All Chapters of IKAW SA AKING MGA KAMAY: Chapter 51 - Chapter 60
101 Chapters
Chapter 51
“GANOON na talaga habang buhay si Lukas. Akala ko kasi nagbago na siya,” tumutulo ang luha na sabi ni Cataleya sa sarili habang inihahanda na niya ang kanyang nakagaraheng motorcycle. Gusto muna niyang umalis ng resort at huwag magpakita sa boss niya ngayong araw. Naging senstibo tuloy siya dahil disappointment kay Lukas. Nabiktima siya ng maling akala.Pasakay na siya sa motorcycle nang may humarang sa daraanan niya. Kahit hindi na niya pakatitigan ang nilalang na iyon ay kilalang kilala na niya.“Cataleya! Wait.” Pa-senyas na iniharang ni Lukas ang nakabukas nitong palad. Humihingal ito sa kinatatayuan.Sa pagkakataong ay muli na namang bumalong ang luha sa mga mata niya. Hindi niya naampat ang pagtulo ng nasabing likido sa pisngi niya. Hangga’t maaari ay ayaw niyang maging emosyonal sa harap nito. Hindi nakaligtas sa paningin nito ang paghihirap ng kalooban niya.“Pinaalis mo ako ‘di ba?” Binigyan niya ito ng matalim na tingin sa kabila ng namamasa ang mata niya. “O baka naman, may
Read more
Chapter 52
BUMABA sila ni Lukas sa tindahan ng mga gadget sa town proper ng El Nido. Hindi inaasahan ni Cataleya na doon sila pupunta ng boss niya. Akala naman niya kung saan siya dadalhin nito.“At talagang dito tayo pumunta?” tanong niya kay Lukas, saglit siyang tumigil sa paglakad pasunod dito. Naroon sila sa entrada ng tindahan.Nilingon siya nito. “Di ba’t bibili ka ng bagong cellphone? So ito, sinamahan na kita.”“Pero ang sabi ko ay mamaya pang lunch break, may trabaho pa tayo,” angal niyang saad. Pinagtaasan pa niya ito ng isang kilay. Parang ito pa ang excited sa pagkakaroon niya ng bagong cellphone.Tinawid nito ang nalalabing distansya ng kanilang mga katawan. “Kasama mo ang boss mo Miss Domingo.” Inilapit nito ang labi sa isang tainga niya. Bumulong ito sa kanya. “At boyfriend mo.”Nagtaasan ang mga balahibo niya sa pagdampi ng mainit nitong hininga sa labi niya. Kasabay ang pagri-rigodon ng tibok ng puso niya. Naroon na naman ang kakaibang epekto ito sa kanya.“At ayoko lang abusado
Read more
Chapter 53
BUMUKAS ang pinto ng kuwarto ni Cataleya. Nanlaki ang mga matsa niya sa pagkagulat nang pumasok ang pamilyar na bulto ng isang lalaki. Kilalang kilala niya ito. Binuhay nito ang ilaw sa kuwarto niya. At hindi nga siya nagkamali.“Oh Lukas, anong ginagawa mo dito?” tanong niya sa lalaki. Kaya wala siyang nadamang takot o pangamba. Kahit sa dilim ay pamilyar sa kanya ang presensya nito.Magsasalita sana nito pero naagaw ang atensyon niya sa pag-iyak ng isang bata. Teka, kailan pa nagkaroon ng bata dito sa bahay niya.“Pasensya na my dear wife,” ani nito na bumanggit ng isang endearment na naging dahilan para panlakihan niya ito ng mata. “Ito kasing baby natin, ikaw agad ang hanap. Wala pa ngang five minutes na nasa akin.”Saka lang niya napansin na karga itong bata at iyon pala ang umiiyak. Nagmamaktol si Lukas na lumapit sa kanya at tinabihan siya sa pagkakaupo sa kama.Lumaki ang pagtataka niya sa gabing iyon. Ang bilis naman yata ng pangyayari na may anak na silang dalawa ni Lukas.“
Read more
Chapter 54
“K-KANINA ka pa d’yan?” hindi pa rin makapaniwalang tanong niya kay Lukas. Kasalukuyang ka-video call niya ito sa cellphone niya. Wala siyang kamalay-malay na nasagot pala niya ang tawag nito habang nagbabalik-tanaw siya sa kahapon. Nanunudyong ngumiti ito sa kanya. “Yes, kaso nasa ibang dimensyon yata ang isip mo kanina. Kaya nag-enjoy akong panoorin ka na lang. Matinlo ka pala Cataleya.” “Matinlo?” Napaangat ang isang kilay niya sa hindi pamilyar na salitang binitiwan nito. Narinig na niya iyon before at hindi lang niya matandaan kung saan. Hindi rin niya alam ang kahulugan. “Pinagsasabi mo d’yan?” “Ang tagal mo na dito sa Palawan pero hindi mo pa pala alam ang word na ‘yun.” Bigla itong napatawa. Apaw ang kasiyahan sa seryoso pa rin nitong mukha. “Ewan ko sa’yo Mr. Adriatico, bihira naman kasi akong makakausap ng taga-rito na dialect nila ang gamit,” aniya. Nilabian niya ito. Simula kasi nang manirahan siya dito sa El Nido ay halos puro Tagalog speaker ang nakakasalamuha niya.
