All Chapters of THB SERIES I LOVE YOU TILL THE END, MR. BUENAVISTA: Chapter 41 - Chapter 50
67 Chapters
KABANATA 41
Pakiramdam ni Samarra ultimo pagtibok ng puso niya ay kusang tumigil ng hayunin ni Zachary ang ikalawang palapag ng penthouse. Hindi katulad ng Buenavista Hotel ang Buenavista Resort na may dalawang palapag.Sa bawat paghakabang ng paa ni Zachary paakyat sa hagdanan ay siyang paghigit ng kaniyang paghinga at pagpikit nang mariin. Gusto niyang sitahin ito dahil may elevator naman ang penthouse pahayon sa second floor pero hindi nito ginamit. Talagang pinanindigan nito ang pamahiin "kuno" nito na kailangan buhat ang bride hanggang sa makarating ng kama. Hindi niya alam kung totoo ba iyon o gawa-gawa lang nito para mabuhat siya?Piping hiling niya na makarating silang dalawa nang maayos sa itaas. Kung hindi makakatikim talaga sa kaniya si Zachary kapag nagkataon na gumulong sila pababa. Ang daming pakana ng lalaki na kung hindi lang sila magkapareho ng edad iisipin niya na ninuno ito ni Ezekiel. Dahil sa daming paniniwala.Kasabay ng dahan-dahan na pagbaba ni Zachary sa kaniya sa kama an
Read more
KABANATA 42
Kung papaano idinabog ni Samarra ang mga paa ay ganoon din nito ibinagsak papinid ang pinto ng banyo. Naipikit pa ni Zachary ang mga mata dahil sa lakas ng pagkakasara 'nun. Talagang sinigurado ni Samarra na matutulilig ang kaniyang tainga sa lakas ng pagkakabagsak ng pinto.Ilang segundo pa ang pinalipas niya saka niya lang nagawa na imulat ang mga mata.Hindi niya napigilan na ngumiti sa ginawa ng asawa na tila bata na nagtatampo kapag hindi naibigay ang gustong laruan.Asawa?Kinagat niya ang ibabang labi habang dumadagundong ang dibdib niya sa kaba at excitement.Kay sarap sa pakiramdam niya sa hindi niya malaman na dahilan. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang i-expect gayun na mag-asawa na talaga sila ni Samarra. Sa mata ng Diyos at sa mata ng mga taong naging saksi ng kasalan nila kanina ay totoong mag-asawa na sila. At siya man din ay sa isip at sa puso niya ay asawa na niya si Samarra. Hindi pa niya sigurado kung ano ang damdamin niya para kay Samarra na asawa na niya
Read more
KABANATA 43
Sa balkonahe siya dinala ng mga paa matapos siyang umalis sa harapan ni Zachary. Mula roon tanaw niya sa malapitan ang kahabaan ng karagatan ng San Carlos Bay na natatanaw niya lang mula sa kalayuan ng Buenavista Hotel. Kailangan niyang makalanghap ng sariwang hangin bago pa siya maubusan ng hininga kay Zachary na wala atang ginawa kung hindi pakapusin iyon. Kung hindi sa halik na mapugto ay sa inis. Hindi niya ito makausap nang matino. Para bang akala nito katulad siya ng ibang babae na madadaan sa kapilyuhan nito. Nagawa pang i-display ang katawan sa kaniya na akala naman nito papayag siya sa honeymoon na sinasabi nito. Pakiramdam niya dahil sa pagpapakasal nila ni Zachary nagkaroon ito ng dahilan para magawa nito ang lahat sa kaniya. Talagang gusto nitong sagarin ang pasensya niya na pilit niyang hinahabaan. Kung hindi lang sila talaga ikinasal kanina, baka kanina pa rin siya nag-book ng ticket papunta sa ibang bansa para makalayo lang dito. Kung hindi siya nagpadalos-dalos ng de
Read more
KABANATA 44
