All Chapters of Castillion Brothers Series 5: Fifth Castillion : Chapter 21 - Chapter 30
38 Chapters
Chapter 20
Nette POV"NETTE iha?" Nagising ako dahil sa pagyugyog sa balikat ko. "Iha, nandito si Singko at pinapababa ka." Dahan dahan akong nagmulata at tumambad sa'kin ang nakangiting si Manang Dori. Bahagya kong kinusot kusot ang aking mga mata at mabilis na napaupo."Pasensya na po manang dahil tinanghali ako ng gising." Nagmadali ako sa pagbangon at pag-aayos ng kama. "Ayos lang iyon halika na at bumaba." Hinawakan niya ako sa braso at hinila. "Sandali lang po manang hindi pa po ako nakakapaghilamos." Inayos ko ang buhok kong nagkalat sa aking mukha dahil tinanggal ko sa pagkakatali."Ayos lang iyan, nagmamadali si Singko at nagkakagulo sa labas." Nanlaki ang mga mata ko at nilukob ng pag-aalala dahil sa pagkabanggit ng pangalan ni Mr. Fifth."Po? Ano pong nangyari kay Mr. Fifth?" Sumunod na lamang ako sa kanyang paghila sa'kin. Madali kaming nakababa at naglakad patungo sa harden. Malayo pa lamang ay nakakarinig na ako ng iba't iba
Read more
Chapter 21
Tam POV"PAHIRAM AKO ng mga make up mo." Inagaw ko ang make up kit na dala ni Julio pagkapasok na pagkapasok niya sa kwarto ko. Nagmamadali akong itinaktak lahat ng iyon sa higaan ko. "Hoy bruha bakit ba aligaga ka sa make up na 'yan?" Malakas niya akong tinapik sa braso kaya sinamaan ko siya ng tingin."Kailangan kong magpaganda." Taas kilay na sagot ko sa kanya bago muling bumalik sa pagkalkal ng mga gamit niya."At bakit? Nagawa mo pang kumiringking sa lagay mong 'yan?" Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy sa paglalagay ng make up sa mukha ko."Anong magandang shade ng lipstick nude ba o 'yong dark color?" Humarap ako sa kanya, naiiling siyang lumapit sa'kin at hinigit ang baba ko kaya natapik ko ang kamay niya. "Dahan dahan naman." Asik ko.Pinitik niya ang noo ko. "Ako na magmemake up mas siguradong gaganda ka, ang harot mo talagang babae ka."Pinagbigyan ko siya dahil alam kong totoo ang sinabi niya. For s
Read more
Chapter 22
Nette POVPAGPASOK KO sa silid ni Ate Tam ay parang may pumiga sa puso ko pagkakita kung ano ang ayos niya at ni Mr. Fifth pero pinigil ko ang aking sarili dahil alam kong iyon ang tamang gawin. Nakita kong paalis na siya ngunit nagkasalubong ang aming mga tingin at nanlalaki ang kanyang mga mata pagkakita sa'kin. Akmang bubuka ang kanyang bibig upang magsalita ngunit umiling ako. Hindi ko nanaisin na may lumabas na kahit anong salita sa kanyang bibig sa harap mismo ni Ate Tam. Ayokong malaman niyang magkakilala kami ng lalaking kanyang nagugustuhan.Tulad nang inaasahan ko ay wala pa ring pahid ng kapatawaran ang mga tingin sa'kin ni ate at sinaktan na naman niya ako. Hindi ako gumante at nagtiis na lamang sa lahat ng sakit. Hindi ko alam kung paano kami nakaalis sa hospital namalayan ko na lamang na nasa sasakyan na ako ni Mr. Fifth. Umiyak ako ng umiyak dahil hindi na halos kayanin ng kalooban ko ang galit sa'kin ni ate at kasabay n'on a
Read more
Chapter 23
