All Chapters of The Heartless CEO (Tagalog Version): Chapter 31 - Chapter 40
60 Chapters
Chapter 31: Muling pagkikita
HINDI napigilan ng katulong si Sean nang magpumilit itong pumunta sa hospital upang makita ang ina. Sinamahan niya ito kasama ang isa pang driver.Pagdating sa hospital ay matikas na naglakad si Sean papasok at hinanap ang silid ng ina. Hindi niya makita sa paligid ang abuelo pero may mga lalaking nakatayo sa harap ng pintuan."Let me in!" Nakapameywang na mando ni Sean sa lalaking humarang sa kaniya.Napalingon si Donya Asuncion nang marinig ang boses ng isang batang lalaki. Kakarating niya lang din at hindi pa sila pwede pumasok sa loob ng silid dahil limitado ang pwedeng bumisita sa pasyente. Hindi pa niya alam ang buong detelyado dahil hindi nakakusap ang apo.Napaawang ang mga labi ni Grey pagkakita sa bata na nakatayo hindi kalayuan mula sa kanila ng donya.Napabaling ang tingin ni Sean sa direction kung saan ramdam niyang may nakatitig sa kaniya."Siya ang batang..." Hindi naituloy ni Donya Asuncion ang sasabihin nang makita ang inis sa mukha ng bata."What are you looking at?"
Read more
Chapter 32: Masamang balita
"ANO na ang plano mo ngayon kay Nicole at kay Danica?" tanong ni Asuncion kay Steven."Hindi ko pa po alam pero ayaw kong mapawalay sila sa akin.""Kasama na si Nicole?" tanong muli ni Asuncion sa apo. Ayaw na niyang pakilaman sa desisyon sa buhay nito lalo na at may lalaki na itong anak.Natahimik si Steven at naintindihan iyon ni Asuncion. Inaalala lamang niya ay si Rita. Tiyak na hindi ito papayag na mapaalis si Danica sa buhay ni Steven. Sa nakikita niya sa apo ngayon ay mukhang nahulog na ang loob nito kay Nicole.Nagpasya si Danica na sa silid ni Daniela matulog nang gabing iyon. Kailangan niyang kumapit sa bata dahil iyon ang tanging kaniyang alas ngayon."Mommy, bakit po kayo malungkot?" tanong ni Daniela sa ina."Anak, naalala mo ba ang babaeng nasa opisina ng daddy mo?"Tumango ang bata sa ina bilang tugon."Gusto ka na rin niyang agawin sa akin kasama ang daddy mo." Suminok si Danica at nagkunwaring umiiyak."Hindi po ako papayag mommy. Ayaw ko po sa kaniya dahil bad siya
Read more
Chapter 33: Arogante
"STEVEN!" tawag ni Danica sa binata bago pa ito makasakay ng sasakayan."Ano ang kailangan mo?"Nasaktan si Danica sa malamig na pakitungo sa kaniya ng binata. Para bang wala itong obligasyon sa kaniya na ipaalam kung ano na ang pasya nito tungkol sa natuklasan."Kung tungkol kay Nicole ang pag-uusapan natin ay ipagliban mo na muna iyan.""No!" matigas niyang tanggi. "Kailangan na nating pag-usapan at linawin ang lahat."Dagling napaisip si Steven, muli niyang isinara ang pintuan ng sasakyan at hinarap si Danica. "Doon tayo sa harden."Natuwa si Danica dahil binigyan siya ng oras ng binata. Malalaki ang bawat hakbang nito sa paglalakad kaya kailangan niyang magmadali upang masabayan ito."Tungkol kay Sean," pauna ni Danica nang makaupo na silang dalawa."He's my son.""I know," putol niya sa pagsasalita ng binata. "Tanggap ko siya kung iuwi mo man siya dito. Mamahalin ko at ituring na tunay na anak katulad ni Daniela."Nang-aarok ang tingin ni Steven kay Danica. Alam niyan kayang gawi
Read more
Chapter 34: Sabwatan
