All Chapters of Married At First Sight: Chapter 51 - Chapter 60
90 Chapters
Episode 51
Benjamin's POV Kung kayang makipaglaro ng Mariang iyon, pagbibigyan niya ito pero mga kaibigan na niya ang bahala. Napasandal siya sa swivel chair niya dahil muli siyang bumalik sa opisina pagkatapos ma-meet ang mga kaibigan. Napatingin siya sa relo. Anytime soon, aalis na sila ni Venice para sa dinner nila. Isang ring ang agad niyang sinagot at napangiti siya nang rumehistro ang pangalan ng taong inaasahan niya, "Yeah, Venice, susunduin kita riyan." Ayon sa secretary niya, sumama si Venice sa site na pagtatayuan ng isang pabrika niya at mostly ang iha-hire niya ritong mga employee ay ang mga taong nakatira sa slum na area na 'yon. Mabusisi lang ang gagawin nila sa pag-hire dahil importante pa ring malinis ang record ng mga ito sa NBI at papasa sa health assessment ng kompanya. Napapitlag siya nang mag-ring ulit ang cellphone, "Mia?" taka niyang saad dahil nasa kabilang building ito kasama ni Venice. "Good. Very good, Mia. Pakisabing pumunta siya rito kahit gabi na, I'll interv
Read more
Episode 52
Benjamin's POV "Oh m-my God, B-Ben, I-I'm so sorry talaga," naiiyak na anas ni Venice habang nakahawak ito sa braso niya. "Hindi k-ko alam na may allergy ka pala sa seafood. Ba't kasi h-hindi mo sinabi." Nakangiti niyang ginagap ang kamay ng dalaga na ikinapitlag nito bigla. Umangat ang kamay niya matapos bumitaw dito para naman haplusin ang ulo nito bago nagtama ang mga mata nila. Napangiti siya nang bumalik na naman ang pagkaasiwa sa mukha ng kaharap. "It's ok, Venice. Nakalimutan ko lang dahil nga na-enjoy ko na ang pagkain lalo na't kasama kita. Look at me, ok na'ko. Nawawala na 'yong rashes ko at pangangati. Uwi na tayo? I'll drop you off." Buti na lang hindi natuloy ang pagtawag nito sa mama niya. Siguradong sermon ang aabutin niya kapag nalaman ito ng ina dahil overprotective ito sa kanya. Being her mother's only son and only baby boy, he is her everything. "Excuse me?" mataray na saad ng babae. Pareho silang napatingin sa babaeng dumaan nang aksidente sila nitong mabangg
Read more
Episode 53
Maria's POV "What, Maria? May nangyari na pala sa inyo pero wala ka man lang sinabi?" Hindi mai-drawing ang mukha ni Jacob nang ungkatin nito ang ukol sa pinapagawa nito sa kanya. "Ngayong nagawa mo," hindi nito mapigilang mapangisi nang gagapin nito ang kamay niya. "Makakalaya ka na sa contract nating dalawa pagkatapos nitong last plan ko." Napahinga siya nang malalim, "Makakauwi na ba ako sa isla at maipagpapatuloy ko na ang pag-aaral ko?" "It's really up to you, Maria, kung babalik ka sa school kung sa'n ka kumuha ng kursong iyon kasama ng kaibigan mo pero pagkatapos ng plano kong ito."Hindi niya alam kung tatanggapin pa siya sa school na 'yon lalo't nag-iba na nang tuluyan ang mukha niya. Napakagat-labi siya sa sumunod na sinabi ni Jacob. Hindi niya alam kung kakayanin pa niya ang pinapagawa nito. "You must address the public, Maria, na may namagitan sa inyo ni Benjamin dahil ang akala ng karamihan, gawa-gawa mo lang ang lahat ng kwento mo nang sumugod ka sa kasal niya noon."
