All Chapters of THB SERIES I LOVE YOU TILL THE END, MR. BUENAVISTA: Chapter 51 - Chapter 60
67 Chapters
KABANATA 51
Mga mahihinang hampas ng alon ang nagpagising sa diwa ni Samarra. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Hindi niya alam kung saan ang switch ng ilaw kaya nagkasya na lang siya sa liwanag ng ilaw na nagmumula sa labas at sa sinag ng buwan. Nakasuot na siya ng oversized T-shirt at boxer short na marahil pag-aari ng asawa niya. Bukod doon ay wala na siyang ano mang saplot sa ilalim ng pinasuot nito. Hindi niya tiyak kung sino ang nagpalit ng damit niya. Pero kung titingnan ang silid na okupado niya. Tiyak niya na wala sila sa isang pribadong hotel o hindi kaya sa isang mamahalin na isla. Bagaman maganda ang kuwarto dahil may pagka-Bali inspire ang pagkaka-disenyo.Bumangon siya at umupo sa kama habang palinga-linga siya ng kaniyang ulo dahil nagbabakasakali siya na makita si Zachary. Ngunit, kahit saan niya ipaling ang paningin niya ay wala ang asawa niya sa loob ng silid. Nakabukas ang bintana na yari sa salamin. Kaya kitang-kita niya ang mga puno na nakapaligid sa kuwarto na tinutu
Read more
KABANATA 52
Kanina pa palakad-lakad si Samarra sa loob ng kuwarto pero hindi siya mapakali. Panay na rin ang sulyap niya sa relo na nakasabit sa itaas ng malaking television ngunit, hindi pa rin niya mapagdesisyunan kung bababa na ba siya o mananatili na lang sa loob ng kuwarto. Pasado alas otso na ng gabi at kumakalam na rin ang sikmura niya sa gutom. Pero di niya alam kung papaano haharapin ang asawa matapos maalis ang init ng katawan niya. Normal na rin ang tibok ng puso niya na hindi kagaya kanina na tila dinaig pa niya ang sumali sa pangangarera ng kotse. Pati ang paghinga niya ay normal na rin. Umupo siya sa kama at sinapo dibdib para pakiramdaman ang tibok ng puso niya. Nauna ng bumaba sa kaniya si Zachary matapos siyang magdahilan na maglilinis siya ng katawan dahil sa panlalagkit. Pumayag naman ito na maiwan siya sa kuwarto na tila nanalo sa lotto dahil sa lapad ng ngiti nito sa kaniya bago siya iwanan. Hindi niya tiyak kung dahil ba sa nangyari sa kanila kanina. Ang kuwarto nila ay
Read more
KABANATA 53
Yumuko nang bahagya si Zachary para isiksik ang ulo sa leeg ng asawa na ikinakislot nito sa harapan niya. Nasa tapat pa rin siya ng likuran nito. At dahil mas mataas siya sa asawa ay halos sakop na niya ang buong katawan nito. Ang paghugas niya ng kamay nito ay paraan lamang niya para maikulong sa mga bisig niya ang asawa.Ewan, pero parang mas kinikilig pa ata siya sa ginagawa niya sa asawa kaysa ito ang pakiligin niya. Ang pagbigyan ito at halos paluguran na niya ito ang nagpapatunaw sa puso niya, lalo na kahit parang pigil ang mga ngiti ni Samarra sa kaniya. Kahit parang hindi madalas ipakita nito ang totoong nararamdaman ay ayos lang sa kaniya. Pasasaan ba't matututunan din ng asawa na mahalin siya at ganoon din siya.Mali....Dahil kung tutuusin ay parang na love at first sight ata siya sa asawa na tinatakpan lang siguro niya sa pang-aasar at pang-iinis. In love na nga ba siya?“Why?” tanong niya habang ikinikiskis niya ang mga kamay sa kamay ng asawa na may sabon. Kung sa mga
Read more
KABANATA 54