Nette POVNAKAKALIYO ANG bawat pagdami ng kanyang mga labi sa aking balat. Dahil sa bumabalot na kakaibang emosyon sa aking buong katawan ay nawala ako sa katinuan at ang tanging nais ko lamang ay hindi na matapos ang gabing ito. Matapos niyang pagsawaan ang aking mga labi sa pamamagitan ng banayad na mga halik na puno ng pagsuyo ay bumaba iyon papunta sa akong baba na tila sinusundan niya ang nagdidepina niyon patungo sa aking leeg. Nagtagal siya doon sa pagdampi ng mga halik na nakakapaso.Napatinga ako at mahigpit na napakamit sa kanyang damit. Nakakulong ako sa kanyang mga bisig at hindi makaramdam ng takot dahil sa bawat galaw niya ay nararamdaman ko ang pagmamahal at pagsuyo."Miña Virxe." Napapaos niyang bulong sa aking tenga bago bumaba sa akig balikat ang kanyang mga labi. Mariin lamang akong nakapikit habang ninanamnam ang kakaibang pakiramdam na ibinibigay niya sa akin. Mula sa balkonahe ay hindi ko namalayan na nar
Read more
Chapter 24
Nette POVDALAWANG ARAW ang itinagal namin sa hacienda ni Mr. Leo at pagkabalik na pagkabalik sa Maynila ay ang hospital agad ang una kong pinuntahan. Tumawag si Doc Ismael kay Mr. Fifth at labis ang aking pag-aalala nang ibalita nitong muling dinugo si ate at isang araw na hindi nagising.Nanginginig ang kamay ko pagkaapak ng aking mga paa sa hospital. Ni hindi na ako nagpasama kay Mr. Fifth kahit na anong pilit niya dahil alam kong hindi makakabuti sa sitwasyon. Malalaki ang aking naging hakbang at kahit ang pagbati ng nurse ay hindi ko na nagawang pansinin. Ilang ulit akong nagdadasal na sana ay ayos lamang siya. Nang makarating sa pinto ng kanyang silid ay hindi ko na nagawang kumatok pa at agad na binuksan iyon at pumasok.Sumalubong sa akin ang nakakabinging katahimikan. Sinuri ko ang buong silid at nakahinga ng maluwag nang makitang nakaupo si ate sa kanyang higaan. Akala ko'y hindi pa rin siya nagigising hanggang ngayon."Ate." T
Read more
Chapter 25
Nette POVHALOS DALAWANG araw din ang itinagal ko sa hospital upang bantayan si ate kahit na hindi niya gustong nakikita ako, bago ako nagkalakas ng loob na umuwi sa bahay ni Mr. Fifth. Dalawang araw akong hindi nagpakita sa kanya dahil hindi pa ako handang humarap sa katotohanan na kailangan kong ipagtapat sa kanya ang mga nais ni Ate Tam. Dalawang araw na hindi ko nagawang linisin ang aking sarili dahil sa mga gumagulo sa aking isipan.Ilang ulit akong humugot ng malalim na buntong hininga bago nagkaroon ng lakas ng loob na tumuloy sa loob, kanina pa ako sa labas ng malaking bahay nagdadalawang isip na pumasok. Sinalubong ako ni Manang Dori na labis ang pag-aalala sa akin. Ngiti lamang ang isinagot ko at nagpaalam na tutuloy na muna ako sa aking silid. Laking pasalamat ko sa kanyang pagpayag.Panay ang tingin ko sa paligid dahil baka sakaling makasalubong ko si Mr. Fifth at laking pasalamat ko dahil hindi kami nagkita. Sapo ang aking dibdi
Read more
Chapter 26
Nette POVALAM KONG HINDI dapat ngunit kailangan. Halos ayokong sumapit ang umaga ngunit alam kong napaimposible niyon, gusto kong tumigil ang oras upang hindi mangyari ang bagay na alam kong tuluyan kong ikakadurog. Pero ang nakatadhanang mangyari ay mangyayari't mangyayari hindi man ayos sa iyong magustuhan."Wow, mansyon ba 'tong tinitirahan mo Nette?" Manghang mangha si Julio pagkarating sa bahay ni Mr. Fifth. Nakaawang ang kanyang bibig habang pinagmamasdan ang paligid."Kaya pala inagaw mo dahi alam mong hihiga ka sa pera." Sambit ni Ate Tam na nakatingin rin sa malawak na bakuran. Hindi na lamang ako sumagot. Binuhat ko ang mga gamit niya samantalang si Julio ay inalalayan siya sa pagtulak ng kanyang wheelchair. Ngayon ang araw na dito na siya mamamalagi, ayaw man nang doktor ang desisyong ito ay nagpumilit si ate. Dito na lamang daw gagawin ang treatment niya."Bruha ka kapag naikasal kayo sama ako sa pagyaman mo ha?" Dinig
