All Chapters of The Lady Gangster's Mission For The Prince: Chapter 31 - Chapter 40
99 Chapters
31 - Pagkain Ng Sabay
Habang si Prince Dylan naman ay may sinusupil na ngiti at bago pa man makita iyon ni Adira ay naging seryoso siya muli ng biglang tumingin sa kanya si Adira. "Kailangan ko na bang sumabay sa inyo na kumain ngayong tanghalian?" "Oo." "Puwede ka ng mauna doon, susunod na lang ako." "Sumunod ka na agad." Tiningnan niya ito ng masama. Pero tumalikod na ito at mabilis na umalis. "Mainam pa ata na wala siyang halong dugo na hindi isang maharlika dahil mas lalong umiigsi ang pasensya ko." Sinarado niya ang pinto ng kwarto at tumungo na din sa hapag-kainan. Pagpasok niya pa lang ay napansin niya kaagad na wala si King Stephen. "Nasaan ang hari?" tanong niya kaagad kay Dylan. "Nasa kanyang kwarto. Nagpadala na lang ng pagkain sa katulong." "Bakit daw?" "Masama ang pakiramdam dahil hindi sapat ang naging tulog niya." Sa isip niya, "Agad-agad naman na kami lang ang magkasamang kakain ngayon." Hindi niya alam kung saan siya uupo kaya nagtanong na siya kay Dylan. "Saan ako puwedeng
Read more
32 - Ang Ayaw Gawin Ng Prinsipe
Napailing siya at maliit na ngumiti. "Walang basehan ang lahat mahal na prinsipe. Kaya kang dayain ng tingin lang. Minsan nga katabi mo na pala ang kalaban hindi mo pa alam dahil sa galing nilang manlinlang. Pandama ang kailangan mo sa lahat, tumitig ka man sa mata ng kalaban, pero dapat ay alerto ang katawan mo pag may binalak na siyang gawin kahit nakapikit ka pa." Napangiwi naman si Dylan na pinagtaka niya. "Ang hirap naman ng ganon. Mahirap na nga ang nakadilat ang mga mata. Paano pa kaya ang nakapikit? Hindi ko alam kung may makagagawa no'n." Napapikit siya at bumuntong-hininga. "Subukan natin kung may makagagawa nga ba talaga ng gano'n." "Paano?" "Ako ang gagawa habang nakapikit o kaya lagyan ng tela ang aking mata ng maka-siguro ka na hindi ako mandadaya." Hindi makapaniwalang tinitigan siya ni Dylan. "Nahihibang ka na ba," may diin ang salita nito at alam niyang iniisip nito na kung nababaliw na ba siya. "Hindi, kaya pumunit ka na ng tela sa laylayan ng damit mo o kaya
Read more
33 - Nabihag Na Nga Ba Ang Puso Ng Prinsipe?
Samantala ang kanina pang nanonood na si Heneral Agustin ay seryosong nakatingin kay Adira ngayon. "Ang galing niya kahit nakapiring ang mga mata, ngunit nakakapagtaka din dahil sa galing niyang gumamit ng pandama at kung paano niya harangin ang bawat tira ni Prince Dylan. " Nakita din nito ang ginawa ng prinsipe. "Mukhang may nabihag din ang binibini. Hindi ko na lang sasabihin ang pangalan, pero isa siyang prinsipe," saad ni Heneral Agustin sa sarili at lumakad na paalis. Habang inaayos ni Adira ang buhok niya ay nagsalita si Prince Dylan. "Ang pangako mo kailangan mong tuparin." "Pangako?" Nanlaki naman ang mata ni Dylan na tumingin sa kanya. "S-sinabi mo kanina na puwede akong humiling basta sundin kita!" "Hindi mo naman ako nasugatan." "Anong...basta ang usapan ay usapan wala ng bawian." Napabuntong-hininga na lang siya. "Ano naman ang kahilingan mo?" May sinusupil na ngiti naman si Dylan. "Bukas hindi ganyan na klase na damit ang suot mo." Nagtaka naman siya at napa
