All Chapters of THE BEST MISTAKE: Chapter 41 - Chapter 50
382 Chapters
Chapter 41-Yakap
Oras ng pagtulog, napagitnaan nila Shaina at Travis si Arriana. Madaling nakatulog ang bata, hindi katulas ni Shaina. Mukhang nanigas na siya sa kinahigaan at pinakiramdaman si Travis. Nanatili lang siyang nakapikit at kinakabahan."Ano ba ang kinatatakot mo?" batikos ni Shaina sa sarili."Goodnight!"Napamulat ng mga mata si Shaina nang marinig ang malagom na boses ng binata. Nakatagilid siya ng higa paharap sa binata dahil kailangang nakayakap ang isang kamay niya sa anak. Pareho sila ng posisyon ng binata at halos magdikit na ang kanilang mga kamay. Nakahinga siya ng maluwag dahil nakapikit na rin ang binata."Matulog ka na at ako na ang bahalang magpainum ng gamot sa bata," ani Travis at nanatiling nakapikit ang mga mata."Thank you!" Mabilis siyang tumagilid patalikod sa anak at sa binata.Ilang minuto pa ang pinalipas ni Travis bago gumalaw sa kinahigaan. Nang masigurong tulog na rin si Shaina ay bumangon siya. Pinakatitigan ang mag-inang natutulog. Hanggang ngayon ay hindi niya
Read more
Chaoter 42-Drama
"Travis, lahat na ay ginawa ko upang matanggap mo kami ng iyong kapatid. Hindi pa ba sapat na hindi ka namin sinukuan noong na comatose ka upang maniwala kang wala kaming ibang hinangad kundi ang mapalapit sa iyong puso? Ikalawa mo nang buhay ito at—""Tama, ikalawang buhay ko na ito at alam kong may kinalaman kayo kung bakit muntik nang mawala ako sa mundong ito!"Awang ang bibig at hindi makapanilwang nakatitig si Martha sa binata. Ipinakita niya ritong labis siyang nasasaktan at nagalit sa mga pinagsasabi nito. "Alam kong ayaw mo ako bilang ikalawang ina mo, Travis! Pero wala kang karapatang paratangan ako na walang sapat na ebidensya!""Sa ngayon ay wala pa, pero hindi ko babawiin ang mga sinabi ko. Hindi ako tulad sa inaakala ninyo na kaya niyong utuin kahit wala na sa sariling alaala. Sapat na ang naging mabait ako sa inyo ng ilang taon kapalit ng pagpainum sa akin ng mga maling gamot."Kinabahan si Martha pero hindi niya iyon ipinakita kay Travis. "Madaling sabihin iyang mga ben
Read more
Chapter 43-Inggit at selos
Napilitan si Angeline na kunin ang kutsara at kumain. Hindi siya maaring mag-demand sa binata at baka biglang umalis ito. Isa pa ay alam niyang wala sa bukabularyo ng binata ang pagiging maalaga sa isang babae.Mr. Villanova, ano na ngayon ang balak mo sa iyong mag-ina? Nasabi naman sa iyo ng doctor na nakakaapikto sa kaniyang pagbubuntis ang pagbagsak ng kaniyang emosyon." Kausap muli ni Matilda ang binata."Subukan kong maglaan ng oras sa kaniya." Maiksing tugon ni Travis pero hindi nangangako.Sapat na kay Matilda ang narinig mula sa masungit na binata. Kapag madalas na nitong nakakasama si Angeline ay tiyak na mahuhulog din ang loob nito sa kaniyang anak.Pinaayos ni Travis ang bill ni Angeline at lalabas na ito ng hospital. Habang naghihintay ay hinarap niya si Angeline.Nakagat ni Angeline ang loob ng ibabang labi nang magsalubong ang tingin nila ni Travis. Kung noon ay guwapo na ito sa kaniyang paningin, dumoble ang paghanga niya rito ngayong nakakalakad na ito ng tuwid. Lumaki
Read more
Chapter 44-Panghahamak
