LOGINHer name is Samarra Miel O' Harra, but she is better known as "Ms. Oh" in car racing. She is the queen of drag racing and the only princess of the O 'Harra clan. She could say she had it all at eighteen, fame, a wealthy family, and, hopefully, love. LOVE? She is unable to choose whom she can love. Since she was born, her parents had arranged her marriage to the son of her mother's best friend. Ezekiel was the eldest son of Buenavista and the man she secretly loved when she was eighteen. The man who saved her life. The man who understands her feelings and is her partner in everything. Zachary Buenavista is Ezekiel's younger brother and the man who will marry Samarra. The man who would teach Samarra the most important lesson about love. Kanino niya sasabihin "I love you till the end, Mr. Buenavista?”
View MoreNaniningkit at patalim nang patalim ang tingin ni Samarra kay Zachary. Nakapaling ang ulo ng asawa sa may gawing bintana na hindi niya alam kung nagagandahan ba talaga ito sa mga tanawin na nakikita o sadyang iniiwasan lang nito na mapatingin sa kaniya.Kasalukuyan na nilang binabaybay ang mahabang daan sa villa escaler patungo sa Phase V ang Mistletoe Village. Exclusive lang iyon sa mga kaibigan ng anak ng may-ari ng Villa Escaler katulad ni Zachary.Tumikhim siya nang may lakasan, pero parang walang naririnig ang asawa niya. Nanggigigil na umisod siya palapit sa asawa, pero tila sinasadya nitong hindi siya pansinin.Tumingin muna siya sa driver na nagkataon na tumingin din ito sa rear-view mirror.Ngumiti siya at pilit na pinapakalma ang sarili.Gustong-gusto na niyang kastiguhin ang asawa dahil sa mga pinagsasabi nito sa magulang nito tungkol sa hindi "nila." Take note, "nila.” Talagang dinamay pa siya nito sa kalokohan na pinagsasabi nito! Hindi nila kailangan ng kasambahay sa mag
Kanina pa pinagmamasdan ni Samarra ang asawa na nasa tabi niya, pero tila nililipad ng hangin ang isip nito kung saan. Tahimik na tahimik lang ito at parang hindi mapakali dahil mayamaya ang pagtipa nito sa cellphone. Hindi niya tiyak kung sino ang kausap nito sa cellphone dahil parang binigyan lang ata ng problema ang asawa niya.Nang makarating sila sa Buenavista Resort, nakatanggap ito ng tawag. Nagpaalam pa ito sa kaniya na sasagutin ang tawag, kaya hinayaan lang din naman niya dahil baka nga important iyon. Ang buong akala niya ay sa tabi niya sasagutin ang tawag nito, pero laking gulat niya na lumayo pa ito sa kaniya.Napakunot-noo si Samarra habang nakatingin kay Zachary na naglalakad palayo sa kaniya.Ganoon ba iyon ka-importante at ka-private para hindi niya marinig?Gusto man pagdudahan ni Samarra ang ginawa ng asawa ay hinayaan na lang niya.“Let’s go, love,” kaagad na wika ni Zachary ng bumalik ito matapos ang ilang minuto na pakikipag-usap sa cellphone kung sino man i
Ang isang linggo na bakasyon na plano nila sa Isla ay tinapos din kaagad ni Zachary. Ayaw nitong mag-take ng risk kung sakali man na umulan ulit mamaya katulad kahapon. Katwiran nito, hindi nila pareho kabisado ang Isla at kahit na maganda ang panahon ngayon ay wala rin kasiguraduhan na hindi uulan. Ayaw pa man umuwi ni Samarra ay wala na rin siyang nagawa kung hindi ang sumang-ayon sa desisyon ni Zachary. Pakiramdam niya, mas parang nagka-trauma pa ata si Zachary kaysa sa kaniya. Hinayaan na lang niya ito na magligpit ng kanilang gamit at magligpit ng mga kalat habang siya ay nasa balkonahe para pagsawain ang mga mata sa mala-crystal beach ng Isla.Maganda ang sikat ng araw at maaliwalas. Maganda kung itinuloy nila ni Zachary ang unang plano nila na mag-island hopping at doon na rin sa yacht magpalipas ng gabi. Kung sakaling matuloy iyon, siya na ata ang pinakamasayang babae. Naranasan naman niya ang mag-island hopping sa Hawaii at maglibot sa dagat gamit ang malaking yate na pagmama
Pareho pa nilang habol ang kanilang paghinga matapos ang mapugtong halik na binigay ni Zachary sa kaniya. Itinukod niya kaagad ang dalawang kamay sa malapad na dibdib nito para magkaroon nang kaunting espasyo sa pagitan nilang dalawa.Si Zachary na yakap-yakap pa rin siya at mas lalo siyang hinapit. Naramdaman niya ang masuyong paghalik nito sa ulo niya kahit na marahas pa rin ang paghinga nito. Nang umangat ang kamay nito mula sa baywang niya pataas. Kaagad niyang pinigil ito ang mga kamay nito.“M-masakit pa ang katawan ko,” naaalarma na wika niya. Yumuko siya kaya ang labi ng asawa na sasalubong sa labi niya ay sa ilong niya tumama.Lumayo ito nang kaunti kaya napaangat ang tingin niya. Naniningkit ang mga mata nito na para bang hindi nito na-gets ang sinabi niya."Pardon?""Sabi ko, masakit ang buong katawan ko dahil sa ginawa mo kagabi," halos pabulong na lang niya ang huling salita. Nakakahiya man sabihin iyon pero kailangan. Kung hindi baka malumpo na siya ng asawa. Nanghihina


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews