All Chapters of The Heartless CEO (Tagalog Version): Chapter 21 - Chapter 30
60 Chapters
Chapter 21: Passionate kiss
GALIT na umalis ng kompanya si Steven nang malaman na wala sa opisina si Nicole. Umaga palang ay sira na agad ang kaniyang araw dahil dito. Alam niyang dumiritso ito sa site gayong pinagbawalan na niya ito.Sinadya ni Nicole na dumaan muna sa site bago pumasok sa opisina. Naging selfish siya kahapon kaya hindi natapos ang dapat niyang tapusin roon. Kailangan niyang makausap si Josh at tignan ang mga bagay na nagkaroon ng problema.Nasa kalagitnaan na sila ng pag-uusap ni Josh nang dumating ang dominateng boss nila. Sa paraan ng tingin nito sa kaniya ay alam niyang galit ito."Iwan mo muna kami." Utos ni Steven kay Josh.Nagkibit balikat si Josh bago lumabas sa maliit niyang opisina na malapit lang din doon sa site."Hindi ba at ang sabi ko kahapon ay hindi ka na pupunta dito?" salubong ang mga kilay na sita nito sa dalaga."Hindi naman ako magtatagal dito, importante ang pag-uusapan namin ni Josh kaya...""The hell with that important things!"Nagitla si Nicole dahil sa pagtaas ng bos
Read more
Chapter 22: Unexpected visitor
"TANDAAN mo ang mukha ng babaeng iyon, hindi ka dapat lumapit sa kaniya kung hindi mo ako kasama." Mahigpit na bilin ni Danica sa bata habang hinahaplos ang malambot nitong buhok."Bakit po, mommy?" nagtatakang tanong ni Daniela sa ina. Nabaitan siya kanina sa babae."She's devil at gusto niyang agawin si Daddy mula sa atin. Siya ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang kasal namin ng daddy mo."Biglang nalungkot si Daniela para sa ina nang makitang malungkot ito. Yumakap siya dito ng mahigpit. "She's bad, I will tell Daddy to stay away from that woman, mommy.""No!" biglang saway niya sa bata. " Lalo lamang magagalit si Daddy sa akin at lalayo ang loob. Gusto mo bang mag-away kami ni Daddy dahil sa iyo?"Sunod-sunod na iling ang sagot ni Daniela sa ina. Ayaw niyang magalit sa kaniya ang ina at ayaw niya ring maghiwalay ang mga ito. Dahil madalas sabihin ng ina noon pa man na kapag naghiwalay ang mga ito, kasama siyang aalis at hindi na niya makita kahit kailan ang kaniyang ama."Good
Read more
Chapter 23: Pagkikita ng kambal
"HEY, Daniela. Nakilala mo na ba ang bagong transfer nating kakaklase?" pabulong na tanong ni Rose sa kalaro. Grade one na sila ngayon at mas madaldal si Rose kaysa kay Daniela.Umiling lang si Daniela sa kalaro. Wala siya kahapon dahil ayaw niyang pumasok at nagtampo siya sa ama. Nagtampo siya dahil naudlot ang pagiging flower girl niya sa kasal ng sariling mga magulang."Paano niya malaman? Hindi nga niya alam na hindi pa kasal ang parents niya, bagong ganap pa kaya dito sa school?" Mataray na sabat ng isang bata sa pag-uusap nila Rose at Daniela.Biglang nanubig ang mga mata ni Daniela dahil sa pambu-bully sa kaniya ng kaklase. Noon pa man ay lagi siya nitong napag-iinitan dahil mas matalino siya dito."What?!" Napalakas ang boses ni Rose at nagpalipat-lipat ang tingin sa dalawa. "Paano mo naging mommy siya kung hindi sila kasal ng daddy mo?"Napakamot si Danila sa kaniyang noo sa tanong ng kaibigan. Mahina ito umitindi kaya sobra itong nagugulohan sa sitwasyon ng kaniyang parents.
