Share

Episode 53

Maria's POV

"What, Maria? May nangyari na pala sa inyo pero wala ka man lang sinabi?" Hindi mai-drawing ang mukha ni Jacob nang ungkatin nito ang ukol sa pinapagawa nito sa kanya. "Ngayong nagawa mo," hindi nito mapigilang mapangisi nang gagapin nito ang kamay niya. "Makakalaya ka na sa contract nating dalawa pagkatapos nitong last plan ko."

Napahinga siya nang malalim, "Makakauwi na ba ako sa isla at maipagpapatuloy ko na ang pag-aaral ko?"

"It's really up to you, Maria, kung babalik ka sa school kung sa'n ka kumuha ng kursong iyon kasama ng kaibigan mo pero pagkatapos ng plano kong ito."

Hindi niya alam kung tatanggapin pa siya sa school na 'yon lalo't nag-iba na nang tuluyan ang mukha niya. Napakagat-labi siya sa sumunod na sinabi ni Jacob. Hindi niya alam kung kakayanin pa niya ang pinapagawa nito.

"You must address the public, Maria, na may namagitan sa inyo ni Benjamin dahil ang akala ng karamihan, gawa-gawa mo lang ang lahat ng kwento mo nang sumugod ka sa kasal niya noon."
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status