Semua Bab RIGHTFUL HEIR OF A BILLIONAIRE : Bab 31 - Bab 40
55 Bab
CHAPTER THIRTY ONE
Samantala, matapos kinausap ang mga magulang ay ang Yaya naman niya ang pinuntahan. Sinabihan niya ito na puntahan siya sa tree house sa likuran ng kuwarto niya. Kahit makita ito ng kapatid niya na papasok sa silid niya ay hanggang doon lamang ang malalaman. Silang dalawa lang ng Yaya niya ang may alam sa tree house na iyon sa loob ng mansion."Halika rito, Yaya. Maupo ka." Inalalayan niya itong makasampa ng maayos saka sa pang-upo nito.May edad na rin ito kaya't oras na rin upang siya naman ang magsilbi rito kahit pa sabihing siya ang amo. Ang rason niya ay hindi naman kasambahay ang turing niya rito kundi ina. Dahil ito naman talaga ang gumanap sa tungkulin ng mga magulang niya. Kung gusto nga lang nitong sasama sa kaniya ay gagawin niya, kahit pa sa barko kung nanaisin lang sana nito. Kaso hindi naman nito maiwan-iwan ang kaniyang ama na dati na rin nitong alaga bago pa man ito nag-asawa."Salamat, anak. Mukhang nakahanda ka na namang aalis, anak?" anito nang nakaupo ng maayos."O
Baca selengkapnya
CHAPTER THIRTY TWO
"May iniwan bang sulat ang kaibigan natin sa inyo?" tanong ni Anjo sa dalawa niyang kaibigan."Hindi mo na kailangang itanong iyan, Bro. Dahil kung ano ang iniwasan sa iyo ay ganoon din sa amin. Kaso hindi ko lubos akalaing pati cash ay mayroon din. Hindi lang basta pera iyon mga 'TOL," agad na sabi ni Samson."Kaya siguro hindi na niya tayo hinintay dahil diyan. Maaaring inisip niya na talagang hindi natin tatanggapin kapag on hand ang pagbigay niya." Nakangiwi sabay hawak sa batok si Romy.Araw-araw silang magkakasama, papunta man sa trabaho o pag-uwi. Ngunit ng hapong iyon muli silang nagkita-kita dahil sa sobreng iniwan sa kanila ng kanilang kaibigan. Okay lang sana kung sobre lang ito kaso may tig biyente mil na nakalakip. Alam nilang barya lang iyon para sa kaibigan nila ngunit hindi nila akalaing basta ipapamigay ito sa kanila."Marami na siyang naitulong sa atin simula pa noong nag-aaral tayo. Cash man o sa ibang bagay ngunit ito ang pinakamalala. Alam kong marami siyang ipon
Baca selengkapnya
CHAPTER THIRTY THREE
"Hanggang kailan mo balak ilihim kay Cassandra ang tungkol sa kalagayan mo, Kuya? Baka nakakahalata na ang tao kaya't naghahanap na rin ng paraan upang malaman ang tunay na dahilan mo kung bakit paunti-unti kang dumidistansiya sa kanya. Kaninang tanghali ay nakipagkita sa akin ngunit pinanindigan kong hindi nagsalita tungkol sa iyo. Pero Kuya naman, maawa ka sa kaniya," ani Imie sa kapatid. "Hindi ko alam, Sis. Kung paano ko ipagtatapat sa kaniya ang lahat. Ang nasa isipan ko ay mas nanaisin kong kamuhian niya ako kaysa ang malungkot siya sa aking paglisan. Kaya hanggang ngayon ay wala siyang kaalam-alam sa tunay kong kundisyon. Maaring iba ang iniisip niya pero mas mabuting ganoon na lamang kaysa ang kaawaan ako," pahayag ni Rodney."Ewan ko sa iyo, Kuya. Matino namang tao ang nobya mo. Siya ang uri ng tao na nakikinig sa paliwanag! Naturingan kang militar na may mataas na katungkulan pero pagdating sa love life mo ay ewan ko ka iyo. Maano bang ipagtapat mo sa kaniya ang totoong ka
Baca selengkapnya
CHAPTER THIRTY FOUR