Read more
Chapter 24: Selos
"HOW'S your day?" Nakangiting tanong ni Kanor kay Sean nang pumasok na ito sa sasakyan."Good!" maiksing tugon ng bata sa abuelo."Did you met her?"Matipid ang ngiting tumango si Sean dito bilang tugon."Bakit mukhang malungkot ka?" puna niya sa bata nang mapansin na wala ito sa mood makipag-usap."I saw him."Napabuntonghininga si Kanor habang pinagmamasdan ang bata. Alam niya kung sino ang tinutukoy nito."Don't worry, Grandpa, hindi niya po nakita ang mukha ko." Mabilis na paliwanag ni Sean dito."Very good, you know that this is not yet the rigt time.""I understand po!"Gusto ni Kanor na pasayahin ang bata kaya nagpasya siyang ipasyal muna ito dahil maaga pa naman. Malulungkot lamang lalo ito kapag dumiritso sila ng uwi at wala pa doon ang ina nito.Pagkahatid ni Steven sa anak sa kanilang bahay ay bumalik na rin siya sa opisina dahil may meeting siya ng 4 p.m. sa hotel na pag-aari niya sa laguna. Alam niyang nauna na roon si Nicole dahil gusto niyang maging pamilyar ito sa pam
Read more
Chapter 25: Arousal
MATAPOS kumain ay niyaya ni Joseph si Nicole na uminom kahit kaunti lang. Lubos-lubusin na niya ang oras ng dalaga na ibinigay sa kaniya ngayon. Natuwa siya at pinaunlakan naman iyon ng dalaga. Dim ang ilaw sa kinaroonan nila kaya nagmukhang romantic ang kanilang dinner.Gusto ring makalimot muna ni Nicole sa mga bumabagabag sa kaniyang isipan at puso kaya pinaunlakan niya ang kaibigan."Salamat, na miss ko na rin ang ganito." Nakangiti si Nicole at itinaas ang kopita upang makipag toast kay Joseph. Hindi siya sanay uminum kaya tinablan agad siya. Pero may tiwala siya kay Joseph at ito ang maghahatid sa kaniya pauwi."Ako ang dapat na magpasalamat. Alam mo na sa iyo lang ako komportable sa ganitong bagay." Alanganing ngiti ang sumilay sa labi ni Joseph.Natawa si Nicole sa inasta ng kaibigan. Alam niyang gusto nitong subukan na makipag relasyon sa babae at siya ang naisip nito. At dahil lasing ay naging makulit na rin siya at game sa kalokohan.Inilapit ni Nicole ang mukha sa kaibiga
Read more
Chapter 26: Panganib
TAHIMIK na nagmamaneho si Tony ng sasakyan pero nakikinig sa pag-uusap ng amo at ng assistant nito."Gusto kong malaman ang totoo niyang pagkatao sa lalong madaling panahon." Utos ni Steven kay Grey.Nagpasya na rin si Steven na layuan muna si Nicole upang makapag-isip ng tama. Naisip niyang iwasan ito at abalahin muna ang sarili sa ibang bagay upang makaiwas na rin sa tukso."Kakausapin ko po mamaya ang pinagkakatiwalaan mong detective." Sagot ni Grey sa binatang amo.Inutusan din ni Steven si Grey na siyang magbanatay kay Nicole. Ito ang nakipag-usap dito kung ano ang dapat nilang pag-uusap ng dalaga.Nang makababa na ng sasakyan ang dalawang pasahero ay mabilis na tinawagan ni Tony si Kanor."Bakit naisipan niyang paimbistigahan ang pagkatao ni Nicole? May nangyari ba na hindi ko alam?" nakakunot ang noo na tanong ni Kanor kay Tony."Sa palagay ko ay may kakaibang namumuo sa pagitan nila, Sir." Sagot ni Tony sa ginoo.Biglang naisip ni Kanor na aakitin ni Nicole si Steven. Marahil a
Read more
Chapter 27: I miss you
NANG maipasok sa operating room si Nicole ay tinawagan ni Tony si Mang Kanor. Kanina nang lumabas sa building ang dalaga ay napansin niyang parang balisa ito. Napalinga rin siya sa paligid nang makita itong luminga. Maging siya ay nagulat sa biglang pag-andar ng isang motorcycle na nakakubli sa likod ng isang sasakyan. Mabuti na lang at naroon siya, dahil kung wala ay baka wala ng buhay ngayon si Nicole.Hindi nakita ni Tony ang mukha ng salarin dahil nakasuot iyon ng helmet. Ang plaka rin ng sasakyan nito ay malabo.Kung may sakit lang sa puso si Kanor ay baka inatake na siya dahil sa sobrang pag-alala kay Nicole. Nagbilin siya sa katulong na bantayan si Sean at huwag muna ipaalam dito ang nangyayari sa ina nito.Pagdating ni Steven sa hospital ay dumiritso na siya sa operating. Naroon sa labas si Tony at ang isa pa na nakilala niyang isa sa guard sa kompanya niya."Kumusta na siya? tanong ni Steven kay Tony."Hindi pa po lumalabas ang doctor na tumingin sa kaniya, Sir."Napabuntongh
