RIGHTFUL HEIR OF A BILLIONAIRE

RIGHTFUL HEIR OF A BILLIONAIRE

last updateLast Updated : 2023-06-30
By:  SHERYL FEE Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
55Chapters
2.1Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

Tommy Saavedra, bunsong anak ng business tycoon na si Don Felimon Saavedra. Hindi sumunod sa yapak ng amang negosyante at mas hindi sumunod sa inang mambabatas. Bagkus ay sinunod niya ang bulong ng damdamin, ang maging marine engineer. Until he found himself that he's one of the marine engineers of the famous international cruise ship MARGARITA. Sa unang tingin pa lang niya sa kapatid ng Boss niyang halos kaedad nila o mas tamang sabihin na mas bata pa sa kanilang mga tauhan ay nabighani na siya sa angking kagandahan. Idinaan niya ang lahat sa panunukso sa takot na mabasted ng dalaga. Cassandra Keith Mondragon, isa sa mga kambal na anak ng mag-asawang MaCon at Clarence. Sa murang edad ay namulat sa responsibilidad sa kumpanya nila. Siya ang namahala sa Herrera Ticketing Booth dahil ang kambal niya ay sa Herrera Theater, ang Kuya ay sa MARGARITA. Nang dahil sa kani-kanilang kabiguan sa buhay ay magsasangga ang landas nila sa pamosong barko ng mga Mondragon.

View More

Chapter 1

CHAPTER ONE

"Iho, would you mind if I'll ask you something personal? But it's okay if you won't answer it," ani Clarence sa binatang engineer. Hindi naman kasi siya sigurado pero malakas ang kutob niyang tama siya kaya nag-iisip siya kung bakit kailangan pa nitong mamasukan sa ibang kumpanya.

"Ang record ko po ba, Sir?" alam niya (Tommy) ang nais tukuyin ng butihing Ginoo kaya't inunahan na niya ito.

"Yes Iho, if you don't mind." Tumango ito bilang pagsang-ayun.

"Alam ko pong nagtataka ka, Sir, kung bakit kailangan kong mamasukan sa ibang kumpanya samantalang negosyante ang ama ko, chief of police ang ina ko. Ang gusto nila'y susunod ako sa yapak nila as my brothers does. Subalit hindi ako sumunod dahil paano ko makakamit ang pangarap ko sa buhay kung magpapamanipula ako sa gusto nila, Sir? They even hated me of that, ngunit hindi ako sumuko, Sir. Dahil simulat sapol ay maging engineer ang gusto ko that's the reason why I pursued my own dream as I walked alone my way. They even tried to blocked my path by using their power, Sir. Ilang buwan din akong naghahanap ng trabaho dahil pinablocked list nila ako sa halos lahat ng kumpanya. Laking pasasalamat ko ng makita ko online ang Herrera Company is hiring pero agad ding nawala ang kasiyahang naramdaman ko dahil three slots na lang pala. Thank you, Sir, for saving me and taking me as one of your marine engineers. Tatanawin kong utang na loob iyan habang-buhay," mahaba-haba niyang pahayag.

Wala siyang ginagawang masama. Masaya siya sa landas na tinahak niya. Wala siyang balak magpamanipula kahit kanino. Kahit ang kapalit nito ay ang pangamgamuhan niya sa ibayong dagat.

Para namang hinaplos ang puso ni Clarence dahil sa pahayag ng binata. Hindi niya inaasahang higit pa sa gusto niyang malaman mula ang narinig mula sa binata. Kung hindi siya nagkakamali'y ilang taon lang ang tanda nito sa kanyang panganay na anak. In his mind, he will keep him for long time. Alam niyang malaki ang maitutulong nito sa MARGARITA. And he wants Engineer Saavedra's behaviour.

"Sorry for asking, Iho. It must be hard for you, so please accept my apologies," sensero niyang paghingi ng paumanhin pero mas humanga siya dahil wala siyang makitang galit sa mukha nito bagkus ay nakangiti pa itong sumagot.

