Share

I Belong With you

I BELONG WITH YOU

By: Kit Ten

[General Fiction/Romance]

[CHAPTER 27]

[Athena’s POV]

“Naku!” Pagkuwa’y narinig kong turan ni Christine nang dali-dali itong lumapit sa mesa ni Levi bago nito pasimpleng inilawit ang kamay sa ilalim ng mesa kung saan ako nakatago. Natunugan ko naman ang nais nito kaya ibinigay ko rito ang phone ko. “Naiwan pala ni Sir Levi itong cell phone niya. Importante pa naman ito.”

“Nagu-ulyanin na ba si Levi para maiwan niya iyan?” Mababakas ang galit sa tinig ng lolo ni Levi. “Kaya naman pala kanina pa ako tawag ng tawag sa kanya, pero hindi siya sumasagot.”

“Sa dami po sigurong iniisip ni Sir Levi, Sir Luciano.”

“Ayon na nga, ang dami na n’yang iniisip tapos magdadagdag pa siya ng babae.”

“Sino pong babae?” Halata ang kuryusidad sa tinig ni Christine.

“Hindi ko nga alam kung sino ‘yang babaeng kinalolokohan ng boss mo. Napapabayaan na tuloy niya ang kanyang trabaho.” Tugon ng lolo n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status