All Chapters of Wife Corporation 5: Mia Kassidy Borromeo : Chapter 101 - Chapter 110
155 Chapters
Chapter 100
"Magpakasal na tayo." masugid na alok ni Alexus kay Denise na ikinalaglag ng panga ni Jeff. Naloko na. Literal na ngang bulag ang kaniyang foster brother na gusto niyang mapahilamos ng mukha sa sobrang pagka dismaya. Nakita naman ni Jeff ang pagka galak ni Denise. Halos maluha pa ito sa sobrang gulat at saya. Tang'na na talaga 'to. At may isa pa ngang abnormal. Handang manloko basta makuha lang ang gusto. Haist. He can't believe that he will witness this kind of Alexus. Fool. Kailan pa ito natuto na maging bulag sa mga bagay na nasa paligid nito? It's not like, he's like this before. Nakakairita na gugustohin mo na lang umpigin ang ulo nito sa matigas na pader para matauhan.Napapaisip siya tuloy. Ano kaya ang ginawa ng babaeng 'to sa kapatid niya? Hindi kaya ginayuma nito si Alexus, kaya ito naging ganito? Sabay sulyap niya kay Denise na sunod-sunod na tumango. "S-Sigurado ka na ba?" Marahil sa sobrang saya ay naiyak na talaga ito. Nautal at mukha pang hindi makapaniwala. Ang
Read more
Chapter 101
Mia's POVNandito kami ngayon sa may garden, maaga din kaming gumising ni Ace para maagang mapaarawan ang kambal. Ang sabi good for the skin daw ang init na mula sa araw kaya always namin 'tong ginagawa. For at least 30 minutes lang every morning. "Gusto mo ba mamasyal mamaya?" tanong ni Ace na sanhi para ako'y mapatingin sa kaniya. Sa totoo lang, naiilang ako sa kaniya eh. Feeling ko may n QAagbabago sa kaniya at mas naging clingy pa siya sa'kin. "Ha?" Ngumiti siya sa'kin habang humahakbang papalapit sa'kin. "I'm asking you for a date, Mia." Hindi ko maiwasan ang mapalunok, lalo pa't nagningning ang mukha niya sa mga mata ko. Ang weird, hindi naman siguro 'to panaginip. Waksi ko sa isip-isip ko. "N-Naku, huwag na tayong mag abala. Kailangan pa tayo ng mga kambal ngayon kaya... ipagpaliban na muna natin." tanggi ko at mabilis na nagbawi ng tingin at ibinaling na lang ang pansin kay Baby Cassy. "Hindi ko naman sinabi na iiwanan natin sila. We'll be dating like a family, with the
Read more
Chapter 102
"Gago, sinasabi mo bang kasama ni Alexus ngayon si Denise?!" gulantang na tanong ng mag kambal na Kent at Ian. Aakalain mo talagang bingi ang mga kausap nila dahil sa talas ng boses at malakas pa. At ang ibang kaibigan naman nila sa magkabilang station ng video call ay kaniya-kaniyang takip ng tenga, animo'y kaharap lang sa personal ang kambal, at sila'y naririndi sa lakas ng boses ng mga ito. "Kakasabi ko lang eh." naka poker face na anggil ni Jeff. "Bobo lang?" Tumawa ang iilan sa naging reaksyon ni Jeff. "Tang'na, bruh. Baka na gayuma na 'yang kapatid mong si Alexus." pilyong komento ni Iuhence. "Kanina ko pa nga 'yan iniisip, hangal." malutong na kuda ni Jeff at lumabas ng bahay. Mahirap na't makatunog pa ang bruha.Lumarawan ang problema sa mga mukha nila, kahit na magka video call lang ay mahahalata pa rin na pati sila ay na stressed sa balita. "Fvck, mabigat na problema nga 'yan." "Akala ko pa naman ay namatay na yang si Denise." umiiling na usal ni Leon. Sila ba naman no
Read more
Chapter 103