Read more
Chapter 28: Selos
MAAGANG umalis si Danica at pumunta ng hospital. Napataas ang kilay niya nang harangin siya ng dalawang lalaki na bantay sa pintuan. Hindi niya akalain na maglalagay talaga ng tao si Steven doon para sa siguridad ng babae."Pasensya na po ma'am. Utos po ni Sir Steven na huwag magpapasok ng hindi kilalang tao." Mahinahon na kausap ng isa kay Danica."How dare you para hindi ako makilala? Hindi mo ba alam na ako ang fiancee ni Steven?" bahagyang tumaas ang timbri ng kaniyang boses.Napakamot ng ulo ang lalaki at nalilito. Bagohan lamang siya na hired para kay Steven kaya wala siyang alam."Papasukin mo na po siya, kuya. Totoo ang sinasabi niya." Sabat ng baklang nurse at kilala niya si Danica mula sa balita.Ngumiti si Danica sa nurse at nagpasalamat dito. Sumabay na siya pagpasok dito sa silid at naabutan niyang gising na si Nicole. Pero si Steven ay tulog pa at nagawa nitong pagkasyahin ang sarili sa isang sofa. Mukhang napuyat ito sa pagbabantay sa babae.Ngumiti si Nicole kay Danica
Read more
Chapter 29: Kasabwat
DALAWANG araw ding nanatili sa hospital si Nicole at isang lingong namahinga sa bahay. Madalas siyang tawagan ni Steven pero hindi niya sinasagot. Natatakot na siya sa sariling damdamin dahil siya ang nahuhulog dito. Wala iyon sa kaniyang plano at sagabal lamang iyon para sa kaniyang paghihiganti. Dapat manatili siyang galit sa lalaki at muling itinanim sa isipan ang masakit na salitang sinabi nito sa kaniya noon.Mariing naipikit ni nicole ang mga mata nang maalala rin ang record ni Danica noon. Ramdam niya ang pagkamuhi sa kaniya ng binata noon sa paniniwala nito na isa siyang oportunista.BINALIKAN ni Danica si Soledad nang makabuo ng bagong plano upang sirain muli ang pagkatao ni Nicole. Nabalitaan niyang pina-iimbistigahan na rin ni Steven ang tunay na pagkatao ni Nicole. Kailangan niyang unahan ito na mabunyag ang katotohanan."Paano ako nakakasiguro na tutupad ka sa usapan?" tanong ni Soledad kay Danica."Alam mong marunong akong tumupad katulad sa una nating trabaho. Gampanan m
Read more
pter 30: Pagkatuklas sa dalawang lihim
PAKIRAMDAM ni Steven ay umakyat lahat ng dugo niya sa ulo. Namula siya dahil sa galit at hindi matanggap ang katotohanan. Nang maalala ang anak ay lalo siyang nakaramdam ng galit kay Nicole kung totoo man na ito ang tunay na ina ng bata."Bitiwan mo siya!" Sigaw ni Kanor mula sa bungad ng pintuan. Marami ng tao ang nasa labas at nakiusyoso dahil sa ingay na naririnig.Sabay na napalingon ang lahat kay Kanor. Nakahinga ng maluwag si Nicole nang makita ang ginoo. Alam niyang naroon ito upang tulongan siyang malusotan ang lahat ng ito.Sa halip na bitiwan ay lalong napahigpit ang hawak ni Seteven sa braso ng dalaga. "Isa ka rin ba sa kasabwat ng babaeng ito?" galit niyang tanong kay Kanor."Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi mo. Pero isa lang ang alam ko, muling nanganganib ang buhay niya."Nagugulohang napatingin sina Rox sa bagong dating. Hindi nila ito kilala at hindi alam kung ano ang connection nito ngayon sa kanilang anak."Tiyak na parte din iyan sa pagpapanggap ninyo ni Nico
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status