All Chapters of Castillion Brothers Series 5: Fifth Castillion : Chapter 11 - Chapter 20
38 Chapters
Chapter 10
Nette POV"PASENSYA NA po talaga dahil kayo pa po ang naiyakan ko." Nakayuko ako habang nakatingin sa mga daliri ko na may band aid na ngayon. Hindi ako makatingin sa kanya dahil sa kabang nararamdaman ko. Sinasanay ko nalang ang sarili ko dahil tila iyon na ang normal na tibok ng aking puso sa tuwing maglalandas ang aming daan.May katagalan na rin ang huling pagkakataon na nagkita kami at akala ko'y iyon na ang huli ngunit tila ito na naman si tadhana.Sa kabilang banda ay may utang na loob ako at pera sa kanya kung kaya't sa ayaw at sa gusto ko ay magsasalubong ang landas namin."Ayos lang kahit sinumang tao ang makita ko gan'on talaga ako kaya wag kang mag-assume hindi porke't pinasandal kita sa malaki at macho kong dibdib ay gusto na kita. No, ayoko masunog. Mahilig ako sa sex, kantutan gusto ko." Madaldal pa rin siya.Patawarin niyo po ang kanyang mga salita. Tahimik kong usal.Hindi naman ako nag-aassume at ni minsan ay hi
Read more
Chapter 11
Nette POVAKO'Y napangiwi nang maimulat ko ang aking mga mata dahil bumungad sa'kin ang larawan sa kisame. Patawarin nawa ako't napunta ako sa ganitong lugar. Hindi ko alam kung ito'y parusa o biyaya sa akin. Naalala kong nawalan ako nang malay kung kaya't napatingin ako sa paligid. Makalat pa rin at nandoon pa rin ang mga halos hubad na larawan na nagmumula sa iba't ibang aklat. Ang ikinasasakit ng aking ulo ay ang wallpaper na nakalarawan sa buong silid ay tulad rin ng mga larawang nasa libro.Ako'y nagkakasala at sa ipinapangako kong kapag ako'y nakabalik sa kumbento ay ang magkumpisal ang unang una kong gagawin. Nahahabag ako sa nakikita ng aking mga mata. Tahimik ang paligid kung kaya't napagpasyahan ko na bumangon. Nang makaupo sa kamang kinahihigaan ko na ay napatingin ako sa isang sulok at doon nakita ko si Mr. Fifth, nakatagilid ito mula sa pwesto ko at abala sa pagtipa sa kanyang laptop. Hindi ko ninais na lumikha ng ingay.Pi
Read more
Chapter 12
Nette POVKAHIT MALAPIT nang dumilim ay pinilit ko pa ring makarating sa hospital. Hindi mawala sa aking isipan ang kalagayan ni Ate Tam, hindi ko na alam ang gagawin ko. Papasok pa lamang ako ay nakita ko na si Julio na hindi magkandaugaga sa paglagay ng bag sa kanyang braso habang papalabas ng lugar. Nagmamadali ko siyang sinalubong. "Kumusta po si Ate Tam?"Agad itong napabaling sa'kin af humawak aking braso. "Naku nandoon sa kanyang silid at nagmumukmok na naman ang bruha, ikaw na muna ang bahala sa kanya dahil malelate na ako sa trabaho ko. Pagpasensyahan mo muna hanggang sa makabalik ako, kailangan ko ring kumuyod kundi pare-pareho tayong nganga." Mabilis ang kanyang pagsasalita at bago pa man ako makasagot ay nakaalis na siya.Nakatanaw na lamang ako sa kanyang likod hanggang sa tuluyan siyang mawala sa aking paningin. Napabuntong hininga ako sa isiping kaming dalawa ni Ate Tam ang maiiwan sa iisang silid. Nangangamba ako ngunit kailangan
Read more
Chapter 13
