All Chapters of I belong to you : Chapter 21 - Chapter 30
33 Chapters
I Belong With you
I BELONG WITH YOUBy: Kit Ten[General Fiction/Romance][CHAPTER 23][Athena’s POV]Nang magdilat ako nang aking mga mata ay nasa loob na ako ng isang silid habang nakahiga sa isang hospital bed. Nakita kong nakatunghay sa akin ang aking mga kaibigan. Nasa bandang kaliwa ko sina Keera and Myka habang nasa bandang kanan ko naman sina Aria at Melchor.“What happened?” Naguguluhang tanong ko sa kanila habang pilit kong inaalala kung ano ang naganap. “Teka lang… Oh, God!” Napahawak ako sa tiyan ko ng bigla ko nang maalala kung ano ang nangyari lalo pa ang sinabi ni Vince. “Ang baby ko?”Malungkot na hinawakan ni Keera ‘yong kamay kong nakahawak sa tiyan ko bago siya naiiyak na nagsalita.“Sorry, pero hindi naka-survive ‘yong baby mo, Athena. Nawala siya.”“Oh, No!” Turan ko bago ako napahagulhol ng iyak. Halos magwala ako sa sobrang sama ng loob. Mabuti na lang at nasa tabi ko ang mga kaibigan ko para alalayan ako ng
Read more
I Belong With you
I BELONG WITH YOUBy: Kit Ten[General Fiction/Romance][CHAPTER 24][Athena’s POV]Tahimik kaming nakaupo ng mommy ni Levi sa labas ng kanyang silid habang ichi-ni-check siya ng mga duktor and nurses. Kabado ako kasi hindi ko alam kung sa paanong paraan ko ia-approach ‘yong mommy niya. Mukha naman itong mabait, pero nahihiya pa rin ako. Hindi ko expected na bigla na lang akong ipakikilala rito ni Levi bilang asawa niya.“P'wede mo ba akong samahan sa canteen, hija?” Napasulyap ako rito nang bigla itong nagsalita.“Ah, sige po, Ma’am.” Tugon kong may paga-alinlangan bago ako tumayo mula sa pagkakaupo. Sabay kaming naglakad nito patungo sa kantina ng hospital. Nang makapasok na kami’y agad ko itong inalok ng coffee. “Coffee po?”“Yes, please?”Pagkalipas ng ilang minuto’y inilapag ko sa harapan nito ang isang tasang kape bago ako naupo sa tapat nito. Sobrang kabado ako. Iba pala ang pakiramdam kapag nakaharap mo n
Read more
I Belong With you
I BELONG WITH YOUBy: Kit Ten[General Fiction/Romance][CHAPTER 25][Athena’s POV]“Thank you so much for the opportunity, tito Simon.” Turan ko sa amo ko. Kinausap ako nito nang mabasa nito ang resignation letter ko. Inamin ko rito ang totoong dahilan ng paglisan ko sa trabaho. “Ang dami kong natutunan dito sa kumpanya mo.”Malungkot nitong itinupi ang resignation letter ko bago ako tiningnan ng diretso.“I will miss you, but I am happy for you. Kung ano ang napili mong landas na tahakin ay magiging masaya ako para sa’yo.” Nakangiti nitong sabi. “Sa totoo lang, ako ang dapat na magpasalamat sa’yo kasi sobrang laki nang naitulong mo para mapalago ang kumpanyang ito. Ang daming naglalakihang kumpanyang gustong kumuha sa’yo, pero mas pinili mo pa ring dito magtrabaho. Dahil sa’yo kaya napasaatin ang Manhattan Resort.”“No, tito Simon. Hindi ‘ako’ ang dahilan kung bakit sa atin na-award ang Manhattan, kundi ‘tayo’. Pinagsik
Read more
I Belong With you
