RIGHTFUL HEIR OF A BILLIONAIRE 의 모든 챕터: 챕터 41 - 챕터 50
55 챕터
Chapter Forty One
"Hey man, anong problema mo? Bakit mukha kang naengkanto riyan? Ano ba ang pinakakatitigan mo at kulang na lamang ay mabali ang leeg mo?" bakas ang pagtataka na tanong ni Samson sa kaibigan.May tinatanaw ito na hindi nila napansin kaya't hindi siya nakatiis at tinanong niya ito. Kaso gusto niya itong batukan dahil ibinalik lamang tanong niya."Hindi ba't si Tan-Tan iyun?" bagkus ay balik-tanong nito na mas nagpaisip sa kanila ni Anjo."Umayos ka nga riyan 'Tol. Tsk! Tsk---wait lang mga Bro. Tama! Siya iyong binatilyong anak ng katiwala ni Pareng Tommy na nadatnan natin noon sa rancho. Pero anong---" Pautal-utal na nga ay hindi na rin natapos ni Anjo ang pananalita dahil agad itong ikinubli ng dalawa dahil napalingon sa kinaroroonan nila ang mga abductors ni Tan-Tan.Hinayaan nilang nakalayo kunti ang mga ito bago muling lumabas sa pinagtataguan. Ganoon pa man ay hindi nila hinayaang nawala sila sa kanilang paningin. Kailangan nilang mabawi ang tauhan ng kaibigan nila. Kahit sa gano
더 보기
Chapter Forty Two
"Mga inutil! Nag-iisang lalaki pero natakasan pa kayong mga hayop kayo! Anong silbi ng perang ibinabayad namin sa inyo kung hindi ninyo magawa ng maayos ang trabaho ninyo?!" animo'y kulog sa lakas na sabi ni San sa mga inutusang sundan at dukutin ang lalaking kasa-kasama ng kapatid niya noong nasa bansa pa ito kaso ang mga palpak na tauhan ng ama'y natakasan pa."Ipagpaumanhin mo na, Boss. Huwag kang mag-alala dahil babalikan namin sa unibersidad na pinapasukan. Sa susunod ay kailangan na namin siyang mapagtagumpayang dukutin," sagot ng isa."Nadukot naman natin, Bro. Iyon nga lang ay may mga aninong biglang sumulpot at bumawi sa kaniya. Mabuti sana kung namukhaan natin upang malaman kung sino-sino ang hahabulin natin," saad ng isa.Kaya naman agad napaling ang binata rito. Di yata't may hindi sinasabi ang mga ito sa kaniya."Anong sinabi mo? Anino? Nakakahablot ba ang mga anino? Ipaliwanag n'yo ng maayos kung ayaw ninyong samain sa akin!" muli ay sigaw niya."Totoo iyon, Boss San. Na
더 보기
Chapter Forty Three
Sa paglipas ng mga araw. Mas iginupo na ng sakit si Roodney. Sa mga nakaraang araw ay nakakalabas pa siya sa garden nila sa likod upang magpaaraw. Ngunit ilang araw na rin itong hindi lumalabas dahil hindi na kaya ng katawan. Binubuksan na lamang nila ang bintana nito upang makapasok ang hangin at araw."Nandiyan ang kasintahan mo, anak. Hindi mo ba siya haharapin?" pukaw ni Mrs Guerrero sa anak na nakatingin sa malayo. Halatang malalim ang iniisip."Papasukin mo, Mama. Noong isang araw ko pa pinag-iisipang harapin siya ngunit wala akong lakas ng loob. Sa tuwing naiisip ko ang hirap na dadanasin niya kapag wala na ako ay pinaghihinaan ako. Kako, hindi ko naman kasalanang kung bakit kailangan kong lisanin ang mundo ng mas maaga. Pero alam mo ba, Mama? Siya ang nagpahaba sa buhay ko." Dahan-dahan siyang humarap sa ina.Kaso hindi lamang ang ina niya ang nabalingan dahil nandoon na ang kasintahan niyang inabanduna niya ng ilang linggo. Wala pa naman kasing nagpapasok kaya't nagulat siya
더 보기
Chapter Forty Four
