Lahat ng Kabanata ng The Lady Gangster's Mission For The Prince: Kabanata 71 - Kabanata 80
99 Kabanata
71 - Ang Lumalalang Sakit Ng Hari
Napaisip ang heneral na baka sa sinasabi ni Prince Dylan tungkol sa pagliligtas nito sa kanila. Hindi din niya alam kung bakit sobrang takot naman ang naramdaman ni Adira gayong sobrang tapang nito at walang kinatatakutan na laban."At isa pa, tanggalin niyo muna ang manipis na bakal sa kanyang katawan para hindi na din ito makadagdag sa bigat ng dibdib niya. Mas lalo siyang mahihirapan na huminga. Ang payo ko ay magpahinga muna siya at huwag munang gumawa ng mga pisikal na gawain niya dahil baka mas lalong malala ang mangyari sa susunod." "Kung 'yon ang dapat na gawin ay masusunod.""Iiwanan ko na siya at pupuntahan ko pa ang hari." Tumango lang ang heneral at pinabantayan muna si Adira sa isang kawal.Samantala si Prince Dylan ay hindi sa silid niya tumuloy, sa silid ni Adira. Pagpasok pa lang niya sa kwarto ay diretso higa sa kama at pinikit ang mga mata.Habang papunta si heneral sa kwarto ni Adira ay nagtaka siya kung bakit bahagyang nakabukas ang pinto ng kwarto. Dahan-dahan si
Magbasa pa
72 - Biglaang Pagsugod Ng Mga Hari
Bago pa man tuluyan na magmulat ang mata ni Adira ay dumating na ang heneral at sa pagdilat niya muli ng mata ay si Heneral Agustin ang una niyang nakita."Binibini, kumusta okay ka na ba?"Bumangon siya at napahawak sa ulo. "A-ano ba ang nangyari?" "Hindi mo matandaan kung bakit ka nawalan ng malay?"Kumunot ang noo niya at inalala ang mga nangyari kanina. Napapikit siya ng maalala ang ginawa niya kanina. "Naalala ko na.""Kung ganon ano ang dahilan kung bakit nawalan ka ng malay?"Hinawi niya ang buhok niya at sinabi ang nangyari kanina. "Ang huli kong naalala ay nagtagumpay akong harangin ang palaso na papunta sa prinsipe kanina. "Bumuntong-hininga ang heneral. "Bakit nawalan ka ng malay kung ganon?"Kumabog ng mabilis ang puso niya sa tanong ng heneral, kaya naman nagbigay na lang siya ng maling impormasyon kung bakit siya nawalan ng malay. "Siguro ay dahil sa sobrang kaba na baka hindi ko maharang agad ang palaso." Peke na ngumiti pa siya sa heneral."Ganon ba, pero hindi nga b
Magbasa pa
73 - Pagpunta Ni Adira Sa Kwarto Ng Hari
Bumuntong-hininga si King Cyrus. "Dahil nakarating din sa kanila na hindi mo kayang pamahalaan ang inyong palasyo, sapagkat hindi mo kayang lumaban.""Nagsanay ako para sa sinasabi mong hindi ako marunong lumaban. Natuto akong humawak ng espada at mga ibang armas kung sakali na kailangan ng bumaba sa trono ng aking ama."Sumagot ang isang hari katabi ni King Cyrus. "Hindi sapat ang mga iyon prinsipe, kaya hindi ikaw ang papalit sa iyong ama bilang hari ng inyong palasyo."Napahampas naman sa lamesa si Prince Dylan habang may galit sa kanyang mga mata. "At sino ang dapat na umupo bilang hari ng palasyo namin, kayo na may sariling mga palasyo, sabihin niyo!" Nag-iigting ang mga panga niya. Makikita na din sa mga mata nito ang bahagyang pamumula ng mga ugat dahil sa galit."Wala kang magagwa dahil mas mataas kami sa iyo. Hari kami at isang prinsipe ka pa lamang. Nakakalimutan mo na din ata na pag ganitong sitwasyon ay makiki-alam na ang ibang palasyo lalo na kung walang mas mahusay na pa
Magbasa pa
74 - Ang Tasa Ng Tsaa
