Semua Bab My Sweet Karma: Bab 21 - Bab 30
49 Bab
Chapter 20
DANLULUGO LUGO akong bumalik sa kotse ko. Sandali akong nakatitig lang sa kawalan. Sinuklay ko ng daliri ang buhok at inis na hinampas ng kamao ang manibela. Hindi mawala sa isip ko ang galit na mukha ni Maggie. Inis at galit sya sa akin dahil sa kagaguhang ginawa ko kanina. Totoo naman ang sinabi nya eh. Sinundan ko talaga sila. At parang mababaliw ako kanina ng pumasok sila sa loob ng sinehan. Maraming nangyayari sa loob ng sinehan. Baka mamaya kung ano ang ginagawa nila. Pero hindi naman yun gawain ni Maggie. Ako lang talaga ang praning. At hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Sobrang nagseselos ako na magkasama sila ng Anthony na yun. Lagi naman akong nagseselos eh kapag may kausap lang syang iba. Naiinsecure ako kasi mas bata sila at mas bagay sa kanya. Shit ka naman kasi Dan! Nagkagusto ka sa babaeng halos kalahati ng edad mo at ngayon pinagmukha mo pang engot ang sarili mo sa harap nya. Sermon ko sa sarili. Niyukyok ko ang ulo sa ma
Baca selengkapnya
Chapter 21
MAGGIENAMANGHA AKO pagdating ko sa pool area sa bandang likod ng bahay. Puro lobo ang gilid ng pool at may mga nakalutang na salbabida na iba iba ang kulay. Nasa pavillion naman ang mga handang pagkain at malaking cake. May palechon pa at ihaw ihaw. Meron ding videoke, wine at mga light beer. Ang mga kaklase ko ay nagkakahiyaan pa pero bakas sa kanilang mukha ang pagkamangha. "Nagustuhan mo ba?" Nakangiting tanong sa akin ni ate Mikay. Nasa tabi nya si kuya Austin na nakangiti din karga si baby Adelline na may hawak na lobo. Nasa likod naman si ate Jing at ang dalawang kasambahay kasama ang driver na si kuya Sitong. Lahat sila ay may ngiti at parang hinihintay ang husga ko. Malamang ay nagtulong tulong sila na magawa ito. "Akala ko ba ate simple lang." Sabi ko. Sa totoo lang ay nalulula ako. Noong eighteen birthday ko simple lang ang ganap pero masaya. Nasa probinsya pa ako noon. Nagkatay si nanay ng ilang manok at niluto. Naglechon pa sila ng baboy at pinagsaluhan namin kasama ang
Baca selengkapnya
Chapter 22
MAGGIETWO YEARS LATER.. "TITA GANDA AKO." Sabi ng magaapat na taong gulang kong pamangkin na si Adelline suot ang pang kinder na uniform nya. Dress ang style nito na kulay skyblue na stripe, may blouse na puti sa loob at may ribbon necktie. Malapit na kasi syang mag school. "Ganda ah, pero mas maganda si tita." Nakangising sabi ko. Pero totoo namang maganda sya. Gwapo at maganda ang daddy at mommy nya eh. Bagay sa kanya ang uniform. Mukha syang anghel. Anghel na makulit. "Di kaya! Mas maganda ako." Sabi nya at nagbeautiful eyes. "Mas maganda pala ha, hindi tayo magjajabi." Sabi ko sa kanya. "Joke lang! Syempre mas maganda si tita sunod ako." Biglang kabig nya. Sus! Basta talaga jabi ang bumilis bumawi eh. Hinila ko sya at pinanggigilan. Ang lusog lusog nya halatang mahilig sa pagkain. Ang sabi ni tatay parang ako daw sya noong kasing edad nya ako. Keri na. Cute naman sya. Tawa sya ng tawa at tili ng tili ng pagkikilitiin ko sa tiyan. Lumapit naman si Danie at tumatahol na naki
Baca selengkapnya
Chapter 23
