"Bakit hindi pa po kayo natutulog? Malamig na po dito sa labas."Napukaw ang damdamin ko. Alam kong si Abby iyon kahit hindi ako lumingon sa kaniya. Kabisado ko ang boses niya. Akala ko tulog na siya? May bumabagabag ata sa puso niya kaya hindi siya makatulog. Napahawi ako ng mga luhang umaagos sa aking mga mata. Malamig na inuusig ng lungkot ang damdamin ko. Pakiramdam ko nilalamon ako ng sakit at kirot. Hindi ko alam kung bakit ang lungkot? Ang sama ng pakiramdam ko, hindi ko maintindihan.Hindi ako makatulog kahit saglit. Hindi ko magawa kahit umidlip man lang kahit sandali. Lungkot at pangungulila ang namamayami sa isipan ko, sakit at kirot."Umiiyak na naman po kayo Mommy! Kailangan niyo pong matulog, pagpahinga. Baka po mapano kayo. Alam ko po na iniisip niyo na naman si Daddy. Alam kong hindi kayo mapalagay sa ngayon."Parang hinipo ang puso ko dahil sa mga salitang narinig ko mula sa anak ko, kay Abby. Alam niya na iniisip ko ang Daddy nila.Alam kong nangungulila rin si Ab
Terakhir Diperbarui : 2025-06-21 Baca selengkapnya