Ngayon lang niya naramdamang nag-iisa lang talaga siya. Sumasabay yata sa nararamdaman niya ang lagay ng panahon sa araw na iyon.Hindi niya alintana ang mga patak ng ulan habang nananatili siyang nakatayo sa harap ng puntod ng anak.Sa Tarlac niya pinalibing ang anak para malapit sa kanila. Gusto niyang madalaw ito lagi. Masakit na masakit sa kanya na kailangang ipalibing niya agad ito. Ni walang nakakaalam at nakikiramay sa pagluluksa niya maliban kay Manang Guada.Nasa tabi niya ito kanina at siyang nagpapayong sa kanya kaso sa lakas ng hangin ay bumaliktad ang payong. Inaya siya nitong magpasilong muna pero hindi siya umalis sa kinatatayuan niya. Inutusan niya na lang itong iwan muna siya. Walang nagawa ang matandang katiwala kundi pumunta sa ilalim ng malaking kahoy at pinagmamasdan na lang siya.Ang agos ng mga luha niya ay sumasabay sa mga patak ng ulan. Basang-basa na siya pero wala siyang pakialam.Naaawa siya sa anak. Hindi man lang alam ni Sky na isinilang niya ang anak n
Present Time...Ayaw pa sana siyang iwan ng mga magulang nang makauwi na sila sa bahay ng mga ito sa Maynila. Himala ngang wala nang luhang dumadaloy sa mga mata niya mula nang umalis sila sa bahay ni Sky.Mas lalo lang ikinabahala ng mga ito ang pananahimik niya. Kung hindi pa niya sinabing pagod na pagod siya at gusto niyang mapag-isa ay baka tabihan pa siya ng ina hanggang sa pagtulog.Unti-unting may namumuong galit sa dibdib niya. Ang tagal niyang nagpakatanga, umaasang magiging maayos din sila ni Sky kahit ilang taon na ang lumipas.Kahit siya ay awang-awa sa sarili. Sinayang niya ang pitong taong iyon sa paghihintay sa wala. Kung hindi ba naman siya nuknukan ng katangahan ay sana hindi na niya pinaabot kahit isang taon ang paghihintay sa lalaki.Gusto niyang magalit sa mga magulang. Bakit hinayaan siya ng mga ito na magmukhang tanga?Saksi ang mommy at daddy niya sa pagiging positibo ng pananaw niya kahit ni minsan ay hindi na nagparamdam si Sky sa kanya.Sa kabilang banda ay n
Hindi muna siya tumanggap ng projects sa Maynila. Gusto niyang mapag-isa muna. Kahit tahimik ang mga magulang niya ay alam niyang inoobserbahan ng mga ito ang bawat kilos niya.Hindi rin niya alam kung paanong bigla na lang nag-shut down ang pakiramdam niya. Kung dati ay panay ang iyak niya tuwing naaalala si Sky, ngayon ay nababalot siya ng galit kapag naiisip ang mga panahong sinayang niya para sa lalaking wala naman siyang naging kasalanan kundi ang mahalin ito.Plano niyang magbakasyon muna sa Tarlac kahit mga ilang linggo lang. Hindi nga maalis-alis ang pag-aalala ng mommy niya dahil gusto pa nga nitong samahan siya sa pagbabakasyon niya.But she insisted na kailangan na kailangan niya munang mapag-isa. Mabuti na lang at nakumbinsi niya ito.Paulit-ulit nitong sinasabi na huwag siyang gumawa ng bagay na ikakapighati ng mga ito.Naisip ba ng mommy niya ba baka may plano siyang magpakamatay?Kinilabutan siya sa isiping iyon. Hindi niya bibigyan ng rason si Audrey na magpakasaya pa
Nakatayo siya sa loob ng malaking bahay. Inilibot niya ang tingin doon. Malaki-laki rin pala ang tatrabahuin niya. May nakikita siyang mga kalalakihan na may mga bitbit na mga lumang kagamitan. Inilabas iyon ng mga ito. Sa tingin niya ay iyon ang mga gamit ng mga dating may-ari ng bahay.Ngayon pa lang talaga siya nakapasok sa pamamahay na iyon kahit katabi lang ito ng hacienda nila.Sa isang tingin pa lang ay marami na agad siyang ideyang naisip kung paano mababago ang aura ng bahay na iyon.Dahil siguro mga matatanda ang dating mga may-ari ay medyo madilim ang loob dahil sa mga makakapal na kurtinang nakapalibot sa loob.Pwede pa ngang pumasang haunted house ang bahay na iyon sa mga palabas. Halos ang lahat ng mga gamit doon ay may kalumaan na.Pinapahintay siya ng katiwalang nagpapasok sa kanya sa sala habang naghihintay kay Audrey. Ito raw kasi ang haharap sa kanya sa unang araw niya roon.Imbes na umupo ay sinimulan na niya ang pag-eevaluate sa bahay para alam na niya ang mga da