Read more
34 - Prince Franco at si Adira
Dahan-dahan na humarap ang lalaki sa kanya. Nakatitig lamang ito sa mga mata niya at tila nagtataka dahil sa pagkunot ng noo nito. "Inuulit ko sino ka?" madiin niyang pagkakasabi. Pero hindi pa rin ito nagsasalita at nakatitig lang sa kanya. Base sa suot nito ay pang ordinaryo lang katulad ng mga sinusuot ng katulong o alipin dito sa palasyo. "Wala ka bang balak na magsalita. Bakit napadpad ka dito lalo na sa lagayan ng armas ng palasyo na 'to?"Umiwas na ito ng tingin sa kanya at humarap sa kabilang direksyon. "Paumanhin, pero ako ay lubos na kinain ng kuryosidad kaya napadpad ako rito." "Paano ka nakapasok?"Muli itong tumingin sa kanya. "Hindi ba't may tarangkahan ang palasyo na 'to. Iyon lang ang ginamit ko para makapasok." Tila nagtaka pa ito sa tanong niya.Napapikit siya, pero hindi niya hinayaan na lumabas ang pagka-inis niya sa sagot nito. "Ang ibig kong sabihin ay paano ka nakapasok dito gayong mahigpit ang pagbabantay ng mga kawal sa labas?" "Ang kawal ay hinayaan lang na
Read more
35 - Pagkilala Sa Hari at Reyna Ng Paradise Castle
Nakatitig lang si Prince Franco kay Adira na nakatingin lang sa lupa. "Anong dapat gawin kung hindi mo na makita ang hinahanap mo?" tanong ng prinsipe. Tumingala siya sa langit at pumikit. "May tamang oras, araw, o panahon, pero hindi ibig sabihin ay makikita ko na agad ulit ang hinahanap ko. Maaaring makita ko o puwede ding hindi ko na matagpuan pa, sa sobra ng tagal ng araw na lumilipas." "Hindi ka ba susuko sa paghahanap gayong sira naman na ang hinahanap mo?" Maliit siyang ngumiti. "Mahalaga ang bagay na 'yon. Hindi ko man makita ngayon baka pag lumipas ang araw ay bigla ko na lang makita ng hindi ko inaasahan." Saka siya tumingin sa prinsipe. Napa-iwas ng tingin si Prince Franco na pinagtaka niya, pero ilang sandali pa ay tumingin ito sa kanya at dahan-dahan na lumapit. Nilahad nito ang kamay na ang ibig sabihin ay kunin niya para siya ay tumayo na. Nakatingin lang siya sandali sa kamay nito, pero inabot din niya. Ang pag-abot ng kamay ni Adira sa kamay ni Prince Franco ay
Read more
36 - Araw Ng Kompetisyon Ng Mga Prinsipe
Napatigil siya sa paglalakad. "Teka!" Lumingon siya kung saan sila nagsalubong nila King Stephen. "Ibig sabihin nakaharap ko ang "The King of Sword" na sinasabi ng heneral?" Napapikit siya at muling naglakad. "Sa sobrang bigla ko sa nakilala ko ay hindi ko na naalala ang kwento sa akin ni Heneral Agustin. " Napailing siya at tuluyan ng nakapasok ng kusina. Samantala sa labas ay na sa tabi na ng sasakyan sila Queen Alice at handa ng umalis. Nakatayo lang silang lahat at nakatingin sa mag-ama na si King Stephen at Prince Dylan. "Kami ay aalis na, King Stephen," paalam ni King Felip. "Nawa'y maging maganda ang inyong paglalakbay," nakangiting sambit ni King Stephen. Pumasok na sa loob ng sasakyan sina King Felip at Queen Alice. Naiwan naman si Prince Franco na nakatayo pa din at nakaharap sa mag-ama. "Nagagalak ako King Stephen na nasa mabuti kayong kalagayan ngayong nagkita na tayong muli. Sa muli nating pagkikita, King Stephen." Lumipat ang tingin nito kay Prince Dylan. "At sayo di
Read more
37 - Magkapareho Ng Kasuotan?
