ay aayusin nila ang tungkol sa kanila ni Sky Razon, ang asawa niya.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

10
100%(34)
9
0%(0)
8
0%(0)
7
0%(0)
6
0%(0)
5
0%(0)
4
0%(0)
3
0%(0)
2
0%(0)
1
0%(0)
10 / 10.0
34 ratings · 34 reviews
Write a review
user avatar
Lie Rasay Lozada
ang ganda ng story. nong una naiinip ako pero habang tumatagal naeexcite ako
2024-05-17 00:59:36
2
user avatar
Marissa Quisalan
ang gaganda talaga ng mga stories mo miss author.. sana gawa ka din po ng mga forbidden stories at age gap, yung mas matanda ang girl kaysa boy ... ang gaganda kase ng pagkasulat nyo po ...
2024-04-27 12:03:55
2
user avatar
Maria Magdalena La
nice and I am so excited about the other side of the story
2023-04-30 17:15:31
1
user avatar
Ychin Remaxia
nice one so beautiful atory
2022-11-20 06:26:46
1
user avatar
Ychin Remaxia
nice one so beautiful story
2022-11-14 01:51:37
1
user avatar
Ychin Remaxia
nice one so beautiful story
2022-11-14 01:51:15
1
user avatar
Cimpe Magnolia
Ang ganda ng story... Thanks Ms.A.
2022-10-14 19:58:49
2
default avatar
ma.carmelia.arcega
Super ganda ng story na to... kaya tara ng bsahin...
2022-10-11 20:34:05
1
user avatar
Mhariel Co
Araw Araw ko inaabangan to ... super Ganda
2022-10-10 15:49:57
1
user avatar
Irish Molde
another lovely story..thank's author
2022-10-03 22:15:32
2
user avatar
Tata
Not so interested at first but when I went through reading it, sobrang ganda!
2022-10-01 15:04:55
2
user avatar
Tata
The best story in time...
2022-09-30 10:56:57
2
user avatar
Tata
A masterpiece! Basta gawa nya, super sulit!
2022-09-27 15:59:04
3
user avatar
Rhealyn Valdez
Maganda is not enough to describe this story ... it's a masterpiece
2022-09-22 08:24:05
6
user avatar
Rhealyn Valdez
this is a highly recommended book that gives you excitement everytime you read it.
2022-09-22 08:21:38
4
  • 1
  • 2
  • 3
84 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status