May kasama siyang dalawang tauhan na lalaki na siyang magkakarga ng mga kagamitang ilalagay sa loob. May mga antiques rin na mga gamit si Audrey na gusto nitong ipalagay sa sala. Laking pasalamat niya na ang tanging katiwala lang ang naabutan niya sa bahay.Nang mailagay na ng mga tauhan niya ang mga gamit ay pinaalis niya na rin ang mga ito. Ayaw niya kasing paghintayin sila. Hindi siya makakapag-concentrate kapag may naghihintay ng susunod niyang utos.Dahil nga literal na katabi lang ng bahay nila ang bahay na iyon ay tanging shirt na maluwang ang suot niya at shorts na maong. Mas kumportable kasi siyang magkikilos kapag gano'n ang suot. Ibinuhol lang niya sa gitna ang shirt na malaki dahil lagpas beywang ang haba no'n kapag hindi nakatali.Ang buhok niya ay basta lang din niyang itinali paitaas at inipitan ng hindi pa nagamit na chopstick.Nakapameywang pa siya nang ilibot ang paningin sa sala. Napatingin siya sa gamit na antique ni Audrey na pinalagay sa gitna. Malaking estatwa
Sky's POVA few years ago...Ang gusto niyang gawin ay magpakalunod sa alak hanggang mawalan ng ulirat.Hindi niya magawang magwala hanggang sa maging manhid ang pakiramdam niya. Ang gusto niya na lang ay lumayo at tuluyang kalimutan ang dahilan ng pagkawasak ng puso niya.Handa na sana ang lahat.Magpo-propose na siya ng kasal kay Braille sa araw din ng graduation niya. Ayaw na niyang lokohin ang babae sa kasal na huwad.Sa tuwing inaangkin niya ang katawan nito ay ando'n ang guilt. Dahil alam niyang buong pusong isinusuko ni Braille ang sarili sa pag-aakalang asawa na nga siya nito.Akala niya ay totoong minahal na siya ni Braille at hindi lang puppy love na gaya ng inakala niya dati.Wala siyang panahong tumambay sa kung saan maaari niyang lunurin ang sarili sa alak. Mas malaki ang kagustuhan niyang umalis na ng Pilipinas at iwan ang alaala ng sugatang puso.Hindi maalis-alis sa isip ang tagpong naabutan sa condo.Si Braille na nakahiga sa kama na walang damit base sa pagkaka-expo
Nagagawa niya nang maayos at matiwasay ang trabaho sa loob ng ilang araw. Wala kasi ang atribida niyang pinsan at wala rin si Sky sa paligid. Ang hula niya ay nasa Maynila na ang lalaki.Ang tanging nakikita niyang sumusulpot pabigla-bigla ay si Ivan. Habang tumatagal ay napapalapit ang loob niya sa bata. Kapag pinapalabas ito ng kwarto ng yaya nito ay nagpapapansin talaga sa kanya ang bata. Tumitigil naman siya sa ginagawa kapag ando'n ito. Ramdam niyang kulang ito sa atensiyon kaya siguro mas madalas ay pasaway ito.Abala siya sa pagre-arrange ng mga gamit sa sala nang sumulpot na naman ito."Ivan, ligpitin mo ang kalat mo bago ka lumabas ng kwarto. Hindi ba't iyon ang usapan natin?" Narinig niya uli ang pasensiyosang tinig ng yaya nito."Tita Audrey said it is your job. I should not be doing anything because Daddy pays you to clean up for me," matigas ang boses na sabi ng bata.Napakunot-noo siya at tumigil sa ginagawa."Ivan, it's not nice of you to say that." Seryoso ang mukha n
Nagulat pa siya nang makita si Sky na prenteng nakaupo sa sofa nang dumating siya.Lunes no'n kaya hindi niya inaasahang makikita ang lalaki sa bahay nito. Bago mag-alas otso ng umaga ay nasa bahay na siya nito para simulan ang trabaho. Muntik pa siyang tumigil sa paglakad nang makita ito. Pagkatapos ng nangyari no'ng isang gabi sa batis ay mas lalong naiilang siya kapag nasa paligid lang ito.Hindi siya nagpahalata na nakakailang ang presensiya nito lalo pa at seryosong nakatitig lang ito sa kanya nang pumasok na siya.Nagdadalawang-isip tuloy siya kung babatiin ba ito or ano. "Good morning." Nasabi niya na lang kahit sa pormal na boses. After all, client niya ito. Hindi dapat hinahalo ang personal na buhay sa trabaho.Hindi ito umimik. Nanatiling nakatitig lang sa kanya. "May ipapadagdag ka ba sa demands ni Audrey para sa bahay? Patapos na kasi ako rito sa sala?" Naisipan niya na lang itanong para pagtakpan ang pagkailang.Binuksan niya agad ang notebook na hawak at kinuha ang ba