Ilang saglit pa ay nasa lugar na sila ng pagdarausan ng kompetisyon. Naramdaman ni Adira na bumabagal na ang pagtakbo ng kabayo, kaya naman unti-unti niyang idinilat ang mga mata niya at nakita niya ang mga tao na hindi naman masyadong malayo sa kanila. "Narito na tayo." Napansin na ni Adira ang puwesto niya na nakayakap sa braso ni Prince Dylan at ang kamay nito na nakayakap sa bewang niya. Agad nama niyang inalis ang pagkakayakap niya. "Baka gusto mong alisin ang kamay mo sa bewang ko." Dahan-dahan namang inalis ni Dylan ang kamay nito. "Ang init pa din ng ulo mo. Hindi ka ba magpapasalamat na inalalayan kita para hindi ka mahulog habang tumatakbo ng mabilis ang kabayo?" "Hindi mo kaagad kasi ako sinabihan na tatakbo na pala ng mabilis ang kabayo pag hinampas ng hawak mo. Tapos ngayon ay gusto mo akong magpasalamat dahil sa nagawa mo akong alalayan sa mabilis na pagtakbo ng kabayo. Sana ay sinabi mo ang balak mo para nakapag-handa ako." Tila wala namang paki-alam si Dylan sa
Read more
38 - Alitan Ni Adira at Prince Damon
Hindi siya sumagot. Nagsalita si Prince Franco. "Prince Damon, muli tayo ulit nagkita. Ilang taon na rin ang huli." "Prince Franco ikaw pala 'yan. Sa tagal ng panahon ay nakalimutan ko na ang iyong mukha ng huli kitang makita." Maliit naman na ngumiti si Prince Franco. "Hindi din kita masisisi dahil hindi din ako dumadalo sa lahat ng okasyon ng bawat palasyo." Tumango lang si Prince Damon at bumaling ng tingin kay Prince Dylan na kanina pa tahimik. "Magandang umaga sayo, Prince Dylan." "Magandang umaga," sagot lang ni Prince Dylan. Lumakad palapit si Prince Damon kay Prince Dylan. Napaatras si Adira kaya mas lalo siyang nadikit kay Prince Franco. "Siguro naman ay may alam ka na ngayon," saad ni Prince Damon habang nakatitig sa mata ni Prince Dylan. "Meron na siyang alam." Si Adira ang sumagot para sa prinsipe ng Stalwart Castle. Napakunot naman ang ni Prince Damon. "Binibini, hindi ikaw ang kausap ko. Bakit ikaw ang sumasagot para kay Prince Dylan?" "Gusto lang, bakit?" Nakit
Read more
39 - Pagsalang Sa Pag-gamit Ng Pana
Tumayo si Adira malayo kay Prince Dylan dahil sa dami ng prinsipe na naka-paligid sa kanya. Halos sampo na prinsipe ang nandoon at hinala ni Adira ang iba ay magkakapatid. Napalingon si Prince Dylan at hinahanap si Adira. Nang makita nito kung nasaan ang binibini ay lumakad ito palayo sa mga prinsipe at tumayo sa tabi ni Adira. Kumunot ang noo niya ng lumapit na naman sa kanya si Dylan. "Bakit nandito ka na naman? Mag-uumpisa na ang paligsahan bakit umalis ka pa do'n?" "Hindi ako komportable pag malapit sila sa akin." "Bakit?" "Pakiramdam ko kasi ay may gagawin sila habang nakatalikod ako. Mas mabuting ako na ang lumayo para hindi ako makarinig ng masasakit na salita habang nag-uumpisa ng sumalang ang ibang prinsipe." Humalukipkip siya at tumingin sa mga prinsipe. "Hindi din ba sila biniyayaan ng kabaitan katulad ni Prince Damon?" "Ang ilan ay hindi maganda ang pag-uugali, pero hindi ko lang sigurado sa iba." "Kawawa ka naman wala kang kaibigan dito." Gulat at masamang tumi
Read more
40 - Pagkadismaya Sa Premyo
Nakahalukipkip si Adira ngayon habang pinagmamasdan si Prince Dylan. Nakita niya din kung paano bahagyang lumapit si Prince Damon, at sa palagay niya ay sinubukan nitong asarin si Prince Dylan. Ilang saglit pa ay hinila na ni Dylan ang tali kasama ang palaso at biglang binitawan. Sinundan ito ng tingin ni Adira, ang palaso, at napangisi ng tumama ito sa gitna ng target na may pintura na kulay puti. Habang si Prince Dylan ay pigil hininga ng binitawan na nito ang palaso. Lumingon ito at tumingin kay Adira na nakatingin sa target at nakangisi. Kumuha ulit ito ng palaso at tumira sa pangalawang pagkakataon. Muli na namang bumaon ang pangalawang tira, pero sa huling palaso ito kinabahan ng sobra dahil kung sakaling bumaon ang palaso sa gitna ng target ay si Prince Dylan ang tatanghalin na pinakamagaling sa araw na iyon. Nanginginig ang kamay nitong kinuha ang palaso at nilagay sa pagitan ng pana. Pero patuloy pa din ang panginginig ng kamay nito at naisip na sa oras na binitawan niya an
Read more
PREV
123456
...
10
DMCA.com Protection Status