"They are like that since I was a little boy, Sir. Kaya't nasanay na ako. May yaya po ako na siya ring ang tumayong ina at ama ko hanggang sa ngayon. Wala pong problema, Sir. Dahil tanggap ko ng hindi nila ako gusto dahil hindi ako sumunod sa kanilang yapak. Sir kailan po tayo aalis?" Nakangiti tumingin sa kaniya.

Labis-labis ang paghanga niya rito. Kahit bagong kakilala lamang niya ito. Deep inside of his heart's telling that this young man in front of him will achieve and fulfil his dreams by his own way.

"Kung handa ka na ay maari na tayong aalis bukas para makapagpaalam ka pa sa mga magulang mo or anyone that you wishes too. Kung may passport ka dalhin mo dahil minsan kung saan dadaong ang barko doon tayo umaakyat, minsan doon din bumababa. Don't worry iho you're safe now from those worries. Do your best and you will serve MARGARITA for long time." Nakangiti niya itong tinapik sa balikat. Nais niyang iparamdam dito na wala itong pagsisisihan sa pagsama sa MARGARITA team.

"Mga anong oras siguro, Sir? Pupuntahan ko pa ang rancho para makapagpaalam sa kanila baka magtatagalan na rin akong makabalik doon, Sir. Kung wala na pong oras ay tatawagan ko na lamang po sina Nana at Tata," masayang tugon ng binata. Damang-dama niya ang nais iparating ng Boss niya. 

Labis-labis ang pasasalamat niya dahil kahit naka-blocked listed siya sa karamihang kumpanya dahil sa kagagawan ng mga magulang niya. Naubusan ng slots sa HERRERA COMPANY, subalit mas higit pa roon ang ipinalit ng Diyos. Trabaho mismo ang lumapit sa kaniya. He became one of those marine engineers of prestigious international cruise ship, MARGARITA.

"Take your time, Iho. But make sure na nasa pier ka bukas ng hapon and bring all your needed things. Because as you have said earlier, matatagalan na ulit makadaong ang barko rito sa Manila. It will take years to come back here but as per as contract says, every two years, you can come home. Doon na lang tayo magkita total nandoon ang barko and we  will be headed to Australia," pahayag ni Clarence.

Hindi niya maunawaan ang sarili, may anak naman siyang lalaki upang sabihin sana niyang miss niya ang magkaroon ng anak na lalaki. He's so fond of him. Damang-dama niya ang sinseridad nito sa bawat binibitawang salita.

"Salamat, Sir. Sige po mauna na ako." Tumalikod na siya(Tommy) matapos makapagpasalamat sa amo niya. Ang taong magdadala sa kaniya sa MARGARITA.

Kaso sa kaniyang pagmamadali ay hindi niya napansin ang papasok ding dalagita. Huli na upang umiwas siya.

"Hey, you watch out!" malakas nitong sigaw.

Unang pagkakataon pa niya itong makita pero halatang anak ng Boss niya. Hindi naman niya ito masisi kung bakit sumigaw dahil kung hindi niya naagapan ay baka tumilapon ito. Kaya naman ay agad siyang humingi ng despensa lalo at namumula ang mukha nito dahil sa galit.

"Sorry, Miss, nagmamadali kasi ako. Hindi ko naman sinasadyang mabangga ka. I'm really sorry, Miss," hinging paumanhin niya. Kaso talagang galit ito, patunay lamang ang pamumula ng mukha nito. Ibubuka pa lamang nito ang labi upang sagutin siya kaso inunahan ito ng isa pang dalagita.

"Ikaw naman, kambal. Humingi na nga ng paumanhin ang tao. Look at him, mukhang nagsasabi ng totoo. And besides galing naman siya sa loob ng bahay," anito bago siya hinarap.

"Pagpasensiyahan mo na ang kambal ko, Kuya. Lumabas na naman ang pagka-dragona niya. Ikaw na lang Kuya ang bahalang magpasensiya sa,kaniya. Siya nga pala, Kuya, anong pangalan mo? Saka anong ginagawa mo rito sa bahay?" Binalingan siya nito saka sinunod-sunod ang tanong.

