"Mauna ka na, Carl. Comfort room lang ako," ako. "Samahan ba kita?" tanong niya. Natatawa ako na umiling. "Hindi na. Mauna ka na para pagkatapos mo ay umuwi na rin tayo," sabi ko. "Si Amari?" Tinuro niya ang anak ko. "Isasama ko. Isa pa baka makagulo lang 'to roon," sagot ko. May nakita ako kanina na comfort room sa ibaba pero nang nandito na kami ni Amari ay hindi ko na makita. Masiyadong malawak dito sa ibaba kaya naman ay nakailan na liko pa ako. "Mama," si Amari. "Wait lang po," sabi ko at saka lumiko na naman. Kanina kasi nang pumasok kami rito sa building ay nakita ko pa iyon. Ngayon na pagbaba wala na. Nag-early leave kami ni Carl ngayon. Matapos niya kausapin ang designer na pinapunta niya sa opisina ay nag-aya na rin siya na umuwi. Nais magpahinga. Paano hindi mapapagod, tinotoo niya ang kaniyang sinabi. Halos hindi ko na masabayan ang mga pangyayari. Isang araw nagising na lang ako na may pupunta sa office na designer at may iilan din na mga organize
Read more