Nette POVNANGHIHINA ako sa paghahanap ng trabaho dahil lahat ng pinagtanungan ko hindi tumatanggap. Napahirap pala ang humanap ng trabaho kapag hindi ka nakapagtapos ng pag-aaral, laging diploma sa kolehiyo ang kanilang hanap at dahil wala akong maipakita ay hindi ako natatanggap. Nakakapagod ngunit hindi ako dapat sumuko dahil para ito sa amin ng ate.Malapit na ang pagtatapos ng hapon ay wala pa rin akong napapasukan, wala akong kain dahil ubos na ang baryang nasa aking bulsa at naglalakad lamang ako dahil wala rin akong pambayad sa kahit anong sasakyan.Ngayon alam ko na kung bakit tutol si Sister Monica sa aking pag-alis sa kumbento dahil lagi niyang sinasabi sa akin na napakahirap ng buhay sa labas at napakahirap makasurvive sa totoong hamon ng buhay.Napatigil ako sa paglalakad nang makakita ako ng pamilyar na bulto ng isang lalaki. Nasa isang restaurant ito na kita ang loob dahil sa salaming dingding nito. Nakatulala lamang ako sa lalaking
Read more
Chapter 14
Nette POV"NAIS ko lamang pong itanong kung may balak po kayo na ako'y tulungan." Sabi ko habang dala ang mga gamit ko papasok sa kanyang malaking bahay. Kasama sa aming kasunduan ang pagbibigay niya sa akin ng matutuluyan sa oras na naging compatible ang aming mga cells. Ngunit hindi ko naman alam na hindi lamang siya hambog at bastos ang bunganga kundi hindi rin siya maginoo. "Ikaw na nga patitirahan ko dito gagawin mo pa akong kargador." Tugon niya at tuloy tuloy na humakbang papasok sa kanyang bahay matapos iparada ang kanyang sasakyan. Galing kami sa dating bahay namin noon bago mamatay ang aking ina upang kunin ang mga kakarampot kong gamit. Nais ko mang mamalagi doon ay hindi na pwede sapagkat ibeninta na ang lupa niyon upang ipagamot noon kay mama. Kaya narito ako at magtityagang pakisamahan ang isang tulad ni Mr. Fifth."Hindi niya talaga ako tutulungan?" Naibulong ko at muling hinila ang isang kartong naglalaman ng mga luma kong damit. May kalak
Read more
Chapter 15
Tamia POV"DITO LANG po muna kayo para maarawan kayo bago ang check up niyo." Sabi ng nurse na nakaassign para alagaan ako. Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya."Malamang alangan namang umalis ako dito na may sakit ako." Inirapan ko siya at alam kong pagtalikod niya ay gan'on din ang gagawin niya. Napakaplastic."Sige po." "Uso sa'kin malawan ng paki." Sabi ko pa bago siya tumalikod. Naiinis talaga ako sa mga taong walang common sense paano naman ako aalis kung pasyente ako dito and hello nakawheelchair ako.Napabuntong hininga ako at nagmasid sa paligid, napakaraming pasyente ang kasabayan ko na masasayang nag-uusap usap. Napairap ulit ako dahil nagpaplastickan lang naman ang mga 'yan. Kapag nakatalikod na sa bawat isa ay sila sila rin nagsisiraan. Toxic people nowadays. "Ate gusto mo po?" Napabaling ako sa batang lumapit sa'kin. Tinitigan ko ang hawak niyang biscuits na iniaabot sa'kin. Nakasuot siya ng patient
Read more
Chapter 16
Nette POVNILALARO KO ang mga halaman na nasa gilid ng malaking pinto, may mga mamahaling paso na nakadisplay. Napakaganda nila. Napangiti ako dahil doon."Nette iha ikaw ba iyan?" Narinig ko ang boses ni Manang Dori. Napalingon ako sa loob at mas lalong ngumiti nang makita siyang kinukusot ang mga mata at sinisigurado kong ako nga."Opo Manang ako po ito." Lumapit siya sa'kin."Ano at lagpas hating gabi na at nandito ka pang bata ka? Malamok diyan sa pwesto mo."Tumingin ako sa malaking gate na kanina ko pa hinihintay na magbukas at may bumusinang sasakyan ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin. "Hindi po kasi ako makatulog siguro'y namamahay po ako at isa pa po hinihintay ko po si Mr. Fifth."Tumabi ng upo sa kanya ang matanda at hinaplos ang kanyang braso. "Napakalambing mo namang bata ka at natutuwa ako dahil ganyan ka sa alaga ko ngayon ko lang nakita na may nagmamalasakit sa kanyang babae.""Hindi ko lang po mapigil
