"My son.... Enzo... hmmm...," pilit na ibinubuka ni mommy ang bibig niya upang kausapin ako ngunit pinigilan ko siya agad. "Shhhh... okay lang mommy, huwag ka munang magsalita, hindi makakabuti sa iyong kalagayan," sabi ko pa. Ngumiti si mommy sa akin at pinisil rin ang kamay kong hawak niya. Awa ng Diyos matapos ang mahabang oras ng operasyon at ilang oras niyang pananatili sa recovery room ay naggising na rin si mommy. Matagumpay ang naging operasyon kay mommy. Mabuti na lang ay minor reconstruction lang ng heart niya ang ginawa sa kanyang puso. Inayos lang ang mga valves na bumura ng daluyan ng dugo sa kanyang puso na hindi na madadala sa gamutan ng tabletas at kapsula. "Mom, don't worry too much, ayos lang ako, ang intindihin mo ang magpaggaling, okay?," tumatango-tango siya sa akin at biglang tumulo ang luha mula sa kanyang mga mata. "Mom... naman please tatagan mo ang sarili mo... I love you, mom... please don't cry," sinikap kong hindi mapaiyak at mapiyok sa pagsubo
Last Updated : 2025-04-17 Read more