Lahat ng Kabanata ng The Governor's Identity : Kabanata 11 - Kabanata 20
31 Kabanata
Kabanata 11: Present
ALIRAPRESENTNABALIK na lang ako sa huwisyo ng bumulong sa akin si Raya dahilan para manigas ako sa kinatatayuan ko."Ang lakas ng loob mong bumalik ka dito, Alira." Aniya kaya nagsimula na naman manlamig ang kamay ko dahil naalala ko na naman ang ginawang niyang pagbabanta sa nakaraan.Napasinghap na lang ako ng hatakin ako ni Laxon palayo sa kaniya at natulos na lamang ako sa kinatatayuan ko ng hawakan niya ang bewang ko at pinisil na para bang pinapakalma ako nito. Dahil doon ay tumalim ang tingin ni Raya."Why are you here in my house?" Ramdam ko ang gigil sa boses ni Laxon habang ako naman ay pilit na tinatanggal ang kamay niya sa bewang ko pero mas lalo niya pa itong hinigpitan."I just missed you, Laxon. Masama ba ang pagpunta ko dito?" Aniya at awtomatikong natigil ang kamay ko na hawakan muli si Laxon dahil sa narinig ko.Pakiramdam ko ay mangangatal ang tuhod ko sa iba't-ibang senaryo na pumapasok sa isip ko. Dahil doon ay malakas na pwersa ang ginawa ko para tuluyang matan
Magbasa pa
Kabanata 12: Marriage Contract
ALIRAUMIIYAK akong nakaupo sa gilid ng kama habang tulog na tulog si Laxon sa likod ko. Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil bumigay ako kay Laxon, ilang beses may nangyari sa amin ngayon at ngayon lang nagsink-in sa akin ang lahat.Bakit nakalimutan ko na may asawa na si Laxon? Bakit binigay ko kaagad ang sarili ko? Ganoon ko ba siya kamahal para kalimutan kung ano talagang meron sa aming dalawa o ang nasa paligid namin.Paano kapag nalaman 'to ng asawa niya? Ayokong maging pangalawa pero sa ginawa ko pa lamang ay pinaramdam ko na 'yon sa sarili ko. Gusto kong magalit ng sobra para sa sarili ko."Ang tanga-tanga mo, Alira. Bakit nakalimutan mo?" Tahimik kong pag-iyak at napayakap na lang sarili ko dahil sa sobrang pagka-disapoint sa sarili ko. Mabuti na lamang ay suot-suot ko ang t-shirt ni Laxon, alam kong siya mismo ang nagsuot nito sa akin.Habang tahimik naman akong lumuluha ay nagulat na lang ako ng may bumuhat sa akin at pinaharap sa kanya. Nang bumungad sa akin ang nag-aal
Magbasa pa
Kabanata 13: I Miss You
ALIRAYAKAP-YAKAP ko lang si Grayson habang nakahiga at tulog pa rin siya. Nang tingnan ko ang oras ay alas-otso pa lang. Nararamdaman kong bumibigat na ang talukap ng mga mata ko pati na rin ang paghinga ko.Akmang ipipikit ko na sana ang mga mata ko ay naramdaman kong gumalaw si Grayson at bumungad sa akin ang itim na itim niyang mga mata. Palihim na lang ako napangiti dahil kamukhang-kamukha siya ni Laxon.Nakita kong papungas-pungas pa siya na para bang hindi siya makapaniwala na ako ang katabi niya kaya tinawag niya ako sa namamalat niyang boses."M-mama ko?" Pinagkatitigan niya pa akong mabuti kaya nginitian ko siya at dinampian ng halik sa noo niya para malaman niyang ako 'to."Mama ko!" Tuluyan na siyang napasigaw at napahalakhak na lang ng dambain niya ako ng yakap at pinaulanan ako ng halik sa mukha. Narinig ko pa ang munti niyang pagtawa."Amoy gatas ang baby ko," pagbibiro ko pero umalis siya sa pagkakayakap sa akin at umupo sa harap ko habang nakanguso at nakakrus ang bra
Magbasa pa
Kabanata 14: Date