“Bakit nakasimangot ka na naman?” puna ni Zachary matapos ayusin ang hoodie jacket na pinasuot nito sa kaniya. Parang hindi nito alam kung ano ang dahilan kung bakit siya nagmamaktol. Sarap talagang kutusin ang lalaking ito!Pasado alas onse na ng gabi at plano na niyang magpahinga sa kuwarto matapos siyang iwanan kanina. Pinaghugas pa siya ng mga plato na ginamit nila na hindi talaga niya matanggap. First time niya iyon. Naipikit niya ang mga mata dahil magpahanggang sa ngayon ay kumukulo ang dugo niya. Matapos siyang maghugas ay naligo lang ito at umalis nang hindi nagpapaalam sa kaniya. Tapos kung kailan gusto na niyang magpahinga, iistorbohin lang siya ng ganoon-ganoon lang? Pagmamadaliin siya na magpalit ng damit dahil may ipapakita raw ito sa kaniya sa labas. Hustisya!Hindi pa nga siya nakaka-move on sa ginawa nito sa kusina at pag-iwan sa kaniya tapos iistorbohin na lang siya. Magaling! Magaling na magaling talaga ang lalaki ito na mang-inis sa kaniya. Tapos na silang kumai
Read more
KABANATA 55
Hindi makapaniwala si Samarra sa nakikita niya at ilang beses pa niyang ikinurap-kurap ang mga mata dahil baka namamalikmata lang siya sa nakikita niya. Pigil pa rin niya ang paghinga at pilit na in-absorb sa utak niya ang nakikita. Is this true? Iyon ang katanungan sa isipan niya na hindi niya magawang bigkasin. Nakatayo siya kung saan nakalatag ang isang mahabang puting karpet na may nakakalat na pulang petals na rosas. Pahayon kung saan nasa harapan niya ang isang modern bahay-kubo na mala-Balinese interior design. Napapalibutan iyon ng iba’t ibang kulay na lightning bulb. May hagdanan paakyat na tatlong baitang lang ang taas. Open ang nasabing bahay-kubo na may makakapal na puting kurtina na siyang nagsisilbing panabing sa bawat haligi. May malamlam na ilaw sa loob na siyang nagbibigay ng kakaibang vibe. Sa gitna niyon ang isang malaking mattress na makapal at kulay puti na comforter sa ibabaw na siyang magsisilbing pahingaan nila. May mga malalaking puting unan at throw pillow
Read more
BOOK 2- RED VELVET
HALOS pasado alas tres na silang nakatulog ni Zachary at mag-aala-sais pa lang ng umaga ng magmulat ang kaniyang mga mata. Awtomatikong sumilay sa labi niya ang ngiti nang mabungaran niya ang asawa na nakatagilid pa rin ng higa na nakaharap sa kaniya. Ang isang braso nito ang siyang nagsisilbing unan niya sa ulo, habang ang isang braso nito nakayakap sa kaniyang baywang na animo ayaw siya nitong pakawalan. Kay gaan ng pakiramdam niya sa kabila ng kakulangan ng tulog. Ewan, pero hanggang ngayon ay hindi niya maiwasan na mapangiti nang husto kapag naaalala niya ang pinaggagawa ni Zachary. Kay dali nitong pasayahin siya, pero kay dali lang din na mainis siya sa lalaki. Kusang umangat ang isa niyang kamay para haplusin ang guwapong mukha nito. Totoo nga ang kasabihan ng iba, "Not all first impressions are correct; your impression of someone might change as you get to know them." At iyon nga parang unti-unti ngang nagbabago ang pagkakakilala niya sa asawa. HABANG sin-i-set-up ni Zach
Read more
BOOK 2- CRESCENT MOON
Hindi alam ni Samarra kung papaano ikikilos ang sarili sa harapan ng asawa. Nalulunod ang puso niya sa saya na para bang ayaw na niyang matapos ang mga sandali. The night seemed to be perfect for her. Ang dami mga pasorpresa ng asawa niya na hindi niya aakalain na magagawa nito. Palalim na nang palalim na ang gabi pero ang sorpresa na inihanda nito simula kanina pa, parang walang katapusan. Halos hindi na nga niya naiintindihan ang sarili niya dahil sa lakas ng pagtibok ng puso niya. Masaya siya dahil bawat oras ata na lumipas, gumagawa si Zachary ng paraan para pasayahin siya. What an ideal husband!"What does this mean?" naguguluhan niyang tanong sa asawa na kahit obvious naman ang nakikita niya. Gusto pa rin niya na ito ang mag-explain sa kaniya. Na hindi siya dinadaya ng kaniyang mga mata. “Cadden….” mahinang sambit niya sa pangalan ng asawa na nakatingin lang ito sa kaniya. Ang dalawang kamay nito nakapamulsa sa suot nitong sweatpants. Ni hindi ito nagsasalita na basta lang naka
