All Chapters of THE BEST MISTAKE: Chapter 21 - Chapter 30
394 Chapters
Chapter 21-Pagpaplano
Mataman na pinagmasdan ni Travis ang babaeng nakayo sa kaniyang harapan. Inaasahan na niyang pipirma ito ng kontrata pero napaaga naman."Pasensya na kung napaaga ang aking pagpunta dito." Ngumiti si Shaina sa binata at medyo nakaramdam ng pagkailang sa paraan ng pagtitig sa kaniya ng lalaki."Have a seat," pormal na tugon ni Travis bago sinenyasan ang assistant na lumabas."So, are you fine working with your cousin?" naninigurong tanong ni Travis."Yes, sir!" mabilis niyang sagot sa binata, sandaling napatitig sa mga mata nitong kakaiba kung makatingin. Naroon na naman ang pakiramdam ng kaba sa kaniyang dibdib sa hindi malamang dahilan."Then, congratulations and good luck!"Tinanggap ni Shaina ang kontratang kaniyang pipirmahan. Matapos niyon ay nakipagkamay sa kaniya ang lalaki. Naroon na naman ang pamilyar na init na nagmula sa palad nito kaya sandali siyang natigilan.Kung hindi pa kumatok ang assistant ay hindi mabitawan ni Travis ang palad ng dalaga."Sir, narito po si Miss Ang
Read more
Chapter 22-Paharap ng mag-ama
"Ano na ang resulta? tanong agad ni Travis pagkasagot sa tawag ni Cyrus."Positive, sir. Maling gamot ang iyong iniinum. Isa itong uri ng droga na nakakalumpo at ang isa ay pampahina ng memorya."Naikuyom ni Travis ang kamao habang ang isang kamay ay mahigpit ang pagkahawak sa cellphone. "Pagbabayarin ko silang lahat!""Huminahon po kayo, sir, hindi nila maaring malaman sa ngayon na alam mo na ang tungkol dito.""Gusto kong bisitahin ang puntod ni Ben." Nangangalit ang ngipin ni Travis pagkaalala sa dating assistant. Kahit hindi niya pa ito maalala, alam niyang isa ito sa kaniyang pinagkakatiwalaan noon."Huwag muna ngayon, may nakasunod sa inyo," ani Cyrus at nakasunod din siya sa sasakyan nila Travis.Sumilip si Jomar sa side mirror nang marinig ang sinabi ni Cyrus, dahil malakas ang volume ng kaniyang cellphone. Lumiko siya sa isang eskinita upang makumpirma kung nakasunod nga sa kanila ang isang itim na kotse. Nakilala niya ang isa pang bakasunod at iyon ay si Cyrus.Dumiritso si C
Read more
Chapter 23-Ang lasa ng halik
"Yaya, we have to find him again!" pabulong na maktol ni Arriana kay Nida. Ayaw nitong marinig ng ina ang pinag-uusapan nila dahil baka mag-alala lang sa kaniya."Mukhang umalis na sila dito, baby," pabulong din na sagot ni Nida."Are you na siya na talaga ang ama natin?" tanong rin ni Adrian sa kapatid sa mahinang tinig lamang."Yes, kuya! I am one hundred percent sure now. You both have the same eyes, nose, lips, and—""Tama!" naibulalas ni Nida kaya natigil sa pagsasalita si Arriana.Tama si Arriana, dahil bigla siyang nahiya kanina sa kasama ng lalaking naka upo sa wheelchair, hindi niya napagtuunan ng husto ng pansin ang mukha ng lalaking tinutukoy ng alaga.Nangunot ang noo ni Adrian habang hinihintay ang iba pang nais sabihin ng kanilang yaya."Tama ang kapatid mo, kamukhang-kamukha mo ang lalaking iyon! dugtong na ani Nida."Dapat nga natin siya mahanap. Pero huwag niyo po munang sabihin kay Mommy." Napangiti na rin si Adrian katulad sa kaniyang kakambal.Nagkasundo ang tatlo n
Read more
Chapter 24-Matinding Pagnanasa