Humakbang ang mga paa niya palapit sa gawing ulunan ng hari. Napansin niya din na may mga tasa na pang tsaa ang nakalagay sa isang maliit na table malapit sa higaan."Hindi na ba kinukuha ito ng mga katulong dito? Halos limang tasa ang nandito, huwag nilang sabihin na pagkatapos hugasan ay dito dadalhin ang tasa, nakakapagtaka naman ata?"Napalingon siya ng biglang bumukas ang pinto, kaya naman mabilis siyang nagtago sa ilalim ng higaan ng hari. Base sa nakita niya sa sapin sa paa ng pumasok ay pang babae ito. Huminto ito sa tabi ng lamesa at dinig na dinig niya ang pagtama ng mga tasa, ibig sabihin ay inaayos ito o kukuhanin na, pero sa direksyon ng paa nito ngayon ay lalapit ito sa higaan ng hari.Nakiramdam siyang mabuti, pero napakunot ang noo niya ng magsalita ito. "Patawad mahal na hari."Naguluhan siya sa sinabi ng babae at sa boses nito na kilalang-kilala niya kung kanino iyon. Sa isang katulong na laging nakatitig sa kanya at hindi niya mawari kung ano ang pinapahiwatig. Muli
Magbasa pa
75 - Pag Pigil Sa Balak Ni Prince Dylan
Tumango si Prince Dylan. "Oo." "Bakit pumayag ka na ganon ang mangyari? Hindi mo man lang pinagtanggol ang sarili mo tungkol sa sinasabi nila sayo." "Wala na kong magagawa kung meron silang kasunduan, at isa pa sinabi na din ng iyong ama na hayaan ko na lang muna dahil pansamantala lang naman iyon." "K-kasama si ama na pumunta dito?""Oo."Tumahimik na lang si Prince Damon, at habang wala ng nagsalita sa kanilang dalawa, si Adira naman ay nakamasid lang kay Prince Damon mismo."Anong meron at may konting bahid ng pag-aalala ang mukha ni Prince Damon kanina ng pinag-uusapan nila ang tungkol sa pagpunta ng mga hari dito?" Naningkit ang mata niya. "Dapat masaya siya sa nangyayari kay Dylan ngayon dahil isa din naman siya sa taong pinamumukha kay Dylan na mahina siya."Aayusin sana niya ang armor suit niya, pero naalala niya na may hawak nga pala siyang tasa na muntik ng malaglag. Napapikit siya dahil muntik niya na din mahawakan ang bunganga ng tasa na may kakaiba na parang langis. Ti
Magbasa pa
76 - Kakaibang Ugali Ng Prinsesa
"Talaga? Kaya pala nakakapanibago ang paligid lalo na ni Prince Dylan dahil wala na pala ang binibini dito." Ngumiti lang ng bahagya ang heneral. "Lumabas na tayo." Naunang lumabas si Heneral Agustin at susunod na sana si Prince Damon ng lumingon siya kay Adira at tumitig sa mata nito. Bahagyang nanlaki ang mata ni Adira dahil hindi niya inaasahan na lilingon pa ito sa gawi niya, at sa mismong mata pa niya nakatitig ang mata nito. Inalis na ng prinsipe ang pagkakatitig sa mata ko niya, pero pinadaanan naman siya nito ng tingin mula paa hanggang ulo at muling tumitig na naman sa kanya. Pumaling ang ulo nito sa kaliwa, pagkatapos ay agad na ding lumabas ng kwarto. Napabuga ng hangin si Adira dahil pakiramdam niya ay alam nito kung sino ang nasa harap nito o masyado lang siyang kinabahan na baka mahuli agad siya, lalo pa kung si Prince Damon na isa sa pinaghihinalaan niya. Lumabas na din siya ng kwarto at sinarado ang pinto. Hindi na siya sumunod sa kanila dahil may pagkakataon na siy
Magbasa pa
77 - Ang Pagsasanay Ng Prinsesa
