All Chapters of Love you still: Chapter 31 - Chapter 40
71 Chapters
KABANATA 31
AlexenaNapatingin ako kay Hero nang marinig ko ang tawa nito. Bakit ito tumatawa? Walang namang nakakatawa, ah?Sipain ko kaya ito palabas sa opisina nito mismo?Tumigil lamang ito nang makitang nakatingin kami pareho ni Mikey nang masama kaya ikinumpas pa nito ang kamay. "Sige ituloy ninyo lang 'yang paggagamutan na 'yan. Habang ako ay babalik na sa trabaho, may ginagawa nga pala ako," nakangising udyok pa nito.D*mn. Bakit mukhang wala itong kabalak-balak na tulungan ako? Akala ko ba ay kakampi ko ito? Pero bakit hindi ito gumagawa ng paraan para pigilan ang kapatid nito sa pagpapagamot? At talagang tila itinutulak pa ako?!"Ano na?" kulit ni Mikey at ginalaw-galaw pa ang kamay naming dalawa na magkadikit pa rin. Mula kay Hero ay napatingin tuloy ako roon.Bumuntung hininga ako kapagkwan at sa mukha naman nito itinuon ang mata ko. "Malayo sa bituka iyan. Kagabi pa nga iyan, e. Kung malala iyan, e, 'di sana ay wala ka rito ngayon. Hindi ka naman namatay, 'di ba? Buhay na buhay ka
Read more
KABANATA 32
AlexenaNaabutan ko si Hero na abala sa harap ng laptop nito, nag-angat ito ng tingin nang makalapit na ako rito ng tuluyan. Ngumisi itong bigla. "Tagal, ah. Anong ginawa ninyo, ha?" mapanuksong tanong nito.Bully alert!Sinimangutan ko ito bago ibinaba sa mesa nito ang kape. "Nagtimpla ng kape siyempre, ‘yan ang ebidensya,” asar na tugon ko.“Bukod sa pagtitimpla ng kape at paggagamutan ninyo siyempre ang itinatanong ko,” halata ang pang-iinis na pag-e-elaborate nito.Lalo akong napasimangot. Napaka-bully talaga nito.“Tigil-tigilan mo ako, Hero Buenavista. May laman ‘yang tanong mo. Ano namang gagawin namin ng kapatid mo?" sikmat ko.Nagkibit-balikat ito pero naroon pa rin sa mukha nito ang ngisi habang nakabantay ang tingin sa mukha ko.May pagkainis na pumalatak ako. "Huwag mo nga akong tingnan nang ganyan," pagbabawal ko rito.Painosente ako nitong tiningnan. "Bakit?" natatawa pa nitong tanong.Nakuha pa talagang magtanong, napakagaling.Pumalatak akong muli. “Stop it. Tigil-ti
Read more
KABANATA 33
AlexenaNapakurap-kurap ako bago umiling at dumampot ng bulak. “Alocohol or betadine?”“Betadine na lang.”Sinunod ko ang nais nito at nilagyan ang bulak ng betadine.Tahimik naman na inilahad nito ang braso na may kaunting gasgas dahil sa pagkakasadsad yata nito sa pader o sa sahig kagabi. Tsk. Napapala kasi ng mga makukulit. Para itong bata, ang sarap paluin.Nang matapos na ako ay tumingin ako sa mukha nito para tingnan ang kailangang gamutin roon. Hinawakan ko ang mukha nito bago ipinaling at sinipat-sipat iyon.Huminga ako nang malalim at pasimpleng lumunok kalaunan.It felt surreal being close to him like this when I knew from the very beginning that he didn't belong to me. Noon at magpasahanggang ngayon.Pinalis ko sa isipan ang mga bagay at pinagtuunan na lamang ng pansin ang dapat kong gawin para matapos na kami at upang makalayo na rin ako rito.Inuna kong dampian sa mukha nito ang putok sa labi pero una pa lamang ay nagrereklamo na ito. “Aw!”Tss. Ang arte."Masakit, ba
Read more
KABANATA 34