Hinayaan ni Travis na tulungan siya ni Angeline sa paglipat sa kama. Uupo sana siya sa gilid ng pinaghihigaan ngunit bumigay ang katawan ng dalaga. Sabay silang natumba sa kama at nasa itaas niya ito.Sandali napatitig ang namumungay na mga mata ni Angeline sa mukha ng binata. Bigla siyang natakam na tikman ang labi ni Travis ngunit kailangan niyang magpigil."So-sorry, lasing na nga yata ako." Tangkang tatayo na siya nang biglang kabigin ni Travis nag kaniyang batok. Ang sumunod na ginawa nito ay nagpawindang sa kaniyang sistema.Malaki ang pagnanais ni Travis na makaalala kaya gusto niyang subukang gamitin si Angeline. Nang maglapat ang kanilang mga labi ay mayroon malabong alaala ang muling nakita sa gunita. Tama, dahil sa alak kaya niya naalala ang gabing iyon. Ang lasa ng alak sa labi ni Angeline ang siyang dahilan kung bakit naalala niya ang nangyari sa kanila ng babae. Ngunit hindi niya nakikita ang mukha ng babae sa alaala. Tanging ang paraan ng pagganti sa halik sa kaniya ang
Read more
Chapter 25-Ebidensya
"Kuya, nandito ako para tulungan ka!"Napasinghap si Travis sabay mulat ng mga mata matapos marinig ang huling sinabi ng babae sa kaniyang panaginip. Pamilyar sa kaniya ang tinig ng babae ngunit hindi niya makita ang mukha. Sigurado siya na part pa iyon ng kaniyang alaala. Ramdam pa niya hanggang ngayon ang halik sa labi ng babaeng nasa panaginip."Uhmmm..."Gulat na napalingon si Travis sa kaniyang tabi nang makarinig nang mahinang ungol ng babae. Ang akala niya ay nanaginip pa rin siya nang makita ang pigura ng isang babae. Nang makita ang hubad nitong balikat ay kinabahan siya. Naka side view ang babae kaya hindi niya agad ito nakilala. Unti-unting bumalik sa isip ang nangyari kagabi."Shit, ano ang ginawa ko?" naitanong ni Travis sa sarili nang maramdamang wala siyang saplot sa katawan, maliban sa kumot na nakatabing hanggang beywang.Unti-unting gumalaw si Angeline at humarap sa binata. Nang makitang nakatitig ito sa kaniya ay ngumiti siya. "Goodmorning!""Bakit ka narito sa akin
Read more
Chapter 26-Ang drawing
"Gusto kong imbistigahan mo ang dalawang pamilyang ito." Tukoy ni Travis sa pamilya ni Rex at nila Angeline."Masusunod po, Sir!" Pagkalikom sa laman ng folder ay umalis din agad si Cyrus at darating na ang assistant nito.Pagdating ni Johnny ay may masamang balita agad itong dala."Sir, naririnig ko pong pinag-uusapan ng ilan ang tungkol sa iyong status. Kung ikaw ba daw ay nararapat pa rin sa iyong posisyon ngayong may amnesia ka. Naisip din nila na si Sir Joshua ang ilagay sa posisyon ng chairman kapag nag-asawa na ito."Napatiim bagang si Travis. Alam naman niya ang ganoong issue at tama nga si Martha. Hindi mapigilan ang mga board members at shareholders na pag-usapan ang kaniyang kalagayan ngayon. Alam niyang hindi lang dahil nababahala ang mga ito na bumagsak ang kompanya kapag siya ang namamahala. May amnesia lamang siya at hindi bobo."Alamin mo ang mga pangalan ng taong nagpapakalat ng hindi magandang balita laban sa akin!"Napalunok ng sariling laway si Johnny. Iba talaga a
Read more
Chapter 27-Ang muling pagkikita
"Daddy?"Nilingon ni Jomar ang batang nagsalita. Nasapo pa niya ang kaniyang dibdib at ang akala niya ay siya ang tinatawag ng batang babae. Hindi sa ayaw niyang magkaroon ng instant na anak. Wala naman kasi siyang naikama pang babae para magkaroon ng ligaw na anak. Kalauna'y napangiti siya nang mamukhaan ang bata. Ito ang nakita nila sa beach noong nakaraang araw.Humarap si Travis sa bata dahil pamilyar sa kaniya ang tinig nito."Gosh, nahanap din po ulit kita! Bakit hindi mo po ako hinintay sa beach? Ang hirap mo kayang mahanap!" Kandahaba na ang nguso ni Arriana.Naaliw si Travis sa bata at senirmunan pa talaga siya. Kung anak nga niya ito ay masasabi niyang nagmana ito sa kaniya. Hindi titigil hangga't hindi nakuha ang gusto o walang linaw ang isang bagay."Daddy, I draw your face para mahanap kang muli.""Really?" hindi makapaniwalang tanong ni Travis.Namangha si Jomar nang makitang ngumiti si Travis at nagawang entertain ang isang batang hindi kilala. Kung sa ibang tao iyon ay