Hindi na niyaya ni Matilda na kumain muna ang abogado ni Travis. Maging siya ay nainis sa nangyari. Mukhang lalong lumayo ang loob ng binata sa kanila dahil sa nangyari kanina."Mom, nakahanda na po ang pagkain sa lamesa." Masayang salubong ni Lovely sa dalawa habang tumitingin sa likuran ng mga ito."Huwag mo nang hanapin ang wala at ipakain mo sa aso iyang pagkaing inihanda!" inis na sita ni Angeline sa kapatid."What? Ano ang nangyari at hindi siya kasama? Ang akala ko ba ay siya ang naghatid sa inyo?" hindi makapaniwalang tanong ni Lovely.Sa halip na sagutin ang kapatid at nagdadabog siyang tumalikod."Angeline, huminahon ka! Alalahanin mong buntis ka kaya hindi maaring malipasan ng gutom!" galit na paalala ni Matilda sa anak.Biglang binagalan ni Angeline ang paglalakad. Sa halip na sa silid ay dumiritso siya sa kusina.Sa bahay ni Travis, parehong nakaismangot ang kambal na nadatnan ng binata. Itinaas niya ang pinamiling pagkain, kasama ang ice cream ngunit walang pagbabago sa
Read more
Chapter 45-Kiss
Namilog ang mga mata ng manager nang makita ang card na hawak ng bata. "Saan mo kinuha ang card na iyan, ha? Alam mo bang iilan lang ang nagmamay-ari niyan? Tiyak makukulong ang iyong ina kapag hinanap iyan ng tunay na may-ari. Kaya akin na iyan upang maibalik!"Ouch!" Nasaktan si Adrian dahil sa mahigpit na paghawak ng lalaki sa kaniyang kamay at pilit na kinukuha ang hawak niyang card.Saka lang natauhan si Shaina nang makitang nasaktan ang anak. Galit niyang itinulak ang lalaki na naging dahilan ng pagkawala ng balanse nito.Sabay na napahiyaw ang lahat na naroon nang masagi ng manager ang isang stante at nahulog lahat ng bagay na naka display roon."See what you did? Oh my God, how can you pay for all of these now?" bulyaw ng manager sa mag-ina.Sa halip na matakot ay galit na sinugod ni Adrian ang lalaki dahil dinuro-duro nito ang kaniyang ina. Ngunit bago pa niya ito maabot ay may humila sa kaniya at sa ina.Binuhat na ni Joseph si Arriana at patakbong lumapit sa isang umpukan n
Read more
Chapter 46-Parusa
"Ate, anong feeling?" kinikilig na tanong ni Nida sa mahinang tinig lamang.Siniko ni Shaina ang madaldal na yaya ng anak upang patahimikin ito. Naroon pa rin sila sa opisina at abala si Travis sa kausap nito. Sa totoo lang, ramdam pa rin niya ang pag-init ng kaniyang pisngi, lalo na sa kung saan dumampi ang malambot na labi ni Travis kanina.Tinakpan ni Nida ang bibig at nanunukso ang tingin sa amo. Si Joseph ay lumabas na at nagbantay sa labas ng opisina. Ang mga alaga niya? Ayun at busy na sa nilalarong games sa isa pang cellphone ng ama ng mga ito.Binuksan ni Joey ang laptop at gustong makita ni Travis, mula sa footage ang naganap sa boutique.Nakilala ni Travis ang babaeng isa sa umakusa kay Shaina. "Nasaan na ang babaeng iyan?" turo ni Travis sa saleslady."Nasa interrogation room po kasama ang iba pang sangkot, maging ang guard.""Gusto kong papasukin mo ang isang babaeng iyan dito upang mag-apologize."Hindi alam ni Shaina kung sino ang tinutukoy ni Travis. Ayos na sa kaniya
Read more
Chapter 47-Masakit pa sa sampal
Natuwa si Lovely at Matilda pagkakita kay Travis. Kahit madilim ang aura ng mukha nito ay alam nilang dumating ito upang tulungan sila."Hijo, salamat naman at dumating ka." Salubong ni Matilda sa binata."Ano ang nagawa mo at narito ka?" malamig na tanong ni Travis kay Lovely.Nahuli ni Jomar na sumimangot ang ginang dahil hindi ito pinansin ni Travis. Tahimik lang siya nagmamasid sa paligid at nakabantay sa likod ng binata."Kasalanan ito ng pinsan kong may malaking galit sa akin. Hindi ko sinaktan ang anak niya at walang ginagawa sa kaniya. Dinamay niya lamang ako dahil noon pa man ay gustong makaganti sa akin."Mataman na pinagmasdan ni Travis ang dalaga at nagpunas pa ito ng luha sa mga mata."Tama ang narinig mo, hijo. Black sheep siya sa aming pamilya kaya naipatapon siya noon sa ibang bansa. At ngayong nakabalik ay nagsimula na naman siyang sirain ang buhay ng mga anak ko." Tonong nanghihina si Matilda at hindi na alam anong pakitungo ang gawin sa babaeng tinutukoy nito."Mukh