Mia's POVSa eroplano pa lang ay hindi na ako mapakali, hanggang sa nasa kotse na kami papunta sa bahay namin ni Alexus noon. Hindi ko alam kung maabutan ko pa ba ang kasal nila, dahil alas dyes na ng tanghali at hindi pa kami nakarating. Hinihiling ko na nga lang, na sana kagaya ko si Cinderella na may personal fairy grandmother para magbigay sa'kin ng karwahe na may mga kabayong mabilis tumakbo. Pero, sandali nga. I think mas mabilis tumakbo ang sasakyan kaysa kabayo. Naiiling na lang ako sa naiisip ko. Ano ba naman 'tong pumasok sa isip ko, napaka nonsense naman. Napatingin ako kay Baby Cassy na nag aamba na namamg umiyak. Itong talagang bata na 'to, ang sensitive eh. Hindi siya kagaya ng kambal niyang si Baby Jace na behave lang. Ito talaga, huhulaan ko ng spoil brat 'to paglaki at may pagka matigasin na ulo. Mana yata 'to sa'kin. Parang maging matanda ako ng maaga nito eh. Marahan kong inalog-alog si Baby Cassy. Pero kahit iyakin ito, mahal ko pa rin naman, shempre. "Ayus
Read more
Chapter 104
Napakagat sa kaniyang labi si Mia. Napapikit rin siya ng mariin dahil sa tindi ng hiya niya. Buset kasi, bakit hindi siya na informed tungkol sa mader at pader ni Alexus? Sabagay, wala naman talagang nag inform sa kaniya. Direkta lang siyang sumugod at naghasik ng galit. Lahat tuloy damay. Kumalma naman ang mga tao, at imbes na magkagulo, nag chikkahan na lang. Oh di'ba? Sino bang hindi ma intriga? Eh, dalawang Mia ang nandito sa garden wedding. Isang kakapanganak. Isang ikakasal. Sino ang tunay? Mask singer lang ang peg?Isa pa sino din bang hindi mahihiya sa kalagayan niya? Napagtaasan lang naman niya ng boses ang mga ito, kahit na maayos naman siyang tinatanong. Wala, matindi talaga ang topak niya. Jusmeyo, wala talagang maganda na dulot ang masapian ng galit sa katawan. Heto tuloy siya at mataimtim na nagsisisi. Kung sana nangangain ang lupa, baka nagpalapa na siya at baka ngayon ay dumating na siya sa kasagsaganan ng underworld. While she was distracted with embarrassment,
Read more
Chapter 105
FLASHBACK: Ito ang araw na tumawag si Jeff kay Alexus at tumawag lamang para makipag kuwentuhan tungkol sa kanilang college life. "But honestly, Bro. Wala ka ba talagang napapansin?" tanong ni Jeff habang nakamasid sa kabilang bahay kung saan katawagan naman ni Thomas si Denise sa cellphone at nasa veranda ng silid nito. "Like what?" tamad na sagot ni Alexus habang nakatuon ang pansin sa labas.Si Jeff naman ay napabuntong hininga habang napakunot sa kaniyang noo. "Sa kasama mo diyan. Alam kong kasama mo si Mia diyan sa North Korea." kahit hindi sinabi ni Alexus na isinama niya si Denise no'ng pagpunta niya sa North Korea ay malalaman pa rin ni Jeff ang mga ginagawa ng kapatid. Walang bagay na hindi malalaman ni Jeff, dahil it should be that way, always."What about her?" Alexus was vigilant not to spill things what he knew. Gusto niya talagang si Jeff ang mismong mag tatak ng tinatanong nito. Pasimple na sinilip ni Jeff si Thomas, iritadong kinakausap nito si Denise. "Nevermin
Read more
Chapter 106
Kagaya ng ipinangako ni Alexus kay Mia ay bumalik nga siya pagkatapos niyang magbihis. Pero pagkabalik na niya ay nadatnan niya na lang si Mia na natutulog na. Nakatagilid ito at ang kamay ay maagap na nakadantay sa tiyan ng mga anak nila. May unan naman na nakatabing sa kabilang kama, just in case na gagalaw ang mga bata ay hindi ito madaling mahulog. Pero, dahil sanggol pa lang naman ang mga ito ay behave naman ang mga ito. Nang lumapit siya sa kama ay nakita niyang gising na ang kaniyang mga anak. Naglulumikot ang mga kamay at paa ng mga ito. Pero hindi naman nag-iingay at tila naaaliw sa pagtitingin sa paligid. Siguro ay naintindihan rin ng mga ito na nagpapahinga ang kanilang ina. Hindi mapigilan ni Alexus ang mapangiti. Sumikdo ang kaniyang puso sa nakita. "Hey, little fella..." pagbati niya sa mga ito nang makaupo na sa gilid ng mga ito. He reached their little hands and caressed it gently. "You guys seemed to be having fun, huh?" his smile can't be erased as he spoke to hi
