Share

Kabanata 16: Ang Pagkikita

ALIRA

TAHIMIK lang kaming dalawa ni Laxon papunta sa hospital. Alam kong kanina niya pa gustong magtanong pero nanatili lang siyang tahimik katulad ko. Kanina ko pa pinaglalaruan ang mga daliri ko dahil nawala na lang bigla ang gusto kong sabihin kay Laxon.

Pakiramdam ko ay may nakaharang sa utak ko dahil wala na talaga ako sa isip ngayon. Ang importante ay si Grayson na ngayon ay nasa hospital. Kanina ay mahimbing siyang natutulog ng iwan ko pero bakit naman naging biglaang ganon?

Habang pinagmamasdan ko ang dinadaanan namin ay nagitla na lang ako ng hawakan ni Laxon ang nanlalamig kong kamay at pinisil ito.

"Relax wife. He will be fine..." Pampagaan niya ng nararamdaman ko kaya tipid naman akong ngumiti at lakas loob ng nagsalita.

"G-galit ka ba?" Kandautal kong tanong kaya saglit siyang tumingin sa akin na para bang tinitimbang ang reaksyon ko sa mga oras na 'to, dahil doon ay mas lalong nanlamig ang kamay ko at humigpit ang pagkakahawak ko dito.

"I'm not, wife. I'm always looking
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status