DAN"HO!" SIGAW ko at tinapik ng paa ang tagiliran ng kabayong lulan ko na si Black Jack. Isang black Andalusian horse ang uri nito at na binili ko pa sa Spain sa halagang kulang kulang limang milyong piso. Mabuti nga at unti unti na itong nasasanay sa kapaligiran nito. Nakatulong ang palagian kong pagikot nito dito sa buong hacienda.Bumaba na ako dito at tinapik tapik ang malapad na likod nito. "Good boy." Tinanggal ko na ang tali at hinayaan syang magpagala gala at manginain ng damo kasama ng iba pang kabayo. May mga tauhan naman na nakabantay sa paligid. "Magandang umaga ho ser Dan." Masiglang bati ni Mang Badong na isa sa katiwala namin dito sa hacienda. "Magandang umaga din." Balik bati ko sa kanya. "Nakausap nyo na ba si lolo?" "Oho, katatapos lang naming mag usap. Dumating po si ma'am Camilla kausap po ngayon ng señor." Napakunot ang noo ko sa sinabi nya. Tinanguan ko na lang si Mang Badong at pumasok na sa loob ng mansion. Nakita ko pa ang nakaparadang pink na mini cooper
Baca selengkapnya
Chapter 24
CAMILLA PAREHAS KAMING nanlumo at napasimangot ni mommy ng makitang five hundred thousand lang ang dumating sa account namin para sa buwang ito. Ang isang milyon na allowance namin buwan buwan ngayon ay kalahati na lang. "Bakit ito lang?" Angal ni mommy sa teller. Mabait naman itong ngumiti. "Ma'am yan lang po talaga ang dumating sa account nyo." "Sigurado ka miss? Baka naman nagkamali lang kayo. Dapat isang milyon yan hindi kalahating milyon. Check mo nga!" Inis na ring sabi ko. Agad naman itong tumalima at nagpipindot ng kung ano ano sa computer. Pakiramdam ko ay pagpapawisan na ako sa inis kahit na ba sobrang lamig dito sa loob ng bangko. "I'm sorry ma'am pero yun lang po talaga ang amount na pumasok." Nakangiwi ng sabi ng teller. Marahas kaming bumuntong hininga ni mommy sa inis. "Anak ng, ano naman ang mararating ng five hundred thousand? Kulang na kulang yan sa amin ng anak ko." Pagbubunganga ni mommy. Pinagtinginan naman kami ng mga taong naroon pero wala kaming pakiala
Baca selengkapnya
Chapter 25
MAGGIEUMIKOT IKOT ako sa harapan ng salamin at tinitingnan ang sarili. Suot ko ang isang halter bodycon dress na kulay maroon na hanggang tuhod. Pinaresan ko ito ng silver na ankle strap na apat na pulgada ang taas ng takong. Litaw litaw ang kaputian ng balat ko dahil sa kulay ng bestida. Tinali ko ng paponytail ang mahaba kong buhok at naglagay ng simpleng make up lang. Ng makuntento na ako sa hitsura ko ay kinuha ko na ang sling bag at sinukbit. Baka nasa baba na sila ate at hinihintay ako. Hindi nga ako nagkamali nasa baba na sila ni kuya Austin at bihis na bihis na. Kasama din si Adelline na hindi rin nagpakabog sa mommy nya sa bihis nya. Nakadress sya ng pink at nakahairband na may pink din na ribbon. Si ate Mikay naman ay mukhang dalagang dalaga sa suot nyang nude na dress na medyo hapit din sa kanyang katawan. Hindi nga halatang may anak sya eh. At syempre si kuya Austin gwapong gwapo din sa kanyang formal attire. "Wow! Ganda tita ah!" Bati at puri sa akin ni Adelline. "Bag
Baca selengkapnya
Chapter 26
Dan NAPALUNOK AKO habang nakatitig sa maganda nyang mukha. Ngayong nasa harapan ko na sya parang naumid naman ang dila ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko, nakakabingi. Naninigas din ang katawan ko. Tangna! Bakit ba ganito ang epekto sa akin ng babaeng to. "Iniiwasan mo ba ako manong?" Mataray na tanong nya. "H-Ha? I-Iniiwasan? Oo -- I mean hindi! Hindi kita iniiwasan!" Nauutal pa ring sabi ko. Lalong tumaas ang kilay nya at nanghaba ang nguso. Shit! Ang ganda nya! "Talaga lang ha? Eh bakit ka nagmamadaling umalis kanina nung makita mo ko?" "Ha? Nakita ba kita? Ngayon lang kita nakita. Nakita mo naman nagulat ako. Saka nagmamadali ako kasi ihing ihi na ko." Palusot ko. "Sinunaling! Huling huli ka na nagdedeny ka pa." Sabay irap nya sa akin ng matalim. Nakita ko ang pagguhit ng lungkot sa mata nya. Naguilty naman ako. Bumuntong hininga ako. "Oo na, sinungaling na ako." Muli syang tumingin sa akin na nakataas pa rin ang isang kilay. "So inaamin mong iniiwasan mo ko?" Hindi ako s