Sa kabilang banda, dahil hindi siya dalawin ng antok kahit anong baliktad niya sa kaniyang higaan ay mas minabuti niyang bumaba sa garden nila sa pag-aakalang tulog na ang mga tao kaso nasa hagdan pa lang siya'y nakita na niya ang kapatid na panganay at ang kanilang amang masinsinang nag-uusap sa kanilang maluwag na sala. Kung tutuusin ay two months lang itong sumampa ngunit dahil dumaong na Italian Port ang MARGARITA ay sumaglit ito ng uwi. Wala naman siyang kaalam-alam kung ano ang pinag-uusapan nila na mukhang napakaseryoso."Oh, Iha. Saan ka pupunta sa ganitong oras? Akala ko ba ay tulog ka na kayo ng kambal mo?" agad na sabi ng kaniyang ama ng napansin siya."Magpapahangin sana sa garden, Daddy. Hindi ako dalawin ng antok eh. Kayo ni Kuya bakit hindi pa kayo natutulog? Hindi ba't tumae at umihi lang si Kuya rito? Ah... Me and my mouth again. Itong si Kuya kasi, kakasampa lang ngunit ginawa na yatang tahanan ang himpapawid," aniya sa tumingin sa ama na naghihintay ng sagot ngunit
Baca selengkapnya
CHAPTER THIRTY FIVE
"Kuya, anong nangyari? I mean bakit nag-iba tayo ng daan? Hindi ba't pupunta tayo ng airport?" maang na tanong ni Tan-Tan.Hindi pa siya nakakapunta ng paliparan ngunit marunong naman siyang bumasa ng mga sign boards. May mga arrows ang bawat daanan kaya't alam niyang hindi sa airport ang tungo nila."I'm sorry to tell you, Tan-Tan. Ngunit tumawag ang Boss ko kaninang nasa rancho tayo. Sa kanila na raw kami manggagaling ni Boss Tommy. Ayun sa kanila ay upang maagapan kung sakali mang may ibang binabalak ang kapatid ko lalo na sa iyo, Tan-Tan. Maaring tama ka nga na may iba silang balak laban sa akin ngunit wala silang makukuhang impormasyon dahil hindi nila alam kung saan ako tumutuloy. At kung ikaw ang mapagpabalingan nila ay malaking problema. So, naisip ni Sir Clarence na sasabay na lang ako kay Boss Brian. Pagkahatid mo sa akin sa bahay nila ay maari ka ng babalik sa rancho upang walang ibang makakita sa iyo lalo na ang alipores ng Kuya ko," paliwanag ni Tommy.Sa pahayag ng Kuya
Baca selengkapnya
CHAPTER THIRTY SIX
"Anong oras na bakit hindi ko pa natatanawan ang mga iyon?" bulong ni San.Nagsisimula na siyang mainis dahil maaga pa lamang ay nasa paliparan na siya upang makasiguradong hindi makakaligtas sa paningin niya ang mga hayop. Kaso talagang wala pa siyang nakikita kahit anino sana nito o ang hampas-lupa nitong kasama."Ah! Damm those men! Nasaan na ba sila?" Napamura tuloy siya dahil sa inis.Iyon ang pinakaayaw niya sa lahat ang naghihintay ng napakatagal. Kung hindi lang sana nila kailangan ang gago ay pina-shoot to kill na niya ito. Kaso sa tuwing sinasabi niya iyon sa ina ay bulyaw at mura lamang din ang napapala. Kaya't mas pinili niya ang sumunod sa utos nito dahil ayaw naman niyang lagi siyang napapagalitan. At saka ito rin ang may control sa ATM nila ng Kuya niya. Ang ATM nga ng gago niyang kapatid ay nasa kanila ngunit hindi rin nila magamit o mapakialaman.Sa inis ay nagpalakad-lakad siya. Humalo siya sa mga nandoon ngunit mas pinili niya ang pumuwesto sa bandang hulian upang h
Baca selengkapnya
CHAPTER THIRTY SEVEN
"Engineer Saavedra, kanina pa kita napansing tahimik ah. May iniwan ka na bang kabiyak ng puso mo?" Pukaw ni Brian Niel sa binatang mula sa airport ay tahimik.Nakakapanibago para sa kanya ang bagay na iyon dahil para itong babaing madaldal kapag nagsimula sa pagsasalita kaso himala yatang nalunok ang dila. Pero sa kabilang bahagi ng isipan niya ay may hinala na siya kung bakit tahimik ito. Idagdag pa ang inis nito sa airport sa mga babaing walang awang bumangga sa may edad na lalaki."Ang magiging kabiyak ko ay ang kapatid mo, Boss. Iniisip ko pa kung paano ko siya maagaw kay Sir Officer upang madala ko sa aking palasyo," tugon ni Tommy.Ngunit sa isipan niya ay hindi na niya ito kailangang agawin dahil bukod sa malapit nang mamatay ang opisyal ay naihabilin na nito sa kaniya. Mahal niya ang dalaga ngunit hindi ibig sabihin na ilalayo niya ito sa kasintahan. Kung wala man sigurong taning ang buhay ng opisyal ay hindi siya papagitna kahit pa sabihing mahal niya ang dragona. Subalit an
