IKAW SA AKING MGA KAMAY

IKAW SA AKING MGA KAMAY

By:  Eckolohiya23  Completed
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
13 ratings
101Chapters
8.3Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

CATALEYA DOMINGO, nakasumpong ng pagpapanibagong buhay sa mala-paraisong bayan ng El Nido sa Palawan. May stable job siya bilang isang secretary at isang lihim na online romance writer. Kinalimutan na niya ang mga hindi magandang nangyari sa buhay niya noong nasa Manila pa siya. Kung may isang bagay siyang hinihiling sa kasalukuyan, iyon ay magkaroon ng mapagmahal na asawa at sariling pamilya. LUKAS ADRIATICO, isang mayamang binata na galing sa prominenteng pamilya. May nakatanim na galit sa puso niya dahil nahuli niya ang asawa na pinagtataksilan siya bago namatay sa isang car accident. Naging woman hater siya at ang tingin niya sa mga kalahi ni Eva ay isang laruan lang. Takot siyang magmahal muli dahil baka lolokohin na naman siya. Tanging pangarap niya ang mapamahalaan ang kanilang malaking kompanya. Walang kamalay-malay si Lukas na siya ang ginawang character peg ni Cataleya sa sinusulat nitong romance novel. Parang naglalaro ang tadhana, na sa pagkamatay ng boss niya, ang binata naman ang magiging boss ng dalagang secretary. Sa kabila ng pagiging hostile na boss ni Lukas kay Cataleya, magkakalapit pa rin ang mga loob nila. Ngunit may isang malaking kasinungalingan sa nakaraan ang nag-uugnay pala sa kanilang dalawa.

View More
IKAW SA AKING MGA KAMAY Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Isca Quinalayo Dinglasan
maganda ung kwento ......
2023-07-15 10:10:12
2
user avatar
Luzminda Pene
super ganda ng story...
2023-04-24 10:38:48
1
user avatar
Eckolohiya23
pahingi po ako ng review my dear readers. .........
2023-04-10 09:40:32
0
user avatar
Leslie agapito
Ang ganda talaga nito
2023-04-09 14:35:02
2
user avatar
Merlyn Gomez
Nice story
2023-04-04 10:01:05
1
user avatar
Eloisa Pesimo Ladi
thank you author...️...️...️
2023-04-02 23:27:24
1
user avatar
Luzminda Pene
napakagandang story at interesting...️
2023-03-27 21:17:25
1
user avatar
Bascon Reyes Pasumala Leen
Excited na sa next ud......
2023-02-24 19:32:50
1
user avatar
Leslie agapito
umpisa pa lng Ang ganda na Ng daloy ng kwento ni author..very interesting
2023-02-13 16:17:23
3
user avatar
Angelita Nobelista
Sa umpisa pa lang, maganda na ang daloy ng kuwento. Iba talaga si Eckolohiya. Proud ako na anak-anakan ko sa propesyon na ito ang batang 'to. Kung pagiging propesyonal sa pagsusulat ang pagbabasehan --- highly recommended ko po sa lahat si Eckolohiya23. Keep it up, anak! Saludo ako sa 'yo...!!!
2023-02-09 14:43:08
3
user avatar
Jhen nhie fher
isa n nman maganda obra n author ung susubaybayan ko,,sa umpisa plng feel ko n ung kilig n may halo suspense dhil sa dalawa bida,,author keep it up po sa mgaganda niyo stories
2023-02-09 14:24:30
2
user avatar
Diche Ian Lagumbay
The story look sad at the beginning yet interesting and reader may look forward what happens next day.Like me I wonder how the author will end the story,happy or tragic.
2023-02-09 13:47:53
2
user avatar
Bhie Rambonanza In
exciting to..kakaibang kwento na nman ni author..ano kayang mangyayari..well, basahin nlng para malaman ang kaganapan ng kwentong ito..isa rin ako sa tagasubaybay ng mga akda ni author Eckolohiya
2023-02-05 16:03:05
1
101 Chapters