Read more
Chapter 27
Nette POVANG TAHANANG napakalaki ay tila walang tao dahil ilang araw na kaming walang mga kibuan. Nagkikita kita kami ngunit walang nagsasalita. Gustong gusto kong humingi ng tawad sa naging pagsagot ko at pagtaas ng boses kay Ate Tam ngunit hindi ako nabigyan ng pagkakataon sapagkat kahit siya mismo ay hindi lumalapit sa akin.Inayos ko ang aking higaan at kung anu ano pang pwedeng gawin upang libangin ang sarili. Madalas ay napapatulala na lamang dahil sumasagi sa aking isipan ang tanong na, paano kung naging iba ang sitwasyon magiging masaya kaya kami ni Mr. Fifth? Kung nag-iba ang sitwasyong aming kinalalagyan masasaktan ko rin kaya siya ng ganito?Malungkot akong napangiti dahil kahit anong gawin ko walang kasagutan ang aking mga tanong. Ibinagsak ko ang sarili sa kama matapos gawin lahat ng dapat na gawin. Napatitig ako sa mga ilaw at hinihintay na gupiin ng antok ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakatulog ay malalakas na katok ang pumukaw sa akin
Read more
Chapter 28
Nette POVIMBES NA dumalo sa pagdiriwang ng bagong kasal ay minabuti ko na lamang na bumalik sa malaking bahay ni Mr. Fifth upang iimpake ang aking mga gamit. Ngayong kasal na sila ay hindi maganda kung mananatili pa rin ako dito. Hindi ko rin makakayang makigulo pa sa kanila habang bumubuo sila ng pamilya. Mas mabuti na rin ito dahil hindi ko na kayang magpanggap na masaya sa harap nila. Napapagod na ako ng sobra."Iha." Natigil ako sa pagtutupi ng aking mga damit dahil sa pagdating ni Manang Dori. May malungkot siyang ngiting lumapit sa akin. "Hindi ka ba dadalo sa doon sa hotel na pinagdadausan ng resepsyon?""Hindi na po manang mas mabuti po na wala ako doon upang hindi magulo si Singko." Tugon ko at muling bumalik sa ginagawa. "Kayo po bakit nandito na po kayo agad?""Kaya nga't maaga ako dahil agad akong pinasunod ni Singko dito. Kahit na wala ka man doon ay nagugulo pa rin ang kanyang isipan." Tumabi siya sa akin at inabot ang aking kamay dahilan upa
Read more
Epilogue
MALAWAK ang aking ngiti habang binabasa ang huling pahina ng aklat. Puno ng saya ang aking puso sa kabila ng mga naging karanasan namin. Matapos kong mabasa ay itiniklop ko ang libro at ilang ulit na hinamas ang pabalat niyon.Mas lalong napalawak ang aking ngiti dahil sa pagbukas ng pinto at nakita ko doon ang pagpasok ng pinakagwapong lalaking nakita ko sa tanang buhay ko. Nagkasalubong ang aming mga tingin at kumindat ito habang may mga ngisi sa labi."Kumusta ang book signing mo?" Umupo ako mula sa pagkakahiga sa kami. Sumimangot siya habang tinatanggap ang butones ng kanyang polo. "Hindi okay dahil hindi ka pumunta. Unang beses ko iyon na magpakita sa mga readers ko at ireveal ang totoong author ng mga binabasa nila."Malalaki ang hakbang na lumapit siya sa akin at dinamba ako ng yakap. Tulad ng nakasanayan niya kapag nalalapit sa akin ay ang dibdib ko agad ang aabutin ng kanyang malikot na kamay. Sa limang taon naming pagiging mag-asawa ay
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status