Habang naghihintay ng taxi ang dalawa walang tigil ang daldalan nila. Magaan ang usapan, may halakhakan, at ramdam ang pag-gaan ng loob nila kahit may mga iniindang sakit sa katawan. "Grabe, Mars," natatawang sabi ni Emerald habang masayang nakasukbit ang braso sa braso ng kaibigan, "ang tagal kong hindi natawa nang ganito." Wala silang pakialam sa mga napapadaan at patingin-tingin sa kanila. "Same, Mars. Parang ang tagal din bago ko ulit naramdaman na... buhay pa pala ako, ang daming nangyari sa mga nakalipas na taon, " sagot ni Marian, bahagyang nangingilid ang luha pero pilit pa ring ngumingiti.“Huwag kang emo dyan, Mars! Panira ka talaga ng moment. Akala na lang ng mga tao rito, baliw na tayo.” Humahalakhak na turan ni Emerald. Sakto namang may dumating na itim na SUV sa tapat ng entrance. Bumaba agad ang isang babae — si Yanah. Mabilis ang pintig ng puso niya habang pinagmamasdan ang dalawang pamilyar na mukha sa unahan ng ospital."Emerald? Mariam?!" halos hindi makapaniwal
Terakhir Diperbarui : 2025-09-18 Baca selengkapnya