Chapter 1

“MISS Cataleya Domingo, you may come in now.”Kaagad siyang tumayo mula sa pagkakaupo niya sa visitor’s lounge pagkarinig sa boses na iyon ng babaeng receptionist. Naroon siya headquarter ng malaking manufacturing company. May particular siyang sadya doon- ang mismong general manager. Nagkataon na maraming nagsasadya sa opisinang pakay niya lalo’t wala siyang pormal appointment.May pasasalamat na tinanguan niya ang receptionist saka pinihit na ang knob ng pinto ng opisina. Inalis niya ang suot na caps sa ulo. Nakadama siya ng mumunting pag-asa sa mga sandaling iyon. Akala niya ay mababalewala siya sa kanyang pagpunta. Sana nga lang ay makiayon sa kanya ang pagkakataon para sa pakay niya. Ganap na siyang pumasok sa loob ng opisina.“What brought you here?” salubong na tanong sa kanya ng isang sopistikadang babae. Halatang napipilitan ito na tanggapin siya bilang guest habang nakaupo sa upuan nito sa executive desk nito. Minsan pa siyang parang humarap sa salamin dahil sa malaking pagka
Read more

Chapter 2

TWO WEEKS LATER.Nasa loob ng isang suite ng mamahaling hotel si Cataleya. Nakaupo siya sa couch na naroon habang nagba-browse sa social media account niya gamit ang cellphone. Nakasuot siya ng isang roba na nagtatago sa katawan niya na nakasuot ng sexy lingerie. Iyon ang gabi ng kabayaran. Suot pa rin niya ang eye glasses na iniingatan niya.Biglang nakita niya ang account ng kakambal niyang si Claudia. May pagka-pribadong tao ang kapatid niya dahil wala itong masyadong post o picture nito. Ngayong araw ang kasal ng twin sister niya sa matagal na nitong nobyo. Katulad nito ay galing din ang napangasawa sa mayamang angkan na may malalaking negosyo.Wala naman siyang interest na malaman pa ang ibang parte ng buhay ng kapatid. Hindi na nga niya inalam ang pangalan ng mapapangasawa nito. Alam niya na wala siyang karapatang ituring iyon na bayaw. Si Claudia nga ay mabigat ang dugo sa kanya na ituring siyang kapatid.Ang malaking agwat ng pamumuhay nila ang humahadlang para ganap na magtag
Read more

Chapter 3

NAROON ang panginginig sa katawan ni Cataleyah nang mahubad na ang suot niyang roba. Bumuntong-hininga sa paghanga ang lalaki sa nakatamabad niyang katawan niya na tanging dalawang maliit na tela ang nakasuot. Wala itong kamalay-malay na kakambal siya ng asawa nito. Isang pagpapanggap na kailangan niyang magawa para maisalba ang puri ng kapatid niya. Hindi dahil sa dugong namamagitan sa kanila kundi dahil sa pangangailangan niya.“You are beautiful my dear wife.” Kinintalan siya nito ng halik sa labi niya. Saglit itong umalis sa kama at tumayo sa harap niya. sinimulan nitong hubarin ang suot na long-sleeves.Nanatiling nakatuon ang may kalabuang tingin niya sa lalaki na may kasamang paghanga. Nakadama siya ng paghihinayang dahil hindi niya malinaw na napagmamasdan ang magandang built ng katawan ng asawa ng kakambal niya. Nai-imagine niya ang malapad nitong dibdib na naghatid ng kakaibang init sa bawat himaymay niya. Napababa pa ang tingin niya sa flat nitong tiyan para hindi nito mahal
Read more

Chapter 4

NAWALA ang nadaramang pagod ni Cataleyah pagkapasok niya sa loob ng kanyang writing room. Kaagad siyang naupo sa harap ng kanyang personal computer na binuhay na niya. Mamaya na siya kakain ng dinner at uunahin muna niya ang pagsusulat.Madami siyang tinapos na trabaho sa hotel at resort at halos ma-drain ang energy niya. Dulot ng ininom niyang coffee ay nakapag-recharge siyang muli ng energy. Mga ilang sandali pa, kaharap na niya ang ongoing story niya sa isang platform sa internet. Binasa muna niya ang mga comment sa last updated chapter na ni-upload niya kahapon.Minsan pa siyang nagpalamon sa ikalawang mundo niya. Ang kanyang lihim na katauhan bilang isang manunulat.“Kung kayo excited sa mangyayari kay Von at Amarah, paano pa kaya ako na writer?” napalakas niyang sabi sa sarili. Para bang may kausap talaga siya. “Kumalma lang kayo at tatapusin ko ang pagkabitin ninyo sa aking story.”Bumuntong-hininga siya sa harap ng monitor. Isusulat na kasi niya ang love scene ng kanyang mga c
Read more