ALIRANAPAATRAS na lang ako ng magsimula siyang humakbang sa akin, hanggang ang pag-atras ko ay tumigil ng maramdaman ko ang malamig na pader sa likod ko. Nang makita 'yon ni Laxon ay nakita ko ang pag-ngisi niya at halos manlambot ako ng yakapin niya ako ng sobrang higpit dahilan para maamoy ko na naman ang pabango niya.Narinig ko ang malalim niyang paghinga at pagsiksik niya pa sa katawan ko kaya napayakap na ako pabalik sa kanya bilang suporta dahil baka bigla na lang kaming matumbang dalawa."Pagod ka?" Malumanay kong tanong kaya naramdaman ko naman ang pagtango niya kaya hindi ko na mapigilan ang mapasimangot."Dapat ay umuwi at nagpahinga ka na lang, Laxon! Bakit dumiretso ka pa dito sa akin?" Pagalit ngunit nag-aalala kong tanong kaya umalis naman siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ako sa magkabilang pisngi."Ikaw ang pahinga ko, Alira," aniya sa nanlalambing na tono kaya natameme naman ako at napaiwas ng tingin. Naramdaman ko na rin na namula ang pisngi ko kaya narinig
Magbasa pa
Kabanata 15: Grayson
ALIRANANATILING tahimik si Laxon habang nakayakap pa rin sa akin na para bang gusto niyang marinig ang gusto kong sabihin sa limang taon kong nawala kaya nagpatuloy ako."Siguro... siguro kasal na tayo. Siguro nakita ko kung paano mo abutin ang pangarap mong maging Gobernador ng Laguna, ng bayan natin. Alam mo ba nung unang buwan ko sa Amerika gustong-gusto kong umuwi kasi miss na miss na kita. Gustong-gusto na kitang makita, gusto kong bawiin 'yung mga salitang sinabi ko sa'yo para lang hiwalayan mo ako." Napakagat-labi ako ng maalala ko ulit ang mga senaryo na pilit kong kinalimutan.Parang kahapon lang nangyari ang lahat."Pero kapag bumalik ako may kapalit na naman na kukuhanin sa akin at ayokong mapahamak ang buhay nila. Gusto kong magsumbong sa'yo pero natakot ako kay Raya dahil kaya niya talagang kunin ang buhay ng isang tao, makuha ka lang sa akin." Pumiyok ako at hinayaan kong tumulo ang luha ko.Nagsimula na rin manginig ang labi ko ng naalala ko ang mga pagbabantang ginawa
Magbasa pa
Kabanata 16: Ang Pagkikita
ALIRATAHIMIK lang kaming dalawa ni Laxon papunta sa hospital. Alam kong kanina niya pa gustong magtanong pero nanatili lang siyang tahimik katulad ko. Kanina ko pa pinaglalaruan ang mga daliri ko dahil nawala na lang bigla ang gusto kong sabihin kay Laxon.Pakiramdam ko ay may nakaharang sa utak ko dahil wala na talaga ako sa isip ngayon. Ang importante ay si Grayson na ngayon ay nasa hospital. Kanina ay mahimbing siyang natutulog ng iwan ko pero bakit naman naging biglaang ganon?Habang pinagmamasdan ko ang dinadaanan namin ay nagitla na lang ako ng hawakan ni Laxon ang nanlalamig kong kamay at pinisil ito."Relax wife. He will be fine..." Pampagaan niya ng nararamdaman ko kaya tipid naman akong ngumiti at lakas loob ng nagsalita."G-galit ka ba?" Kandautal kong tanong kaya saglit siyang tumingin sa akin na para bang tinitimbang ang reaksyon ko sa mga oras na 'to, dahil doon ay mas lalong nanlamig ang kamay ko at humigpit ang pagkakahawak ko dito."I'm not, wife. I'm always looking
Magbasa pa
Kabanata 17: Going Home
ALIRA"MAMAKO, si Papako na ba 'yan?" Muling tanong ni Grayson kaya inayos ko muna ang pagkakaupo niya sa akin kaya hinaplos ko muna ang buhok niya at dahan-dahang tumango. Ramdam na ramdam ko na ang panlalamig ng kamay niya at ang pamumo ng mga luha sa mga mata niya.Nagulat na lang kaming dalawa ni Laxon ng umalis ito sa akin at sinugod ng yakap ang Ama niya na ngayon ay gulat na gulat sa ginawa ni Grayson. Napapikit na lang ako ng marinig ko ang paghikbi ni Grayson at ang pag-iyak ni Laxon sa harap ko. "Papako... papako. Dumating ka na, 'di na ulit malulungkot si Mamako at saka si gray-gray," humahagulgol na saad ni Grayson kaya napatakip ako ng bibig para pigilan ang hikbing gustong lumabas sa bibig ko. Narinig ko na ang hikbi ni Laxon na para bang matagal niya ng hinihintay ito, nang tingnan ko muli ang mag-ama ko ay yakap-yakap pa rin nila ang isa't-isa na para bang matagal na nila itong gustong gawin. "Papako..." Sambit muli ni Grayson kaya pinahid muna ni Laxon ang luha sa