"Ah, kinausap ko si Boss Clarence. Ako pala si Tommy, Tommy Saavedra. Ikaw anong pangalan mo?" balik-tanong niya.

"Ah ganoon ba, Kuya. Ako pala si Mariz Kaye Mondragon at siya naman ang kambal kong si Cassandra Keith Mondragon. Tama, kami ang kambal ng mga Mondragon kaya't pagpasensiyahan mo na ang dragonang iyan," masaya nitong wika sabay lahad ng palad.

Tinanggap ng binata dahil ayaw niyang ma-offend ito pero ang mata'y pasimpleng nakamasid sa babaing nakabanggaan kaso mukhang kakain ito ng buhay sa uri ng pagtitig nito sa kaniya. Walang may gusto sa pagkabangga niya rito, humingi na rin siya ng paumanhin kaso 'di yata't abot hanggang sukdulan ang galit nito sa kaniya.

"Nice to meet you, Mariz, Cassandra. Nais ko man sanang makausap kayo ng matagalan kaso talagang nagmamadali ako. Ipagpaumanhin n'yo na kung iiwan ko na kayong dalawa. I'm going now." Nginitian niya ang dalawa bago tuluyang tumalikod. Nahagip niya sa sulok ng mga mata niya na ngumiti rin si Mariz kaso kulang na lamang ay mamatay siya sa talim ng pagtitig ni Cassandra. In his mind, baka wala sa mode ang dalagita kaya't masungit. Ganoon pa man ay inunawa na lamang niya ang reaksyun nito.

Hindi na rin niya(Tommy) hinintay na makasagot ang dalawa. Kailangan niyang makauwi sa rancho upang ihanda ang gamit niya. Wala namang problema sa mag-asawang katiwala dahil mapagkakatiwalaan naman sila. Simula't sapol ay sila na ang namahala roon kahit pa nandoon siya ay ang mag-asawa ang hinayaang mamahala. Subok na ang loyalty nila sa mga ninuno niya at sa kaniya. And besides they are his family.

"Sayang hindi na ako makapag-papaalam ng maayos kay Yaya. Alam ko namang mauunawaan niya ako kaso baka ilang taon na bago ko siya muling makita. I'll be missing her," bulong niya habang siya nasa daan.

Ang Yaya niyang tumayo bilang ama at ina niya. Simula noong nasa elementary, high school, hanggang sa kolehiyo. Ito ang gumanap sa tungkulin ng mga magulang niya. Ito rin ang nagparamdam sa kaniya ng pagmamahal, pagkalinga na dapat sana ay sa mismong magulang niya.

"Siguradong magsasaya sila oras na malaman nilang wala na ako sa bansa. Alam kong hindi nila gagalawin si Yaya kaya't sana huwag itong aalis sa kanila. Pagdating ng araw, in God's will. Babalikan ko siya at ililipat sa rancho. But for now, I need to go and prove them that they are wrong on what they have done to me." Napatigil siya sa pagkakaalala sa mga magulang na kailanman ay hindi naipadama sa kaniya ang salitang pagmamahal sa anak.

But after few minutes, he continued. He went home to his own ranch.

Samantalang hindi maipinta ang mukha ng ni Cassandra dahil kung kailan sila nakauwi'y saka pa siya nakabangga ng sinumang poncio pilato. Nakakainit ng balunbalunan eh! Humingi ito ng paumanhin pero talagang nagngingitngit ang kalooban niya rito. Hindi tuloy nalingid sa kaniyang ina ang kumukulong damdamin. Hindi naman kasi siya nakikipag-away kaya't maaring nagtataka ito sa inasal niya.

"Oh, iha, mukhang may kaaway ka? What's on that angry face?" nagtataka nitong tanong.

"May poncio pilato akong nakabanggaan diyan sa labas, Mommy. Galing naman dito pero bakit Boss ang tawag niya kay Daddy? Mukhang nawalan ng paningin, aba'y hindi tinitingnan ang dinaraanan." Napaismid siyang lumapit sa ina saka nagbigay-galing. Kaso inunahan ng kaniyang ama ang ina sa pagsagot sa tanong niya.