Baca selengkapnya
Chapter 27
Dan NAGSALUBONG ANG kilay ko ng pagpasok ko sa loob ng bahay ni Austin ay naabutan ko ang mga kaibigan ko kasama ang mga asawa nila. Kaya pala ang daming sasakyan sa labas at mga pamilyar sa akin. Lahat sila ay napatingin sa akin. Nagngisihan pa ang apat ng makita ang hawak kong malaking bouquet ng red roses at malaking teddy bear. Prente silang mga nakaupo sa sofa katabi ang mga asawa at may mga hawak pang beer in can. "Anong ginagawa nyo dito?" Kunot noong tanong ko sa kanila. "Manonood." Nakangising sagot ni Lex na katabi ang asawang si Ciella na nginitian naman ako. "Manonood ng ano?" "Ano pa? Eh di ng panliligaw mo." Sabat naman ni Seb. Siniko sya ng asawa nyang si Thea. "Galingan mo ha, siguraduhin mong matutuwa kami." Hirit pa ni Pierre sabay taas ng hawak na beer in can."Good luck Dan." Pagchicheer pa sa akin ni Nika.Kunot noong nilingon ko naman si Austin na ngingisi ngisi din katabi si Mika na seryoso naman ang mukhang nakatingin sa akin. Bigla tuloy akong nailang s
Baca selengkapnya
Chapter 28
MAGGIE"WOW! ANG laki ng mga teddy bear." Nanlalaki ang matang bulalas ni Adelline pagpasok nya sa kwarto ko kasunod si Danie na nagtatakbo. Naglilinis kasi ako ng kwarto at problema ko ngayon ang tatlong life size teddy bear na kulay krema, brown at pink na bigay sa akin ni manong. Apat nga yan eh, pinauwi ko lang sa kanya yung isa na kulay pula dahil wala ng paglalagyan dito sa kwarto ko. Hindi naman ako mahilig sa teddy bear. Pero syempre dahil bigay nya ang mga ito iniingatan ko. Yun nga lang masikip na dito sa kwarto ko. Sinabihan ko sya na last na yung kulay pulang teddy bear na binigay nya. Mahigit isang linggo na syang nanliligaw sa akin. Talagang gabi gabi sya pumupunta dito sa bahay at kung ano ano ang dala. Minsan pagkain, yung mga paborito ko. Mas gusto ko pa nga yun mga pagkain ang dala nya. Nakita kong dinaganan na ni Adelline ang isang kulay brown na teddy bear na may ribbon na pula sa leeg. Niyakap yakap pa nya ito. Natawa na lang ako. Ganyan din ang ginawa ko noong
Baca selengkapnya
Chapter 29
MAGGIE "MAG IINGAT KAYO sa byahe." Bilin sa amin ni ate Mikay. Si kuya Austin naman ay nilalagay sa likod ng sasakyan ni Dan ang mga pasalubong para kay tatay at nanay. Pupunta kami ngayon sa Isabela. Si Dan lang dapat pero sasabay na ako. Namimiss ko na rin kasi sila tatay at nanay. Tutal weekend naman. Ngayong byernes ng gabi kami aalis para kinaumagahan nasa Isabela na kami. "Ingatan mo si hipag ha." Bilin din ni kuya Austin kay Dan."Oo akong bahala." Sagot naman ni Dan. "Ikamusta mo na lang kami kay tatay at nanay bunso. Tumawag din kayo kapag nandun na kayo." Dagdag bilin pa ni ate. "Oo ate." "Tita ganda, ninong pogi pasalubong ko po ha." Ungot naman ni Adelline na nakapantulog na at buhat si Danie."Pasasalubungan ka namin ng buhay na manok." Sabi ko at inadjust ang strap ng body bag na nakasukbit na sa katawan ko."Ih, yoko nun. Gusto ko ng baby." Sumimangot ako. Hindi pa rin nya nakakalimutan ang tungkol sa baby. "Kay daddy at mommy mo na lang ikaw humingi ng baby." Sa
Baca selengkapnya
Sebelumnya
12345
DMCA.com Protection Status