Share

Epilogue

MALAWAK ang aking ngiti habang binabasa ang huling pahina ng aklat. Puno ng saya ang aking puso sa kabila ng mga naging karanasan namin. Matapos kong mabasa ay itiniklop ko ang libro at ilang ulit na hinamas ang pabalat niyon.

Mas lalong napalawak ang aking ngiti dahil sa pagbukas ng pinto at nakita ko doon ang pagpasok ng pinakagwapong lalaking nakita ko sa tanang buhay ko. Nagkasalubong ang aming mga tingin at kumindat ito habang may mga ngisi sa labi.

"Kumusta ang book signing mo?" Umupo ako mula sa pagkakahiga sa kami.

Sumimangot siya habang tinatanggap ang butones ng kanyang polo. "Hindi okay dahil hindi ka pumunta. Unang beses ko iyon na magpakita sa mga readers ko at ireveal ang totoong author ng mga binabasa nila."

Malalaki ang hakbang na lumapit siya sa akin at dinamba ako ng yakap. Tulad ng nakasanayan niya kapag nalalapit sa akin ay ang dibdib ko agad ang aabutin ng kanyang malikot na kamay. Sa limang taon naming pagiging mag-asawa ay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status