Chapter 5

“IKAW ba talaga ang minana kong secretary?” mariing tanong ng bagong boss kay Cataleya. Pauyam ang mga tingin nito sa dalaga. “Unattentive at wala sa focus.”Mabilis niyang hinamig ang sarili sa sandaling iyon. Diretso siyang tumingin sa mukha ni Lukas. “I’m s-sorry Sir, medyo kinikilatis ko lang kayo as my new boss.”Kulang na lang ay mapapikit siya sa alam niyang sablay niyang dahilan. Masyado kasi nitong nawindang ang buong pagkatao niya. Kailangan na lang niyang panindigan ang mga sinabi niya.Nakita niya ang pag-alis nito sa likod ng executive table nito at lumakad patungo sa harap niya. Hanggang balikat siya nito dahil taglay na katangkaran. Pinagsalikop nito ang mga braso habang nanunuri ang mga tingin. “Late ka na nga Miss Domingo, pero nakuha mo pa akong kilatisin. Hindi ba dapat ako ang gumawa n’yan sa’yo.”Lukas Adriatico was handsome as hell. Sa mga simpleng kilos nito ay mababasa ang dinadalang authority. Malayong-malayo ito sa namayapa niyang boss. At isang malaking adju
Read more

Chapter 6

SAGLIT na tumigil sa paglakad si Cataleya pagkababa niya ng unang palapag. Galing lang naman siya sa ika-apat na palapag ng second building ng hotel. Bale nasa anim na department ang pinuntahan niya. ngayon lang siya sa nakadama ng matinding pagkapagod sa trabaho niya. Pinunasan niya ang pawis na naglitawan sa mukha niya. Napansin niya na magtatanghaling tapat na, kung kaya kumakalam na ang sikmura niya sa gutom.Sa isip niya ay pinapagalitan niya ang bagong boss niya. Doon niya inilalabas ang panggigil dito. Maling-mali na ginawa niya itong visual peg sa male character niya. Ibang-iba it okay Von.Ewan ko ba sa’yo Mr. Lukas Adriatico. Parang wala kang pakialam sa nararamdaman ng mga empleyado mo.Humakbang na siyang muli para bumalik na sa opisina niya. Humupa naman na ang nadarama niyang pagkapagod ng katawan. Naroon pa rin ang lihim niyang pagkastigo sa isip niya sa bagong boss.Sa sumunod na pagkhakbang ng paa niya, bigla iyong nawala sa pagkakaapak sa sementong daan. May malakas
Read more

Chapter 7

“GANYAN ka ba talaga kalupit Sir Adriatico?” nakapameywang na tanong niya sa bagong boss. Isang pambihirang lakas ng loob ang sumanib sa kanya. Hangga’t maaari ay ayaw niyang may naagrabyadong maliliit na tao lalo at katrabaho niya. Alam niya ang pakiramdam ng mga nagprotestang empleyado ng resort. Masakit para sa mga ito ang mawalan ng trabaho.Hinarap siya ni Lukas, hindi na kinabakasan ng pagkagulat ang mukha nito. isang nang-uuyam na ngisi ang kumintal sa labi nito. “Ibang klase ka talaga aking secretary. Kanino ba ang loyalty mo huh, sa akin na boss mo o sa mga pasaway na empleyadong tinaggal ko?”Samu’t saring reaksyon ang makikita sa mukha ng buong empleyado na naroroon sa hall. Lalo pang umugong ang bulungan sa paligid. Lahat ay naghihintay sa susunod na mangyayari.“Wala kang awa Sir, sana inisip mo ang maapektuhang pamilya na pinapakain nila.” Kulang na lang ay magpakawala ng mumunting punyal ang labi niya patungo sa binatang boss. “Palibhasa kasi ay hindi ka lumaki sa hir
Read more