Read more
Chapter 55
HUMANGA si Cataleya sa malaki at mala-mansyong bahay ng mga Adriatico na matatagpuan sa Corong- Corong. Isang barangay ng El Nido na nasa labas ng kabayanan. Moderno ang arkektura na isang upside down beach house style with third floor cupola. Nakaharap iyon sa Bascuit bay at natatanaw niya ang maliliit na isla at limestone cliff na tila nakatanim sa dagat. Ang kinaroroonan ng mga bahay nila ni Lukas ay nakaharap sa El Nido Bay. Kabababa lang nila ng binata nang kotse ay may naghihintay sa kanilang pagdating."Mayad nga timprano sa inyo Sir Lukas." Salubong sa kanila ng mag-asawang caretaker ng bahay na nasa kalagitnaan na ang edad sa front porch ng bahay. Binati sila ng mga ito ng magandang umaga sa dialektong Cuyunon.Nagmano dito ang binata. "Mayad nga timprano din po sa inyo Manang Berta at Mang Goryo. Kasama ko nga po pala si Cataleya, ang akin pong secretary at nobya.""Magandang umsga din po sa inyo," magiliw niyang bati sa mag-asawa at nagmano siya sa mga ito. Itinungo niya sa
Read more
Chapter 56
"Habang may effectivity pa ang contract natin, let's enjoy each other company Cataleya. " Lalo pang sumeryoso ang mga tingin nito. "Na-realize ko na special ka pala sa life ko. "Lumakas ang kabog ng dibdib niya dulot ng sinabi nito. Awtomatiko siyang napatingin dito. "Wow, ngayon ko lang nalaman buhat sa'yo na espesyal pala ako sa'yo."Matamis itong ngumiti. "You're not just my ordinary secretary, you've mean so much to me. You're my special friend. No pretension on that."Friend lang? reklamo ng puso niya. Bakit parang hindi yata siya masaya sa ganoong tinNapatawagin sa kanya ng binata? Kaagad na komontra ang isang bahagi ng utak niya. Huwag kang assuming Cataleya, 'di ba sabi mo na hindi ikaw ang dapat magkagusto kay Lukas? Dapat siya ang mapaibig mo? Napapitlag siya nang biglang may pumisil sa pisngi niya. "Ayan, siguro naman ay nakabawi na ako sa'yo, ang cute mo pag natutulala ka, buti na lang matinlo kaw.""Bolero ka rin Mr. Adriatico." Mahina niya itong hinampas sa balikat nito
Read more
Chapter 57
Marami pang pinuntahan na magagandang spot sa Bascuit Bay sina Cataleya at Lukas. Mga bandang hapon ay sa Helicopter Island sila nagpunta. Nakikita niya ang magandang rock formation na nasa dalisdis ng malaking limestone cliff na naroon sa isla. Nakaupo si Cataleya sa may buhanginan at tahimik na pinapanood niya si Lukas na abala sa paglalangoy sa dagat na kulay turquoise. Minsan pa siyang humanga sa magandang katawan nito na malaya niyang namamasdan. Hinubad kasi nito ang suot na rash guard at naka-board short na lang. "Ano bang meron sa kagaya ni Lukas? Kahit kasi magkaibang-magkaiba ang personality nilang dalawa ay masaya suya na kasama ito. Nagkaroon ng kulay at kabuluhan ang birthday celebration niya sa araw na ito. Simula nang maulila siya at sa pagkamatay ni Claudia ay hindi na niya binigyang halaga ang espesyal na araw na iyon. Wala ng dahilan pa para i-celebrate dahil wala na siyang pamilya. Malulungkot lamang siya imbes na maging masaya. Yes, tanggap na niya sa sarili na n
Read more
Chapter 58
