Se connecterNapatawa sina Yanah at Emerald sa akto ni Marian. Lasing na kasi ito. "Ayaw mo pa lang maputulan ng kaligayahan ang gagong Drix na iyon! Sinaktan ka na nga, may awa ka pa din!" Bulyaw ni Yanah. "Ba-liw ka ba! Mag-pa-pa-anak pa ako sa hi-nayu-pak na 'yon! Sa-ka ko iwan!" Napabunghalit si Marian ng tawa sa na isip. "Ay baliw! Lakas ng tupak mo, Mars! Mas malala ka pa pala sa amin ma-inlove!" Napapailing na sambit ni Emerald. "W-Walang ba-sha-gan ng t-trip!" Bulalas ni Marian. "What's happening here, Ladies!" Isang malamig na boses ang nagpalingon sa kanilang tatlo. "Kylle" "Sean" "D-Drix!" Sabay-sabay na bigkas nila ng sumulpot bigla sa harap nila ang tatlong mga greek god na seryoso na nakatingin sa kanila na walang kangiti-ngiti.
Voir plusHabang naghihintay ng taxi ang dalawa walang tigil ang daldalan nila. Magaan ang usapan, may halakhakan, at ramdam ang pag-gaan ng loob nila kahit may mga iniindang sakit sa katawan. "Grabe, Mars," natatawang sabi ni Emerald habang masayang nakasukbit ang braso sa braso ng kaibigan, "ang tagal kong hindi natawa nang ganito." Wala silang pakialam sa mga napapadaan at patingin-tingin sa kanila. "Same, Mars. Parang ang tagal din bago ko ulit naramdaman na... buhay pa pala ako, ang daming nangyari sa mga nakalipas na taon, " sagot ni Marian, bahagyang nangingilid ang luha pero pilit pa ring ngumingiti.“Huwag kang emo dyan, Mars! Panira ka talaga ng moment. Akala na lang ng mga tao rito, baliw na tayo.” Humahalakhak na turan ni Emerald. Sakto namang may dumating na itim na SUV sa tapat ng entrance. Bumaba agad ang isang babae — si Yanah. Mabilis ang pintig ng puso niya habang pinagmamasdan ang dalawang pamilyar na mukha sa unahan ng ospital."Emerald? Mariam?!" halos hindi makapaniwal
Sa hospital ang bagsak ni Emerald dahil sa tama ng baril sa balikat niya. Dinala siya ni Sean doon kahit hindi niya ito kinakausap. “Makakaalis ka na, Sean. Baka hinahanap ka na ng mommy mo.” Malamig na sabi niya na hindi ito nililingon. “No. Marami tayong dapat pag-usapan.” Matigas na sagot nito habang nasa tabi nito. Nakahiga siya ngayon sa kama dahil katatapos niya lang maoperahan. Tinanggal ang bala sa balikat niya. Imbes uuwi siya kanina matapos ang operasyon ngunit ang lalaki matigas ang bungo at ayaw siyang pauwiin. “Wala na tayong dapat na pag-usapan pa. Kaya kung pwede lang leave me alone. Ayoko ng ma involve pa sa buhay mo.” Iritang tumalikod siya dito. “Asan ang anak natin?” Deritsang tanong nito sa kanya at binaliwala ang sinabi niya. Nanigas siya sa tanong nito at natakot para sa kaligtasan ng anak. Alam niyang hindi matatanggap ito ng mommy ni Sean. “W-Wala na. Kaya wala na tayong dapat na pag-usapan pa.” Akmang babangon siya para umalis na ngunit pinigilan siya ni
Dahan-dahang minulat niya ang kanyang mga mata, bumibigat ang kanyang mga talukap habang pilit niyang inaaninag ang puting kisame. May naririnig siyang mga beep mula sa makina sa tabi niya, at ramdam niya ang sakit sa bawat bahagi ng kanyang katawan. Lalo na sa ulo niya. “Ouch!” Napadaing siya sabay hawak sa ulo niya. Napapikit siyang muli at napapakagat na lang sa labi dahil sa kirot na nararamdaman niya. May benda pa sa may noo niya. Ilang saglit pa, minulat niyang muli ang mga mata ng maramdaman niya na may yumakap sa bewang niya. Nakita niya ang isang pamilyar na pigura na nakaupo sa gilid ng kanyang kama—si Drix. Nakayuko ito, at tila nakatulogan na ang pagbabantay sa kanya. Biglang bumalik ang lahat ng ala-ala sa isipan niya, ang paghahalikan nito sa ibang babae, ang selos at galit na bumalot sa kanya, ang pagkamatay ng kanyang mommy at ang aksidenteng dulot ng kanyang emosyon. “Mommy… Mommy ko…” Hindi niya napigilang mapahagulgol kaya nagising ang lalaki sa tabi niya. “O
Habang tinatahak niya ang makipot na daanan patungo sa lagusan, malakas ang dagundong ng mga putok ng baril na bumabalot sa buong paligid. Ramdam niya ang mga bala na humahagip sa mga dingding, sumasabog ang alikabok at debris sa bawat sulok. Hindi siya tumitigil sa pagtakbo, kahit na ramdam na niya ang pagod sa bawat hakbang. Malapit na siya sa lagusan—konti na lang.“Nasaan ka na Kylle Christian, I need your help…” Bulong niya sa isipan habang patuloy sa pakikipagpalitan ng bala sa mga humaharang sa kanya para hindi makarating sa lagusan. “Son of a bitch! Hindi talaga kayo maubos-ubos…” Gigil na gigil na siya sa mga taong humaharang sa kanya na lalong dumadami. Paubos na ang bala ng baril niya at wala na siyang extra. Padilim na din ang kinaroroonan niya kaya lalo siyang naggagalaiti. Nakita niya sa sliding window ang tatlong armadong lalaki na dahan-dahan na papalapit sa kanya kaya bago pa siya maunahan, isa-isa niya itong binaril sa ulo. “Go to hell, Morons!” Malamig na bulon






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
commentaires