Read more
Chapter 28-Special Guest
Lalabas sana ng sasakyan si Daisy upang lapitan ang lalaki at sitahin. Ngunit biglang lumapit dito ang isang babae na galing sa katabing bahay nila Shaina. Nakahinga siya ng maluwag at namali lang pala siya ng akala. Naisip ni Daisy na tawagan ang kaibigan. Nang malaman na malapit na ito ay hinintay na niya ang kaibigan at gustong makausap. Alam niyang sa kompanya ni Travis na ito madalas naglalagi dahil sa project na hawak nito doon. Tadhana nga naman, pinaglalapit ang mga pusong nakalaan para sa isa't isa.Pagkababa sa taxi ay napansin ni Shaina ang sasakyan ng kaibigan. "Bakit hindi ka pumasok sa loob? Ang kambal, nasaan na?""Nasa loob na sila, aalis na sana ako nang sabihin mong malapit ka na.""Doon tayo sa loob," anyaya ni Shaina sa kaibiban at nauna nang pumasok sa bahay.Mabilis na sumunod si Daisy sa kaibigan. Wala ang kambal at alam niyang naglilinis na ang mga ito ng katawan."Salamat at inilabas mo kanina ang mga bata," ani Shaina habang inaalis ang stocking na suot na ab
Read more
Chapter 29-Pagkapahiya
"Kaya nga bagay silang magkapatid sa ating pamilya!" taas-noo pang puri rin ni Martha na nakiayon sa kaniyang pinsan na si Jinky.Lahat ng nakarinig ay napangiti, ang ilan ay nakaramdam ng inggit kina Martha dahil halos nasa pamilya ng mga ito na ang lahat.Nahihiyang ngumiti si Matilda sa lahat na naroon pero deep inside of her heart ay nag-uumapaw sa tuwa ang kaniyang puso, dahil sa mga papuring narinig. Mabuti na lang talaga at naagaw ng kaniyang anak si Rex mula kay Shaina. At ngayon naman ay ang panganay niyang anak ang maaring maging asawa ng bigatin nilang bisita."Here you are, my precious granddaughter!" Kay lapad ng ngiting nakapaskil sa labi ni Cristy habang nakatingin sa papalapit niyang apo.Biglang nabura ang ngiti sa labi ni Matilda nang makilala ang tinutukoy ni Cristy. Bakit ba hindi nila napagtuunan ng pansin ang kung sino ang pinagkatiwalaan ng matanda na siyang mag-ayos ng venue?Hindi magawang ihiwalay ni Travis ang tingin sa babaeng papalapit sa birthday celebran
Read more
Chapter 30-Paghingi ng tawad
Mataman na pinagmasdan ni Cyrus si Travis habang tinititigan nito ang larawan kaniyang kuha mula noong nakaraang araw. Ang balak niya noon ay aalamin lamang ang tirahan ni Shaina. Ngunit iba ang kaniyang natuklasan. Ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataon na makalapit kay Travis dahil mahigpit ang lihim na nagbabantay sa bawat kilos nito."Siya ba ang kambal na iyong tinutukoy?" tanong ni Cyrus.Sumandal si Travis sa sandalan ng kinaupuan at tumingin kay Cyrus. " Ano pa ang impormasyong nakuha mo mula sa kanilang ina?"Nakipaglaban ng titig si Cyrus sa kaniyang kausap. Hindi niya alam kung ano ang iniisip nito sa natuklasan. Mukhang hindi na ito nagulat na si Miss Shaina ang ina ng mga batang umaangkin dito na ama. Inilabas niya ang isa pang report papers na nakuha tungkol sa babae."Nakatakda nang ikasal noon sina Rex at Miss Shaina. Ngunit biglang umalis ng bansa ang babae at walang linaw ang dahilan. Hindi rin maganda ang reputasyon ng babae dahil nakailang palit na ng karelasyon
Read more
PREV
123456
...
40
DMCA.com Protection Status