"HINDI ako makakapayag!" galit na tutol ni Danica sa harap ng donya at kaibigan."Sa ayaw at sa gusto mo ay maaring umapak dito ano mang-oras si Nicole kasama si Sean!" tumaas na rin ang timbre ng boses ng donya."Rita?" nagpapasaklulong tawag niya sa kaibigan ngunit nag-iwas lamang ito ng tingin sa kaniya. "Tanggap ko ang bata pero bakit kailangan na pati ang babaeng iyon ay aapak dito?!""Iyan ang kundisyon ni Sean kapalit ng pagtira dito. Gusto niyang kasama ang kaniyang ina." Paliwanag ni Rita sa kaibigan."Huh! Paniguradong iyan ang itinuro niya sa bata. Huwag ka sanang pumayag. Ano na lang ang maging tingin ng mga tao sa pamilya namin ni Steven kung dito titira ang babaeng iyon?""Hindi pa kayo kasal ni Steven, baka nakalimutan mo." Mataray na paalala ni Asuncion kay Danica.Naikuyom ni Danica ang isang kamay na nakatago sa ilalim ng lamesa. Pilit niyang pinapakalma ang sarili upang hindi makapagbitaw ng hindi magandang salita sa donya."Isa pa ay kailangan matulongan na makaal
Read more
Chapter 35: You're mine
NAPATINGALA si Sean sa isang malaking bahay nang makapasok ang kotse sa isang mataas na gate.Nakakamangha ang ganda niyon at ang lawak ng harden. Sa bandang gilid ay matatanaw ang kulay asul na swimming pool. Nahahati iyon sa dalawa at alam niyang pambata ang isa doon."Welcome home, Miss Nicole and Young Master Sean!" sabay-sabay na bati ng sampung katulong na nakatayo sa bukana ng pintuan.Nakangiting sinalubong ng donya ang dalawa sa bukana palang ng pinto. Si Danica at Rita ay naroon din pero parehong tahimik na nakatingin sa dalawa. Kalaunan ay makikita sa mga mata ni Rita ang pagkamangha nang tuloyang masilayan ng malapitan ang mukha ni Sean.Dumiritso ang tingin ni Nicole sa batang babae na nasa tabi ni Danica. Nakaakbay doon ang kamay ng babae at halatang pinipigilan itong umalis sa tabi nito."Finally, you're home!" umalingawngaw ang masayang boses ni Donya Asuncion. Mahigpit nitong niyakap si Sean.Masayang pinagmasdan ni Nicole ang matanda. Halatang masaya ito na makasama
Read more
Chapter 36: No choice
ALAM ni Danica na galit si Steven pero sinundan pa rin niya ito. Hindi siya tanga para hindi mahulaan ang ginawa ng mga ito kanina sa silid ni Nicole. Bago pa ito makapasok sa silid ni Daniela ay hinila niya sa braso ang binata."Steven, gusto kong itakda na ang kasal natin sa lalong madaling panahon. Nang sa gayon ay matanggap na rin ako ni Sean bilang ikalawang ina niya.""Huwag ngayon, Danica. May mga bagay na dapat kong mas pagtuunan ng pansin." Malamig na tugon ni Steven dito at hindi nag-abalang lingunin ang dalaga."Kung ang inaalala mo ay wala kang oras sa pag-asikaso o pagsama sa akin sa pag-ayos ng dapat ayusin, huwag kang mag-alala at kami na ni Rita ang bahala doon." Giit ni Danica. Nasa tono niya na para bang mauubusan na ng oras."Alam mong hindi na tulad ng dati ang sitwasyon, Danica. Narinig mo naman ang sinabi ni Sean kanina.""What? Nakadepende na sa batang iyon ngayon ang kasal nating dalawa?!""Lower your voice," ani Steven sa nagtitimping tinig dahil baka marinig
Read more
Chapter 37: Init ng katawan
"HINDI mo na kami kailangang ihatid at may susundo sa amin." Patuloy sa malamig na pakikitungo sa binata si Nicole.Naiinis siya sa binata at dito sinisisi ang lahat kung bakit nagkawatak-watak ang mga anak niya. Naiinis din siya dahil hindi niya magawang itulak ito kay Danica at pakasalan upang makita na ang anak. May bahagi sa puso niya ang tumututol na hindi niya nagugustohan. Napaaga ang uwi nila ni Sean dahil dumating na si Gaven. Kailangan niya rin ng payo ng ama-amahan tungkol sa kundisyon na ibinigay ni Danica."Tatawagan ko si Kanor para hindi na siya mapagod sa pagsundo sa inyo.""Hindi siya ang magsusundo sa amin." Pagmamatigas pa rin ni Nicole sa binata. Pwede naman na ito ang maghatid sa kanila kung gustohin niya, ngunit ayaw niya.Igigiit pa sana ni Steven ang kagustohan ngunit pumasok ang katulong sa sala at kasunod nito ang isang lalaki."Daddy Gaven!" Sabik na tumakbo si Sean palapit sa lalaking bagong dating.Naningkit ang mga mata ni Steven at nilukob ng selos ang b
