Nasa tabi niya lang ang dalaga na nagbibigay ng kapanatagan ng loob niya sa kabila ng hagupit ng bagyong kinatatakutan niya. "Huwag kang mag-alala dahil bukas ng umaga, mag-uusap tayo sa relasyon natin." Nagtagpo ang labi nila nang hindi sinasadya pero mabilis lamang niya itong ginawa."Huwag mo'kong lolokohin, ha, Benjamin?" Napasinok pa ang dalaga at lalong humigpit ang yakap nito sa kanya. Nalasahan niya ang luha nito sa pisngi nang bigla niya itong kintalan ng halik kaya pinilit niya itong pakalmahin ang sarili. "Maria," inis niyang sita. "I told you, 'wag ka mag-isip ng hindi maganda. Magiging ok din ang lahat. Wait nating humupa ang bagyo at bukas, ime-meet ko ang parents mo. Happy?" "Happy?" ulit ng dalaga. "N-natatakot lang ako, baby, kasi kapag niloko mo'ko, baka—ano." Napabuntong-hininga ang dalaga, "Baka kulamin ka ni Nanay pero wala pa naman siyang napapatay sa kulam niya kasi parang hindi naman umeepekto sa taong kinukulam niya. Hay!" Malakas na halakhak niya ang puma
Read more