"Tarantado ka talaga, San! Puro ka na lang kapalpakan! Pati ba naman ang taong iyon hindi n'yo mapagtagumpayang dukutin?!" malakas na sabi ni Don Felimon."May tumulong nga raw po, Daddy---""Shut up! Just wait to your mother to come! Ipinagtatanggol kita sa kaniya dahil umaasa akong may magagawa ka ngunit ewan ko sa iyo. Kaya ang Mommy mo ang hintayin mo. Sa kaniya ka magpaliwanag!" muli niyang sigaw sa anak.Wala na yata silang ipinagawa rito na nagtagumpay ito. Puro na lamang kapalpakan ang report nito. Pang-ilang beses na ba nilang pinamatyagan ang bubwit na pag-asa sana nila sa pagtrace kung saan itinatago ng bunso nilang anak sa mga titulo. Kaso inumaga na sa labas ay wala rin pala itong napala. Nakakainit sa ulo!"Pasensiya na po, Daddy. Hindi na bale dahil nangako naman silang gagawin nila ang lahat upang mapagtagumpayang mahuli ang bubwit na iyon." Kakamot-kamot si San sa ulo.Alam naman niyang kinakampihan siya ng ama dahil may kailangan ito, sila ng Mommy niya. Ngunit anong
더 보기
Chapter Forty Five
"Kumusta kaya ang lakad ng anak natin, Andong?" tanong ni Aling Tina sa asawa.Nasa manggahan sila ng oras na iyon. Kasalukuyan silang namamahinga kasama ang mga kapwa manggagawa ng rancho. Oras ng meryenda nila kaso halos hindi nila magalaw na pagkaing nasa harapan nila. Naiisip nila kasi ang kalagayan ng anak nilang nasa siyudad upang magpatulong sa Boss ng kanilang young master."Sa oras na ito ay nasa siyudad na iyon, Tina. Baka nasa tahanan na siya ng mga Mondragon. May tiwala naman ako sa kanila kaya't alam kong magiging okay ang lakad niya. Ang Yaya ni Sir Tommy, wala pa rin bang balita sa kaniya?" tugon at tanong ng Ginoo."Iyan na nga, Andong. Masyado kasi siyang loyal sa mga magulang ni Sir Tommy. May tiwala ako sa kaniya, alam kong hindi niya ipagkakanulo ang alaga niya ngunit ang kaligtasan naman niya ang maaring malagay sa panganib." Napabuntunghininga tuloy siya dahil sa kaisipang maaring malagay sa panganib ang Yaya ng amo nila.Alam nilang hindi Yaya ang turing nito sa
더 보기
Chapter Forty Six
"Anong oras na, Mama?" nahihirapan man ngunit nagawa pa ring itanong ni Roodney kung ano ang oras."Hapon na, anak. Baka mamaya kunti ay narito na ang kasintahan mo. Bakit, anak? May gusto kang kainin?" balik-tanong ng Ginang.Ngunit alam niyang hindi na iyon magagawa ng binata. Ang buhay nito simula naisapubliko ang tunay na kalagayan ay mas humaba. Paminsan-minsan ding dumadalaw ang magulang ni Cassandra. Ang mga tauhan nito ay walang palya ss pagbisita. Mahigit anim na buwan din itong nakibaka sa taning ng buhay. Kaso sa hapong iyon ay ibang mukha ang nakikita niya rito. Buto't balat na ito ngunit hindi maipagkakaila ang aliwalas sa mukha nito."Sana kunin na ako ni Lord bago pa siya darting. Matagal ko ng tinanggap ang kalagayan ko, Mama. Ngunit sa tuwing naiisip ko ang lungkot niya kapag wala na ako ay gusto kong tatakas upang hindi ko makita ang luha niya." Nakasandal naman kasi siya sa higaan niya kaya't malaya siyang napapatingin sa pintuan. Subalit mahirap na para sa kaniya a
더 보기
Chapter Forty Seven
"Anong nalaman mo, San? Kalahating taon na ang nakalipas ngunit wala ka pa ring nagagawa upang alamin kung nasaan ang mga dokumento? Aba naman, San. Wala na ba talaga kaming pag-asa ng Daddy mo sa iyo?" hindi matukoy kung galit ba o ano na tanong ni Mrs Saavedra sa pangalawang anak."Mas naging maagap siya sa inaakala ko, Mommy. Wala na akong ibang masabi," nakatungong tugon ni San.Hindi naman sa wala siyang masabi ngunit nagsasawa na rin siya sa kakahanap ng paraan upang masiyahan ang magulang. Pinasok na rin niya ang mundo ng druga ngunit ito ay lingid sa kaalaman ng ina. Malupit ito sa kanilang magkakapatid, kinonsente sila ng yumao niyang Kuya Gil. Ngunit kailanman ay hindi ito konsintedor sa druga. Kumapit siya sa patalim para rin may pantustos siya bisyo dahil simula umalis at bumalik ng barko ang mortal nilang kaaway ay unti-unting nag-freezed ang income ng kabuhayan nila. Dahil dito ay naging mahigpit din ang ama niya sa pera. Mas naging eager naman ang ina sa paghahanap ng p