Read more
Episode 54
Benjamin's POV Nilamukos niya nang mariin ang hawak na dokumento habang nakatutok ang mata sa screen ng TV. Minabuti niyang magpahinga muna kahit pa weekdays dahil sa issue na ito. Three days ago pa niya natanggap mula sa kaibigang doktor ang papeles na hawak. The document specifically stated that Maria suffered a laceration during a consensual sexual encounter, and he is aware that he is her first. She was a virgin at the time, and she bled. He knows. They are both aware that there was no coercion or force involved in their lovemaking at the time. How can she be using this interview to show to the public that he is some sort of sex offender if they both freely consented to and enjoyed that private moment? "How could you do this to me, Maria?" nausal niya. "I know it, may binabalak kang masama sa'kin kaya mo 'yon ginawa. I can't believe I made such a foolish mistake. It's frustrating." Hawak na niya ang cellphone para kontakin ang mga kaibigan pati na si Harold na siyang gumagawa ng
Read more
Episode 55: Revealed Secrets
Benjamin's POV Natawa siya nang marinig ang lahat sa kabigan, "Ni-reject ka niya? How come?" "Seems like she's not allowed to date anyone," sagot ni Clyde. "I invited her out on a date, but she declined after I introduced myself but I'm not giving up. Don't worry, bro." May kinalaman kaya si Jacob dito? Kahit si Clint na present ngayo'y may naibalita rin sa kanya kaya namroblema siya bigla. "Yes sa kagwapuhan ba naman naming ito, hindi umobra kay Maria? I even invited her out after meeting her by accident kuno, which I did on purpose." Nilantakan na ni Clint ang pagkain sa harap nito matapos iyong balita. "She said she's not into boys daw but dude, after some research, nakita ko kung ano ang hitsura niya noon and hands down to her surgeon for that makeover. I like how she looks now." Tanging si Brent ang wala ngayon. Hindi na iyon nakakapagtaka dahil mas seryoso na ito ngayon sa buhay may-asawa nito. Nandito rin si Harold na kanina pa nakikinig at si Blake na pangisi-ngisi lang sa
Read more
Episode 56: Unexpected
Maria's POV "So are you up for lunch or dinner? That Benjamin—" Napailing si Clint nang mabanggit ang pangalan ng lalaki, "is no good to you. We're not the same kaya rerespituhin kita. I will be a good friend." Napahinga siya nang malalim nang balingan ang lalaki. "Clint, thank you pero hindi pwede. May hinaharap akong kaso ngayon na sinampa pabalik ng walanghiyang Ben na 'yon dahil sineduce ko raw siya." Namasa ang mata niya dahil ginusto naman ng Benjamin na 'yon ang namagitan sa kanila. "Nagpapasalamat ako na niligtas mo'ko sa masasamang loob na iyon habang naglalakad ako papunta ng apartment ko." Muli niyang inalala kung pa'no sila nagtagpo ng lalaki. Gabi na nang makauwi siya dahil sa rami ng inaayos na papeles nang gabing iyon nang may makasalubong siyang mga lalaki. Balak niyang maghanap ng ibang school na under ng government subsidy para wala siyang malaking gagastusin sa susunod na pasukan, kaya lakas loob siyang bumalik sa dating school para i-request ang transcript record
Read more
Episode 57: Truth Hurts
Maria's POV "Maria." Ilang beses na niyang naririnig ang pangalan pero nanghihina ang pakiramdam niya kaya hindi niya maimulat ang mata. "W-wake up." "Hmm," tanging nasambit niya. "Clyde, kailangan nating umalis dito," boses ng babae ang sumingit bigla na ikinakunot ng noo niya. "Sorry kung nagawa niya 'to." Sinundan ito ng paghikbi ng babae kaya pinilit niyang imulat ang mata. Nang tuluyang magising, natutok ang tingin niya sa nag-iisang bombilya na patay-sindi sa kisame. Wala pa siya sa tamang huwisyo kaya nangangapa pa siya kung na'san sila. "Maria, are you ok?" Nag-aalalang tawag ni Clyde na pilit pang umusog palapit sa kanya kahit pa nakatali ang kamay at mga paa nito. "Nawalan ka ng malay kahapon. God, thanks, nagising ka na, I'm so worried." "Clyde," singit muli ng babae. "Mag-isip ka ng paraan kung p-pa'no tayo mkakaalis dito, p-please." Napatingin dito si Clyde at ngumiti, "Don't worry, may tracker ang relong suot ko ngayon. For sure, mata-track nila tayo kung nasa'n