Baca selengkapnya
CHAPTER THIRTY EIGHT
"Anong plano ninyo ngayon guys? Dahil nakausap ko siya bayaw ay okay na raw ang lahat. So what's your plan?" tanong ni MA sa tatlong magkakaibigan."Tuloy po ang dating plano, Sir. Kung ready na po ang huhuli sa kanila ay maari na nating set ang date ng huli-operation. Dahil gusto rin po naming matulungan si Pareng Tommy lalo sa ngayon na wala siya rito. Mas nangangailangan siya ngayon nga tulong," sagot ni Anjo."Tama po, Sir. Nangyari na pero mahirap ang ganito, ang parang nagtatago lagi kaya susuportahan namin ang huli-operation dahil. Gusto na rin naming mamuhay ng normal kagaya ng dati," wika naman ni Romy."Wala na akong masabi, Sir. Sinabi na nilang dalawa. Ganoon pa man ay nais ko rin magpasalamat dahil binigyan n'yo kami ng pagkakataong itama amg pagkakamali namin. Tatanawin naming utang na loob ito habang-buhay," hindi nakatiis si Samson kaya't nagsalita rin.Ngunit sa tinuran nilang tatlo ay napangiti ang kanilang Boss. Halatang masaya ito dahil sa mukha pa lamang nito ay b
Baca selengkapnya
CHAPTER THIRTY NINE
"Ilang araw na ang nakalipas, kumusta na kaya si Kuya Tommy?" tanong ni Tan-Tan. Habang naghahanda papasok sa university."Hindi pa ba siya tumawag, anak?" tanong din ng Ginang.Kaya naman ang padre de-pamilya ay hindi nakatiis na sumingit sa mag-ina. Lahat naman sila ay pare-parehas ng iniisip kaso nagtanong ang anak sinagot din ng ina ng isa pang tanong."Ano ba naman kayong mag-ina? Aba'y palitan kayo ng tanong? Paano kayo magkakaroon ng kasagutan kung nagpapalitan kayo ng tanong?" aniya kaso agad na sinupalpal ng asawa."Tapos? Anong akala mo sa binitawan mong salita? Hindi ba't tanong lahat iyon?" muli ay tanong nito.Tuloy hindi malaman kung matatawa o maiinis ang hitsura ng pobreng matanda dahil totoo naman kasi ang sinabi ng asawa. Nanita nga siya pero ginawa rin naman niya. Kaso bago pa sila muling magpalitan ng tanong ay pumagitna na ang binata."Mauna na po ako sa inyo. Nasa inyo na kung magpalitan kayo ng tanong maghapon. Dahil ako ay papasok na po." Nakangiti niyang hinar
Baca selengkapnya
CHAPTER FORTY
"Nakapagdesisyon ka na bang magtapat sa kasintahan mo, anak? Bilang ina mo ay nauunawaan kita kung ayaw mong sabihin kay Cassandra ang kalagayan mo. Tingnan mo ang iyong sarili, ang matikas mong pangangatawan ay wala na. Ibig sabihin ay malala na ito. Alam kong tanggap mo na pero sabi ko naman ay masakit pa rin sa akin bilang ina mo ang nakikita kang ganyan," wika ni Mrs Guerrero."Hindi kaya nakakahiya, Mama? Ilang araw ko na siyang hindi dinalaw. Pinapasigla ko lang ang sarili at boses ko kapag kausap ko siya para lang mapagtakpan ang kalagayan ko. Tapos ngayon ay tatawagan ko at magtatapat? Alam kong unfair sa kaniya ngunit nag-aalangan pa rin ako na sabihin na may taning na ang buhay ko?" Nakatanaw siya sa kanilang bintana kaya't umayos siya ng upo saka humarap sa ina. "Nakakahiya man dahil inilihim mo sa kaniya pero sigurado akong mauunawaan ka niya, anak. Mas mabuti na rin iyong ikaw mismo ang magtatapat sa kaniya. Hindi ba't sabi mo ay kinausap ng ama niya ang Doctor mo pero w
Baca selengkapnya
Sebelumnya
123456
DMCA.com Protection Status