Read more
Chapter 38: Critical condition
MATAPOS ang isang mainit na tagpo sa pagitan nila ng binata ay biglang nakaramdam ng pagkapahiya si Nicole. Mabuti na lang at wala na sa harapan niya ang binata dahil biglang naalala nitong may meeting ito. Kasama siya sa meeting pero hindi na siya pinapunta. Mahigpit ang bilin nito na huwag siyang lumabas ng opisina nito bago ito umalis kanina."Ayst, ano ginawa mo Nicole?" kausap niya sa kaniyang sarili habang inaayos ang buhok na nagulo.Lalong mahirapan siya ngayon mailayo ang sarili sa binata dahil sa nangyari sa kanila. Lalong hindi niya makumbinsi ang lalaki ngayon na pakasalan nito si Danica. Nang maalala ang posibilidad na mangyari ay mabilis siyang tumayo at nilisan ang opisina ni Steven. Kailangan niyang bumili ng pills at makainum. Ayaw niyang magbunga muli ang pagkakamali at hindi pwede ngayong malapit na niya mahanap ang isa pang anak.Matatalim ang tingin ni Danica na nakausnod kay Nicole. Alam niyang kanina pa ito sa opisina ni Steven at ayaw niyang isipin ang maaring
Read more
Chapter 39: Dark secret
"IKAW ba talaga iyan, Nica?" nagdadalawang isip pa rin si Rita sa babaeng nagpakilala na kaniyang kaibigan."Yes, ako nga. Ako ang nagbigay sa iyo ng pangalan na Tata."Dahil sa pagkasabik na makita muli ang kaibigan ay agad na naniwala si Rita kay Danica. Marami pa itong sinabi na nagpapatibay na ito nga si Nica. Marami ang nagpakilala sa kaniya noon matapos niyang isapubliko ang tungkol sa paghahanap sa kaibigan. Ngunit hindi ng mga ito masabi ang mga pangalan na mapagkilanlan. Tanging si Danica lang ang tumugma na kaibigan niya.Mula nang matagpuan niya si Danica ay naging parte na ito ng kaniyang pamilya. Natuwa rin siya dahil nagkagusto ito sa kaniyang kapatid. Ngunit walang interest ang kuya niya dito. Lahat ay ginawa niya upang maging masaya ang kaibigan."Minsan mo na bang natanong sa kaniya ang isang bagay na tayo lang ang nakakaalam?" untag ni Nicole kay Rita nang hindi nito magawang makapagsalita na.Malungkot na umiling si Rita bilang tugon dito. Dahil naging kampanti siya
Read more
Chapter 40: Lihim na galit
"ANO ang ginawa mo sa silid ni Nicole?" nang-uusig na tanong ni Danica kay Rita. Bakas sa mukha nito ang pagkagulat nang makita siya."Ikaw pala, kinausap ko siya tungkol kay Kuya."Nang-aarok ang tingin ni Danica sa kaibigan at hindi siya kumbinsido sa dahilan nito."Nahuli ko silang naghahalikan ni Kuya.""What?!" Nadidilat ang mga mata ni Danica at hindi napigilan ang pagtaas ng boses."Kaya sinugod ko siya sa kaniyang silid upang ipamukha na katawan lamang niya ang habol ni Kuya Steven." Paliwanag ni Rita dito."Ang kapal talaga ng mukha niya! Hindi na niya ginalang ako bilang fiancee ng kapatid mo!""Huwag ka ng magalit, sa sinabi ko sa kaniya ay tiyak na natauhan na siya."Napangiti si Danica nang mapansin ang pilyang ngiti sa labi ni Rita. Inakbay niya ito at isinama sa kaniyang silid."Sa tingin mo, natauhan na kaya siya?" Excited na tanong ni Danica kay Rita."Sa kapal ng mukha niya ay hindi iyon basta tablan ng katotohanan. Pero alam kong nabawasan ang confident niya." Kumpy
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status