Alexena"Ano pala ang balita? Nagkaayos na ba kayo ni Mikey? I mean, nagkausap naman na kayo nang masinsinan, right? Nakapagpatawaran na rin?" biglang tanong ni Hero.Sinimangutan ko ito.Ngayon lamang kasi nito nakuhang magtanong dahil sa hindi kaagad umalis si Mikey at siguro ay nahihiya kahit na papaano si Hero na tahasan at direktang magtanong na naroon ang kapatid nito, nang bandang hapon naman na ay naging abala na ito dahil sa mga ka-meeting, ako naman ay inayos ang schedule nito para sa mga susunod na araw.Pinitik ako nito nang mahina sa noo kaya naalis ang pagkakasimangot ko at napalitan ng ngiwi.Bwiset talaga.Napanguso ako kapagkwan at hinimas ang noo ko.Pumalatak si Hero. "Hoy! Ito parang ewan, ayaw pang sagutin. Tinatanong nang matino, e."Umirap ako. "Paano akong sasagot? Hindi naman ako sigurado. Pero, oo nagkausap naman kami, nag-sorry rin siya, hindi ko lang alam kung totoo ba at sincere," sagot ko habang nakatuon ang mata sa baso sa harapan ko.Naalala ko bigla an
Read more
KABANATA 35
AlexenaTumawag si Mikey ng waiter para um-order."Kayo?" tanong nito kay Hero na hindi pa rin ako tinitingnan, talagang nakapokus ang mata nito sa katabi ko.Tss. E, ano naman ba sa akin? Ano sa akin kung hindi ako nito pansinin?! Ikakamatay ko ba kung hindi man ako nito sulyapan? Hah! Ang yabang! Hitsura nito!Umiling si Hero. "Kumain na kami kanina sa resto na nadaanan namin bago kami tumuloy rito, nagutom kasi itong babe ko.""Okay," sagot ni Mikey at ibinaling na ulit ang pansin sa katabi nito.Umayos na si Hero ng upo at maya-maya ay lumingon ito sa tumawag sa pangalan nito na hindi kalayuan sa puwesto namin. Sinundan ko ng tingin ang kasenyasan nito at nakita ko na isa pala sa kabanda at kaibigan nito iyon-si Calix.Ngumiti ako nang sa akin mabaling ang tingin nito, kumaway pa si Calix sa akin at nagbibiro na nag-flying kiss pa sa huli.Hay nako, hindi pa rin ito nagbabago. Maloko pa rin.Napailing na lang si Hero sa ginawa noong kaibigan nitong abnoy rin. "Dapat iniwasan mo.
Read more
KABANATA 36
Alexena"I was looking for you, nandito ka lang pala at magkasama kayo ni kuya. Kaya pala wala na kayo nang pumunta ako sa office kanina, ihahatid pa naman sana kita pauwi." Wait... what? Hinahanap ako nito at ihahatid? Litong napatitig ako rito at napakurap-kurap.Is he for real? Bakit naman nito iyon naisip na gawin?“Kung hindi pa sinabi sa akin ni kuya na magkasama kayo ay hindi ko malalaman na nandito ka rin,” parang naninita na turan nito.Ay, wait ulit. What’s with the tone? Kailangan ko bang magpaalam dito para lang malaman nito kung nasaan ako? At bakit naman ito naging interesado sa whereabouts ko? Ipiniksi ko ang braso ko. "Masama ba? tatay ba kita o kuya at kailangan ko pang magpaalam sa iyo?" nakataas ang kilay kong tanong.Sa halip na sumagot ay hinawakan ako nito nang mahigpit at hinila palayo sa maraming tao, dinala ako nito sa madilim na bahagi ng bar na malapit lang din sa CR at isinandal sa pader. Balak ko sanang umalis pero hindi ko magawa dahil nakaharang ang k
Read more
KABANATA 37
AlexenaBumuntung hininga ako. "Tama na, Mikael. Tigilan mo na kung naglalaro ka man, I don't want to play your game," sa halip ay nakikiusap na sagot ko.Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak nito at sinamantala ko ang pagkakataon para makaalis sa pagkakakulong sa bisig nito.“Kung seryoso ka talaga sa sinabi mong babawi ka. Then, do me a favor. S-Stay away from me,” pilit na pinatatag ang tinig na turan ko bago nagmamadaling tinalikuran ito at iniwan.I can't afford to lose again, to lose him. Not again. Not this time. Not at this moment, never and ever. Dahil pakiramdam ko ay hindi ko na kakayanin pa. Mas mabuti pang hindi ko na ito makasama kung maiwawala ko na naman ito sa bandang huli. Mas mabuti pang hindi ko na ito hawakan kung bibitawan ko lang din pala ito sa katapusan. Pilit kong kinakalma ang sarili ko habang naglalakad.Hindi na ako dumiretso sa mesa na kasalo ang mga ito sa halip ay lumipat na lang ako kung saan may bakante, ayoko munang makaharap ito pagkatapos ng nangy