"Galing kamo rito sa bahay? Maputing lalaki na medyo alun-alun ang buhok?" tanong nito.

"Yes, Daddy. Narinig ko ang sinabi niya kay kambal Tommy Saavedra raw ang pangalan niya," labas sa ilong niyang sagot. Di yata't kilala rin ito ng Daddy niya.

Sa narinig ay napangiti siya(Clarence). Di yata't hindi maganda ang engkuwentro ng dalawa sa unang pagkakataon. Umaabot sa bunbunan ng dalaga niya ang galit. Samantalang ngingiti-ngiti lang ang kambal nito.

"Kung gano'n nakilala n'yo na pala ang bagong engineer ng MARGARITA. Tama, siya si Tommy Saavedra at isasama ko siya sa barko bukas. But I guess nagsimula kayo in awkward situations." Binalingan niya ang isa sa mga anak niyang babae. 

Hindi naman ito palengkera, o pala-away kaya nakapagtatakang hindi maganda ang mode nitong dumating. Samantalang silang mag-asawa ang sumusuway sa kambal sa pagkapilya nila. Kaso hindi pa ito nakasagot ay ang kambal nito ang nagsabi sa nangyari sa labas ng bahay.

"Parang gusto pa nga yatang lamuning buhay ni kambal si Kuya Tommy, Daddy. Humingi na nga siya paumanhin ang tao dahil sa aksidenteng pagkabanggaaan nila kaso mukhang may dalaw siya kaya't naging dragona na naman." Humahagikhik nitong pambubuko.

"Mag-aama nga kayong tatlo. Mga Mondragon kaya't kumagat ang apelyedo ninyo. Hala magsipalit na kayo ng damit." Napapailing na baling ni MaCon sa mga anak.

Mababait naman sila, kaso kapag nagagalit ay kumakagat ang apelyido nilang Mondragon. Lahat ng mga anak nila ay nagmana sa asawa niyang hot tempered. Hindi rin naman basta-basta nagagalit nang walang dahilan. Iyon nga lang ay talagang sasamain ang sinumang mapagbubuntunan ng galit. And besides she's the one who name him dragon dahil sa temper nito.

Hindi na sumagot ang kambal subalit bubulong-bulong pa rin si Cassandra. Halatang masama ang kalooban dahil sa nakabanggaan. Ganoon pa man ay nagsitungo sila sa kani-kanilang kuwarto. Metikulosa pa naman sila pagdating sa pananamit. Ang pambahay ay sa bahay lang, ganoon din ang mga damit sa pag-aaral, sa pamamasyal. Kaya't pagdating pa lang nila ay nagsisibihis na.

"So sad ang kuwento ng batang iyon, Honey. Kung tutuusin ay kahit hindi na siya magtrabaho'y mabubuhay ngunit gusto niyang ipakita sa mga magulang niya na kaya niyang abutin ang pangarap sa sariling sikap," wika ni Clarence ng wala na sa paningin nila ang kambal. Sigurado namang manggugulo lang sila kapag marinig ang mga binitawan niyang kataga.

"You trust him, Hon? I'm not saying na huwag mo siyang pagkatiwalaan kaso mukhang it's too early naman yata upang ibigay mo ang tiwalang iyan sa kanya?" tanong ni MaCon sa asawa.

Hindi naman sa ayaw niyang pagkatiwalaan nila ito kaso, mukhang napalapit agad ang kalooban ng asawa niya sa bagong engineer ng MARGARITA. Bihira pa naman itong magtiwala. Hindi nito basta-basta ipinagkakaloob sa ibang tao ang tiwala. Kahit pa sabihing nakakasalamuha nito araw-araw. Masuwerte nga ang mga nasa barko dahil nakuha nila ang tiwala nito.

"Yes, Honey. I do trust him, kahit ngayon ko lang siya nakilala. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang sensiridad niya sa bawat binibitawang salita. And besides ikinuwento niya sa akin ang buhay niya bagay na hindi nagagawa ng bagong magkakilala. Galing siya sa Herrera Company nag-apply kaso ang tatlong kaibigan lang daw niya ang nakapasok dahil limited naman ang slot ng trabaho. Maaring nauna ang mga kaibigan niya kaya hindi siya nakapasok doon dahil kung sa grade naman ang basehan ay qualified siya lalo at nagtapos siyang may parangal. Siya ang nakakuha sa excellence award. And again, agad niyang inamin kung ano ang estado niya sa mga magulang niya," pahayag ni Clarence.

Totoo naman kasi iyon. Because of his curiosity, he asked him about his record but he found out more than he wants to know. He is the son of the business tycoon, Felimon Saavedra and Chief Of Police Saavedra. Yet, he wanted to work in other company instead of bowing his head to his own father.

"Sabagay tama ka, Honey. Pero hindi na bale binigyan mo naman siya ng trabaho. Sana nga lang ay huwag siyang matulad sa iba na umaabuso sa katungkulan." Napatango na lamang si MaCon bilang pagsang-ayon sa asawa.

May doubts man siya lalo at ilang araw lang nila itong nakikilala pero ayaw din naman niyang dismayahin ang asawa. Kailangang suportahan niya ito lalo at paalis na naman. Sasampa na naman itong muli sa MARGARITA. Ang barko kung saan sila unang nagkakilala mahigit dalawang dekada na ang nakalipas.

"Yes, Honey. Dahil alam kong kaya niya ang trabaho bilang marine engineer and his grades prove it all. About trust? Alam kong mapagkakatiwalaan siya, My instinct says I can relay and trust him. My feelings never fails me, kaya't kahit bagong kakilala ko lang siya ay tinaggap ko. The sincerity of one person can never deceive. Well, kung ano man ang rason kung bakit ganoon ang turing sa kaniya ng mga magulang niya ay wala na tayong pakialam doon as long as magagampanan niya ang kaniyang trabaho. Two years from now magtatapos na rin si Brian Niel at maari ko na ring ipasa sa kaniya ang MARGARITA kaya't kunting tiis na lamang din sa kapaparoo't parito." Nakangiti niyang inakbayan ang asawa saka iginaya pabalik sa kabahayan.

Alam at ramdam niya(Clarence) na may doubts ito sa bago niyang engineer. Hindi lang nito magawa-gawang salungatin ang desisyon niya lalo at nangangailangan siya ng karagdagang tauhan sa MARGARITA. Tutulungan niya si Tommy sa abot ng makakaya niya upang makamit nito ang nais abutin. He feels that he can be trusted all the way. At hindi niya pinagsisihan ang pagtanggap niya rito.

"I trust you, Honey. Kaya't wala kang maririnig mula sa akin lalo at kitang-kita ko ang determinasyon mo upang tulungan siya. Let's go up in our room na para maisaayos na natin ang iba mong gamit. I'm pretty sure matatagalan ka na naman bago makauwing muli." Magkaakbay silang pumasok kaya't bahagya itong tumigil saka tumingala sa kaniya.

"Thank you, Honey. Let's trust him, I can foresight that he will love and stay as he will serve MARGARITA for so long," tugon niya rito saka h******n sa tungki ng ilong bago sila nagpatuloy sa pag-akyat upang ihanda ang mga gamit at dadalhin sa MARGARITA.

May mga padala pa naman ang pamilya ng ilang tauhan niya kaya't kailangan niyang ihanda ng maayos upang wala siyang makakalimutan. Nakakahiya naman sa mga ito. They did an effort for their love ones and it's shameless to neglect. Kaunting bagay lamang iyon kumpara sa pag-aalaga nila sa engine ng barko.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
55 Chapters
CHAPTER ONE
"Iho, would you mind if I'll ask you something personal? But it's okay if you won't answer it," ani Clarence sa binatang engineer. Hindi naman kasi siya sigurado pero malakas ang kutob niyang tama siya kaya nag-iisip siya kung bakit kailangan pa nitong mamasukan sa ibang kumpanya."Ang record ko po ba, Sir?" alam niya (Tommy) ang nais tukuyin ng butihing Ginoo kaya't inunahan na niya ito."Yes Iho, if you don't mind." Tumango ito bilang pagsang-ayun."Alam ko pong nagtataka ka, Sir, kung bakit kailangan kong mamasukan sa ibang kumpanya samantalang negosyante ang ama ko, chief of police ang ina ko. Ang gusto nila'y susunod ako sa yapak nila as my brothers does. Subalit hindi ako sumunod dahil paano ko makakamit ang pangarap ko sa buhay kung magpapamanipula ako sa gusto nila, Sir? They even hated me of that, ngunit hindi ako sumuko, Sir. Dahil simulat sapol ay maging engineer ang gusto ko that's the reason why I pursued my own dream as I walked alone my way. They even tried to blocked m
last updateLast Updated : 2022-12-14
Read more
CHAPTER TWO
"Tsk! Tsk! Bakit ba hindi mo na lang kalimutan ang nangyaring iyon kanina? Aba'y nakakapanibago naman yata ang ugali mong iyan. Baka naman crush mo siya?" paninita ni Mariz Kaye sa kambal. Lahat silang magkakapatid ay mayroong kuwarto. Kaso dahil parehas silang engineering students ay nasa iisang library silang dalawa. Nakabukod lamang ang study room ng Kuya nilang isa ring engineering student iyon nga lang ah marine engineering ito unlike them. Siya ay theatrical engineering dahil simula't sapol ay pangarap na niyang pamahalaan ang HERRERA THEATER.Ang kambal niyang natuluyang naging dragona sa araw na iyon ay flight engineering. Flight engineers are responsible for operating the systems in older airplanes. Before sophisticated computers, complex systems on airplanes such as the electrical, pneumatic, fuel, and hydraulic systems required specially trained operators. Ang rason ng mga magulang nila ay balang araw ito ang mamahala sa HERRERA AIRLINES. Kahit wala raw sumunod sa yapak ng
last updateLast Updated : 2022-12-14
Read more
CHAPTER THREE
"WOW!" Ang salitang tanging nanulas sa labi ng binata nang makaapak sa main deck ng MARGARITA. Alam niyang magagara ang mga cruise ship dahil mga bigating tao sa lipunan ang mga pasarehos kadalasan ng mga cruise ship pero ibang-iba ang MARGARITA para sa kanya. Para tuloy siyang nanonood sa television dahil sa nakikitang kagandahan ng barkong tinutuntungan niya."Oh, Iho, may problema ba? Hindi ka na naimik diyan ah. May masakit ba sa iyo ng sa ganoon ay maipatawag ko ang doctor," pukaw ni Clarence sa binatang natahimik. Naisip tuloy niya na baka nagbago ang isipan nito na imbes sasama sa kanya'y uuwi na."I'm sorry, Sir. Kung naumid ang dila ko, pero okay po ako. Sa kagandahan ng barko, Bossing, ay wala akong masabi. Kulang ang salitang maganda upang ilarawan ito. Hindi ko alam kung paano ko ilalarawan ang pakiramdam ko dahil sa wakas ay natupad na ang pangarap kong makapagtrabaho bilang marine engineer as what I've studied. Pasensiya ka na, Bossing, dahil talagang hindi ko po makuh
last updateLast Updated : 2022-12-14
Read more
CHAPTER FOUR
"Ang bilis din nang panahon, parang kailan lang ng unang araw ko rito sa barko pero ngayon dalawang taon na pala akong nandito. Hindi ko namalayan ang panahon," bulong niya habang nakatanaw sa papalubog na araw while he's standing infront of his cabin."Yeah, Bro. Dalawang taon ka na rito subalit kailan man ay hindi pa kita nakitang nakipag-usap sa mga kalahi ni Eva samantalang napakarami lounge. May nagmamay-ari na ba sa puso mo, Bro? O baka naman ako ang type mo?" Napalingon siya dahil sa tinig and only to found out na isa ito sa mga kasamahan niya."Tsk! Tsk! Okay na sana kaso dinagdagan mo pa. Hsssh, anong ikaw ang type ko? Tsk! Anong akala mo sa akin bakla? No way! May napupusuan na ako kaya't huwag kang maingay kung ayaw mong ihulog kita sa tubig. Ikaw ang kakainin ng mga sharks upang mas maging mataba sila bago mailagay sa tuna in can na paninda nila sa Pilipinas. Idinadalangin ko ring ikaw ang makabili dahil ikaw din ang mahilig sa tuna." Nakangisi niyang iniumang ang kamao. H
last updateLast Updated : 2022-12-14
Read more
CHAPTER FIVE
"Ilang taon na ang nakaraan simula umalis si Kuya Tommy, kumusta na kaya siya ngayon? Wala pa kaya siyang balak magbalik-bansa?" tanong ni Tan-Tan sa ina.Isang umaga na nadatnan niya itong naglilinis sa bahay ng young master nila. Kung tutuusin ay hindi ito marumi dahil wala namang gumagamit pero nakasanayan na rin nilang araw-arawin itong linisan. Ang dahilan nila ay hindi nila alam kung kailan ito darating. Kahit anong oras man na susulpot ito kagaya ng bigla nitong pagsulpot sa rancho ilang taon na ang nakaraan ay malinis ang kabahayan."Tama ka, anak. Isang taon pa ang bubuuin mo sa iyong pag-aaral, tangi kong dasal ay makauwi siya bago ka matapos. Kami ang magulang mo pero siya ang gusto naming kasama mo sa entablado. Kahit sa ganitong paraan man lang ay makabawi tayo sa kaniya," tugon naman ni Aling Tina."Opo 'Nay, alam kong matutuwa siya kapag malaman niyang malapit na akong magtapos. Ano pala ang balita sa Yaya ni Kuya?" muli ay tanong ni Tan-Tan."Bukod sa tumanda na rin ay
last updateLast Updated : 2022-12-14
Read more
Chapter Six
"Ano ba, kambal! Sasama ka ba o hindi?!" malakas na tawag ni Cassandra sa kambal niya.Sumubra naman yata ito sa pagkamahinhin sa araw na iyon. Dinaig pa ang alaga nitong pusa na naglilihi. Halos hindi na makagalaw! Mamatay yata ang langgam na maaapakan!"Why you're screaming out loud, young lady? Aba'y hindi naman kayo nag-aaway ng kapatid mo sa pagkakaalam ko," paninita tuloy ni MaCon."Sorry naman po, Mommy. After almost four years na hindi umuwi si Kuya, tapos ngayong nandito na..." nakangusong sagot ng dalaga.Excited lang naman siyang muling makita at makasama ang panganay nilang kapatid. Mahigit tatlong taon na simula ng ipinasa ng kanilang ama ang pamamahala sa MARGARITA, ganoon na rin katagal na hindi ito umuwi. Naging busy din naman kasi silang magkambal sa kanilang pag-aaral kaya't hindi sila nakasama noong nagtungo ang mga magulang nila."Nauumawaan naman kita, anak. Dahil kami rin ng Mommy mo ay sabik ding makita ang Kuya ninyo. Ganoon pa man, dahan-dahan lang. Mamaya niy
last updateLast Updated : 2023-01-03
Read more
Chapter Seven
"Bakit ba ang init ng dugo mo kay Engineer Saavedra?" tanong ni Mariz habang nasa daan sila pauwi."Tsk! Eh, paano sa tuwing nagsasangga ang landas nami'y puro na lamang banggaan. Hindi ba kamalasan ang tawag doon?" Napaismid siya dahil sa tinuran ng kambal."Kaya nga sinabi kong accidentally, twin sister. He accidentally bumped at you. No, I'm wrong. You and him accidentally bumped to each other, that's the right words to say. Oh...baka naman..." pabitin pa nitong wika.Kaya naman ay hinarap niya ito. Magkatabi lang naman sila sa back seat dahil ang marino nilang kapatid ay nasa harapan. Katabi ng driver, ang tagamaneho ng abuelo nila na nagrereklamo na wala raw ginagawa kaya't kahit sino sa pamilya nila ay tinatawag ito. Iyon ay kung may deperensiya ang mga sasakyan nila dahil lahat sila ay may wheels."Kapag ako ang mainis sa iyong babae ka ay ipapaiwan kita kay Manong sa tabi. Kumpletuhin mo ang sinasabi kung gusto mong makauwi ngayong gabi." Napahalukipkip siyang humarap dito. Ka
last updateLast Updated : 2023-01-03
Read more
Chapter Eight
Sa kabilang banda, hindi mawala-wala ang ngiting nakabalot sa mukha ng opisyal na si Rodney Guerrero. Dahil bukod sa isa siya sa mga kandidato for promotion ay nakapasa din ng walang aberya ang kapatid niya. May tiwala naman siya rito kaso minsan palpak din dahil spoiled ito sa kanya. Ito ang bagay na hindi nagagawa ng mga magulang nila bagkus ay puro sermon ang naririnig nilang magkapatid. Kahit hanggang sa kasalukuyan na isa na siyang opisyal sa militar ay nakakarinig pa rin siya ng sermon mula sa kanilang ina."Kuya, malalim na ang gabi pero mukhang nauuna ang dreaming kaysa matulog?" Kalabit ni Imelda sa kapatid. Kaso nababantutan siya sa buong pangalan niya kaya't pinauso ang Imie. Hindi pa nga ito natutulog kaso mukhang nananaginip na."Ikaw nga itong gising pa, Aling Imelda. Aba'y hindi mo pa ako inililibre kahit isang burger man lang sana simula nang pumasa ka sa board examination ah." Nakangisi namang pang-aasar ng binata."Heh! Grave offense iyan, Kuya. Una, tinawag mo akong
last updateLast Updated : 2023-01-03
Read more
Chapter Nine
Sa uri ng trabaho niya (Tommy) sa barko ay nasanay siyang tulog manok lang ang pagtulog kahit pa sabihing may kanya-kanya silang cabin. Natutulog sila ng maayos pero para sa kaniya ay mababaw lang ang tulog niya. Madali siyang magising kahit kaunting kaluskos lang. Maaga siyang nagigising sa barko hindi upang maiwasan ang mahuli sa trabaho dahil maari naman silang papasok anumang oras basta ang mahalaga'y may naiiwang tao sa main monitor ng barko. He's on his vacation and supposedly nag-eenjoy siya, maaring matulog kahit tanghali kaso bago pa man mabulabog ang mag-asawang katiwala'y gising na siya at dinig na dinig niya ang usapan ng mga ito, kung paano nababahala ang Ginang, kung paano nito pinapahalagaan ang seguridad ng rancho na iniwan niya sa pangangalaga nila mahigit anim na taon ang nakalipas n"Hindi pa rin sila nagbabago. Alam ko namang walang ibang makakapasok dito ng walang bakas. Ako lang naman ang bukod tanging nakakalabas-masok dito dahil nasa akin ang access code, ako l
last updateLast Updated : 2023-01-03
Read more
Chapter Ten
"Parang namukhaan ko ang kaibigan natin noong isang araw mga 'Tol," wika ni Samson. Isang gabi na magkakasama sila."Ha? Saan, Pare? Nilapitan mo ba?" sa narinig ay sunod-sunod ang tanong ni Anjo."Huh! Kako namukhaan ko 'Tol. How I wish na nalapitan ko." Nakailing siyan humarap dito.Anim na taon na ang nakalipas, ganoon katagal na rin na hindi nila nakasama, nakausap ang kaibigan nila. Nakahiyaan din naman nila itong itanong sa amo nito lalo na ng ipinasa sa batang Mondragon ang barko."Seriously speaking mga 'Tol, kumusta na kaya siya?" aniyang muli."Bakit ngayon lang natin naisip ang rancho? Tama! Kung nabanggit mo lang sana dati iyan ay baka may nalaman tayo tungkol sa kaniya. Ano kaya kung puntahan natin sila sa rancho?" wika naman ni Romy.Kaso napailing ang dalawa. Salungat sila sa usapang rancho. Kabilin-bilinan ng kaibigan nila na pakaingatan din nila ang rancho. Hindi sila bawal dumalaw pero siguraduhing walang matang nakasunod."Kung noon pa sana iyan 'Tol Romy, baka ora
last updateLast Updated : 2023-01-03
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status