Habang nagpapahinga si Prince Franco sa kwarto niya ay napansin niya ang telepono na patay sindi ang ilaw ng screen nito. Ibig sabihin ay may nasasagap itong boses mula sa kinabit niya sa loob ng kwarto ng prinsesa.May pinindot siyang button at pinakinggan ang boses.Samantala sa kwarto ng prinsesa ay may kausap naman ito sa telepono. "Hindi ko na ata kaya pa na magtagal dito, Anne.""Bakit naman?" sagot ng nasa kabilang linya. "Masyado silang mahigpit at hindi ko nagagawa ang gusto kong gawin ng walang bantay. Boring din dito walang bar na puwedeng puntahan, maaga pa lang ang gabi ay kailangan ng matulog." Umikot pa ang mata nito habang sinasabi iyon."Tiisin mo na lang. Mabuti ka pa nga maginhawa ang buhay mo diyan. Ako dito hirap na hirap na ako.""Kung hindi ko lang talaga kailangan ang mga tao dito hinding-hindi ako sasama sa kumuha sa akin."Kumunot naman ang noo ni Prince Franco ng nadinig ang sinasabi ni Princess Francesca. Hindi na narinig ni Prince Franco ang boses ng prin
Magbasa pa
78 - Ang Bahagyang Pagtaas Ng Boses Ni Prince Franco
"B-bakit ako ang napili mo, ama? Nandiyan naman si Prince Franco para siya ang pumalit, at isa pa babae ako at siya naman ay lalaki, kaya dapat na siya ang turuan hindi ako."   Umiling-iling si King Felip. "Lalaki man o babae ay dapat marunong lumaban, aking anak. Kung pagbabasehan lagi ang kasarian para ipagtanggol ang sarili ay siguradong mayroong masasaktan. Hindi sa lahat ng oras ay may nagbabantay sayo para sila ang humarap sa masasamang tao. Mas mabuting may alam ka kahit pa hindi ikaw ang pinakamahusay." Maliit na ngumiti pa ang hari sa kanyang anak.   Walang nagawa si Princess Francesca sa hiling ng kanyang ama, kaya naman nagpalit siya ng damit para makakilos ng mabuti, pero sa paghawak pa lang ng espada ay hindi na niya mabuhat paangat para gawing pananggalang sa espada ng kanyang ama.   Ilang minuto na ang nakakalipas ay sumusuko na si Princess Francesca. "A-ayoko na a
Magbasa pa
79 - Ang Desisyon Ng Mga Hari
Samantala, nang nakapasok nasa palasyo si Princess Francesca at tuloy-tuloy na pumasok ng kwarto ng kanyang ama at ina ay nadatnan niya ang kanyang ina na umiiyak. "Ina, a-anong nangyari?" nagtatakang tanong ng prinsesa. Pinalis ni Queen Alice ang luha sa kanyang mata at ngumiti sa kanyang anak. "May maliit na dumi lang na pumasok sa aking mata, kaya nagdulot ng pagtulo ng luha ko dahil ang hirap niyang alisin." Kunot noo namang tumitig si Princess Francesca. "Naalis na ba ang dumi? Kailangan mo ba ng tulong para maalis iyon, ako na ang gagawa para sayo." Lalakad na sana palapit ang prinsesa ng pigilan ito Queen Alice. "Huwag na. Naalis ko na at siguro ay nasama na din
Magbasa pa
80 - Ang Napili Ni Prince Dylan Na Hahalili
Napangisi ng maliit si Prince Dylan, kaya naman ang ibang maharlika ay may galit na ngayon sa kanilang mga mukha. "Pinakikita mo ba ang iyong tunay na ugali sa amin prinsipe!" matigas at may diin na saad ng isang hari. Sumeryoso si Prince Dylan at tinitigan ang nagsalitang hari. "May karapatan ako dahil ako ang anak ng hari na sinusubukan niyong alisan ng karapatan sa kanyang palasyo." Napapikit naman ang hari. "Hindi namin inaalis ang karapatan ng iyong ama bagkus ay tinutulungan namin siya." "Tulong? Ang magpulong at pumili ng papalit sa kanyang trono dahil siya ay may sakit at hindi niyo din binigyan ng pagkakataon na patunayan ko ang aking sarili para ako na ang pansamantalang pumalit sa pamamahala ng aming palasyo." "Hindi mo pa kaya Prince Dylan, kaya huwag ka ng mag matigas," saad ng isa p
Magbasa pa
PREV
1
...
5678910
DMCA.com Protection Status