NAPAHINGA nang malalim si Cataleya saka nilingon ang taong nasa likuran niya. “Alam mo Lukas para kang multo talaga. Bigla ka na lang sumusulpot eh. May kailangan ka ba sa akin?”Nangunot na naman ang seryosong badya ng mukha nito. Ang itsura nito na mag-alalangang kausapin ninuman. Pero iba siya sa mga ito. “Ba’t hinahaayaan mo na laging nakabukas ang bahay mo sa ganitong oras? Paano kung masasamang loob ang pumasok dito at hindi ako?”Nahimigan niya ang bahagyang pagkagalit na kastigo nito sa kanya. “Sorry naman, for sure ay nakaalis na si Manang. Sanay na kasi ‘yun na isinasara na lang ang pinto at gate ng bahay at ako na lang ang nagla-lock. Lumalabas naman ako saglit para i-check ang bahay. Anyway, salamat sa concern huh.”“Kahit na, not all times ay safe tayo sa bahay natin,” anito na hindi nakuntento sa sagot niya. “What if my masamang mangyari sa’yo? What if na hindi kita nadamayan agad?”Bigla siyang napatayo. Nagiging exaggerated na yata ito. “Sandali nga Mr.Adriatico, bakit
Read more
Chapter 59
WALA nang nagawa si Cataleya kundi ang magpatianod sa kagustuhan ni Lukas na sumakay sa ferris wheel. Pagkabili nito ng ticket ay kaagad na sumakay sila sa gondola na nakalaan para sa kanila. Nilalabanan niya ang kaba na nadarama niya. Iyon talaga ang ride na ayaw niyang sakyan.‘Kayanin mo Cataleya, alam ko naman na ayaw mong mawalay kay Papa Lukas,’ anang ng isang bahagi ng puso niya.Eksaktong sabay na pagsandal nila sa railing ay hinawakan ni Lukas ang isang kamay niya. “Nanlalamig ka yata Cath? Something wrong?”Isang pilit na ngiti ang ibinigay niya dito. “N-ngayon na lang kasi ako sasakay ng ferris wheel. Ang tagal na noong pinaka-last at medyo traumatic ako after that.”High school siya noon nang magka-ayaan sila ng mga kaklase niya na sumakay ng ferris wheel. Dahil first time niya ay naging excited tuloy siya. Ngunit nang umaandar na ay nagkaroon siya ng kadalaan. Bigla siyang nahilo at kaagad na nagpababa. Naroong sumuka siya at nangako sa sarili na hindi na muli na sasakay
Read more
Chapter 60
HINAYAAN ni Cataleya na lalo pang lumapit sa kanya si Lukas. Nakabukas ang mga bisig niya para sa binate. Pinagbigyan niya ito sa request nitong mayakap siya. At alam niya sa kanyang puso na hindi niya ito kayang tanggihan.“Ikaw talaga, akala ko pa naman kung ano na ang request mo sa akin.” Kusa niyang hinapolos ang broad back nito. Ang texture ng balat nito na tila nagdudulot ng kakaibang pakiramdam sa kanya. Naroong lumakas pa ang kabog ng dibdib niya.Hindi niya maikakaila sa sarili ang kakaibang epekto nito sa kanya. Aminado siya sa sarili kung gaano ito kahalaga sa buhay niya. Isang damdamin na natatakot siyang malaman nito.Walang kasuguraduhan kung hanggang kalian iyon magiging lihim. Ngunit iyon ang pinaka-safe niyang magagawa. Kailangang protektahan niya ang sariling damdamin.Dalawang bagay lang ang pwedeng kahantungan ng lahat. Ang magkaroon iyon ng katugunan o ang magbayad siya. Minsan pa niyang sinisi ang clause sa relationship contract nila.Kaagad na hinamig niya ang
Read more
PREV
1
...
45678
...
11
DMCA.com Protection Status