I BELONG WITH YOUBy: Kit Ten[General Fiction/Romance][CHAPTER 26][Athena’s POV]Ilang minuto ring namayani ang katahimikan sa pagitan naming mag-ina. Ni walang gustong magsalita. To be honest, hindi ko alam kung anong sasabihin ko kasi hindi ko inaasahang mangyayari ang sandaling iyon. Nagulat ako.Napansin kong nangilid ang luha sa kanyang mga mata. Sa tingin ko’y expected na n’yang magkikita kami ng araw na iyon. Kung nagkuwento sa kanya si Lino nang tungkol sa akin ay tiyak na nakilala na niya ako kahit hindi pa man kami nagkikitang muli.Napalunok ako. Naramdaman ko ang mga luhang namumuo sa sulok ng mga mata ko kaya bago pa man malaglag ang mga iyo’y umalis na ako sa harapan niya. Agad kong tinapik sa balikat si Levi. Nakatayo ito sa pintuan habang busy ito sa kung anuman ang binabasa nito sa phone nito.“Let’s go.” Turan ko rito nang maang itong tumingin sa akin.“Akala ko’y ipakikilala pa sa’yo ni Lino
Read more
I Belong With you
I BELONG WITH YOUBy: Kit Ten[General Fiction/Romance][CHAPTER 27][Athena’s POV]“Naku!” Pagkuwa’y narinig kong turan ni Christine nang dali-dali itong lumapit sa mesa ni Levi bago nito pasimpleng inilawit ang kamay sa ilalim ng mesa kung saan ako nakatago. Natunugan ko naman ang nais nito kaya ibinigay ko rito ang phone ko. “Naiwan pala ni Sir Levi itong cell phone niya. Importante pa naman ito.”“Nagu-ulyanin na ba si Levi para maiwan niya iyan?” Mababakas ang galit sa tinig ng lolo ni Levi. “Kaya naman pala kanina pa ako tawag ng tawag sa kanya, pero hindi siya sumasagot.”“Sa dami po sigurong iniisip ni Sir Levi, Sir Luciano.”“Ayon na nga, ang dami na n’yang iniisip tapos magdadagdag pa siya ng babae.”“Sino pong babae?” Halata ang kuryusidad sa tinig ni Christine.“Hindi ko nga alam kung sino ‘yang babaeng kinalolokohan ng boss mo. Napapabayaan na tuloy niya ang kanyang trabaho.” Tugon ng lolo n
Read more
I Belong With you
I BELONG WITH YOUBy: Kit Ten[General Fiction/Romance][CHAPTER 28][Athena’s POV]Mas pinili kong manahimik na lang kahit gustong-gusto ko nang patulan si Sir Peter. Baguhan pa lang ako at hindi ko p’wedeng ipakita agad ang kamalditahan ko kahit pa sabihing asawa ako ng isa sa may-ari nang kumpanyang pinapasukan ko. Nakakahiya naman kay Levi kong lilikha ako ng eskandalo.Sumapit ang lunch. May usapan kami ni Levi no’ng umaga na sabay kaming kakain sa labas kapag wala s’yang meeting, pero nang dumaan ako sa opisina niya’y nalaman ko kay Christine na lumabas si Levi kasama ang lolo at ang daddy niya kaya naisipan kong mag-lunch na lang mag-isa.Nang makalabas na ako ng building ay palinga-linga ako para maghanap ng malapit na p’wedeng makainan. Wala kasi akong kotse kaya hindi ako makalayo, pero tila puro matataas na building din ang nasa paligid kaya naisipan kong tumawid na lang sa kabilang kalsada para pumara ng taxi at akmang
Read more
I Belong With you
I BELONG WITH YOUBy: Kit Ten[General Fiction/Romance][CHAPTER 29][Athena’s POV]After an hour ay napalitan ko rin ang gulong ng kotse ni Sir Luciano. Nakakatawa lang kasi hindi niya talaga inalis ‘yong tingin niya sa ginagawa ko mula ng magsimula ako hanggang sa natapos.“Okay na, Sir.” Turan ko sa kanya nang lumakad ako patungo sa compartment para ibalik dito ‘yong toolbox, pero nanatili siya sa kanyang kinatatayuan habang tinitingnan niya ‘yong gulong. Ewan ko, pero tila ba hindi siya makapaniwala na napalitan ko ito. “Is something wrong, Sir?”“Nothing. I’m just amazed.” Turan n’yang sinulyapan ako. Bahagya kong kinagat ang pang-ibaba kong labi para pigilan ang napipinto kong pag-ngiti.Bigla ko tuloy naalala ‘yong reaksiyon ni Levi no’ng pinalitan ko rin ‘yong gulong ng kotse nito. Halos parehas silang mag-lolo ng reaksiyon gayong para sa akin ay wala namang dapat ikamangha kasi maliit na bagay lang naman ‘yong gi