Halos pasado alas dose na ng hating-gabi ng mapagpasyahan na nilang pumasok silid. Magkasiklop ang kanilang mga kamay habang naglalakad papasok sa loob. Bagaman nararamdaman niya ang pagkailang ni Samarra sa kaniya ay hinayaan lang naman siya nito na hawakan niya ang malambot nitong kamay.Pagkapasok nila sa loob ay nagulat pa ito na dumiretso siya pahayon sa pinto.Napatingin ito sa kaniya na parang natatanong ang mga mata nito kung saan sila pupunta. Pero imbes na magpaliwanag siya ay isang ngiti sa labi ang pinakawalan niya. Ang kamay niya na nakahawak sa kamay nito ay lumipat sa baywang. Wala siyang narinig na ano mang salita kay Samarra na para bang sasama ito sa kaniya kahit saan. Hindi kagaya kanina na palaging naka-angil at parang laging galit kung makipag-usapPaglabas nila ng kuwarto. Bigla na lang niya ito pangkuin para bumaba sila sa hagdanan."Ay!" Malakas na tili nito sa pagkabigla. "Put me down, Cadden!" mariing utos nito sa kaniya na sinamahan pa ng pandidilat ng mga m
Read more
KABANATA 45
Mabilis pa sa alas kuwatro ang ginawa ni Zachary na paglabas sa banyo. Pabagsak ang ginawa niyang pagsara ng pinto na hindi na naisipan na magpaalam sa asawa. Halos habol pa niya ang paghinga sa ginawa niyang pagpipigil sa harapan ng asawa. Ramdam niya ang paninikip ng sweat short niya dahil sa nagwawalang alaga niya na gustong humulagpos ng mga sandaling iyon. Patigas nang patigas ang sandata niya habang nasa balintataw niya ang asawa na tanging suot lamang ay strapless bra at panty. May saplot pa rin naman iyon kung tutuusin kumpara noong nakita niya ito na walang saplot pero pareho ang epekto ang dulot niyon sa kaniya. Am I a pervert? Naguguluhan na tanong niya sa sarili. Dahil sa dating kasintahan naman niya hindi naman ganito ang nararamdaman niya. Kahit ilang beses na may nangyari sa kanila ay hindi ganoon ang epekto ‘nun sa kaniya kumpara sa asawa. Both Samarra and Claudel are stunning. Hindi naman maikakaila sa physical na kaanyuan. If Claudel has Spanish traits, Samarra has
Read more
KABANATA 46
Alas dos na ng madaling araw ng dalawin ng antok si Samarra. Nagising lang ang diwa niya ng may nanunuot na mabangong panlalaking shower gel sa ilong niya at may naririnig na mahinang yabag na nagpalakad-lakad sa loob ng kuwarto. Kahit hindi niya imulat ang mga mata ay alam niyang si Zachary iyon. Wala naman mangangahas na pumasok sa loob ng penthouse na okupado nila kung hindi ito lang. Kahit nag-aagaw sa antok ang diwa niya ay pinakikiramdaman niya ito. Ilang beses pa niyang narinig ang ginawa nitong pabalik-balik na paglalakad at pagbukas-sara ng pinto. Nang wala na siyang narinig na ano mang ingay ay ipinagpalagay na lang niya na baka muli itong umalis na hindi naman nagpapaalam sa kaniya. Pinilit niya ang sarili na ituloy ang tulog. Iniyakap niya ang braso sa isang unan at ipinikit nang mariin ang mga mata. Hindi pa man siya tuluyan nakakatulog ay may narinig na naman siya na naglalakad. Nang hindi siya nakatiis ay pasimple niyang idinilat ang isang mata para sipatin ang orasa
Read more
KABANATA 47
Gustong manginig ng kalamnan ni Zachary nang hawakan niya ang maliit na baywang ni Samarra. Nakapatuwad ito kaya tumatama ang pang-upo nito sa pagkalalaki niya. Panay na rin ang kabog ng dibdib niya at halos hindi na niya naiintindihan ang nangyayari. Nagsisimula na rin siyang panuyuan ng lalamunan habang naninigas na yata ang buong kalamnan niya sa pananabik at antisipasyon. Ramdam niya rin ang pamumukol ng nasa pagitan ng hita niya. Kung mas ididiin niya ang pagdikit ng hinaharap niya sa pang-upo ni Samarra tiyak niya na magugulat ito sa tigas 'nun. Totoo ang sinasabi niya sa asawa. He's as hard as steel right now. Na hindi niya alam kung bakit pagdating kay Samarra kay bilis magalit ng kaibigan niya.He cursed himself silently.Para siyang teenager na ngayon lang makakatikim ng babae na takot magkamali baka ma-disappoint niya ang asawa. Kung hindi nga lang niya inaalala na baka masampal siya ni Samarra ay gusto niyang ilapat ang palad niya sa dibdib nito para damhin iyon.Damn! He