Read more
Chapter 107
KINABUKASAN... Kasalukoyang nasa shower ngayon si Mia, habang si Alexus namang ang nagbabantay sa mga anak nila. Actually, hindi naman mahirap sa kanila na magsalitan ng bantay sa mga anak nila. Kagabi, napag-usapan nila ang schedule nila. Dapat every 2-3 hours ay magpalit sila. Kunwari si Alexus nakabantay sa kambal ng alas nuwebe hanggang alas dose, then si Mia naman ang papalit sa susunod na tatlong oras. "We can still sleep when they're asleep." suhestiyon ni Alexus. Yun nga ang unang plano nila. Every three hours ay may gising at magbantay. But nang magsalita si Alexus patungkol sa salawikain niya, nagbago na naman. "Sa bagay, mag-iingay naman sila kapag gutom sila or feeling uncomfortable sila." sang-ayon ni Mia. Nag-uusap sila habang kumakain sa kuwarto. Sa kuwarto na sila kumain dahil hindi naman pwede maiwan ang kambal. Mas maigi na nasa malapit lang sila para mabantayan ng maayus ang mga ito. "Pero, saan ka naman matutulog?" biglang tanong na naman ni Mia. "Can't I s
Read more
Chapter 108
"Simple lang naman ang mga gusto ko." pa thrilling na salaysay ni Mia. She sound calm and in a good mood. Samantalang si Alexus ay seryoso lang na nakaabang sa maging kondisyones ni Mia. Mia was being playful as well, pasimple niyang minamatyagan si Alexus from the corner of her eyes. She's looking forward to his reactions, by the way. "Handa ka na ba makinig, aking manliligaw? Baka gusto mo umatras?" Look, she's obviously testing him through teasing him. Alexus tilted his head to find her gaze, nang makita ang mga mata ni Mia at makita rin lung gaano ito ka pilyang tingnan ngayon, ay hindi niya maiwasang hindi kabahan. Kanina pa niya sinusubokan na e predict ang iniisip nito, ngunit wala talaga siyang makitang lead o hints kung ano ang nilalaman ng isipan nito. Somehow, Mia is a kind of enclosed box. His weakness and his source of strength. A kind of possession that posseses him real bad. "Whatever you want, wife. I'll do everything to make it granted." matatag at matapat
Read more
Chapter 109
Pagkarating ng Mama ni Mia ay kumain na sila. Kalaunan naman ay dumating rin si Ace para tumulong ito sa pag-aalaga. Katunayan ay nagbili pa ng kalapit na property si Ace para anytime, pwede siya makadalaw without any hassle. Isang gabi pa nga lang ang nakalilipas mula nang isinauli niya sila Mia, he felt lonely and empty. Na mi-miss niya ang mga ito. At gustohin man niyang tumira na rin sa bahay ni Alexus, hindi niya ginawa dahil... it will be more painful to him. Wala namang kaso kay Mia, pero as much as he could, kinailangan niyang lagyan ng distansya ang kanilang mga sarili. Para na rin sa ikakabuti niya. Hindi nga man madali ang mag move on, but at least sinubukan niya. "Good morning, Mia!" Pagkarating niya sa bahay ay nadatnan niya ang kaniyang pinsan na nag a-almusal kasama si Mia. "Good morning din, Ace." maligalig na pagbati pabalik ni Mia, saka tumayo at nakipag beso-beso sa kaibigan. "Mabuti naman at nakarating ka. Salamat." Niyakap ni Ace si Mia at marahan pa niya
Read more
PREV
1
...
910111213
...
16
DMCA.com Protection Status