Read more
Chapter 17
Nette POVHINDI AKO tumigil sa pagpadyak ng aking mga paa upang pakawalan niya ako ngunit hindi niya ginawa. Halos mawala na ako sa sarili sa pagsigaw ngunit hindi niya lamang ako pinapansin. Hanggang sa makarating kami aking silid hindi niya ako binitawan. "Jusko!" Nadaing ko dahil bigla niya akong hinagis sa kama. Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa kanya na ngingisi ngising nakapamewang at tuwang tuwa sa kanyang nasasaksihan."Higa." Madiing tugon niya. Mas lalo akong tinambol ng kaba dahil hindi ako makapaniwala sa kanyang mga sinasabi."N-Naririnig niyo po ba ang sinasabi niyo?""Oo dahil hindi ako bingi, humiga ka na." "Ayoko po." Apila ko at akmang tatayo ako pero sumigaw siya na ikinaigtad ko."Humiga ka sabi e. Hihiga ka o ako maghihiga sa'yo." Pinanlisikan niya ako ng mga mata. "At kapag ako naghiga sa'yo ay huhubaran kita." Wala na akong nagawa kundi ang sunod sa kanya. Inayos ko ang aking s
Read more
Chapter 18
Nette POVPAGPASOK KO SA silid ni Ate Tam ay tanging si Julio lamang ang aking nadatnan. Inilapag ko ang mga dala kong prutas at mga pagkain."Oy dami naman niyan." Pansin sa'kin niya Julio, ngumiti ako at lumapit sa kanya."Nasaan po si Ate Tam?" Inayos niya ang mga gamit niyang pangmake up. "Nagwalk out ang bruha pero nandiyan lang 'yan nagpapahangin."Tumango ako bago inayos ang higaan ni ate. Isinalansan kong mabuti ang mga libro sa maliit na mesa at iba pa niyang gamit."Ang dami niyang dala mo nakajackpot ka na naman ba?" Nakatingin siya sa mga dala ko kaya alam ko na ang tumatakbo sa kanyang isipan ngunit hindi ko iyon pinagtuonan ng pansin."Medyo nakaswerte lang po." Masama ang magsinungaling at sa isang tulad ko ay siguradong kakainin ako ng aking konsensya ngunit hindi dapat ipagsabi sa iba kung saan ko nakuha ang pinambili ko ng mga ito."Palagi ka talagang swerteng bata ka kulang nalang maging
Read more
Chapter 19
Nette POVILANG ARAW NA ang lumipas simula noong hindi ko maintindihan ang pagseselos ni Mr. Fifth at hanggang ngayon ay gumugulo pa rin sa aking isipan ang mga katagang kanyang binitawan. Hindi ko maintindihan kung bakit natutuwa ang aking puso ngunit itinatanggi ng aking isipan ang lahat. Ayokong tanggapin kung ano man ang iniuudyok ng aking damdamin. Bago sa akin lahat ng mga ipinaparamdam ni Mr. Fifth at hindi ko nanaising pangalanan iyon. Matapos kong basahin ang isang pahina ng bibliya ay napapabuntong hininga isinara ko iyon. Hindi ko alam kung bakit napakabigat ng aking kalooban."Napakalalim naman ng buntong hininga mo iha, kakatapos lamang natin na magdasal pero parang napakabigat ng iyong problema." Napatingin ako kay Manang Dori at ngumiti."Wala po manang, medyo may gumugulo lang po sa aking isipan." Tinitigan niya ako bago muling nagsalita. "Dahil ba kay Singko?"Nag-iwas ako ng tingin at napatulala
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status