All Chapters of Sebastian Mercedes (Wild Men Series #35): Chapter 11 - Chapter 14
14 Chapters
Chapter 11
“Akala ko ba matagal na siyang patay?! Eh ano ‘yon?!” galit na tanong ni Jose Cruz. Kababalik lang ng kaniyang anak mula sa paghatid kay Seb sa labas. Hindi pa rin siya makapaniwala na nakita niya muli ang nag-iisang taong nakaligtas sa ginawa nila sa mga Mercedes pitong taon na ang nakalilipas. “That’s what I thought, Dad. Don’t worry. Aalamin ko kung ano ang nangyari.” “That’s what you thought? Alam mo kung bakit tayo minamalas ngayon? Dahil masyado kang kampante palagi! Sinabi ko na sa ‘yo noon na siguraduhin mong mawawala na ‘yan sa buhay natin. Pero ano? Andiyan na naman siya! Who knows what he wants to us?!” Napatungo na si Lucio. “I’m doing my best, Dad,” mahina niyang sabi. Noong magawa nilang mapatumba ang mga Mercedes noon ay palagi siyang puring-puri ng ama. Ngunit noong muling bumalik si Seb sa kanila limang taon na ang nakalilipas ay palagi na nitong nakikita ang mga mali niya. Sa tuwing may hindi magandang nangyayari ay siya ang sinisisi nito. Na labis na nakakaapekto
Read more
Chapter 12
“Kumusta?” tanong ni Seb mula sa kaniyang kausap sa kabilang linya.“Nagawa na namin, boss. Nakuha na namin ang pinaka malaking pasugalan nila,” tugon ng kaniyang kanang kamay na si Jerald.Napangiti si Seb. “Good. Kuhain niyo lahat hanggang sa wala nang matira sa kanila.” Pinatay na niya ang tawag at tinapon ang cellphone sa kama. Lumapit siya sa mini-bar niya at nagsalin ng alak. Saka naupo sa isang malaking upuan.Huminga nang malalim si Seb. Una niyang naisip ay si Pamela. Malaki ang paniniwala na may hindi magandang ginagawa si Lucio sa dating nobya. Naikuyom niya ang kaniyang mga palad.“Magbabayad ka, Lucio. Sisiguraduhin kong ibabalik ko lahat ng mga ginawa mo sa kaniya at ginawa niyo sa amin sa inyo,” nangngingitngit na sabi ni Seb.Kinabukasan, maagang lumabas ng hotel si Seb. Hindi na niya ginamit ang kotse at naglakad-lakad lang sa daan. Malaki na rin ang pinagbago ng Mercedes magmula noong mawala siya rito. Napatigil pa siya noong mapunta siya sa plaza. Roon ay may isang
Read more
Chapter 13
Matapos makausap ni Seb ang mga mag-asawang Maria at Jimboy ay nagpaalam na siya sa mga ito. Ipinilit pa ni Maria na h’wag na siyang umalis. Kaya ipinangako na lamang niya na dadalaw siya sa mga ito ulit. Naglalakad na siya pabalik sa hotel noong may tumigil na kotse sa gilid niya. Hindi niya sana iyon papansinin ngunit bumukas ang pinto at inilabas si Lucio. Tumigil sa paglalakad si Seb. “Seb! How’s your stay here in Mercedes?” magiliw na tanong ni Lucio. “Well, it’s been nice. May mga ilang lugar na pamilyar sa akin. Actually, napadaan ako sa simbahan kanina. Sarado na pala iyon? Magsisimba sana ako. Ano ba ang nangyari doon?” Natigilan si Lucio. Hindi makapaniwalang ngumiti ito. “Something bad happen in that place. Naalala mo ba?” “Hmm… nope. Pero may nakapagsabi sa akin na may pinatay raw sa loob niyon. Isang buong pamilya raw.” Sumeryoso na ang mukha ni Lucio. “Na aalala mo na?” Umiling si Seb. “I just heard it from the people I talked too.” Ngumiti siya nang makahulugan. “A
Read more
Chapter 14
“Shit!” sigaw ni Lucio. “Shit! Shit! Shit!”Pinagsisipa nito ang mga lamesa na nakatumba na. Wala nang tao sa warehouse kung saan ang nagsisilbing pasugalan nila. Nagkalat ang mga baraha at majong pieces sa sahig. May mga ilan ding katawan na nakahiga sa sahig mga wala ng buhay. Wala na ang mga taong nanugod doon at sinira lamang ang lugar saka kinuha lahat ng kinita nila. Limas lahat at kahit na piso ay walang tinira.“Putangina! Sino ang gumawa nito?!” tanong nito.Napatungo ang mga tauhan nila. May isang lumapit kay Lucio para magsalita. “Hindi pa rin namin nakilala, Gov.”Bigla na lamang itong bumalandra sa sahig dahil sa pagsuntok ni Lucio. “Hindi iyan ang gusto kong marinig!”Napaubo ang lalake. Dumura ito ng dugo at muling tumayo. “P-Pero may nakita kami, Gov.”“Ano ‘yon?”Pinasunod ng lalake si Lucio sa isang bangkay. Nakasuot ito ng itim na kasuotan. Maging ang maskara nito ay itim din kaya hindi makilala ang mukha. Nilapitan ito ng tauhan ni Lucio at inangat ang kamay. Ibina
Read more
PREV
12
DMCA.com Protection Status