Magbasa pa
Kabanata 18: Gun
ALIRAHALOS apakan na ni Laxon ang silyinador ng kotse kaya natawa naman ako habang si Grayson naman ay tuwang-tuwa dahil sa reaksyon ng Ama niya. Namutla kasi ito at hindi agad nakasagot."Joke lang, Papa. Hindi na namin gagawin 'yon. Excited na nga po ako punta sa bahay natin," pag-iiba ng usapan ng anak ko at napayakap naman ito sa akin ng lumapit sa Laxon sa amin para kilitiin sa Grayson. "Joke lang, Papa!" Pagpapatigil ni Grayson sa Ama kaya natawa na lang at ako na mismo ang sumagot."Huwag na, saka ko na lang kukuhanin. May oras pa naman." Nasabi ko na lang kaya tumango si Laxon at nagpatuloy sa pagmamaneho. Habang nakatingin ako sa labas ay napatingin naman ako side mirror ng kotse dahil may nakasunod sa aming dalawang kotse na itim. Kaya lumingon ako kay Laxon na ngayon ay naka-focus lamang sa pagda-drive. "Lax, may nakasunod sa atin na dalawang kotse." Kinakabahang saad ko kaya mabilis na bumangon si Grayson para kumpirmahin ang sinabi ko. "Oo nga po, Papa. May nakasuno
Magbasa pa
Kabanata 19: Gift
ALIRA"FERCO, what?!" Pagbasa kong muli sa nakaukit sa baril at malalim na napaisip. Naalala ko na naman ang sinabi sa akin nila Mama.Hindi lang basta isang Governor si Laxon, ibig sabihin may iba pa siyang ginagawa bukod sa pagiging Governor dito sa Laguna? Kung mayroon man, ano ito?"I should ask him first, bago pa ako mag-isip ng kung ano-ano dito," nasabi ko na lamang sa sarili ko at bago ko ibalik ang baril sa box ay pinagmasdan ko muna itong maigi bago maingat na itinago kung saan hindi mahahalata ni Laxon na nakita ko ito.Alam kong kaya may baril si Laxon dahil para na rin pamprotekta sa sarili niya pero ang customize na baril na para bang kabilang sa isang organization ay kinabahala ko na.Mukhang may tinatago nga si Laxon sa akin.Kaya bago ko iwan 'tong mga ginagawa ko ay inayos ko na ang maleta at nilagay sa tamang lagayan. Pinagpag ko muna ang sarili ko bago lumabas sa kwarto.Isang kwarto lang naman ang pagitan ng office namin kaya mabilis ko lang din naman nakita. Daha
Magbasa pa
Kabanata 20: Back-Up
ALIRAHANGGANG ngayon ay gulat pa rin akong nakatingin sa mag-amang 'to na ngayon ay tuwang-tuwa sa sinabi ni Grayson."Hindi muna pwede ngayon, buddy. Galit na ang Mama mo," natatawang saad ni Laxon at lumapit sa akin para yakapin ako.Sinamaan ko muna siya ng tingin bago ako magsalita. "Tigilan niyo muna akong dalawa, pagbubuhulin ko na kayo." Pagbibiro ko kaya natawa na lang ang dalawa at nagsimula na kaming kumain."Mama, enroll na ba ako?" Pagtatanong no Grayson kaya sinubuan ko muna siya bago ako sumagot. Nakita kong nakatingin lang sa amin si Laxon na para bang tuwang-tuwa siya sa nakikita ngayon."Next week na baby pero nakuha na ni Mama ang mga gamit mo para sa school, gusto mo buy na tayo?" Pagtatanong ko kaya nagliwanag naman ang mukha niya pero nalungkot rin naman kaya tinanong siya ni Laxon."Bakit ka malungkot buddy? You're not excited to go to school?" Pagtatanong ni Laxon kaya umiling naman si Grayson at tumingin sa Papa niya."Hindi ka namin kasama ni Mama sa pag-buy
Magbasa pa
PREV
1234
DMCA.com Protection Status