Read more
Chapter 48-Kasunduan
"Ako na ang nakikiusap, anak, ikaw lang ang nakakausap ng ama ng mga anak mo. Baka makinig siya sa iyo at hayaang makalabas ang pinsan mo ngayon."Napabuntonghininga si Shaina at naawa sa tiyuhin. Kapag ganito na ang tono nito at tinawag pa siyang anak ay hindi niya ito matanggihan."May karamdaman din ang iyong abuela ngayon. Kapag nabalitaan niya ito ay baka hindi niya matanggap." Dagdaga pa ni Jessy."Susubukan ko po." Mukhang napipilitang sagot niya sa tiyuhin. Ito ang kahinaan niya, ang gamitin ang kaniyang abuela, maliban sa mga anak at ama."Hindi na magbabago ang aking isip."Mabilis na naibulsa ni Shaina ang cellphone at nilingon si Travis. Hindi niya alam na naroon pala ito at nakikinig."She deserves it for calling my child illegitimate."Gustong sagutin ni Shaina ang binata na totoo naman. Pero sa sarili niya lamang iyon sinabi."Alam kong iyan ang tingin ng lahat sa mga anak ko dahil hindi tayo kasal. Pero iyong iparinig mismo sa mga bata ay hindi ko palalampasin. Isa pa
Read more
Chapter 49-Ang balita
Halos mamaga na ang mga mata ni Lovely sa kakaiyak nang ediklara ng abogado nila Shaina ang hindi magandang balita."I'm sorry, kahit gustong makipag ayos ng aking client ay hindi pa rin maaring ilabas ngayon ang inyong anak.""Mga walang kuwenta!" Tumaas na ang timbri ng boses ni Matilda at ibinunton ang galit sa abogado ni Shaina.Sinisisi niya ito dahil late nang dumating. Hindi na sila makapag piyansa at tapos na ang working hours. Isa pa ay mabigat na kaso ang child abuse kaya hindi basta makalabas ang anak. Kailangan umano imbistigahan at bukas pa iyon mangyari dahil gabi na."I'm sorry, Mrs." Mapagkumbaba pa rin ang abogado.Bumagsak din ang balikat ni Jessy, hindi niya maaring sisihin ang pamangkin dahil pinagbigyan naman siya nito. Iyon nga lang at late na ang tulong na ipinadala nito. Masasabi niyang talagang malaki ang connection ng taong nasa likod ng lahat ng ito, dahil nagawa nitong patawan ng malaking kaso ang kaniyang anak. Kahit walang warrant of arrest ay nagawa pa r
Read more
Chapter 50-Pagharap sa pamilya
Natuwa na sana si Lovely nang ibalita ng abogado na inurong na ang kaso laban sa kaniya. Makakalabas na rin siya pero nang marinig ang balita tungkol kay Shaina, muling nasira ang kaniyang araw."Ang kapal ng mukha niya! Nagawa niyang pakasaya kahapon, habang ako dito ay nagpakahirap?" nangigil na turan ni Lovely habang hinihilot ang binti at balikat. Pakiramdam niya ay ang pangit niya rin ngayon dahil sa kakaiyak kahapon."Huwag ka nang magalit at karma na ang maniningil sa babaeng iyon!"Napangiti si Lovely, at tama ang ina. Tiyak na galit na naman ang abuela nila dito. Pero naiinis pa rin siya sa kaalamang hindi na matatawag na bastardo ang mga anak nito. Gusto niya makilala kung sino ang ama ng kambal.Dumaan muna sina Matilda sa salon at nagpa spa ang anak. Nagkaroon din kasi ito ng eyebag. Mabuti na lang at hindi naibalita ang tungkol dito dahil ginawan ng paraan ng kaniyang asawa.Sa opisina, nabalitaan ni Travis na aalis si Shaina, mula kay Joseph. Ilang sandali pa ay si Jomar
Read more
PREV
1
...
34567
...
39
DMCA.com Protection Status