Read more
BOOK 2- THE BEGINNING
Kanina pa naiinip si Samarra pero wala naman siyang magawa kung hindi tingnan ang asawa na inaayos ang projector. Matapos kasi nitong i-set-up ang projector at maayos ang kanilang pwesto. Saka naman nagloko. Bigla na lang iyon nag-blackout bago pa man magsimula ang kanilang panonoorin na pelikula. Kaya ang ending kanina pa siya nakatunganga sa asawa na abala sa pag-aayos ng projector. Wala siyang ideya sa pag-aayos ng mga ganoon kaya nagkasya na lang siya na tumingin sa asawa. Kaya gustuhin man niyang tumulong ay hindi niya magawa. “Cadden,” mahinang tawag niya.“Hmmm….” Patuloy lang ito sa pagkalikot ng projector para paganahin. “Matagal pa ba ‘yan?” naiinip niyang wika. Kung siya ang tatanungin, mas gusto na lang niyang tumambay sa labas ng kanilang tinutuluyan habang nagpapaantok. “Sandali na lang ‘to, Love,” wika ni Zachary na sandaling lumingon sa kaniya.“Gusto mo bang tulungan na kita?” pag-aalok pa niya ng tulong sa asawa. Tumayo siya sa kinauupuan niyang bean bag couch a
Read more
BOOK 2- GOOD MORNING
Naalimpungatan si Samarra ng may na aamoy siya na aroma ng kape. Suminghot-singhot pa siya para namnamin ang nakakaayang amoy. Hindi niya alam kung sadyang dinadaya ba siya ng pang-amoy niya o talagang kapeng barako at daing na pusit ang naaamoy niya. Kaagad na kumalam ang kaniyang sikmura na very unusual sa kaniya na mangyari.Simula nang maaksidente siya at na-comatose ng isang taon. Lagi na siyang conscious sa mga kinakain niya. Hangga’t maaari ay hindi siya nagka-carbs sa gabi. At kung mag-carbs man siya katulad kagabi, sixteen hours ang pagitan bago siya muling kumain.Pero ba’t ganoon? Hindi niya mapigilan na hindi makaramdam ng gutom gayun marami naman siya nakain kagabi.Ipinagluto ba siya ng kaniyang asawa?Speaking of asawa….Hindi niya maiwasan ang hindi mapangiti. That night was perfect for her. Talagang ginawa ni Zachary ang lahat para mabura ang first impression niya rito.Kinapa-kapa ang kabilang parte ng higaan kapagkuwan ay napakunot ang kaniyang noo nang wala siyang
Read more
BOOK 2- PROMISE
Hindi na pinatapos ni Zachary ang mga sasabihin ng asawa niya sa kaniya dahil nawalan na siya ng gana na makinig sa mga paliwanag nito.Basta na lang niya ito tinalikuran habang hila-hila ang trolley na may laman na pagkain. Buong akala niya kasi kagabi ay nagkaunawaan na sila ni Samarra. Ang akala niya tanggap na nito na mag-asawa sila at magtuturingan ng mag-asawa.Pero, akala lang pala niya iyon!Hindi pa pala pumapasok sa isip ni Samarra na mag-asawa na sila.Ewan ba niya!Kung tutuusin mababaw lang naman iyon para magkaramdam siya ng pagtatampo sa asawa. At alam niya na hindi pa sanay si Samarra na tawagin siya ng love. Pero sa halip na maunawaan niya ito ay parang nakaramdam siya ng pagdaramdam dito. Simple endearment lang naman kung tutuusin at alam niya sa sarili niya na malawak ang pang-unawa niya. Pero, sa halip na maunawaan niya na hindi pa sanay ang asawa niya na tawagin siya ng ganoon ay tinalikuran niya ito.Hindi niya tuloy maintindihan ang sarili.Damn!Ang baduy sa pa
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status