Read more
KABANATA 48
Simula nang matapos silang kumain ng agahan kanina at hanggang ngayon na bumababa siya ng grand staircase dala ang tanging cellphone sa kaniyang kamay. Ang ngiti sa labi ni Zachary ay hindi na nawala-wala habang nakatingala ito sa kaniya mula sa ibaba ng hagdanan. Dahan-dahan na tumayo ito mula sa pagkakaupo. Pinasadahan nito ng tingin ang suot niyang yellow midi dress na hindi umabot sa tuhod ang haba na dala-dala niya iyon sa kaniyang maleta. Ito mismo ang kumuha sa maleta niya at iginiit na ipasuot sa kaniya bago pa siya maligo sa banyo. Kahit na tumanggi siya na isuot iyon dahil ayaw niyang bigyan ng kasiyahan ito at ayaw niyang masanay ito na palaging pinakikialaman ang isinusuot niya. Pero sa bandang huli ay wala na siyang nagawa kung hindi isuot iyon dahil paglabas niya ng banyo kanina matapos siyang maligo ay wala na ang maleta at bag niya na naglalaman ng mga gamit niya. Tanging underwear, yellow midi dress at yellow flat sandals lang ang nakita niya sa ibabaw ng kama. Hindi
Read more
KABANATA 49
"If you want to keep your job, stop staring at my wife and focus on the plane you're handling. Hindi na kasama sa trabaho mo ang paglingon-lingon sa likuran at pagngiti-ngiti sa asawa ko, Mr. Gregory Mc’Niel." Sinadya niyang banggitin ng buo ang pangalan nito para malaman nito na hindi talaga niya mapigilan na mainis sa ginagawa nitong pagsuri sa asawa niya. Parang laser ang mata nito na dati naman nagsusuot ito ng sunglasses, pero ewan ba niya kung bakit hindi nito ginawa ngayon. Talagang kumukulo ang dugo niya sa lantaran na pagpapakita ng interest sa asawa niya. Hindi man lang siya nito nirespeto. Kung marunong lang siya na mag-operate kung papaano paliparin ang eroplano. Ihuhulog niya ang piloto nila na maghahatid sa kanila sa isla. Kung alam lang niya na maraming mabibighani sa angking ganda ng asawa niya hindi na sana niya ito pinagsuot ng magpapalutang sa ganda nito. Samarra is fair-skinned. White and brown skin tones are indistinguishable from one another. Regardless, she is
Read more
KABANATA 50
Naglandas ang labi niya sa pisngi ng asawa hanggang sa marating niya ang labi nito, na tila gusto pa atang ilayo sa kaniya dahil umatras pa nang kaunti ang ulo nito. But he didn't give her a chance to refuse. Umangat ang isang kamay sa batok nito para hindi na ito makatanggi pa. Banayad lang ang halik na iginawad niya sa asawa kahit na gusto na niyang manggigil.Ginagaya nito ang bawat pagkilos ng labi niya. He kissed her passionately. He wants Samarra to feel what his heart and body are telling him."Sit on my lap, love,” wika niya habang habol pa ang paghinga. Tumingin ito sa kaniya na para pang naguguluhan sa sinabi niya. Wala na siyang time para ipaliwanag sa asawa ang gusto niyang mangyari. Malalalim ang ginawa niyang paghinga bago tinapik ang isang hita niya. Doon natuon ang mga mata ng asawa sa hita niya kapagkuwan ay naguguluhan na tumingin sa mukha niya. “Sit,” pag-uulit niya na hinawakan ang kamay nito para igaya na umupo sa mga hita niya.“Are you sure about this, Cadden
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status