Read more
I Belong With you
I BELONG WITH YOUBy: Kit Ten[General Fiction/Romance][CHAPTER 30][Athena’s POV]Naramdaman ko ang presensiya ni Levi sa likuran ko habang nakahiga ako sa kama namin, pero hindi ko siya nilingon dahil abala ako sa pagtitig sa larawan ng isang masayang pamilya. Fb friend ko si Lino Hernandez kaya naman nang may i-tag na photo sa kanya si Hera Blake Hernandez ay nakita ko ito sa newsfeed ko.Family picture kung saan naroroon ang mommy ko kasama ang pamilyang kinabibilangan niya ngayon. Agad kong pinahid ang luhang namuo sa sulok nang magkabila kong mata lalo pa nang maramdaman ko ang mga bisig ni Levi na pumulupot sa aking bewang.“Faith…” He sexily uttered my name as he started nuzzling my neck and gently bit it.“Sabino.” Saway ko sa kanya. “Baka magka-marka. Magmi-mistula akong kinagat ng bampira.”Humagalpak siya ng tawa dahil sa tinuran ko.“Na-miss kita, eh.” Turan niya habang patuloy siya sa gina
Read more
I Belong With you
I BELONG WITH YOUBy: Kit Ten[General Fiction/Romance][CHAPTER 31][Athena’s POV]“Baby, you alright?” Ulit ni Levi habang bahagyang nakakulong ang magkabila kong pisngi sa kanyang mga palad. Mababakas ang labis-labis na pag-aalala sa kanyang mukha.“Y-Yeah, I’m fine.” Alanganing sagot ko habang pinakikiramdaman ko ang mga taong nasa paligid namin ng mga sandaling iyon. Ang mga matang nagmamasid sa amin.“I don’t want to see your face inside this building anymore.” Galit na turan ni Levi kay Sir Peter nang muli niya itong balingan. “Ni anino mo ay ayaw ko nang makita pa. Lumayas ka na at hakutin mo na ang lahat ng gamit mo, ngayon din.”“Pero, Sir, handa ho akong humingi ng tawad kay Athena. I mean, kay Architect Athena. Kung gusto n’yo ho’y luluhod pa ako sa harapan niya, huwag n’yo lang ho akong paalisin, Sir. Please?”“No. The damage has been done. My decision is final.”“Levi---” Tinangka kong awat
Read more
I Belong With you
I BELONG WITH YOUBy: Kit Ten[General Fiction/Romance][CHAPTER 32][Athena’s POV]Nang malaman ko ang bahay ni Architect Lulu ay agad ko s’yang pinuntahan nang araw din na nalaman ko ang tungkol sa nakaraan nila ng daddy ko.“Good evening po. Nandiyan po ba si Architect Lulu?” Tanong ko sa isang may edad ng babae na nagbukas ng gate nang mag-doorbell ako.“Oo. Sino sila?”“Ako po si Athena. Superior ko po siya.” Magalang kong tugon dito. “P’wede ko po ba s’yang makausap?”“Sige. Pasok ka, Ineng.”“Salamat po.” Tugon kong sumunod dito papasok sa loob ng kabahayan. Tinawag nito si Architect Lulu na abala sa pagluluto. Nalaman kong nakatatandang kapatid pala ito ni Architect Lulu.“Hi, Athena. What are you doing here?” Nakangiting tanong sa akin ni Architect Lulu.“Uhm, wrong timing po yata since nagluluto na po kayo ng hapunan, pero p’wede ko po ba kayong maimbitahang kumain sa labas?”
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status