Read more
Episode 58: Reality
Mga ewan talaga 'tong mga hampaslupa!—hiyaw ng utak niya. Nagtagis ang bagang niya nang masdan ang dalawang tao sa harap; kina Venice at Benjamin aka Ben. Napakawalanghiya naman ng lalaking ito matapos nitong kuhanin ang pagkababae niya. Kahit pa isa ito sa mga nagligtas sa kanya, hindi niya makakalimutan ang ginawa nitong panloloko sa kanya. "Hindi kita niloko, Maria." Napamulagat siya dahil mukhang nabasa ng lalaki ang nilalaman ng utak niya. "Kung nakakamatay lang ang titig mo, malamang bumulagta na'ko rito sa kinauupuan ko," pasigaw nitong saad na sumabay pa sa ingay ng motorboat. "Kailangan nating mag-usap para matapos na 'to. Hindi ako masamang tao kung 'yan ang isinasaksak ng Jacob na 'yon sa utak mo." Papa'no nito nalaman kung sino si Jacob? Nahinatakutan siya dahil walang nakakaalam kung sino ang tumutulong sa kanya. "What do you mean?" mataray niyang tanong kasabay ng pag-irap. Kung pwede lang hilahin niya ang mahabang buhok ni Venice... kung pwede lang. Nangingipusp
Read more
Episode 59: Confusion
Maria's POV "I promise you, Maria, kakalimutan ko ang lahat ng ginawa mo basta tapusin na natin 'to." Matiim na ang titig ng binata sa kanya nang gagapin nito ang kamay niya. "Ipinapangako ko, makakapag-aral ka pa rin sa school na pag-aari ko at tutulungan kita sa finances na kakailanganin mo basta 'wag ka nang pumayag sa mga plano ni Jacob." Binitawan nito ang kamay niya nang matameme siya. "There's something with that, Jacob, about why he's doing this. I'm still figuring it out, but I'm getting close to the truth." It seems too good to be true. Napakaganda ng offer nito. Hindi siya makapagsalita halos kaya mabilis na lang niyang dinampot ang tissue at pinahiran ang bibig. Paalis na sana siya nang pigilan siya ng lalaki. Hindi niya alam kung sa'n lulugar; gusto niyang makawala kay Jacob dahil minsan, nakukunsensya na siya sa kabila ng malaking galit niya kay Benjamin pero sa kabilang banda, nananaig din ang pagiging mabuting tao niya. Alam niyang may kasalanan siya kung ba't nawal
Read more
Episode 60: The Freedom
Iniyak niya na lang ang lahat ng sama ng loob matapos umalis ng grupo ni Jacob sa maliit niyang inuupahan. Ginugulo talaga nina Benjamin at Jacob ang isip niya kaya sa pag-iyak na lang niya binuhos ang lahat. Ilang oras din siyang nakasubsob sa basa nang unan hanggang tumigil siya nang makasigurong buo na ang desisyon niya. "Last na 'to dahil uuwi na'ko sa'min," nausal niya. Isang tawag. Ito lang ang hinihintay ni Jacob bukas kung ready na siyang humarap sa mga reporter. Ito na ang huli dahil makakalaya na siya sa kasunduan nila ni Jacob. Isa pang malalim na buntonghininga ang ginawa niya bago niya hinamig ang sarili. Pinakalma niya muna ang sarili bago dinampot ang cellphone. Nang mag-ring ito, may galak sa boses ng lalaki nang tanungin siya," Yes, Jacob, napaaga ang pagtawag ko. Handa na'ko bukas para sa isang interview, pababagsakin natin si Benjamin... at pagkatapos nito, malaya na'ko sa kasunduan natin, 'di ba?" Napahalakhak ang lalaki sa kabilang linya pero malungkot niya it
Read more
PREV
1
...
456789
DMCA.com Protection Status