BUNNY POV"OKAY CUT ! that's so good," masayang sigaw ni Direk at lahat pumalakpak ng matapos ang unang araw ng movie shoot nila.Nakahinga siya nang maluwag nang marinig iyon saka nagpasalamat sa lahat ng staff at crews. Wala na si Paolo sa casting dahil umatras na ito kaya napalitan ang partner niya sa movie.Masaya siya sa naging resulta ng pagbabago sa movie, pati ibang scenes at lines ay pinalitan rin."Grabe ang yakap sa'yo si Baby Alden, nakakatunaw ng atay at balun-balunan," kinikilig na komento ni Alona nang makalapit ito sa kaniya sabay punas sa pawis niya.Natawa siya. Baby Alden?"Kailan pa naging Baby Alden ang tawag mo sa kaniya, ha? Ikaw maharot ka talaga. Super gentleman niya, wala akong masabi." Puri niya sa bagong ka-partner niya sa pelikula.Nanunudyong tumingin si Alona sa kaniya."Kalma ka lang sa sinasabi mo, girl, baka mag-jellyfísh ang lovérboy mo, sige ka pag sinuntok niya si Baby Alden ko, mananapak na rin ako," biro ni Alona sabay nginuso ang direksyon kung
Terakhir Diperbarui : 2025-07-21 Baca selengkapnya