Read more
KABANATA 38
AlexenaNaalala kong bigla ang sinabi ni Mikey noong minsan, may nalalaman pa itong babawi. Nakakatawang isipin, mabuti na lang at hindi ako naging uto-uto sa mabulaklak na salita nito kahit na gusto ko na sanang umasa, pigil na pigil akong bumigay. Ang hirap kasing hindi pansinin at hindi umasa kahit na sa mga simpleng bagay na ginagawa nito at sa mga binibitawan nitong salita na mapamasama o mabuti man ay hindi kayang baguhin ang nararamdaman ko. Wala, e. Talong-talo ako kung laban man ito. Kasi sarili ko mismo ang kalaban ko, hanggang ngayon kasi ay hindi ko maitatanggi na mahal ko pa ito. Bwisit na pagmamahal, napakapapansin, makulit, ang hilig sumingit sa isip at ang hilig kumalabit sa pusong nananahimik. It always longed to be noticed. Kailangan na mapansin mo, kung hindi ay pilit kang guguluhin. Nakakabaliw isipin at maramdaman. Ibinalik ko na lang ang atensyon at tingin ko kay Hero. Nang makaayos na ang mga ito ay ngumiti ito sa akin.Pinanuod ko kung paano ito humawak sa mi
Read more
KABANATA 39
Alexena“Baka naman pang-birit ‘yan?” may pag-angal ko kaagad na tanong habang naghihintay kami sa hudyat ng mga kasamahan nito na mag-uumpisa na.Ayokong maging kahiya-hiya lalo pa at hindi naman talaga ako kumakanta nang matataas, ‘di ko keri, baka pumiyok ako o mawala na lang bigla sa tono. Dyahe ‘pag gano’n.“Nah. Just wait and I’m sure that you’ll enjoy this song,” sagot nito na siguradong-sigurado.“You guys ready?” singit na tanong ni Pierce.Gusto ko sanang sumagot ng hindi pero nandito na ako, nakakahiya namang umatras at ipahiya hindi lang si Hero kundi pati na ang buong banda nito.Tumango na lang ako.“Yeah,” nakangising tugon naman ni Hero.Napailing na lang ako at humigpit ang pagkakahawak ko sa mikropono nang marinig ang intro noong kakantahin namin—Bad Things by Machine Gun Kelly and Camilla Cabello.F*ck, is he serious? Ito talaga ang kakantahin namin? Talagang wala man lang kaming practice at biglaan?Kahit kabado ay inihanda ko ang sarili ko at nag-ipon ng hangin pa
Read more
KABANATA 40
AlexenaNaiikot ko na lang ang mata ko dahil mukhang 'di ako nito ma-gets. "Na na-miss mo rin ako! Ano ka ba naman?! Ang tagal kaya nating hindi nagkita! Hindi mo ba ako na-miss kahit kaunti lang?!" bulalas ko.Sa halip na sumagot ay tumawa ito at pinisil muli ang pisngi ko.Hindi makapaniwala ko itong tiningnan. "Hala siya. Ayaw akong sagutin.”“Na-miss siyempre, sobra. Kailangan pa bang itanong ‘yon?”“Talaga ba?” paninigurado ko, may pagdududa."Yeps.""Parang hindi naman...""Oo nga kasi, kahit na mamatay pa 'yong ilaw ng mga kapit-bahay mo."Natawa ako at nailing-iling. "Grabe ka. Idinamay mo pa 'yong mga taong walang muwang.""Ikaw kasi, ayaw pang maniwala. Iyan tuloy. Saka kesa naman sila ang mamatay, ang bait ko nga, 'yong ilaw lang nila. Pero, kumusta ka naman?" usisa nito sa huli habang nakatunghay sa mukha ko."Maayos naman."Lumayo ito nang bahagya at inayos ang pagkakatali ng buhok nito na nagusot. "Hmm? Totoo ba? Kung maayos ka, bakit kaya ako pilit na kinokontak at pina
Read more
PREV
1234568
DMCA.com Protection Status