Chapter 8

BIGLANG hinawakan siya ni Lukas sa dulo ng baba niya. Iniangat pa nito iyon para lalong magtama ang kanilang mga mata. May pagbabanta sa titig nito sa kanya. “Feel free to leave this office now Miss Domingo. At huwag mong pagsisihan ang pag-alis mo sa akin bilang secretary ko.”Pagalit niyang tinabig ang kamay nitong nakahawak sa kanya. Muli siyang nakadistansya muli dito. “Alam mo Mr. Adriatico, ang gulo mo ring kausap ano? ‘Di ba ayaw mong empleyado na hindi epektibo sa trabaho? So, heto na nga, kusa na akong magri-resign.”“Nasabi ko na ang dahilan ko sa’yo.” Naisuklay nito ang kamay sa wavy hair nito. “Besides may freedom ka naman magdecide, but be ready for the consequences of your action.”Umiling-iling siya na hindi makapaniwala. Napapasuko na siya sa bagong boss pero ayaw niyang ipakita dito ang pagkatalo niya. bumalik siya sa table niya saka prenteng naupo sa swivel chair niya. katulad niya, hindi rin magpapatalo sa argumento si Lukas.Tila naaliw na pinanood siya ni Lukas sa
Read more

Chapter 9

HINDI niya inaasahan niya ang paglapit sa kanila ni Lukas. Masama pa rin ang tingin nito sa kanya. pakiramdam ni Cataleya ay may nagawa na naman siyang kasalanan. Wala nga lang siyang ideya kung ano iyon.“Andito ka na pala Buddy,” sabi ni Brian pagkakita sa binata. Halatang kakilala nito si Lukas. Nabitawan nito ang kamay niya para makipagkamay sa bagong dating.Pero hindi ito masyadong pinansin ni Lukas. Nilabanan niya ang kaba nang balingan siyang muli ng binatang boss. Naroon pa rin ang panlilisik sa mga mata nito. “Sumama ka sa akin Miss Domingo, now!”Napapitlag siya nang mahigpit siyang hawakan ni Lukas sa braso niya. Lumakad itong muli kung kaya awtomatikong napasunod ang katawan niya. Sinikap niyang patatagin ang balanse dahil nakakaladkad siya sa mga sandaling iyon. Napapatingin sa kanila ang ibang guest doon sa bar.Nagpuyos na naman ang damdamin niya. Balewala kasi kay Lukas kung mapahiya man siya sa maraming tao. Kahit yata sa maraming tao. Namalayan niya na nakalabas sil
Read more

Chapter 10

“SIMPLE lang Frenny, i-adapt mo na mismo si Lukas sa character mo d’yan sa story mo,” suggestion ni Ria. Nangislap ang mga mata nito dahil sa pagpasok ng nasabing idea. “Sayang kasi ang story mong ito kung hindi mo itutuloy.”Napataas ang kilay ni Cataleya. “Paano ko pa gagagwin ‘yun aber? Ang layo ng ugali ni Von kay Lukas. Halos siya ang dream guy ng karamihan na sweet, caring at gwapo.”“Parang kang ‘di writer!” Pinalo siya ng kaibigan sa balikat. “Tutal, wala pa namang ten chapeter, gawan mo ng isang pangyayari na pwedeng mabago ang male lead mo. Baguhin mo ang back story ni Von.”“Baka naman magalit sa akin ang mga reader ko n’yan,” medyo worried niyang sabi. “At hindi na umangata ang reads.”“Alam mo base sa sinabi mo sa akin about d’yan sa bagong boss mo, ramdam ko magki-click pa rin siya sa readers mo. Mga ganoong male lead na tulad ni Lukas ang kadalasang pumapasok sa trending list. Dagdag, appeal kasi ‘yun sa ating mga babae.”“Naku, sa’yo lang may appeal ‘yun frenny.” Humal
Read more
DMCA.com Protection Status