더 보기
Chapter Forty Eight
"Kailangan mo ba talagang babalik sa mansion, Nena?" tanong ni Aling Tina sa may edad ng Yaya ng mga Saavedra."Ok, Tina. Kailangang makabalik ako upang maiwasan ang pag-iisip nila laban sa inyo. Tama, napapaligiran ang buong rancho ng private armies pero huwag n'yo ring kalimutang tuso si Ma'am Sandra. Alam kong pinapaikot lamang niya si Sir kaya't naging sunod-sunuran ito. At oras na hindi ako babalik ngayon ay parang kinumpirma ko na nasa akin ang susi sa problema nila. Ayaw kong mangyari iyon, Tina. Wala sa bansa ang alaga ko kaya't hindi maaaring mabunyag ang lahat habang wala siya," paliwanag ng Yaya."Iyon na nga, Nena. Sa katusuhan nila ay baka kakalimutan na rin nila ang katutuhanan mahigit kuwarenta na taon ka sa kanila. Natatakot akong mapahamak ka, Nena." Napabuntunghininga siya dahil sa takot. Ayun sa anak niya ay binilinan ito ng amo nila na kumbinsihin nila ang Yaya nito upang huwag ng babalik sa mansion. Ngunit sa nakikita niya ay malabong papayag ito. Hindi lang kata
더 보기
Chapter Forty Nine
"Hey! Watch out!" malakas niyang sabi dahil sa pagkabangga ng isang babae sa kaniya.Kung hindi pa niya ito naagapan ay parehas silang tumilapon. Baka nahulog pa sila sa karagatan kung walang railings. Pero sino ba kasi ito at paharang-harang sa dinaraanan niya samantalang nasa staff deck siya. Mga staff and engineers lamang ang maaring makatuntong sa bahaging iyon ng barko. Ngunit anong ginagawa ng babaing iyon doon?"I-im sorry, Sir. I-im lost." Nakatungo nitong paghingi ng paumanhin.Galit siya dahil sa pagkagulat ngunit ang paghingi nito ng paumanhin ay sapat na. Hindi naman siya ganoon kaipokrito lalo at may kasalanan din siya. Napalalim ang pag-iisip niya samantalang nasa daan siya."It's okay, Miss. But what are you doing in this side of the deck? Hindi mo ba alam na private part ito. Huwag mo ng ulitin ang pagpunta rito dahil baka iba ang makakita sa iyo," tugon niya."W-what are talking about? I don't get it," bakas sa mukha nito ang pagtataka.Kaya naman naisip niyang hindi
더 보기
Chapter Fifty
MARGARITAKahit anong gawin ni Tommy ay hindi siya makatulog. Napapagdesisyunan niyang magpahangin kahit sa tapat lang ng cabin niya. Kaso paglabas niya ay sakto namang bumukas ang kabilang cabin. Kahit pa sabihing may pagitan ito mula sa kinaroroonan niya ay kitang-kita niya iyon."Kailan pa nila pinahintulutang may mamasyal sa bahaging ito ng barko lalo sa ganitong oras? Kaninang umaga ay ang Australian ang naligaw, sino naman kaya sa ganitong oras?" tanong niya sa sarili.Para sa kanilang mga engineers naman kasi ang deck na iyon. Gusto pa nga ng Boss niya na ilipat ang cabin niya dahil isa raw siyang right hand man ngunit mahigpit niyang tinutulan. Ang rason niya ay pare-parehas naman silang engineers, nagtatrabaho ng maayos kaya hindi na niya kailangan ang special treatment. Ang pinakadulo ay ang cabin ng co-captain ng Boss nila ngunit siya na ang co-captain ng Boss iyon nga lang ay right hand man ang tawag nila sa kaniya. Ang sampung cabin na magkakaharap ay para sa kanilang mga
더 보기
이전
123456
DMCA.com Protection Status